Nagising si Jillian dahil sa matinding sakit ng ulo. Napaungol pa siya habang sapo iyon.
Ano ba ang nangyari? Bakit parang minartilyo ang ulo niya sa sobrang sakit nun? Nahihilo rin siya.Bumangon siya mula sa pagkakaupo dahilan ng pagkakatanggal ng malambot na kumot na nakatakip sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan at parang lumobo ang ulo niya sa tumambad sa kanya.N*******d siya! As in na walang damit ni isa! Hubot hubad!Oh my...Sisigaw na sana siya sa matinding pagkasindak nang may gumalaw sa tabi niya!Doon lang niya napansin ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kama kasama niya. Natutop niya ang bibig habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso.Sino ito? Sino ang lalaking ito?? At bakit sila magkasama sa iisang kama?!Dahil sa pagkakataranta ni Jillian ay nahulog siya sa kama. At mula sa sahig ay nakita niya doon ang mga damit niya na nagkalat. Naluluha siyang tumakbo papunta sa bathroom at doon nag-iiyak. Hindi siya tanga upang hindi maanalisa kung ano ang possibleng nangyari. Tumingin siya sa salamin. Tadtad ng chikinini ang buo niyang katawan, may mga bakas din ng ngipin sa kanyang balat na para bang nanggigigil sa kanya ang lalaki kagabi.Napaupo siya sa inidoro habang sapo ang mukha at umiiyak. Makirot ang pagitan ng kanyang mga hita na lalong nagpatibay na wala na ang pagkabirhen niya.Paano iyon nangyari? Ang huli niyang naaalala ay masaya silang nagkukwentuhan ni Mr. Zimmerman at nagpaalam siya upang mag-cr. Tapos may lalaking humila sa kanya sa loob ng kwarto. Tapos... tapos..Marahas na pinunasan ni Jillian ang kanyang mga luha at madaling nagbihis. Walang silbi na nag-iiyak pa siya. Tapos na. Wala na siyang magagawa pa dahil hindi na niya maibabalik pa ang nakaraaan.Hinablot ni Jillian ang nakitang malaking jacket na pakalat-kalat sa sahig. At habang isinusuot iyon ay hindi niya maiwasan na pagmasdan ang lalaki sa gitna ng kama. Nakadapa ito at kitang-kita ng mga nanlalaki niyang mga mata ang matambok nitong pwet! Sobrang tangos ng ilong, mapula na labi at sobrang haba ng mga pilik mata...Tangina! Sino ang nilalang na ito? Kampon ba ito ni Adonis? Ang swerte naman niya na nakasama niya ito sa isang gabi!Umiling si Jillian at sinapak ang sarili. Gwapo nga ang hudas pero hindi siya natutuwa sa nangyari. Sana lang ay hindi siya mabuntis. Madami na siyang problema na kinakaharap at ayaw niyang madagdagan pa iyon. Gusto niyang magkaanak pero hindi pa muna sa ngayon.Lumabas na siya sa kwarto at gaya nga ng inaasahan niya ay nasa club pa siya. Magtatanghali na ayon sa nakita niyang orasan sa may dingding. Mga nagpapraktis ng sayaw ang naabutan niya sa ibaba. Ang iba ay nginisihan siya habang ang ilan naman ay tinaasan siya ng kilay.Hindi niya alam kung babalik pa ba siya dito mamayang gabi... ***"Saan ka nanggaling? Buong gabi kang wala ah! Kung saan-saan na kita hinanap pero ni anino mo ay hindi ko makita!" Iyon ang bungad sa kanya ng kuya Ruben niya nang makauwi siya."Naghanap ako ng pera. Wala naman akong ibang aasahan sa mga bayarin sa hospital," sagot niya at nilagpasan ang kapatid."Nagtrabaho sa gabi? Nagpapaka p****k ka na 'no? Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko?" ngisi ni Mara habang nagpapa pedicure ito sa kanilang kapit bahay."Anong sinabi mo?" Nanliit ang mga mata niya na binalingan ang babae.Hinablot naman ng kuya Ruben niya ang kanyang braso at iniharap siya dito. Galit ang anyo nito."Magtapat ka nga sa akin, Jillian. Saan ka ba talaga nanggaling? At bakit ganyan ang suot mo? Jacket ng lalaki yan ah?"Humalakhak si Mara. "Naku Ruben. Ang dapat mong tinatanong ay kung magkano ang kinita niya kagabi. Mukhang nakatsamba ang kapatid mo. Tingnan mo naman ang jacket na suot. Halatang mamahalin!" Nang-uuyam pa itong tumawa.Ipiniksi ni Jillian ang kamay ng kuya Ruben niya na nakahawak sa braso niya saka hinarap si Mara."Pwede ba? Huwag na huwag mo akong itutulad sa sarili mo na kung sino-sinong mga lalaki na lang ang tumitikim sa iyo. Hindi ka na nahiya kay kuya Ruben na nagpapakain sa iyo."Kitang-kita niya kung paano pumula sa inis ang mukha ni Mara dahil sa sinabi niya. "Anong sinabi mo??""Bingi ka ba o baka gusto mo ulit na marinig ang katotohanan?" Taas kilay niyang tanong dito."Jillian!" saway ng kuya Ruben niya kaya bago pa ulit siya makarinig ng kung anu-ano ay pumasok na siya sa kanyang kwarto at nagkulong.Tinangggal niya ang suot na jacket at basta na lang iyon itinapon sa kung saan. Paghiga niya sa kanyang kama ay doon niya naramdaman ang sakit sa buong katawan. Magpapahinga na muna siguro siya bago dumalaw sa hospital. ***Kasalukuyan na nakatitig si Jillian sa kanyang ina na nakaratay sa kama nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makitang si Doc Lance ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot. Ilang araw din itong nawala at ngayon lang nagparamdam."Hello, doc," sagot niya."Where are you? Libre ka ba ngayon? May importante akong sasabihin sa iyo.""Oo. Nasa hospital ako. Pupunta ka ba dito?""Just meet me at the Lake restaurant. Doon na lang tayo magkita."Matapos ang tawag ay agad na pinuntahan ni Jillian ang nasabing restaurant. Malamang na tungkol ito sa paghahanap nito ng heart donor.Agad nga niyang namataan si Lance. Mag-isa ito sa mesa at nakatulala, malayo ang tanaw na parang malalim ang iniisip."Doc Lance," pukaw niya."Oh, Jillian. Maupo ka," anito at umayos ng upo."Bakit niyo ako pinatawag dito? May update na ba tungkol sa donor?" tanong niya pagkaupo.Tumango ito. "May auction na magaganap bukas ng gabi. Ako mismo ang pupunta doon para masiguro na tayo ang makakakuha nun."Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Jillian sa narinig. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangiti. "Magkano kaya?" wala sa sarili niyang tanong."10 million is the starting bid."Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata niya sa halaga na binanggit ni Lance. 10 million? Saan naman siya kukuha ng gaanong kalaking pera??"At pwede pa iyong tumaas depende sa kung gaano ito ka-in demand," dagdag pa ni Lance.Gustong panghinaan ng loob si Jillian pero agad niya iyong sinupil. Dapat ay maging masaya siya dahil sa magaganap na auction. Isang beses lang na dumating ang ganitong pagkakataon kaya hindi niya dapat ito palampasin. Kung pera lang ang kailangan then gagawa siya ng paraan."But you don't need to worry about the money. Ako na ang bahala, Jillian."Lumipad ang tingin niya kay Lance at seryoso itong tinitigan. Hindi niya talaga alam kung ano ang niluluto nito. Tinanggap lang niya ang mga tulong nito dahil sobrang kailangan niya. Nagpapasalamat siya pero ayaw na niyang madagdagan pa ang mga utang dito. Natatakot siya na baka maningil ito sa ibang paraan balang araw.Tumango na lang siya dito at tipid na ngumiti. "Salamat, doc Lance. Babayaran ko rin ang mga nagatos mo.""Hindi na kailangan pa. Kumain ka na ba?" pag-iiba nito ng usapan.Umiling siya sa una nitong sinabi. Sa ngayon ay walang ibang paraan kundi umasa dito. Pero habang nasa auction ito ay maghahanap din siya ng instant money.Napaisip siya. Magkano na kaya ang isang kidney ngayon? ***"Nababaliw ka na ba, Madison? Alam mo ba kung sino ang binabangga mo? Hindi mo siya pwedeng kalabanin!" pangaral