CEO's DARKEST SECRET Series

CEO's DARKEST SECRET Series

last updateLast Updated : 2025-03-28
By:  Heaven AbbyOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
110Chapters
13.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Book 1: BRIX DELA FUENTE RAPE VICTIM — Iyan si Sofia Santiago! Kahit na kailan ay hinding-hindi niya makakalimutan ang mapait na sinapit sa mga kamay ng lalaking walang awang humalay sa kaniya. Lalaking ni hindi man lamang niya nakilala. Lalaking sumira sa mga pangarap niya. Lalaking isinusumpa niya at kahit na kailan ay hinding-hindi mapapatawad. Until she fell in love with a man who accepted her together with her dark and bitter past. Until she fell in love with Brix dela Fuente. Ngunit paano kung dumating ang panahong matuklasan niyang ang lalaking iniibig ay may pinakatatago-tagong lihim na kahit na kailan ay hindi niya kayang tanggapin? *** Book 2: DWIGHT MARCUS SOLIVAN DWIGHT got into a car accident after his stag party. Nang dahil doon, nagkaroon ng problema ang pagkalalaki niya. He suffered from erectile dysfunction. Hindi rin natuloy ang nakatakda sana nilang kasal ni Maitha—ang babaeng mahal niya. Isinisi niya ang lahat ng iyon sa bayarang babae sa bachelor party niya. Kung hindi dahil dito, hindi sana sila mag-aaway ng fiancee niya na hahantong sa pagka-aksidente niya. Makalipas ang ilang taon, pinagtagpong muli sila. He got shocked when he realized one thing, he felt aroused just by staring at the woman. He lusted after her! She was his medicine. Ito ang gamot niya para tuluyan na siyang gumaling. He wanted to take her in bed. He wanted to own every party of her. Pero paano naman niya gagawin iyon kung ang babaeng nagsisilbing gamot sa pagkabuhay ng pagkalalaki niya'y pag-aari na ng iba? Syrellie was his medicine. She was his cure. But at the same time, she was also his twin brother's future wife...his future sister-in-law! *** CONTENT WARNING: Contains graphic sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

"I AM the most beautiful bride in the whole world!" nakangiting ani Sofia habang panay ang ikot sa harapan ng malaking salamin sa loob ng kaniyang kuwarto.

Kasalukuyan siyang nakasuot ng damit pangkasal. Isinukat niya iyon. Hindi kasi siya makatiis na hindi man lamang matingnan ang sariling repleksyon suot ang mamahaling wedding gown. Hindi naman siya nadismaya. Bagay na bagay iyon sa kaniya at talaga namang napakaganda niya. Tiyak na ipagmamalaki siya ng lalaking kaniyang pakakasalan, ng lalaking kaniyang mapapangasawa. Ipagmamalaki siya ni Jeremy!

"Diyos ko mahabaging langit!" narinig niya ang tila nagulantang na palatak ng kaniyang yayang si Sela. Napa-sign of the cross pa ito. "Bata ka! Hubarin mo 'yan! Hubarin mo!" Natatarantang lumapit ito sa kaniya, saka akmang huhubarin ang wedding gown subalit pabigla siyang umiwas.

"Nana! Aren't you glad upon seeing me wearing this? Tingnan niyo ho, ang ganda-ganda po ng alaga niyo." Umikot-ikot pa siya para ipakita sa yaya kung gaano siya kaganda.

"Oo, alam ko namang maganda ka kahit hindi nakasuot niyan. Pero alam mo bang baka hindi matuloy ang kasal mo dahil isinukat mo 'yan?" Nasilayan niya ang pangambang nakaguhit sa buong mukha ng matanda.

Nilapitan niya ito at masuyong niyakap buhat sa likuran. "Nana, don't worry. Matutuloy po ang kasal ko. Naka-plano na nga ho, eh," pampalubag-loob na aniya rito.

