Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2023-07-10 16:58:01

"Natagalan ka ata sa pagbili kanina, Jillian," ani Carmela sa anak habang kumakain ang mga ito.

"Nagkwentuhan lang kami saglit ni Barbie, ma."

"Si Barbie?" tanong ulit nito na siyang tinanguan lang niya.

"Alam kong mabait na bata si Barbie pero huwag na huwag mong tutularan ang trabahong meron siya. Gipit man tayo sa buhay pero hindi iyon sapat upang ipagbili mo ang dignidad mo," pangaral nito sa kanya.

"Nagkakaintindihan ba tayo, Jillian?" untag pa nito nang hindi agad siya sumagot.

"Opo, ma," sagot na lang niya. Ilang beses na niyang iniisip na subukan din niya ang magtrabaho sa club dahil gaya nga ng sinabi ni Barbie ay malaki ang kikitain doon. Gabi rin ang trabaho. Hindi maaapektuhan ang pagtulong niya sa palengke kapag nagkataon.

"Mabuti kung ganun, anak. Kahit kailan ay hinding-hindi mababayaran ng salapi ang dignidad ng isang tao. Lagi mo sanang tatandaan iyan."

Tahimik na ipinagpatuloy ni Jillian ang pagkain. Ito ang laging pumipigil sa kanya na pumasok sa club. Sisingilin lang siya ng konsensya niya kapag sinuway niya ang mga pangaral ng kanyang ina.

Kinabukasan ay maagang umalis ang kuya Ruben niya dahil tinawagan ito kagabi sa trabaho. Nagising na silang lahat pero masarap pa ang tulog ni Mara sa kwarto ng mga ito.

"Itira mo ang dalawang hotdog para sa ate Mara mo," anang mama niya habang inaayos niya ang kanilang dadalhin na baon.

Hindi umimik si Jillian ngunit nang nakitang lumabas si Carmela sa kusina ay dali-dali niyang pinalitan ng dalawang tuyo ang hotdog. Hindi niya tuloy mapigilan ang hindi matawa sa sarili. Naiinis talaga siya sa Mara na iyon. Hapon na nga gumising, hindi pa alam tumulong sa mga gawain sa bahay. Ang pinagkainan nito ay iniiwan lang sa lababo. Hindi man lang alam ang magluto at magwalis. Pati mga damit at panty nito ay ipinapalaba pa sa uto-u***g kuya Ruben niya.

Kain at tulog lang ang ginagawa nito. Kung wala sa bahay na nakahilata ay nakatambay ito at nakikipagtsismisan habang naglalaro ng tong-its.

M*****a rin si Mara kaya masarop din na inisin ito paminsan-minsan.

"Jillian! Tayo na! Nandito na ang tricycle!" sigaw ng mama niya sa labas.

"Opo, ma!"

Hinaplos muna niya ang pusa nila bago linisan ang kusina.

"Wala ata si mareng Tising ngayon ah."

Liningon ni Jillian ang katabi nilang pwesto. Bakante nga ito. Dati-rati, kapag dumarating sila sa palengke ay nakaayos na ang mga paninda nito. Ngunit kataka-taka na wala ngayon si Aling Tising, wala rin ang manugang nito na siyang pumapalit kapag hindi ito makakapunta.

"Naku. Si mareng Tising ba? Balita ko ay itinakbo raw ito sa hospital kagabi."

"Bakit daw?"

"Ang sabi nila ay na-high blood daw. Ewan ko lang kung ano ang totoo. Masyado kasing masipag si kumare. Kung pupwede ay ayaw nitong magpahinga."

Dahil sa balitang iyon ay biglang tumamlay ang lahat. Ngunit kahit ganun ay tuloy pa rin ang laban sa buhay. Sa tulad nilang mahihirap na isang kayod isang tuka, bibihira na lang sa kanila ang magpahinga. Hindi sa ayaw nila, wala lang silang pagpipilian. Sayang ang oras. Kailangang kumayod para may makain.

Iyon ang paniniwala ng nakakarami pero hindi sang-ayon si Jillian doon. Kailangan din ng katawan at isip ng pahinga upang may lakas na lumaban. Lagi niya iyong sinasabi sa kanyang ina pero para itong bata na walang pinapakinggan.