ni Kylie sa kaibigan.Inis na inginudngod ni Madison ang kanyang sigarilyo sa ashtray. "But I can't just let that Lily to marry Paxton! Tiyak na pagtatawanan niya ako! Hinding ako papayag na ako ang matalo sa aming dalawa!""Alam mo namang talo ka na, Mads. Si Lily ang mahal niya, hindi ikaw. Siya nga ang papakasalan diba?"Muling kumuha ng isang stick si Madison at sinindihan iyon. Pareho silang modelo ni Lily at mortal niya itong kaaway. Mainit ang dugo nila sa isa't-isa at lalong tumindi ang galit niya sa babae nang malaman na boyfriend na pala nito si Paxton, ang ex niya. Ito ang lalaking tanging minahal niya na kahit na hiwalay na sila ay hindi pa rin siya nakaka-move on dito!Tapos ngayon ay malalaman niya na ikakasal na pala ang mga ito? Impakta ang babaeng iyon na nagpapanggap lang na santa! Madami na itong nabiktima dahil sa balat-kayo nito. Muntik na ngang magpakamatay noon ang kapatid niya dahil bigla na lang itong iniwan ng babaeng iyon. Kaya hindi siya papayag na maging masaya ito. Kailangan nitong magbayad. Hindi na ito dahil kay Paxton. Ginagawa niya ito para sa ikakasiya ng sarili niya."Nakikinig ka ba?" sikmat sa kanya ni Kylie."Hindi," sagot niya at nagbuga ng usok.Nasapo ni Kylie ang ulo dahil sa katigasan ng ulo ng kaibigan. "Sa tingin mo ba ay may magagawa ka upang pigilan ang kasal nila?"Nagsalubong ang mga kilay ni Madison. "Are you underestimating me?"Humalukipkip si Kylie. "Bakit? May Plano ka na ba?""Of course I have. Sa tingin mo ba ay gagawin ko ito kung wala akong plano?""Eh ano nga?"Inilahad ni Madison ang kanina pa tumatakbo sa isip niya. It will be risky kung siya mismo ang lalantad upang pigilan ang kasal. Kailangan niyang mag-hire ng tao na gagawa nito."At sino naman ang papayag sa gusto mong mangyari?!" bulalas ni Kylie. "Kilala ng lahat si Paxton. He is deadly. He is an evil billionaire at lahat ng kumalaban sa kanya ay nababaon sa hukay! Sinong matinong tao ang papayag sa gusto mong mangyari?!""Pwede ba? Bakit ba stress na stress ka eh hindi naman kita idadamay dito?""I'm just concern! Hindi na ba ako pwedeng mag-alala?"Umiling si Madison. "Hindi mo na mababago pa ang desisyon ko, Kylie."Napabuntong hininga na lang si Kylie dahil wala na siyang magagawa pa kapag nakapagdesisyon na ang kaibigan."What now? Saan ka naman kukuha ng baliw na papayag sa plano mo?"Tumigil ang limousine na kinasasakyan nila dahil sa traffic. At mula sa gilid ng daan ay natanaw ni Madison si Jillian na parang wala sa sariling naglalakad. Lalo pa siyang napangisi nang makita ang mukha ng dalaga."Madali lang. Ang kailangan lang natin ay isang desperadong tao.""Bakla ka! Saan ka ba nagpunta kagabi at bigla kang nawala? Hinintay pa naman kita upang sabay tayong umuwi." Bungad sa kanya ni Barbie nang maabutan niya ito sa may kanto. Kakauwi lang kasi niya galing sa pag-uusap nila ni doc Lance.Pagod siyang umupo sa tabi nitong bangko. Nunca niyang sasabihin dito ang nangyari sa kanya kagabi."Pasensya na. Umuwi kasi agad ako eh.""Hindi ka papasok ngayon?"Umiling si Jillian. "Pass muna ako ngayong gabi. Masama kasi ang pakiramdam ko."Hindi na nagkaroon pa ng lakas ng loob si Jillian na bumalik sa club. Natatakot siya na baka makita niya muli doon ang lalaki."Oo nga pala," anito saka nagkalkal sa dala na bag. "Eto, pinapaabot ni Madam Lucille. Bigay daw ng customer mo sa VIP kagabi."Kinuha niya ang makapal na sobre na inaabot ni Barbie sa kanya. "P-Pera?""Buksan mo kaya?"Tumambad nga kay Jillian ang isang makapal na bungkos ng malulutong na tig-iisang libo. Napalunok siya at tiningnan si Barbie na nakatingin sa kanya. "Para sa akin ito?"
Malakas na umalingawngaw ang tawa ni Madison sa loob ng sasakyan. Mariin lang na itinikom ni Jillian ang kanyang labi habang pinapanuod ito. Iniisip siguro nito na nagbibiro lang siya sa sinabing presyo. Masyadong bang malaki ang hinihingi niya? Kailangan ba niyang bawasan?Natatawang pinunasan nu Madison ang luha niyo saka nagsalita. "A hundred million? Sure then. We have a deal."Nagulat naman si Jillian dahil hindi niya inaasahan na papayag ito ng ganun-ganun lang. Hindi man lang ito humingi ng tawad o ano."Sigurado ka?" paniniyak pa niya. Ang kaibigan naman nito ay tahimik lang na nakikinig."Of course. Sa tingin mo bay ay wala akong ganung kalaking pera?" Tumaas ang kilay nito na para bang nainsulto."Hindi naman sa ganun..."Humalukipkip si Madison. "I will give you the money that you're asking pero ito ang tatandaan mo, kapag pumalpak ka sa ipinapatrabaho ko, sisingilin kita ng doble. Nagkakaintindihan ba tayo?"Napalunok si Jillian saka wala sa sarili na tumango.Hindi na imp
Abot-abot ang kaba ni Jillian habang pauwi siya. Matapos ng pag-uusap nila ni Madison ay umalis ito agad dahil asikasuhin daw nito ang mga dadalhin sa pagpunta nila sa England. Sa hospital din agad ang diretso niya matapos nun habang bitbit ang pera upang ibigay kay doc Lance. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang itsura nito pagkakita sa ibinigay niya. Para itong imbestigador sa dami ng mga tinanong. Nagalit pa ito dahil hindi naman daw siya nito sinisingil at ito na ang bahala sa lahat. Ang ginawa na lang niya kanina ay tinakasan ito. Pero ang lokong doctor ay hinabol din siya! Ang labas tuloy ay naghabulan sila sa corridor ng hospital.Napailing si Jillian at huminga nang malalim upang kalmahin ang kanyang sarili. Mabuti na lang at wala siyang naabutan na tao sa kanilang bahay. Walang dapat makaalam kung saan siya pupunta ngayong gabi. Isa iyon sa mga kabilin-bilinan ni Madison kanina.Ang tanging bag lang na meron siya ay ang bag niya noong college siya. Matibay iyon dahil g
Matapos ang pagsigaw na iyon ni Jillian ay biglang tumahimik ang buong paligid. Yung tahimik na parang may dumaan na anghel na sinasabi ng karamihan.A-Anong nangyari?..Hindi na nakayanan pa ni Jillian ang nakakabingi na katahimikan kaya nagmulat na siya ng mga mata. Napalunok siya ng laway nang makitang nakatutok sa kanya ang mata ng lahat. Well.. ano pa nga bang inaasahan niya?"Excuse me but who are you?" mahinhin at malamyos ang boses na tanong sa kanya ng bride.Lumipad ang tingin ni Jillian dito at halos umawang ang kanyang mga labi nang mapagmasdan ito. Kulang ang salitang dyosa upang ilarawan kung gaano ito kaganda. Ang kulay tsokolate nitong buhok, ang malakrema nitong kutis.. saang planeta galing ang mga ganitong klaseng tao?Hindi namalayan ni Jillian na nahulog na siya sa ganda ng bride. Eh kung lalaki siya aba'y, talagang papakasalan niya rin ito! Saka lang siya natauhan nang may lalaking humawak sa braso niya at pilit siyang kinaladkad palabas ng cathedral."W-Wait.. W
Sa rest house ay nagtatalon naman si Madison sa labis na tuwa nang mula sa monitor na pinapanood nila ay makita ang paglabas ni Lily mula sa cathedral kung saan idinaos ang sariling kasal nito."Yes! Yes! We did it! Look at the face of that pathetic bitch!" nagsisigaw sa tuwa na wika ni Madison. Pati si Kylie na kasama nito ay napapangisi rin. Sumayaw-sayaw pa siya na agad naman na sinaway ng kanyang kaibigan. "Damn, Madison. Hindi ako makapaniwala na nagtagumpay si Jillian sa ipinagawa mo. Hindi nga natuloy ang kasal nila Paxton at Lily. Anong susunod mong plano? Tiyak na susuyuin iyon ni Paxton pagkatapos nito."Muling bumalik si Madison sa pagkakaupo at nagsindi ng sigarilyo. "Hinay-hinay lang, Kylie. May nakalahad na akong plano. Ngayon na nasira na ang relasyon ng dalawa, hindi ko hahayaan na magkakabalikan ulit sila. Just let me savor this moment."Kumuha pa ng wine si Madison at nag-inuman ang dalawa upang i-celebrate ang success ng operasyon nila.Nasa ganoon silang eksena n
Nagising si Jillian dahil sa naramdamang matinding lamig. Nakabukas na nga ang mga mata niya pero puro kadiliman ang kanyang nakikita. Mapait siyang napangiti nang maalala ang huling nangyari. Hinataw lang naman siya ng baril sa leeg. Ramdam pa niya ang kirot doon.Pinakiramdaman ni Jillian ang paligid lalo na ang kanyang katawan. May naririnig siyang paisa-isang mga patak ng tubig. At base na rin sa tunog ng pagbagsak nito, natitiyak niyang nasa basement siya o di kaya ay sa bodega o kwarto na walang kalaman-laman. Pero mas maganda siguro na sabihin na nasa torture room siya.Nakapiring ang mga mata niya. Mahigpit din na nakatali ang kanyang mga kamay at paa. Nakahandusay siya sa malamig na semento. Wala na ang mahaba niyang suot. Iniklian lang iyon at binawasan upang maramdaman niya ang lamig sa buong paligid. Ngunit kahit sa gitna ng kaawa-awa niyang itsura ay umusal pa rin siya ng pasasalamat nang maramdamang walang kakaiba sa kanyang katawan lalo na sa pagitan ng kanyang mga hi
Kulay kremang kisame ang unang nabungaran ni Jillian pagkamulat niya ng kanyang mga mata. Sobrang lambot din ng kama na kanyang kinalalagyan.Habang iginagala niya ang tingin sa paligid ng kwarto ay nagbalik sa kanyang alaala ang huling kaganapan sa kanyang buhay.May iilang benda sa kanyang katawan. Nangingitim na rin ang kanyang mga pasa.Napabuntong hininga siya. Mukhang dinalaw siya ng swerte kahapon. Kung tama nga ang narinig niya ay tiyak na nasa isang hotel room siya. Ayaw na niyang isipin kung bakit siya binuhay ni Paxton. Ang mahalaga ay humihinga pa siya.May mahinang kumatok sa pintuan kasabay ang pagbukas nun. At base sa suot na uniporme ng babae ay isa itong hotel attendant.Ngumiti ito. "I'm glad that you're already awake, miss. Your lunch is ready. Do you want me to serve it here in your room?""Ahm.. It's f-fine. I'll be outside in a bit," sagot niya at tipid itong nginitian.Tumango ito saka magalang na nagpaaalam. Huminga muna nang malalim si Jillian bago nagpasyang
Buong biyahe nila papunta sa bahay ni Paxton ay wala silang kibuan. Pareho silang nasa likod ng sasakyan at nasa tabi ng magkabilang bintana, malaki ang spasyo sa gitna na parang allergic sa isa't-isa.Madaling araw pa lang. Base sa oras na nakita niya kanina sa eroplano bago sila bumaba ay alas kwatro na ng madaling araw.Gusto sana agad niyang dumalaw sa hospital para tingnan na kung ano ang mga nangyayari doon habang wala siya. Halos tatlong araw din kasi siyang nawala. Kamusta kaya ang naging lakad ni doc Lance? Naipanalo ba nito ang auction? Susubukan na lang niya itong tawagan mamaya.Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ni Paxton o mas maganda siguro na sabihin na mansyon. As in na mansyon talaga dahil sobrang laki nito. Sobrang accessible din ng location ng bahay nito dahil nasa gitna talaga ito ng syudad. Medyo may kalayuan nga lang mula dito hanggang sa kanilang bahay.Mariin na itinikom ni Jillian ang bibig nang walang salitang bumaba ng sasakyan si Paxton. Sumuno
"Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak."Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling. Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya."Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."Nailing na lang
"Mag-iingat po kayo sa susunod, sir. Alagaan niyo nang mabuti ang asawa niyo dahil maselan ang pagbubuntis niya. Muntik nang malaglag ang bata. Mabuti na lang at mabilis niyo siyang naitakbo dito. Hangga't maaari ay iwasan niya ang mataas na emosyon katulad ng nangyari kanina."Tahimik lamang na nakikinig si Paxton sa doctor na sumuri kay Jillian. They almost lost their baby.. Nagpaalam din agad ang doctor matapos makausap ang binata. Umupo siya sa tabi ng natutulog na dalaga at marahan na pinisil ang kamay nito.He was in pain. Paano ba niya pakikiharapan ang dalaga kapag nagising ito? Natatakot siya na baka tumaas na naman ang emosyon nito kapag nakita siya. Ngunit hindi naman niya ito pwedeng iwan.Unti-unting bumukas ang mga mata ni Jillian at bigla siyang nataranta nang mapansin na nasa hospital siya.Hindi agad napansin ng dalaga si Paxton dahil ang unang pumasok sa isip niya ay ang baby niya."It's alright. O-Our baby is fine," sansala ni Paxton habang sinusubukan na alalayan
Parang nasisiraan ng ulo si Paxton matapos mabasa ang resulta ng imbestigasyon na ipinagawa niya. All this time.. All this time! Hindi gawain ni Paxton ang umiyak pero ng mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon— iyon ay ang humingi ng tawad kay Jillian.Mabilis niyang iniligpit ang papel. Tumingin si Paxton sa ama na nakaratay sa kama at nilapitan. "Forgive me, dad. I'm sorry for not listening to you before," aniya sa paos na boses. "Itatama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. That's a promise."Lumabas ng kwarto ang binata at nagmamadaling naglakad. He's heart was thumping so hard at para na iyong lalabas sa kanyang rib cage. He remembered now. The little girl who saved her when he was a child was Jillian. Some men tried to kidnapped him. He was all bloody and almost passed out from all the beatings he get but Jillian came in time to rescue him before it's too late. She risked her life for him. That incid
Samo't saring mga emosyon ang nararamdaman ni Jillian ng mga oras na iyon. Takot, pangamba at mumunting saya. Hinaplos niya ang kanyang impis na tiyan.Napaluha ang dalaga. Buntis siya. May munting buhay sa kanyang sinapupunan. She felt overwhelmed sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa bahay niya. Natatakot siya. Paano na lang kung muling may umatake sa kanya at mapahamak pa ang dinadala niya?Bumaba si Jillian upang kumuha ng malamig na tubig. Kailangan niya munang kumalma. Hindi pwedeng ganitong gulo-gulo ang isip niya. Sabado ngayon at mag-isa lang siya. Ngunit simula kahapon ay doble na ang security sa paligid ng buong bahay ni Paxton."Ma'am, pakikuha na lang po nito. Para raw kay sir Paxton," anang isang guard na papalapit sa nakabukas na pintuan.Kinuha niya ang inaabot nitong envelope. "Salamat po.""Walang anuman po, ma'am. Basta kung may kailangan po kayong ipabili sa labas ay sabihan niyo lang kami."Ngumiti lang si Jillian dito. Inilapag ni Jillian ang envelope sa ibabaw
Naningkit ang mga mata ni Lily nang Wala siyang nakuha na sagot galing kay Paxton. "Babe? Are you listening? I'm telling you now to file a divorce with that Jillian. Why don't we take this opportunity that your father is in coma? Wala nang hahadlang pa kung sakali."Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa ama na para bang natutuwa pa ito na nasa coma ito. Napansin naman iyon ni Lily at agad na niyakap ang binata at humingi ng tawad sa nanlalambing na boses. "I'm sorry, babe. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. I just want us to be together for real. Ako naman talaga dapat ang nasa posisyon ng Jillian na iyon. I should be your wife. Wala namang masama kung babawiin ko ang dapat ay para sa akin, hindi ba? Please? Should I contact now your attorney?" pagpupumilit pa ng dalaga.Hinilot ni Paxton ang kanyang sintido at muling hinarap ang sandamakmak na mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Ilang araw na rin siyang hindi
"W-What did you just say?" puno ng pagkagimbal ang boses ni Madison habang si Jillian naman ay hindi alam ang gagawin."She's my wife," pag-uulit nga ni Paxton."You're wife?!" bulalas na ni Madison. Hindi ito makapaniwala na tumingin kay Jillian. "Totoo ba ang sinabi ni Paxton? Mag-asawa kayo?!""H-Hindi," pagkakaila niya pero mabilis na siyang sinunggaban ni Madison at sinampal-sampal."Hayop ka! Kaya pala umiiwas ka sa akin dahil dito, malandi ka! I have a feeling that you're hiding something from me! Noon pa! How did you two ended up in marriage? I only told you to ruin Lily and Paxton's wedding! Not marry her!"Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa si Jillian na umaaray na sa sakit. "T-Tama na, please! Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na makasal sa kanya!" iyak ni Jillian habang pilit na kumakawala sa galit ni Madison."Ang sabihin mo ay gold digger ka lang talaga!"Tiim bagang na pinaghiwalay ni Paxton ang dalawang babae saka hinarap si Madison."So, it's yo
"Where did you go all day all night yesterday? Halos ipahalughog na kita pero ni anino mo ay hindi man lang makita!"Gaya ng sinabi ni Lance ay nakalabas na nga si Jillian ng hospital kinabukasan. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay ito ang uuwian niya. Buong akala ng dalaga ay wala si Paxton sa bahay pero heto at naabutan niyang galit na galit at nagbubuga ng apoy. Hindi tuloy niya alam ang gagawin at kung paano ipapaliwanag dito ang lahat ng mga nangyari kahapon. Bakit ba kasi ito nandito ngayon eh kadalasan ay sa hospital ito naglalagi? At ipinahanap daw siya nito? Baka nabingi lang siya."Damn it! Kinakausap kita! Tinatanong ko kung saan ka nagpunta kahapon! Answer me!" sigaw nito na kulang na lang ay sakalin siya sa matinding inis."M-May nangyari kasi sa bahay at kailangan kong puntahan—""And what? Nakalimutan mo nang umuwi at doon ka na natulog? Dito na ang bahay mo—"Natigilan si Paxton sa kakadaldal nang mahagip ng kanyang paningin ang malaking benda sa braso ng dalaga. Ku
Mahinang napadaing si Jillian nang magising kinabukasan. Sobrang sakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Madami ring mga pantal sa kanyang balat at ang iba ay nangingitim pa. Ngunit sa lahat ng iyon ay ang nasa pagitan ng hita niya talaga ang pinakamalala ang natamo. Kaunting galaw lang ay nananakit na.Paano naman kasi eh parang mabangis na halimaw si Paxton kagabi. Kulang na lang ay lapain siya ng buhay. Ganitong-ganito rin ang mga pangyayari noong nagising siya sa club noon. Ang pinagkaiba lang ay wala si Paxton sa tabi niya ngayon.Napabuntong hininga si Jillian at napapangiwi na pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba siya pumayag sa gusto nitong mangyari kagabi. Dahil ba natukso rin siya at gustong maramdaman ulit iyon? Kung noon ay wala siyang alaala noong unang gabi nila, ngayon naman ay halos naka-record sa kanyang isipan ang bawat eksena na nangyari kagabi.Gustong tumili ni Jillian. Ano na lang ang mukhang ihaharap niy
Ang buong kabahayan ay napuno ng tensyon dahil sa balitang gumalantang sa lahat. Hindi makatulog si Jillian pagkatapos nun at natitiyak niyang ganun din si Manang Glory at Abby. Sino naman ang magtatangka na ambush-in ang sasakyan ni Sir Hendrix? May mga kalaban ba ito? Dahil ba sa negosyo? Muling naalala ni Jillian na may balak nga pala itong tumakbo bilang politiko at malapit na nga ang pulitika. Iyon ba ang dahilan?Kinabukasan matapos ang trabaho ng dalaga ay nagpasya siyang dalawin si Hendrix sa hospital. Buong maghapon din na wala si Paxton. Hindi ito pumasok na naiintindihan ng lahat dahil nga kalat na nga sa lahat ng mga empleyado sa kompanya ang nangyari. Laman din ito ng mga balita.Nasa top floor ng building ng private hospital ang kwarto nito. Malayo pa si Jillian pero natanaw na niya ang ilang mga guard na nakabantay sa may pintuan. Meron ding mga nagkalat na mga pulis. Bigla tuloy napatigil si Jillian sa paglalakad at biglang mag-alangan kung itutuloy pa ba niya ang bal