"Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak."Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling. Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya."Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."Nailing na lang
"Bili na mga suki! Sariwang-sariwa ang mga isda! Fresh from the ocean!""Kamatis kayo diyan! Bagsak presyo na!""Ate, magkano po ang isang kilo nito?"Maingay. Malansa. Magulo.Ganun ang araw-araw na buhay ni Jillian sa palengke. Dapat ay nag-aaral pa siya pero dahil sa hirap ng buhay ay tumigil na siya at nagpasya na lang na tulungan ang ina niya sa paghahanap buhay.Hanggang third year college lang ang inabot niya sa kursong Business Management. Magtatapos na sana siya noong nakaraang taon ngunit heto siya at nagkikilo ng mga gulay na binibili ng mga mamimili. Wala naman siyang ibang pagpipilian. Kailangan ng ina niya ng makakasama dito sa pwesto dahil mahina na ang katawan nito. Kailangan nito ng katulong sa paglalako.Binalingan ni Jillian ang ina nang marinig ang pag-ubo nito. Kasalukuyan nitong pinaghihiwalay ang mga gulay na hindi na pwedeng ibenta pa.Kumuha siya ng mineral water at ibinigay dito. "Ako na diyan mamaya, ma. Umupo na lang kayo.""Kaya ko naman ito, anak. Hindi n
"Natagalan ka ata sa pagbili kanina, Jillian," ani Carmela sa anak habang kumakain ang mga ito."Nagkwentuhan lang kami saglit ni Barbie, ma.""Si Barbie?" tanong ulit nito na siyang tinanguan lang niya."Alam kong mabait na bata si Barbie pero huwag na huwag mong tutularan ang trabahong meron siya. Gipit man tayo sa buhay pero hindi iyon sapat upang ipagbili mo ang dignidad mo," pangaral nito sa kanya."Nagkakaintindihan ba tayo, Jillian?" untag pa nito nang hindi agad siya sumagot."Opo, ma," sagot na lang niya. Ilang beses na niyang iniisip na subukan din niya ang magtrabaho sa club dahil gaya nga ng sinabi ni Barbie ay malaki ang kikitain doon. Gabi rin ang trabaho. Hindi maaapektuhan ang pagtulong niya sa palengke kapag nagkataon."Mabuti kung ganun, anak. Kahit kailan ay hinding-hindi mababayaran ng salapi ang dignidad ng isang tao. Lagi mo sanang tatandaan iyan."Tahimik na ipinagpatuloy ni Jillian ang pagkain. Ito ang laging pumipigil sa kanya na pumasok sa club. Sisingilin la
"Black Market?" pag-uulit ni Jillian.Tumango ito. "Iyon lang ang nakikita kong paraan upang makahanap ng agarang donor."Hindi agad nakakibo si Jillian. Black Market. Lugar kung saan talamak ang mga illegal na bentahan. Droga, mga baril, smuggled items. Lahat-lahat na mga walang permiso galing sa gobyerno ay nandoon na. Kaya ba niyang isangkot ang sarili sa ganung klaseng mundo?Kumuyom ang mga kamao niya at muling hinarap ang lalaki na mataman na nakatingin sa kanya. "May auction ba? Kailan ako pupunta?" puno ng determinasyon na tanong niya. Hindi dapat siya mag-alinlangan sa mga bagay na ganito. Buhay ng ina niya nang nakataya dito. Hindi na importante ang mag-alangan at magduda. Akala niya kanina ay wala ng pag-asa pero nandito ang doctor na ito na handang tumulong sa kanila."You don't need to go by yourself. Ako na ang bahala sa lahat. It's dangerous for you who don't know anything about illegal business to go there. I'll use my connections. I'l just update you in case na maka
"Ito ba ang sinasabi mo na kaibigan mo, Barbie? Aba'y maganda nga! Anong pangalan mo?" "Jillian po," sagot niya at tipid na ngumiti kay madam Lucille.Lumingkis sa kanya si Barbie. "Oh diba, momshie? Sabi ko na sa iyo na maganda siya."Tumango-tango si Madam Lucille. "Halika, upo ka. Madaming trabaho dito sa club. Ano ba ang gusto mo? Gusto mo bang i-table ka nila at makipaglandian sa mga customers? O di kaya ay dancer? Oo, dancer! Maganda ang hubog ng katawan mo. Gusto mo bang sumayaw? Gumiling-giling sa gitna ng stage at hahagisan ng lilibuhing pera? Ito ang suotin mo oh. Bagay ito—"Naiilang na inawat ni Jillian si Madam Lucille. Bahagya rin siyang napangiwi dahil sa agresibo nitong pananalita. "Waiter lang po, madam. Waiter po ang gusto kong pasukan," pagtatama niya dito.Biglang nawala ang malawak na pagkakangiti nito dahil sa sinabi niya. "Waiter? Oh eto ang suotin mo," anito saka basta na lang inihagis sa kanya ang isang piraso ng damit. "Ayusin mo yang trabaho mo ha? Ayaw ko
Nagising si Jillian dahil sa matinding sakit ng ulo. Napaungol pa siya habang sapo iyon. Ano ba ang nangyari? Bakit parang minartilyo ang ulo niya sa sobrang sakit nun? Nahihilo rin siya.Bumangon siya mula sa pagkakaupo dahilan ng pagkakatanggal ng malambot na kumot na nakatakip sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan at parang lumobo ang ulo niya sa tumambad sa kanya.Nakahubad siya! As in na walang damit ni isa! Hubot hubad!Oh my...Sisigaw na sana siya sa matinding pagkasindak nang may gumalaw sa tabi niya!Doon lang niya napansin ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kama kasama niya. Natutop niya ang bibig habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso.Sino ito? Sino ang lalaking ito?? At bakit sila magkasama sa iisang kama?!Dahil sa pagkakataranta ni Jillian ay nahulog siya sa kama. At mula sa sahig ay nakita niya doon ang mga damit niya na nagkalat. Naluluha siyang tumakbo papunta sa bathroom at doon nag-iiyak. Hindi siya tanga upang hindi maanalisa kung ano a
"Bakla ka! Saan ka ba nagpunta kagabi at bigla kang nawala? Hinintay pa naman kita upang sabay tayong umuwi." Bungad sa kanya ni Barbie nang maabutan niya ito sa may kanto. Kakauwi lang kasi niya galing sa pag-uusap nila ni doc Lance.Pagod siyang umupo sa tabi nitong bangko. Nunca niyang sasabihin dito ang nangyari sa kanya kagabi."Pasensya na. Umuwi kasi agad ako eh.""Hindi ka papasok ngayon?"Umiling si Jillian. "Pass muna ako ngayong gabi. Masama kasi ang pakiramdam ko."Hindi na nagkaroon pa ng lakas ng loob si Jillian na bumalik sa club. Natatakot siya na baka makita niya muli doon ang lalaki."Oo nga pala," anito saka nagkalkal sa dala na bag. "Eto, pinapaabot ni Madam Lucille. Bigay daw ng customer mo sa VIP kagabi."Kinuha niya ang makapal na sobre na inaabot ni Barbie sa kanya. "P-Pera?""Buksan mo kaya?"Tumambad nga kay Jillian ang isang makapal na bungkos ng malulutong na tig-iisang libo. Napalunok siya at tiningnan si Barbie na nakatingin sa kanya. "Para sa akin ito?"
Malakas na umalingawngaw ang tawa ni Madison sa loob ng sasakyan. Mariin lang na itinikom ni Jillian ang kanyang labi habang pinapanuod ito. Iniisip siguro nito na nagbibiro lang siya sa sinabing presyo. Masyadong bang malaki ang hinihingi niya? Kailangan ba niyang bawasan?Natatawang pinunasan nu Madison ang luha niyo saka nagsalita. "A hundred million? Sure then. We have a deal."Nagulat naman si Jillian dahil hindi niya inaasahan na papayag ito ng ganun-ganun lang. Hindi man lang ito humingi ng tawad o ano."Sigurado ka?" paniniyak pa niya. Ang kaibigan naman nito ay tahimik lang na nakikinig."Of course. Sa tingin mo bay ay wala akong ganung kalaking pera?" Tumaas ang kilay nito na para bang nainsulto."Hindi naman sa ganun..."Humalukipkip si Madison. "I will give you the money that you're asking pero ito ang tatandaan mo, kapag pumalpak ka sa ipinapatrabaho ko, sisingilin kita ng doble. Nagkakaintindihan ba tayo?"Napalunok si Jillian saka wala sa sarili na tumango.Hindi na imp
"Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak."Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling. Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya."Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."Nailing na lang
"Mag-iingat po kayo sa susunod, sir. Alagaan niyo nang mabuti ang asawa niyo dahil maselan ang pagbubuntis niya. Muntik nang malaglag ang bata. Mabuti na lang at mabilis niyo siyang naitakbo dito. Hangga't maaari ay iwasan niya ang mataas na emosyon katulad ng nangyari kanina."Tahimik lamang na nakikinig si Paxton sa doctor na sumuri kay Jillian. They almost lost their baby.. Nagpaalam din agad ang doctor matapos makausap ang binata. Umupo siya sa tabi ng natutulog na dalaga at marahan na pinisil ang kamay nito.He was in pain. Paano ba niya pakikiharapan ang dalaga kapag nagising ito? Natatakot siya na baka tumaas na naman ang emosyon nito kapag nakita siya. Ngunit hindi naman niya ito pwedeng iwan.Unti-unting bumukas ang mga mata ni Jillian at bigla siyang nataranta nang mapansin na nasa hospital siya.Hindi agad napansin ng dalaga si Paxton dahil ang unang pumasok sa isip niya ay ang baby niya."It's alright. O-Our baby is fine," sansala ni Paxton habang sinusubukan na alalayan
Parang nasisiraan ng ulo si Paxton matapos mabasa ang resulta ng imbestigasyon na ipinagawa niya. All this time.. All this time! Hindi gawain ni Paxton ang umiyak pero ng mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon— iyon ay ang humingi ng tawad kay Jillian.Mabilis niyang iniligpit ang papel. Tumingin si Paxton sa ama na nakaratay sa kama at nilapitan. "Forgive me, dad. I'm sorry for not listening to you before," aniya sa paos na boses. "Itatama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. That's a promise."Lumabas ng kwarto ang binata at nagmamadaling naglakad. He's heart was thumping so hard at para na iyong lalabas sa kanyang rib cage. He remembered now. The little girl who saved her when he was a child was Jillian. Some men tried to kidnapped him. He was all bloody and almost passed out from all the beatings he get but Jillian came in time to rescue him before it's too late. She risked her life for him. That incid
Samo't saring mga emosyon ang nararamdaman ni Jillian ng mga oras na iyon. Takot, pangamba at mumunting saya. Hinaplos niya ang kanyang impis na tiyan.Napaluha ang dalaga. Buntis siya. May munting buhay sa kanyang sinapupunan. She felt overwhelmed sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa bahay niya. Natatakot siya. Paano na lang kung muling may umatake sa kanya at mapahamak pa ang dinadala niya?Bumaba si Jillian upang kumuha ng malamig na tubig. Kailangan niya munang kumalma. Hindi pwedeng ganitong gulo-gulo ang isip niya. Sabado ngayon at mag-isa lang siya. Ngunit simula kahapon ay doble na ang security sa paligid ng buong bahay ni Paxton."Ma'am, pakikuha na lang po nito. Para raw kay sir Paxton," anang isang guard na papalapit sa nakabukas na pintuan.Kinuha niya ang inaabot nitong envelope. "Salamat po.""Walang anuman po, ma'am. Basta kung may kailangan po kayong ipabili sa labas ay sabihan niyo lang kami."Ngumiti lang si Jillian dito. Inilapag ni Jillian ang envelope sa ibabaw
Naningkit ang mga mata ni Lily nang Wala siyang nakuha na sagot galing kay Paxton. "Babe? Are you listening? I'm telling you now to file a divorce with that Jillian. Why don't we take this opportunity that your father is in coma? Wala nang hahadlang pa kung sakali."Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa ama na para bang natutuwa pa ito na nasa coma ito. Napansin naman iyon ni Lily at agad na niyakap ang binata at humingi ng tawad sa nanlalambing na boses. "I'm sorry, babe. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. I just want us to be together for real. Ako naman talaga dapat ang nasa posisyon ng Jillian na iyon. I should be your wife. Wala namang masama kung babawiin ko ang dapat ay para sa akin, hindi ba? Please? Should I contact now your attorney?" pagpupumilit pa ng dalaga.Hinilot ni Paxton ang kanyang sintido at muling hinarap ang sandamakmak na mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Ilang araw na rin siyang hindi
"W-What did you just say?" puno ng pagkagimbal ang boses ni Madison habang si Jillian naman ay hindi alam ang gagawin."She's my wife," pag-uulit nga ni Paxton."You're wife?!" bulalas na ni Madison. Hindi ito makapaniwala na tumingin kay Jillian. "Totoo ba ang sinabi ni Paxton? Mag-asawa kayo?!""H-Hindi," pagkakaila niya pero mabilis na siyang sinunggaban ni Madison at sinampal-sampal."Hayop ka! Kaya pala umiiwas ka sa akin dahil dito, malandi ka! I have a feeling that you're hiding something from me! Noon pa! How did you two ended up in marriage? I only told you to ruin Lily and Paxton's wedding! Not marry her!"Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa si Jillian na umaaray na sa sakit. "T-Tama na, please! Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na makasal sa kanya!" iyak ni Jillian habang pilit na kumakawala sa galit ni Madison."Ang sabihin mo ay gold digger ka lang talaga!"Tiim bagang na pinaghiwalay ni Paxton ang dalawang babae saka hinarap si Madison."So, it's yo
"Where did you go all day all night yesterday? Halos ipahalughog na kita pero ni anino mo ay hindi man lang makita!"Gaya ng sinabi ni Lance ay nakalabas na nga si Jillian ng hospital kinabukasan. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay ito ang uuwian niya. Buong akala ng dalaga ay wala si Paxton sa bahay pero heto at naabutan niyang galit na galit at nagbubuga ng apoy. Hindi tuloy niya alam ang gagawin at kung paano ipapaliwanag dito ang lahat ng mga nangyari kahapon. Bakit ba kasi ito nandito ngayon eh kadalasan ay sa hospital ito naglalagi? At ipinahanap daw siya nito? Baka nabingi lang siya."Damn it! Kinakausap kita! Tinatanong ko kung saan ka nagpunta kahapon! Answer me!" sigaw nito na kulang na lang ay sakalin siya sa matinding inis."M-May nangyari kasi sa bahay at kailangan kong puntahan—""And what? Nakalimutan mo nang umuwi at doon ka na natulog? Dito na ang bahay mo—"Natigilan si Paxton sa kakadaldal nang mahagip ng kanyang paningin ang malaking benda sa braso ng dalaga. Ku
Mahinang napadaing si Jillian nang magising kinabukasan. Sobrang sakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Madami ring mga pantal sa kanyang balat at ang iba ay nangingitim pa. Ngunit sa lahat ng iyon ay ang nasa pagitan ng hita niya talaga ang pinakamalala ang natamo. Kaunting galaw lang ay nananakit na.Paano naman kasi eh parang mabangis na halimaw si Paxton kagabi. Kulang na lang ay lapain siya ng buhay. Ganitong-ganito rin ang mga pangyayari noong nagising siya sa club noon. Ang pinagkaiba lang ay wala si Paxton sa tabi niya ngayon.Napabuntong hininga si Jillian at napapangiwi na pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba siya pumayag sa gusto nitong mangyari kagabi. Dahil ba natukso rin siya at gustong maramdaman ulit iyon? Kung noon ay wala siyang alaala noong unang gabi nila, ngayon naman ay halos naka-record sa kanyang isipan ang bawat eksena na nangyari kagabi.Gustong tumili ni Jillian. Ano na lang ang mukhang ihaharap niy
Ang buong kabahayan ay napuno ng tensyon dahil sa balitang gumalantang sa lahat. Hindi makatulog si Jillian pagkatapos nun at natitiyak niyang ganun din si Manang Glory at Abby. Sino naman ang magtatangka na ambush-in ang sasakyan ni Sir Hendrix? May mga kalaban ba ito? Dahil ba sa negosyo? Muling naalala ni Jillian na may balak nga pala itong tumakbo bilang politiko at malapit na nga ang pulitika. Iyon ba ang dahilan?Kinabukasan matapos ang trabaho ng dalaga ay nagpasya siyang dalawin si Hendrix sa hospital. Buong maghapon din na wala si Paxton. Hindi ito pumasok na naiintindihan ng lahat dahil nga kalat na nga sa lahat ng mga empleyado sa kompanya ang nangyari. Laman din ito ng mga balita.Nasa top floor ng building ng private hospital ang kwarto nito. Malayo pa si Jillian pero natanaw na niya ang ilang mga guard na nakabantay sa may pintuan. Meron ding mga nagkalat na mga pulis. Bigla tuloy napatigil si Jillian sa paglalakad at biglang mag-alangan kung itutuloy pa ba niya ang bal