"Bakla ka! Saan ka ba nagpunta kagabi at bigla kang nawala? Hinintay pa naman kita upang sabay tayong umuwi." Bungad sa kanya ni Barbie nang maabutan niya ito sa may kanto. Kakauwi lang kasi niya galing sa pag-uusap nila ni doc Lance.
Pagod siyang umupo sa tabi nitong bangko. Nunca niyang sasabihin dito ang nangyari sa kanya kagabi."Pasensya na. Umuwi kasi agad ako eh.""Hindi ka papasok ngayon?"Umiling si Jillian. "Pass muna ako ngayong gabi. Masama kasi ang pakiramdam ko."Hindi na nagkaroon pa ng lakas ng loob si Jillian na bumalik sa club. Natatakot siya na baka makita niya muli doon ang lalaki."Oo nga pala," anito saka nagkalkal sa dala na bag. "Eto, pinapaabot ni Madam Lucille. Bigay daw ng customer mo sa VIP kagabi."Kinuha niya ang makapal na sobre na inaabot ni Barbie sa kanya. "P-Pera?""Buksan mo kaya?"Tumambad nga kay Jillian ang isang makapal na bungkos ng malulutong na tig-iisang libo. Napalunok siya at tiningnan si Barbie na nakatingin sa kanya. "Para sa akin ito?""Oo nga. Bigay ng customer mo kagabi.""Wow," mahina niyang usal habang tinatantya ang pera na hawak niya."150k lahat iyan. Binilang ko na para sa iyo," hagikgik ng kaibigan niya. "Oh diba. Sinabi ko naman sa iyo na tiba-tiba ka kapag tinawag ka na doon sa itaas."Napangiti siya. "Salamat, Barbs.""Ay, bakit ka nagpapasalamat sa akin? Ganda mo iyan. Malaki iyan na puhunan."Hindi lubos akalain ni Jillian na bibigyan siya ni sir Zimmerman ng ganito kalaking tip dahil lang sa pakikipag-usap niya dito. Napailing siya. Iba talaga ang mga mayayaman.Malaking pera ang hawak niya pero barya lang ito sa laki ng halaga na kailangan niya. Saan ba siya kukuha ng instant na pera? Isangla kaya niya ang lupa at bahay nila sa bangko?Ganon nga ang ginawa niya kinabukasan. Hawak ang titulo at ilan pang mga legal na dokumento ay tumulak siya sa isang kilala at malaki na bangko upang magtanong.Nagtatalo pa ang isip niya kung tama ba itong gagawin niya."Miss. Pwede ba kitang makausap?"Binalingan ni Jillian ang lalaking bigla na lang na sumulpot sa gilid. Mabilis siyang lumayo sa lalaki at pinagmasdan ang suot at kabuoan nito. Para itong... butler. Mukha naman itong matino kaya kinausap niya ito."Bakit po?""Pwede ba kitang maimbintahan sa loob ng sasakyan namin? Gusto ka raw na makausap ni miss Madison.""Madison? Sino iyon?""Amo ko po."Sinundan ng tingin ni Jillian ang nakalahad na kamay ng lalaki sa nakaparadang mahabang sasakyan sa gilid ng kabilang daan. Ano nga ba ulit ang tawag sa ganong klase ng sasakyan? Limo? Limousine?Biglang bumukas ang bintana nito at iniluwa noon ang dalawang sosyal at magagandang babae. Seryoso na nakatingin sa kanya ang isa habang ang isa naman ay malawak ang pagkakangisi at kumakaway pa sa kanya.Binalingan ulit ni Jillian ang lalaki. "Bakit daw niya ako gustong makausap?"Weird. Anong kailangan ng mga sosyal na iyon sa maralitang tao na kagaya niya? May ipapatumba ba ang mga ito sa kanya?"May ipapagawa raw siya sa iyo kapalit ng malaking halaga."Literal na lumaki ang tenga niya sa narinig . Ito na ba ang sagot sa mga dasal niya?"Ano raw ang ipapagawa niya?" nagdududa niyang tanong."Hindi ko po alam. Mas mabuting siya po ang tanungin niyo."Hanggang sa namalayan na lang ni Jillian ang kanyang sarili sa loob ng magara at mamahalin na sasakyan. Amoy mayaman ang sasakyan na nahaluan ng mumunting amoy ng sigarilyo. Bahagyang madilim ang loob pero maliwanag pa rin niyang nakikita ang dalawang babae sa kabilang parte ng upuan.Nagkatitigan lang silang tatlo. Kinukwestyon tuloy ni Jillian