Tagaktak ang pawis sa buong katawan ni Jillian. Kinuha niya ang pamaypay at pinaypayan ang sarili. Sobrang init ng panahon ngayon.

"J-Jillian.."

Binalingan niya ang ina niya na nakaupo sa bangko. May hawak itong tubig at sapo-sapo ang dibdib. Kinabahan siya at mabilis niya itong dinaluhan.

"Ma, okay lang kayo? May masakit po ba?" nag-aalala niyang tanong. Inilagay niya sa number two ang maliit na electric fan na nakatutok dito.

"N-Nahihirapan akong huminga.."

"A-Ano?" Bigla siyang namutla. Nataranta na siya at hindi na alam kung ano ang gagawin!

Itinodo na niya sa maximum level ang electric fan at hinilot ang dibdib ng ina. "M-Ma, naririrnig niyo ba ako?"

Nang wala siyang nakuha na sagot ay sumigaw na siya upang humingi ng tulong.

"Bakit? Anong nangyayari sa mama mo?"

"H-Hindi raw po siya makahinga," lumuluha ang mga mata na sagot niya.

"Dali! Bilisan niyo! Tumawag kayo ng tricycle!"

Nagkagulo na ang lahat dahil sa nangyari. Ang iba ay iniwan na rin ang kanilang mga pwesto upang tumulong na kargahin si Carmela papunta sa nag-aabang na sasakyan.

Umiiyak naman si Jillian sa matinding takot. Hindi niya kakayanin kapag may mangyaring masama sa mama niya!

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay natagpuan ni Jillian ang kanyang sarili sa hospital. Aligaga ang mga staff at nurses dahil nagkataon din na may nangyaring banggaan ng dalawang bus at madami ang mga sugatan na kailangang asikasuhin.

Tumutulo ang mga luha niya habang naghihintay sa labas ng emergency room. Ganun ba kalala ang lagay ng kanyang ina upang dalhin ito sa kwartong iyon? Kanina pa niya natawagan ang kuya Ruben niya ngunit wala pa rin ito. Natatakot siya ng sobra at kailangan niya ng makakaramay ngayon.

"Kuya Ruben!"

Sinalubong niya ang kapatid nang makita itong humahangos papalapit.

"Anong nangyari kay mama? Kamusta siya?" sunod-sunod nitong tanong. Rinig pa niya ang malalalim na paghinga nito.

"H-Hindi ko pa alam kung ano ang lagay ni mama. Wala pang lumalabas na doctor simula kanina."

Umupo ang kuya Ruben niya sa waiting chair at sinapo ang ulo. "Tangina. Bakit ngayon pa ito nangyari?" kausap nito sa sarili.

"Kuya—"

"Ano ba kasi ang ginagawa mo, Jillian? Kasama ka ni mama! Dapat ay binabantayan mo siya!"

Umawang ang labi niya dahil sa narinig. "Bakit mo ako sinisisi, kuya? Binabantayan ko naman si mama ah! Hindi ko naman alam na mangyayari ito! Hindi ko ito ginusto!"

Mura ang narinig niyang sagot pagkatapos nun ay hindi na sila nagkibuan pang magkapatid. Nanghihina si Jillian na napasandal sa pader. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha niya. Umurong nga lang iyon nang bumukas ang pintuan ng emergency room.

"Kaano-ano niyo ang pasyente sa loob?" umpisa nito. Seryoso ang mukha at boses nito habang nakatingin sa kanila.

"Mga anak niya po kami, Doc. Kamusta po si mama?"

"Dediretsuhin ko na kayo." Huminga ito ng malalim. "Kritikal ang kalagayan ng inyong ina. Sa ngayon, ang nakikita lang namin na solusyon ay heart transplant."

"H-Heart transplant?"

Tumango ito. "Sobrang hina ng puso niya. Base sa kalkulasyon ko ay matagal na niya itong iniinda. At kung hindi ito maaagapan, I'm sorry to say but prepare for the worst. I'll give you the full details in my office. Sumunod na lang kayo doon kapag kumalma na kayo. For now ay ililipat na muna si Mrs. Gonzales sa monitoring room. Excuse me."