She felt happy somehow. Ramdam niya kasi ang concern ng kaniyang pinakamamahal na yaya. Ito na kasi ang naging taga-pangalaga niya at tumayong parang tunay na ina magmula nang mamatay ang kaniyang mommy sa aksidente noong limang-taong gulang pa lamang siya.

Ang yaya Sela niya ay malayong kamag-anak ng kaniyang ina. Ang butihing matanda rin ang tumayong yaya ng mommy niya noong maliit pa ito. Kaya naman hindi na nag-atubili pa ang daddy niya na kuning yaya si Sela sa kadahilanang kilalang-kilala na nito ang matanda.

"Pero, anak, may pamahiin tayong—"

"Pamahiin lang po 'yon, nana," agaw niya. "Nasa makabagong panahon na po tayo, kaya't huwag nang mangamba, wala pong mangyayaring masama," nakangiti niyang saad. Kumalas siya rito para hubarin na ang kaniyang damit pangkasal.

"Diyos ko, Ikaw na lang ang bahala. Huwag Niyong ipahintulot na may mangyaring masama at hindi matuloy ang kasal ng pinakamamahal kong alaga," anito habang nakatingala na siyang nagpahagikhik sa kaniya.

___

TAHIMIK na nagda-drive ng sariling kotse si Sofia pauwi ng mansyon. Ginabi siya sapagkat dumalo siya sa party celebration ng Dela Vega Publishing House o mas kilalang DVPH na pag-aari ng kaniyang ninong Ben.

Hindi naman siya nagtagal doon. She just attended the party to fulfill her promise na dadalo siya. Nakakahiya naman kasi sa ninong Ben niya kung hindi niya iyon tutuparin. Personal pa naman siya nitong inimbitahan. And besides, her father didn't attend the party. Kasalukuyan kasi itong nasa States at may importanteng inaasikaso sa isa nilang negosyo roon, kaya naman siya na lamang ang nagrepresenta sa pamilya nila.

She glanced at the digital clock located at the front compartment of her car. "Mag-a-alas dose na pala." She yawned. Medyo inaantok na siya at pagod. She was busy in the office. Marami kasi siyang mga papeles at kontratang pinirmahan kanina. Marami rin siyang mga kliyenteng hinarap. She took charge of their company habang wala pa ang kaniyang ama.

Mabagal lang ang pagpapatakbo niya ng kotse. Hindi naman kasi siya nagmamadali. Baka maaksidente pa siya kung bibilisan niya. Medyo inaantok pa naman din siya.

She grabbed her phone inside her clutch using her one hand. Napangiti siya nang masilayan ang picture nila ng nobyo. Ginawa niya iyong screensaver ng cellphone niya. She couldn't help but smile widely. Ilang araw na lang ay kasal na nila ni Jeremy. Lahat ay nakaplano na. From small to big details and preparations of the wedding, lahat ay ayos na. Ready na lahat. Pagmartsa na lang nila sa simbahan ang kulang.

She was excited and at the same time anxious. Ilang araw na lang ay magiging Mrs. Sofia Santiago-del Valle na siya. She would be carrying Jeremy's name, loud and proud!

She smiled. Oh, how she loved that man dearly.

Muntik na niyang mabitawan ang cellphone na hawak nang mayamaya'y tumunog ito. Ngunit napangiti rin siya nang makitang ang fiancee ang tumatawag.

"Hello, hon!" she excitedly answered the call.

"Hon, pauwi na ako bukas," bungad nito sa kabilang linya. Nasa official travel kasi ito sa iba't ibang branches ng kompanya na pag-aari ng pamilya nito. Mahigit isang taon na itong tumatayong CEO ng Del Valle Group of Companies kaya naman medyo naging abala ito nitong mga nakaraang buwan.

"That's great, hon! I'm eager to see you back," nagagalak niyang saad.

"I need to get back soon. Ikakasal na tayo next week," anito. "Saan ka pala ngayon? Nakauwi ka na ba?"

"I'm on my way home, hon," sagot niya. Alam ng fiancee niyang um-attend siya sa party ng DVPH. Ibinalita niya kasi iyon dito.

