In order to have a money for her mother's surgery, Jillian made a deal with a devil. All she needs to do is to destroy the wedding of the infamous billionaire— Paxton Zimmerman. Natigil nga ang kasal ngunit ang hindi niya inaasahan ay siya ang ipinalit sa bride at ikinasal din sa araw na iyon mismo. Nagkaroon tuloy si Jillian ng instant husband. Matutunan ba nilang mahalin ang isa't-isa lalo na kapag malaman niya na may kinalaman pala ang asawa sa pagkamatay ng kanyang ama?
Lihat lebih banyak"Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak."Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling. Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya."Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."Nailing na lang
"Mag-iingat po kayo sa susunod, sir. Alagaan niyo nang mabuti ang asawa niyo dahil maselan ang pagbubuntis niya. Muntik nang malaglag ang bata. Mabuti na lang at mabilis niyo siyang naitakbo dito. Hangga't maaari ay iwasan niya ang mataas na emosyon katulad ng nangyari kanina."Tahimik lamang na nakikinig si Paxton sa doctor na sumuri kay Jillian. They almost lost their baby.. Nagpaalam din agad ang doctor matapos makausap ang binata. Umupo siya sa tabi ng natutulog na dalaga at marahan na pinisil ang kamay nito.He was in pain. Paano ba niya pakikiharapan ang dalaga kapag nagising ito? Natatakot siya na baka tumaas na naman ang emosyon nito kapag nakita siya. Ngunit hindi naman niya ito pwedeng iwan.Unti-unting bumukas ang mga mata ni Jillian at bigla siyang nataranta nang mapansin na nasa hospital siya.Hindi agad napansin ng dalaga si Paxton dahil ang unang pumasok sa isip niya ay ang baby niya."It's alright. O-Our baby is fine," sansala ni Paxton habang sinusubukan na alalayan
Parang nasisiraan ng ulo si Paxton matapos mabasa ang resulta ng imbestigasyon na ipinagawa niya. All this time.. All this time! Hindi gawain ni Paxton ang umiyak pero ng mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon— iyon ay ang humingi ng tawad kay Jillian.Mabilis niyang iniligpit ang papel. Tumingin si Paxton sa ama na nakaratay sa kama at nilapitan. "Forgive me, dad. I'm sorry for not listening to you before," aniya sa paos na boses. "Itatama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. That's a promise."Lumabas ng kwarto ang binata at nagmamadaling naglakad. He's heart was thumping so hard at para na iyong lalabas sa kanyang rib cage. He remembered now. The little girl who saved her when he was a child was Jillian. Some men tried to kidnapped him. He was all bloody and almost passed out from all the beatings he get but Jillian came in time to rescue him before it's too late. She risked her life for him. That incid
Samo't saring mga emosyon ang nararamdaman ni Jillian ng mga oras na iyon. Takot, pangamba at mumunting saya. Hinaplos niya ang kanyang impis na tiyan.Napaluha ang dalaga. Buntis siya. May munting buhay sa kanyang sinapupunan. She felt overwhelmed sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa bahay niya. Natatakot siya. Paano na lang kung muling may umatake sa kanya at mapahamak pa ang dinadala niya?Bumaba si Jillian upang kumuha ng malamig na tubig. Kailangan niya munang kumalma. Hindi pwedeng ganitong gulo-gulo ang isip niya. Sabado ngayon at mag-isa lang siya. Ngunit simula kahapon ay doble na ang security sa paligid ng buong bahay ni Paxton."Ma'am, pakikuha na lang po nito. Para raw kay sir Paxton," anang isang guard na papalapit sa nakabukas na pintuan.Kinuha niya ang inaabot nitong envelope. "Salamat po.""Walang anuman po, ma'am. Basta kung may kailangan po kayong ipabili sa labas ay sabihan niyo lang kami."Ngumiti lang si Jillian dito. Inilapag ni Jillian ang envelope sa ibabaw
Naningkit ang mga mata ni Lily nang Wala siyang nakuha na sagot galing kay Paxton. "Babe? Are you listening? I'm telling you now to file a divorce with that Jillian. Why don't we take this opportunity that your father is in coma? Wala nang hahadlang pa kung sakali."Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa ama na para bang natutuwa pa ito na nasa coma ito. Napansin naman iyon ni Lily at agad na niyakap ang binata at humingi ng tawad sa nanlalambing na boses. "I'm sorry, babe. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. I just want us to be together for real. Ako naman talaga dapat ang nasa posisyon ng Jillian na iyon. I should be your wife. Wala namang masama kung babawiin ko ang dapat ay para sa akin, hindi ba? Please? Should I contact now your attorney?" pagpupumilit pa ng dalaga.Hinilot ni Paxton ang kanyang sintido at muling hinarap ang sandamakmak na mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Ilang araw na rin siyang hindi