ang sarili kung bakit ang dali niyang pumayag na sumama sa mga ito. Dahil ba sa matinding pangangailangan? Umuusad na ang sasakyan at hindi niya alam kung saan sila pupunta.Tumikhim ang babaeng may maikli na buhok, iyong kumakaway kanina sa kanya. Sobrang ganda ng mga ito sa malapitan. Ang kikinis ng mga balat. Halatang alagang-alaga ng mga ito ang katawan hindi tulad niya na ni pagsuklay man lang ng buhok ay hindi niya magawa.Sa mga pagkakataon na ito ay napapatanong talaga siya kung bakit hindi pantay-pantay ang mga tao. May mayaman, may mahirap. May sobrang yaman pero meron din namang sobrang naghihirap. Bakit ganun? Bakit hindi pantay ang mundo? Bakit kailangan nilang mamobrema sa kung ano ang kakainin nila sa sunod na araw? Bakit ang mga mahihirap pa ang nagkakasakit? Dahil ba samot sa pera? Hindi maalagaan ang sarili?Naputol sa pag-iisip si Jillian nang muling tumikhim ang babae."What is that?" turo nito sa envelope na nasa kandungan niya. "Mag-aaply ka ba ng trabaho?"Umiling siya. "Titulo ng bahay at lupa namin," diretso niyang sagot. Nakakaangat man sa buhay ang mga ito kaysa sa kanya pero hindi niya ipapakita na pwede siyang maliitin ng basta-basta lang."Huh? Saan mo yan dadalhin?" tanong pa nito kahit na alam niyang hindi naman talaga ito interesado. Bakit hindi na lang nito deretsuhin kung ano ba talaga ang pakay nito sa kanya? Ngunit kahit ganun ay sumagot pa rin siya."What? Isasangla mo ang bahay at lupa niyo? Saan mo ba panggagamitan ang pera?" kunwari ay concern pa nitong tanong.Kumunot na ang noo ni Jillian. "Bakit hindi niyo na lang sabihin kung ano ang kailangan niyo sa akin? Madami akong ginagawa at wala akong oras na makipagkwentuhan sa inyo," diretso niyang sinabi."She's right. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, Madison. Para kang tanga riyan sa ginagawa mo," segundo naman ng kasama nito.Malakas na humalakhak si Madison. Bagot lang ito na tiningnan ni Jillian. Iba talaga ang trip ng mga mayayaman."I like you," anito sa kanya habang kinakalma ang sarili. Maya-maya ay biglang sumeryoso na ang mukha nito. "Pero sana ay ganyan ka pa rin kaangas kapag sinabi ko kung ano ang ipapagawa ko sa iyo.""Ano ba kasi iyon?"Nagsalin ito ng alak sa baso at inalok siya pero agad niya iyong tinanggihan kaya ito na ang uminom doon."Kilala mo si Paxton?"Kumunot ang noo niya. "Sinong Paxton? Wala akong kilalang ganun. Bakit? Ipapatumba mo ba siya sa akin?"Humalakhak ulit si Madison na parang naaaliw sa mga pinagsasabi niya."No dear. Hindi ko siya ipapatumba," anito na tumatawa."Eh ano nga? Pwede bang diretsuhin mo na?" napipikon na niyang tanong.Binatukan naman ito ng kasama. "Umayos ka nga, Mads. Sabihin mo na kasi ang pakay mo.""Okay." Umayos ito ng upo. "You see, ikakasal na siya nitong mga susunod na araw. Pero ayaw ko na mangyari iyon. At dito ka na papasok. Gusto kong sirain mo ang kasal nila. Gawin mo ang lahat upang wasakin silang dalawa.""Iyon lang ba?" aniya. Oo at nagulat siya sa sinabi nito pero madali lang naman iyong gawin. Pupunta lang pala siya sa simbahan at sisigaw ng 'Itigil ang kasal!'. Mas madali iyon kaysa sa iniisip niyang papatayin niya ang Paxton na sinasabi nito.Tinaasan siya ng kilay ni Madison. "Kaya mo ba?""Oo naman. Ano ba ang mahirap doon?"Seryoso siyang tinitigan ni Madison. "You don't understand anything, do you? Since you don't know anything about Paxton, I will give you a little overview. He is the most influential bachelor in the country. Bilyon-bilyong business worth corporation ang nasa ilalim niya. Sobra siyang makapangyarihan na pwede ka niyang ipapatay din mismo sa araw na guluhin mo ang kasal niya. And heck, that bitch that he's about to marry came from a powerful family too. Sisirain mo ang kasal ng dalawang malaking personalidad. Now, sasabihin mo pa bang madali lang ang pinapagawa ko?"Dumaan ang mahabang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Mataman na tinitigan ni Madison si Jillian, tahimik na umaasa na hindi ito umayaw. Iilang tao lang ang hindi nakakakilala kay Paxton at isa na ang babae na kaharap niya. Tama lahat ang mga sinabi niya pero hindi pa iyon ang buong detalye. Ang iba nga, kapag marinig lang ang pangalan ni Paxton ay tumatakbo na palayo dahil alam ng lahat kung ano ang kaya nitong gawin. Kapag umayaw itong babaeng kaharap niya ay mahihirapan ulit siyang makahanap ng iba. Kailangan niya ito. Wala na siyang oras pa na maghanap ng bago.Hindi naman inaasahan ni Jillian na ganun pala kapanganib ang gagawin niya. Pero ito lang ang nakikita niyang solusyon sa problema sa pera. Mapupulot siya sa kangkunan kapag pinakawalan pa niya ito.Hays.. Bahala na!"Magkano ba ang ibabayad mo?" tanong niya kay Madison.Ngumisi ito ng malawak at kulang na lang ay magtatalon sa tuwa. "Name your price, honey."Tumaas ang kilay niya, hindi inaasahan ang naging sagot nito. Ngunit hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at taas noong nagsalita."100 million. Isang daang milyon kapalit ng kaligtasan at buhay ko."Malakas na umalingawngaw ang tawa ni Madison sa loob ng sasakyan. Mariin lang na itinikom ni Jillian ang kanyang labi habang pinapanuod ito. Iniisip siguro nito na nagbibiro lang siya sa sinabing presyo. Masyadong bang malaki ang hinihingi niya? Kailangan ba niyang bawasan?Natatawang pinunasan nu Madison ang luha niyo saka nagsalita. "A hundred million? Sure then. We have a deal."Nagulat naman si Jillian dahil hindi niya inaasahan na papayag ito ng ganun-ganun lang. Hindi man lang ito humingi ng tawad o ano."Sigurado ka?" paniniyak pa niya. Ang kaibigan naman nito ay tahimik lang na nakikinig."Of course. Sa tingin mo bay ay wala akong ganung kalaking pera?" Tumaas ang kilay nito na para bang nainsulto."Hindi naman sa ganun..."Humalukipkip si Madison. "I will give you the money that you're asking pero ito ang tatandaan mo, kapag pumalpak ka sa ipinapatrabaho ko, sisingilin kita ng doble. Nagkakaintindihan ba tayo?"Napalunok si Jillian saka wala sa sarili na tumango.Hindi na imp
Abot-abot ang kaba ni Jillian habang pauwi siya. Matapos ng pag-uusap nila ni Madison ay umalis ito agad dahil asikasuhin daw nito ang mga dadalhin sa pagpunta nila sa England. Sa hospital din agad ang diretso niya matapos nun habang bitbit ang pera upang ibigay kay doc Lance. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang itsura nito pagkakita sa ibinigay niya. Para itong imbestigador sa dami ng mga tinanong. Nagalit pa ito dahil hindi naman daw siya nito sinisingil at ito na ang bahala sa lahat. Ang ginawa na lang niya kanina ay tinakasan ito. Pero ang lokong doctor ay hinabol din siya! Ang labas tuloy ay naghabulan sila sa corridor ng hospital.Napailing si Jillian at huminga nang malalim upang kalmahin ang kanyang sarili. Mabuti na lang at wala siyang naabutan na tao sa kanilang bahay. Walang dapat makaalam kung saan siya pupunta ngayong gabi. Isa iyon sa mga kabilin-bilinan ni Madison kanina.Ang tanging bag lang na meron siya ay ang bag niya noong college siya. Matibay iyon dahil g
Matapos ang pagsigaw na iyon ni Jillian ay biglang tumahimik ang buong paligid. Yung tahimik na parang may dumaan na anghel na sinasabi ng karamihan.A-Anong nangyari?..Hindi na nakayanan pa ni Jillian ang nakakabingi na katahimikan kaya nagmulat na siya ng mga mata. Napalunok siya ng laway nang makitang nakatutok sa kanya ang mata ng lahat. Well.. ano pa nga bang inaasahan niya?"Excuse me but who are you?" mahinhin at malamyos ang boses na tanong sa kanya ng bride.Lumipad ang tingin ni Jillian dito at halos umawang ang kanyang mga labi nang mapagmasdan ito. Kulang ang salitang dyosa upang ilarawan kung gaano ito kaganda. Ang kulay tsokolate nitong buhok, ang malakrema nitong kutis.. saang planeta galing ang mga ganitong klaseng tao?Hindi namalayan ni Jillian na nahulog na siya sa ganda ng bride. Eh kung lalaki siya aba'y, talagang papakasalan niya rin ito! Saka lang siya natauhan nang may lalaking humawak sa braso niya at pilit siyang kinaladkad palabas ng cathedral."W-Wait.. W
Sa rest house ay nagtatalon naman si Madison sa labis na tuwa nang mula sa monitor na pinapanood nila ay makita ang paglabas ni Lily mula sa cathedral kung saan idinaos ang sariling kasal nito."Yes! Yes! We did it! Look at the face of that pathetic bitch!" nagsisigaw sa tuwa na wika ni Madison. Pati si Kylie na kasama nito ay napapangisi rin. Sumayaw-sayaw pa siya na agad naman na sinaway ng kanyang kaibigan. "Damn, Madison. Hindi ako makapaniwala na nagtagumpay si Jillian sa ipinagawa mo. Hindi nga natuloy ang kasal nila Paxton at Lily. Anong susunod mong plano? Tiyak na susuyuin iyon ni Paxton pagkatapos nito."Muling bumalik si Madison sa pagkakaupo at nagsindi ng sigarilyo. "Hinay-hinay lang, Kylie. May nakalahad na akong plano. Ngayon na nasira na ang relasyon ng dalawa, hindi ko hahayaan na magkakabalikan ulit sila. Just let me savor this moment."Kumuha pa ng wine si Madison at nag-inuman ang dalawa upang i-celebrate ang success ng operasyon nila.Nasa ganoon silang eksena n
Nagising si Jillian dahil sa naramdamang matinding lamig. Nakabukas na nga ang mga mata niya pero puro kadiliman ang kanyang nakikita. Mapait siyang napangiti nang maalala ang huling nangyari. Hinataw lang naman siya ng baril sa leeg. Ramdam pa niya ang kirot doon.Pinakiramdaman ni Jillian ang paligid lalo na ang kanyang katawan. May naririnig siyang paisa-isang mga patak ng tubig. At base na rin sa tunog ng pagbagsak nito, natitiyak niyang nasa basement siya o di kaya ay sa bodega o kwarto na walang kalaman-laman. Pero mas maganda siguro na sabihin na nasa torture room siya.Nakapiring ang mga mata niya. Mahigpit din na nakatali ang kanyang mga kamay at paa. Nakahandusay siya sa malamig na semento. Wala na ang mahaba niyang suot. Iniklian lang iyon at binawasan upang maramdaman niya ang lamig sa buong paligid. Ngunit kahit sa gitna ng kaawa-awa niyang itsura ay umusal pa rin siya ng pasasalamat nang maramdamang walang kakaiba sa kanyang katawan lalo na sa pagitan ng kanyang mga hi
Kulay kremang kisame ang unang nabungaran ni Jillian pagkamulat niya ng kanyang mga mata. Sobrang lambot din ng kama na kanyang kinalalagyan.Habang iginagala niya ang tingin sa paligid ng kwarto ay nagbalik sa kanyang alaala ang huling kaganapan sa kanyang buhay.May iilang benda sa kanyang katawan. Nangingitim na rin ang kanyang mga pasa.Napabuntong hininga siya. Mukhang dinalaw siya ng swerte kahapon. Kung tama nga ang narinig niya ay tiyak na nasa isang hotel room siya. Ayaw na niyang isipin kung bakit siya binuhay ni Paxton. Ang mahalaga ay humihinga pa siya.May mahinang kumatok sa pintuan kasabay ang pagbukas nun. At base sa suot na uniporme ng babae ay isa itong hotel attendant.Ngumiti ito. "I'm glad that you're already awake, miss. Your lunch is ready. Do you want me to serve it here in your room?""Ahm.. It's f-fine. I'll be outside in a bit," sagot niya at tipid itong nginitian.Tumango ito saka magalang na nagpaaalam. Huminga muna nang malalim si Jillian bago nagpasyang
Buong biyahe nila papunta sa bahay ni Paxton ay wala silang kibuan. Pareho silang nasa likod ng sasakyan at nasa tabi ng magkabilang bintana, malaki ang spasyo sa gitna na parang allergic sa isa't-isa.Madaling araw pa lang. Base sa oras na nakita niya kanina sa eroplano bago sila bumaba ay alas kwatro na ng madaling araw.Gusto sana agad niyang dumalaw sa hospital para tingnan na kung ano ang mga nangyayari doon habang wala siya. Halos tatlong araw din kasi siyang nawala. Kamusta kaya ang naging lakad ni doc Lance? Naipanalo ba nito ang auction? Susubukan na lang niya itong tawagan mamaya.Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ni Paxton o mas maganda siguro na sabihin na mansyon. As in na mansyon talaga dahil sobrang laki nito. Sobrang accessible din ng location ng bahay nito dahil nasa gitna talaga ito ng syudad. Medyo may kalayuan nga lang mula dito hanggang sa kanilang bahay.Mariin na itinikom ni Jillian ang bibig nang walang salitang bumaba ng sasakyan si Paxton. Sumuno
"Miss. Miss," aligaga na tawag ni Jillian sa babaeng nakatalaga doon na nakaharap sa computer."Yes? What can I do for you ma'am?" anito at hinarap siya.Lumunok si Jillian upang mawala ang kung ano mang nakabara sa kanyang lalamunan. "Y-Yung pasyente sa monitoring room.. Yung dating pasyente doon, nasaan na po siya?" kinakabahan niyang tanong."Ah. Yung babae?" anito dahil lalaki kasi ang pumalit sa kwartong iyon."O-Opo.""Anong pangalan?" tanong pa nito habang nakaharap na muli sa monitor. "Carmela Gonzales po."Tumango-tango ito. "Sandali lang ha at titingnan ko ang mga records dito. May iilan na kasing pumanaw na mga pasyente nitong mga nakaraang araw."Pinunasan ni Jillian ang kanyang noo. Bakit kailangan pa nitong sabihin iyon? Ano ang gusto nitong iparating?"Carmela Gonzales..." bulong nito habang nakatingin pa rin sa screen. Biglang sumeryoso ang mukha ng babae maya-maya. "Ah. I see."Tiningnan siya nito sa mga mata at kulang na lang ay mahimatay sa kaba si Jillian sa kahi
"Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak."Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling. Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya."Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."Nailing na lang
"Mag-iingat po kayo sa susunod, sir. Alagaan niyo nang mabuti ang asawa niyo dahil maselan ang pagbubuntis niya. Muntik nang malaglag ang bata. Mabuti na lang at mabilis niyo siyang naitakbo dito. Hangga't maaari ay iwasan niya ang mataas na emosyon katulad ng nangyari kanina."Tahimik lamang na nakikinig si Paxton sa doctor na sumuri kay Jillian. They almost lost their baby.. Nagpaalam din agad ang doctor matapos makausap ang binata. Umupo siya sa tabi ng natutulog na dalaga at marahan na pinisil ang kamay nito.He was in pain. Paano ba niya pakikiharapan ang dalaga kapag nagising ito? Natatakot siya na baka tumaas na naman ang emosyon nito kapag nakita siya. Ngunit hindi naman niya ito pwedeng iwan.Unti-unting bumukas ang mga mata ni Jillian at bigla siyang nataranta nang mapansin na nasa hospital siya.Hindi agad napansin ng dalaga si Paxton dahil ang unang pumasok sa isip niya ay ang baby niya."It's alright. O-Our baby is fine," sansala ni Paxton habang sinusubukan na alalayan
Parang nasisiraan ng ulo si Paxton matapos mabasa ang resulta ng imbestigasyon na ipinagawa niya. All this time.. All this time! Hindi gawain ni Paxton ang umiyak pero ng mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon— iyon ay ang humingi ng tawad kay Jillian.Mabilis niyang iniligpit ang papel. Tumingin si Paxton sa ama na nakaratay sa kama at nilapitan. "Forgive me, dad. I'm sorry for not listening to you before," aniya sa paos na boses. "Itatama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. That's a promise."Lumabas ng kwarto ang binata at nagmamadaling naglakad. He's heart was thumping so hard at para na iyong lalabas sa kanyang rib cage. He remembered now. The little girl who saved her when he was a child was Jillian. Some men tried to kidnapped him. He was all bloody and almost passed out from all the beatings he get but Jillian came in time to rescue him before it's too late. She risked her life for him. That incid
Samo't saring mga emosyon ang nararamdaman ni Jillian ng mga oras na iyon. Takot, pangamba at mumunting saya. Hinaplos niya ang kanyang impis na tiyan.Napaluha ang dalaga. Buntis siya. May munting buhay sa kanyang sinapupunan. She felt overwhelmed sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa bahay niya. Natatakot siya. Paano na lang kung muling may umatake sa kanya at mapahamak pa ang dinadala niya?Bumaba si Jillian upang kumuha ng malamig na tubig. Kailangan niya munang kumalma. Hindi pwedeng ganitong gulo-gulo ang isip niya. Sabado ngayon at mag-isa lang siya. Ngunit simula kahapon ay doble na ang security sa paligid ng buong bahay ni Paxton."Ma'am, pakikuha na lang po nito. Para raw kay sir Paxton," anang isang guard na papalapit sa nakabukas na pintuan.Kinuha niya ang inaabot nitong envelope. "Salamat po.""Walang anuman po, ma'am. Basta kung may kailangan po kayong ipabili sa labas ay sabihan niyo lang kami."Ngumiti lang si Jillian dito. Inilapag ni Jillian ang envelope sa ibabaw
Naningkit ang mga mata ni Lily nang Wala siyang nakuha na sagot galing kay Paxton. "Babe? Are you listening? I'm telling you now to file a divorce with that Jillian. Why don't we take this opportunity that your father is in coma? Wala nang hahadlang pa kung sakali."Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa ama na para bang natutuwa pa ito na nasa coma ito. Napansin naman iyon ni Lily at agad na niyakap ang binata at humingi ng tawad sa nanlalambing na boses. "I'm sorry, babe. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. I just want us to be together for real. Ako naman talaga dapat ang nasa posisyon ng Jillian na iyon. I should be your wife. Wala namang masama kung babawiin ko ang dapat ay para sa akin, hindi ba? Please? Should I contact now your attorney?" pagpupumilit pa ng dalaga.Hinilot ni Paxton ang kanyang sintido at muling hinarap ang sandamakmak na mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Ilang araw na rin siyang hindi
"W-What did you just say?" puno ng pagkagimbal ang boses ni Madison habang si Jillian naman ay hindi alam ang gagawin."She's my wife," pag-uulit nga ni Paxton."You're wife?!" bulalas na ni Madison. Hindi ito makapaniwala na tumingin kay Jillian. "Totoo ba ang sinabi ni Paxton? Mag-asawa kayo?!""H-Hindi," pagkakaila niya pero mabilis na siyang sinunggaban ni Madison at sinampal-sampal."Hayop ka! Kaya pala umiiwas ka sa akin dahil dito, malandi ka! I have a feeling that you're hiding something from me! Noon pa! How did you two ended up in marriage? I only told you to ruin Lily and Paxton's wedding! Not marry her!"Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa si Jillian na umaaray na sa sakit. "T-Tama na, please! Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na makasal sa kanya!" iyak ni Jillian habang pilit na kumakawala sa galit ni Madison."Ang sabihin mo ay gold digger ka lang talaga!"Tiim bagang na pinaghiwalay ni Paxton ang dalawang babae saka hinarap si Madison."So, it's yo
"Where did you go all day all night yesterday? Halos ipahalughog na kita pero ni anino mo ay hindi man lang makita!"Gaya ng sinabi ni Lance ay nakalabas na nga si Jillian ng hospital kinabukasan. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay ito ang uuwian niya. Buong akala ng dalaga ay wala si Paxton sa bahay pero heto at naabutan niyang galit na galit at nagbubuga ng apoy. Hindi tuloy niya alam ang gagawin at kung paano ipapaliwanag dito ang lahat ng mga nangyari kahapon. Bakit ba kasi ito nandito ngayon eh kadalasan ay sa hospital ito naglalagi? At ipinahanap daw siya nito? Baka nabingi lang siya."Damn it! Kinakausap kita! Tinatanong ko kung saan ka nagpunta kahapon! Answer me!" sigaw nito na kulang na lang ay sakalin siya sa matinding inis."M-May nangyari kasi sa bahay at kailangan kong puntahan—""And what? Nakalimutan mo nang umuwi at doon ka na natulog? Dito na ang bahay mo—"Natigilan si Paxton sa kakadaldal nang mahagip ng kanyang paningin ang malaking benda sa braso ng dalaga. Ku
Mahinang napadaing si Jillian nang magising kinabukasan. Sobrang sakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Madami ring mga pantal sa kanyang balat at ang iba ay nangingitim pa. Ngunit sa lahat ng iyon ay ang nasa pagitan ng hita niya talaga ang pinakamalala ang natamo. Kaunting galaw lang ay nananakit na.Paano naman kasi eh parang mabangis na halimaw si Paxton kagabi. Kulang na lang ay lapain siya ng buhay. Ganitong-ganito rin ang mga pangyayari noong nagising siya sa club noon. Ang pinagkaiba lang ay wala si Paxton sa tabi niya ngayon.Napabuntong hininga si Jillian at napapangiwi na pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba siya pumayag sa gusto nitong mangyari kagabi. Dahil ba natukso rin siya at gustong maramdaman ulit iyon? Kung noon ay wala siyang alaala noong unang gabi nila, ngayon naman ay halos naka-record sa kanyang isipan ang bawat eksena na nangyari kagabi.Gustong tumili ni Jillian. Ano na lang ang mukhang ihaharap niy
Ang buong kabahayan ay napuno ng tensyon dahil sa balitang gumalantang sa lahat. Hindi makatulog si Jillian pagkatapos nun at natitiyak niyang ganun din si Manang Glory at Abby. Sino naman ang magtatangka na ambush-in ang sasakyan ni Sir Hendrix? May mga kalaban ba ito? Dahil ba sa negosyo? Muling naalala ni Jillian na may balak nga pala itong tumakbo bilang politiko at malapit na nga ang pulitika. Iyon ba ang dahilan?Kinabukasan matapos ang trabaho ng dalaga ay nagpasya siyang dalawin si Hendrix sa hospital. Buong maghapon din na wala si Paxton. Hindi ito pumasok na naiintindihan ng lahat dahil nga kalat na nga sa lahat ng mga empleyado sa kompanya ang nangyari. Laman din ito ng mga balita.Nasa top floor ng building ng private hospital ang kwarto nito. Malayo pa si Jillian pero natanaw na niya ang ilang mga guard na nakabantay sa may pintuan. Meron ding mga nagkalat na mga pulis. Bigla tuloy napatigil si Jillian sa paglalakad at biglang mag-alangan kung itutuloy pa ba niya ang bal