"Good," Jeremy said on the line. "Oh, paano? Bye for now. Tumawag lang ako kasi miss na kita. Ingat sa pagmamaneho, hon. I love you."

Mas lalo siyang napangiti sa huling sinabi nito. "I love you, too, hon. Take care, as well," tugon niya. She ended the call after.

Akmang ibababa na sana niya ang cellphone sa compartment nang bigla na lamang may dalawang itim na van na humarang sa dinaraanan niya. Awtomatiko ang naging reaksyon niya, pabigla niyang inapakan ang selenyador ng kotse sanhi para muntik-muntikan na siyang mapasubsob sa dashboard niyon. Nabitawan niya ang cellphone na hawak sa sobrang gulat.

"Baba!" utos ng lalaking naka-bonnet na may hawak na armalite.

Lumukob ang matinding takot kay Sofia nang masilayan niyang marami pala itong kasama. Lahat ay naka-bonnet. Lahat ay may naka-ambang pistol sa kinaroroonan niya.

Pinilit niya uling paandarin ang sasakyan. Akmang iaatras niya iyon subalit gan'on na lamang ang pagkagitla niya nang itutok sa kaniyang sentido ang nguso ng malaking armalite.

"Ano, hindi ka bababa? Kundi pasasabugin ko 'yang bungo mo!" pananakot ng lalaking leader ng mga ito.

"A-ano bang kailangan niyo sa 'kin?" nahihintakutan niyang tanong. Wala pa namang taong nagdaraan sa lugar na iyon kaya't imposibleng may makakita sa kanila at mahingan niya ng tulong. Medyo may kadiliman din sa parteng kinaroroonan nila. Mukhang pinlano nang mabuti ng mga ito ang gagawing pag-abduct sa kaniya.

"Ikaw ang kailangan namin! Bumaba ka na! Huwag nang mag-inarte kung ayaw mong mamatay agad!" Mas lalo nitong itinutok ang nguso ng armalite sa kaniya.

Nanginginig ang mga kamay na pilit niya iyong inilalayo. Halos tumutok na kasi ang nguso ng armalite sa mukha niya. "P-pera ba ang gusto niyo? S-sabihin niyo lang kung magkano at ibibigay ko ang cheke ngayon din." Gumaralgal ang tinig niya sa matinding takot.

"Hindi namin kailangan ng pera mo! Napag-utusan lang kami kaya baba! Bumaba ka na!" sigaw ng leader. Halata na ang pagka-irita nito.

Napasigaw siya nang magtangka itong buksan ang kotse. Ngayon niya tuloy pinagsisihan kung bakit hindi niya isinarado ang window shield n'yon.

"Huwag—"

"Halika na!" Pakaladkad siya nitong ibinaba ng sasakyan.

"S-saan niyo ba ako dadalhin? Tulong! Tulungan niyo ho ako!" sigaw niya. Pilit siyang nangunyapit sa gilid ng window shield para hindi siya nito makaladkad. Nagsisigaw siya kahit alam niyang walang makakarinig sa kaniya.

Marahas na tinatanggal ng lalaking naka-bonnet ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa window shield. Mangiyak-ngiyak na siya nang mga sandaling iyon. Medyo ramdam na niya ang hapdi sa palad niya, kaya naman wala na siyang nagawa kundi bumitaw.

Kinaladkad siya ng barakong may hawak sa kaniya. Pilit siyang nagpumiglas. Nagbabakasakali siyang maka-alpas mula rito. Nagbabakasakali siyang matakasan ang mga ito kahit pa na imposibleng mangyari iyon. Napakarami ng mga ito, at isa lang siya. Malalaki pa ang katawan ng mga ito kumpara sa kaniya na babae pa man din.

Namalayan na lamang niyang nagtagumpay na itong maisakay siya sa itim na van.

Humagulgol siya ng iyak. Akmang lalabas siya ng naturang sasakyan. Subalit bigla na lamang nitong tinakpan ng panyo ang kaniyang ilong.

Unti-unti siyang nawalan ng malay.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
110 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status