"W-What did you just say?" puno ng pagkagimbal ang boses ni Madison habang si Jillian naman ay hindi alam ang gagawin."She's my wife," pag-uulit nga ni Paxton."You're wife?!" bulalas na ni Madison. Hindi ito makapaniwala na tumingin kay Jillian. "Totoo ba ang sinabi ni Paxton? Mag-asawa kayo?!""H-Hindi," pagkakaila niya pero mabilis na siyang sinunggaban ni Madison at sinampal-sampal."Hayop ka! Kaya pala umiiwas ka sa akin dahil dito, malandi ka! I have a feeling that you're hiding something from me! Noon pa! How did you two ended up in marriage? I only told you to ruin Lily and Paxton's wedding! Not marry her!"Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa si Jillian na umaaray na sa sakit. "T-Tama na, please! Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na makasal sa kanya!" iyak ni Jillian habang pilit na kumakawala sa galit ni Madison."Ang sabihin mo ay gold digger ka lang talaga!"Tiim bagang na pinaghiwalay ni Paxton ang dalawang babae saka hinarap si Madison."So, it's yo
"Where did you go all day all night yesterday? Halos ipahalughog na kita pero ni anino mo ay hindi man lang makita!"Gaya ng sinabi ni Lance ay nakalabas na nga si Jillian ng hospital kinabukasan. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay ito ang uuwian niya. Buong akala ng dalaga ay wala si Paxton sa bahay pero heto at naabutan niyang galit na galit at nagbubuga ng apoy. Hindi tuloy niya alam ang gagawin at kung paano ipapaliwanag dito ang lahat ng mga nangyari kahapon. Bakit ba kasi ito nandito ngayon eh kadalasan ay sa hospital ito naglalagi? At ipinahanap daw siya nito? Baka nabingi lang siya."Damn it! Kinakausap kita! Tinatanong ko kung saan ka nagpunta kahapon! Answer me!" sigaw nito na kulang na lang ay sakalin siya sa matinding inis."M-May nangyari kasi sa bahay at kailangan kong puntahan—""And what? Nakalimutan mo nang umuwi at doon ka na natulog? Dito na ang bahay mo—"Natigilan si Paxton sa kakadaldal nang mahagip ng kanyang paningin ang malaking benda sa braso ng dalaga. Ku
Mahinang napadaing si Jillian nang magising kinabukasan. Sobrang sakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Madami ring mga pantal sa kanyang balat at ang iba ay nangingitim pa. Ngunit sa lahat ng iyon ay ang nasa pagitan ng hita niya talaga ang pinakamalala ang natamo. Kaunting galaw lang ay nananakit na.Paano naman kasi eh parang mabangis na halimaw si Paxton kagabi. Kulang na lang ay lapain siya ng buhay. Ganitong-ganito rin ang mga pangyayari noong nagising siya sa club noon. Ang pinagkaiba lang ay wala si Paxton sa tabi niya ngayon.Napabuntong hininga si Jillian at napapangiwi na pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba siya pumayag sa gusto nitong mangyari kagabi. Dahil ba natukso rin siya at gustong maramdaman ulit iyon? Kung noon ay wala siyang alaala noong unang gabi nila, ngayon naman ay halos naka-record sa kanyang isipan ang bawat eksena na nangyari kagabi.Gustong tumili ni Jillian. Ano na lang ang mukhang ihaharap niy
Ang buong kabahayan ay napuno ng tensyon dahil sa balitang gumalantang sa lahat. Hindi makatulog si Jillian pagkatapos nun at natitiyak niyang ganun din si Manang Glory at Abby. Sino naman ang magtatangka na ambush-in ang sasakyan ni Sir Hendrix? May mga kalaban ba ito? Dahil ba sa negosyo? Muling naalala ni Jillian na may balak nga pala itong tumakbo bilang politiko at malapit na nga ang pulitika. Iyon ba ang dahilan?Kinabukasan matapos ang trabaho ng dalaga ay nagpasya siyang dalawin si Hendrix sa hospital. Buong maghapon din na wala si Paxton. Hindi ito pumasok na naiintindihan ng lahat dahil nga kalat na nga sa lahat ng mga empleyado sa kompanya ang nangyari. Laman din ito ng mga balita.Nasa top floor ng building ng private hospital ang kwarto nito. Malayo pa si Jillian pero natanaw na niya ang ilang mga guard na nakabantay sa may pintuan. Meron ding mga nagkalat na mga pulis. Bigla tuloy napatigil si Jillian sa paglalakad at biglang mag-alangan kung itutuloy pa ba niya ang bal
"Bili na mga suki! Sariwang-sariwa ang mga isda! Fresh from the ocean!""Kamatis kayo diyan! Bagsak presyo na!""Ate, magkano po ang isang kilo nito?"Maingay. Malansa. Magulo.Ganun ang araw-araw na buhay ni Jillian sa palengke. Dapat ay nag-aaral pa siya pero dahil sa hirap ng buhay ay tumigil na siya at nagpasya na lang na tulungan ang ina niya sa paghahanap buhay.Hanggang third year college lang ang inabot niya sa kursong Business Management. Magtatapos na sana siya noong nakaraang taon ngunit heto siya at nagkikilo ng mga gulay na binibili ng mga mamimili. Wala naman siyang ibang pagpipilian. Kailangan ng ina niya ng makakasama dito sa pwesto dahil mahina na ang katawan nito. Kailangan nito ng katulong sa paglalako.Binalingan ni Jillian ang ina nang marinig ang pag-ubo nito. Kasalukuyan nitong pinaghihiwalay ang mga gulay na hindi na pwedeng ibenta pa.Kumuha siya ng mineral water at ibinigay dito. "Ako na diyan mamaya, ma. Umupo na lang kayo.""Kaya ko naman ito, anak. Hindi n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen