Matinding sampal iyon kay Luna. Bigo siyang tumingin kay Giovanni, wala ng mapagpipilian. “Handa akong gawin ang lahat. Even if that means I'll be eating shit, so be it!” Sinabi niya, ang boses ang puno ng desperasyon. Kailangan niyang mapapayag si Giovanni na kunin ang kaso niya, dahil kung sakaling ang sakim na Vincent na iyon makauna, siguradong mapapasakamay nito ang mana. Talagang hahalukayin niya ang libingan ng ama at sasaksakin nang paulit-ulit kung mangyari man iyon. Umahon ang dibdib ni Giovanni, para bang nagpipigil pa itong tumawa. Kapagkuwan ay seryoso itong napatango-tango. “Kung iyon ang libangan ni Ms. Gray, hindi na ako mag-aatubili pang ibigay iyon.” May ibang kahulugang sambit nito. Hindi maipinta ang mukha ni Luna. Nakakadiri talaga ang lalaking ito!“Ngunit,” natigil si Giovanni sa pagsasalita nang bigla siyang may maalala. Naniningkit ang mata niyang tinapunan ng tingin si Luna. “At kailan pa nagkaroon ng boss lady ang aking law firm?” Taas ang isang kilay nit
Huling Na-update : 2025-02-21 Magbasa pa