Owned by A Hot Billionaire lawyer

Owned by A Hot Billionaire lawyer

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-21
Oleh:   Juls  Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
3Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sa araw ng kanyang engagement party ay gumimbal sa madla ang isang video ng isang babae at lalaki na nagtatalik. Ang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang fiancee, si Xavier Lopez at ang ex-girlfriend nito. Sa pinaghalong kahihiyan at kalungkutan, umalis si Luna Gray sa nasabing party at natagpuan na lamang niya ang sariling kaniig ang isa sa mga tanyag na abogado sa bansa. Si Giovanni Alexander Cortez. Kilala si Giovanni bilang isang tuso sa larangan ng ligal, bukod sa matalino at mayaman, ubod din ito ng kagwapuhan kahit na suplado. Lahat ng kababaihan ay halos luhuran siya. Except kay Luna Gray, ang babaeng brat at puno ng kapritso. Makakaya kaya niyang paamuhin ang isang babaeng laki sa yaman at nakukuha ang lahat ng gusto?

Lihat lebih banyak

Bab terbaru

Pratinjau Gratis

Chapter 1: Bakit andito si Lawyer Giovanni Cortez sa kama ko?

Solaire Hotel Suite. Ang mga halinghing ay tumigil, ang mga kuko ni Luna ay nag-iwan ng mga marka ng dugo sa likod ng lalaki. Ang malakas at nagmamadaling katok na nanggagaling sa labas ng pintuan ay nagpagising sa lasing na lalaki. Napatulala sa kawalan si Luna. Ano ang nangyari kagabi? Sa kanyang engagement party ay dumating ang dating kasintahan ng kanyang fiance at walang hiyang ibinalandra sa lahat ang kababuyan nilang dalawa. Habang siya sinisikap ang sarili maging puro para sa kanyang mapapangasawa subalit ang hinayupak pala ay nakikipagtalik pa sa dati nitong nobya! Naging katatawanan siya sa buong kamaynilaan dahil sa ginawa nito. Nilunod niya ang kanyang kalungkutan sa alak at nakatulog kasama ang isang lalaking kilala bilang isang hari ng impiyerno sa larangan ng batas.Ang pinakamahalagang bagay lamang sa kanya ay bata pa siya at ignorante sa maraming aspeto ng buhay. Dumating sa puntong hinabol niya ang lalaki at ginawang nobyo, subalit isang araw lamang iyon at ini...

Buku bagus disaat bersamaan

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
5 Bab
Chapter 1: Bakit andito si Lawyer Giovanni Cortez sa kama ko?
Solaire Hotel Suite. Ang mga halinghing ay tumigil, ang mga kuko ni Luna ay nag-iwan ng mga marka ng dugo sa likod ng lalaki. Ang malakas at nagmamadaling katok na nanggagaling sa labas ng pintuan ay nagpagising sa lasing na lalaki. Napatulala sa kawalan si Luna. Ano ang nangyari kagabi? Sa kanyang engagement party ay dumating ang dating kasintahan ng kanyang fiance at walang hiyang ibinalandra sa lahat ang kababuyan nilang dalawa. Habang siya sinisikap ang sarili maging puro para sa kanyang mapapangasawa subalit ang hinayupak pala ay nakikipagtalik pa sa dati nitong nobya! Naging katatawanan siya sa buong kamaynilaan dahil sa ginawa nito. Nilunod niya ang kanyang kalungkutan sa alak at nakatulog kasama ang isang lalaking kilala bilang isang hari ng impiyerno sa larangan ng batas.Ang pinakamahalagang bagay lamang sa kanya ay bata pa siya at ignorante sa maraming aspeto ng buhay. Dumating sa puntong hinabol niya ang lalaki at ginawang nobyo, subalit isang araw lamang iyon at ini
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-21
Baca selengkapnya
Chapter 2:
“D-Dad, hindi ko naman inaasahang mangyayari ang ganoong bagay kahapon. Hindi naman ako seryoso sa babaeng iyon, eh, she was just a passed time!” Saad nito. “Passed time? Huh! How dare you flirt with someone else while being in a relationship! Sa tingin mo ba ay nasa mataas ka ng posisyon? Masyado ng mataas ang iyong tingin sa iyong sarili na madali na lamang sa iyong kumuha ng babaeng mapaglilibangan!” Parang kulog sa lakas na sigaw ni Samuel Lopez, ang ama ni Xavier Lopez. Napalunok si Xavier at napayuko. Hindi niya alam kung saan siya titingin, sa makintab na sahig ba o sa tuhod ng ama. Masyado siyang takot sa ama para tingnan ito sa mga mata. “Ngunit Dad, hindi ko mapigilan!” Naglakas siya ng loob na mag-angat ng tingin at salubungin ang galit na mata ng ama. “Hindi ninyo po ako masisisi dahil mahigpit isang taon na kaming engaged ni Luna ay kailanman hindi niya ako pinapayagang hawakan siya! It was my right to touch her since I will be her soon-to-be husband! Besides, I am a m
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-21
Baca selengkapnya
Chapter 3:
Ang opisina ni Giovanni ay matatagpuan sa huling palapag ng pinakamatayog na gusali sa pinakasikat na gusali sa bansa. Okupado nito ang pinakagitna kung saan mula sahig, mga salaming bintana at ceiling ay kitang-kita. Mula roon ay matatanaw ang buong kamaynilaan.Ang napapabalita ay may isang director sa drama na gustong mag-rent ng office niya para mag shoot. Pero ang hinihingi ni Atty.Cortez ay 50M bawat araw dahilan upang galit na umalis ang mga ito. Prenteng nakaupo si Giovanni sa pang-isahang itim na leather sofa habang mayroong hawak na tasa ng kape sa kanang kamay. Nakatitig ito kay Luna. Ang babaeng ito, kapag nakasuot ng magarang damit ay parang isang puro at inosenteng uri ng babae. Subalit kapag nakahubad, para itong dyosang bumaba galing sa langit upang hatulan ang mga makasalanan. Noong sumapit ang ikawalong taong gulang nito ay halos magkandarapa ang mga kalalakihan para lang mapansin nito. “Attorney Cortez, I have a case to consult. Could you help me?” Marahang ini
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-21
Baca selengkapnya
Chapter 4:
Nang ma-realize ni Luna ang ginawa niya ay natulos siya sa kanyang kinatatayuan. Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib, dahil sa takot at mabilis siyang tumalikod sa lalaki at malalaki ang hakbang na tumungo sa pintuan. Mabilis na tumayo si Giovanni sa kanyang kinauupuan at sa malalaking tatlong hakbang na hinabol si Luna. Itinulak niya sa pagkakasarado ang nakabukas na pintuan at saka ikinulong ang babae sa pagitan noon. “Bakit mo iyon itinapon sa akin?” Mababa ngunit mayroong diin at puno ng pagka-inip na tanong ni Giovanni. Hindi makatingin si Luna sa mga mata ng lalaki. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa takot. Kilalang tao si Atty. Giovanni Cortez sa buong bansa. Marahil ay grabe ang naririnig niya tungkol sa lalaki, subalit ayon sa kanila ay gagawin ng lalaki ang lahat para lang makamit nito ang gusto. Ang leyenda niya sa larangan ng batas ay madilim, marami na raw itong pinaslang at pinatahimik na tao. Attorney Giovanni Alexander Cortez, ang abogadong hindi takot sa batas.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-21
Baca selengkapnya
Chapter 5:
Matinding sampal iyon kay Luna. Bigo siyang tumingin kay Giovanni, wala ng mapagpipilian. “Handa akong gawin ang lahat. Even if that means I'll be eating shit, so be it!” Sinabi niya, ang boses ang puno ng desperasyon. Kailangan niyang mapapayag si Giovanni na kunin ang kaso niya, dahil kung sakaling ang sakim na Vincent na iyon makauna, siguradong mapapasakamay nito ang mana. Talagang hahalukayin niya ang libingan ng ama at sasaksakin nang paulit-ulit kung mangyari man iyon. Umahon ang dibdib ni Giovanni, para bang nagpipigil pa itong tumawa. Kapagkuwan ay seryoso itong napatango-tango. “Kung iyon ang libangan ni Ms. Gray, hindi na ako mag-aatubili pang ibigay iyon.” May ibang kahulugang sambit nito. Hindi maipinta ang mukha ni Luna. Nakakadiri talaga ang lalaking ito!“Ngunit,” natigil si Giovanni sa pagsasalita nang bigla siyang may maalala. Naniningkit ang mata niyang tinapunan ng tingin si Luna. “At kailan pa nagkaroon ng boss lady ang aking law firm?” Taas ang isang kilay nit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-21
Baca selengkapnya
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status