Bumukas sara ang labi ni Jillian. Para siyang nabingi sa narinig. Klaro ang mga salitang binitawan ng Doctor pero ang iharap na iproseso iyon ng utak niya.

Napasalampak naman ang kuya Ruben niya sa sahig at doon humagulgol. "Bakit nangyayari ito?... Bakit?"

Nagbara ang lalamunan ni Jillian. Samut-saring katanungan ang naglipana sa isip niya. Heart transplant? Hindi ganun kadali ang makahanap ng donor! At kung meron man ay tiyak na milyon-milyon ang bayad nun! Sa dami ng mga nakapila, may tyansa ba kaya sila? Saan sila kukuha ng malaking halaga?

Tuluyan na siyang napaiyak sa laki ng problemang kinakaharap nila.

"Mama..." usal niya habang tahimik sila ng kuya Ruben niyang umiiyak.

Mula sa labas ay nakatitig si Jillian sa ina niya na nakaratay sa kama. Inilipat na ito sa kwarto. Madaming apparatus ang nakakabit sa katawan nito at hindi pa sila pwedeng pumasok sa ngayon.

Kusang naglandas ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Parang tinutusok ng ilang libong karayom ang puso niya sa nakikitang kalagayan ng kanyang ina.

"Miss Gonzales?"

Pinunasan ni Jillian ang kanyang luha at hinarap ang Doctor na nakausap nila kanina.

"Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang kapatid mo?"

Matamlay siyang ngumiti. "Lumabas po, Doc."

Kanina pa lumabas ang kuya Ruben niya. Hindi na niya tinanong kung saan ito pupunta. Tiyak na maglalabas iyon ng hinanakit at sama ng loob.

"Come. I need to discuss some important things to you."

Sumunod si Jillian sa opisina ng Doctor. Pagkaupong pagkaupo niya ay agad itong nagsalita.

"First, we need to talk about the hospital bills. Sa mga gamot pa lang ay malaki na ang babayaran niyo. Anong trabaho mo, miss Gonzales?"

Nahihiyang nagbaba ng ulo si Jillian. "W-Wala po, doc. Hindi ko po natapos ang college kaya tinutulungan ko na lang si mama sa paglalako sa palengke."

"And your brother?"

"S-Sa construction po siya."

Marahan itong tumango at tinapik-tapik sa lamesa ang hawak nitong ballpen. "I see. Maybe I can help with the hospital bills."

Gulat na nag-angat ng tingin si Jillian sa kaharap na lalaki. "A-Ano po?"

"I will help you with the hospital bills," pag-uulit nito saka nananantiya na ngumiti.

Doon lang napansin ni Jillian kung gaano kagwapo ang doctor na kaharap. Hindi niya napagtuunan ng pansin kanina ang itsura nito dahil sa dami ng iniisip. Bata pa ito at kung hindi siya nagkakamali ay hindi nagkakalayo ang mga edad nila.

"Bakit.. Bakit niyo po kami tutulugan?" nalilito niyang tanong dito.

Nagtataka talaga siya! Sa panahon ngayon ay wala ng tao pang ganito! Unless kung...

"A-Ano pong kapalit?" Napalunok siya.

Umiling ito at muling nagseryoso. "I'm lending my hands without asking anything in return. I just want to help. That's all. But it's still up to you if you want to accept it."

Nagkatitigan silang dalawa. Sinusubukan ni Jillian na basahin kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngunit sa huli ay nabigo siya.

"And like what I've said before, your mother's case is urgent. Kailangan natin na makahanap ng donor sa lalong madaling panahon."

Bumagsak ang balikat ni Jillian at muling nag-ulap ang mga mata. "Sa tingin ko ay impossible na makahanap tayo ng donor."

Nagpapasalamat siya na tutulong ito sa mga gastos sa hospital pero para saan pa iyon kung wala silang makitang donor?

"Don't worry. We will find a donor, eventually."

Parang nabuhayan ang loob ni Jillian dahil sa narinig. "Saan, doc?"

Nag-igting ang panga nito. "Sa Black Market."

Kaugnay na kabanata

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 3

    "Black Market?" pag-uulit ni Jillian.Tumango ito. "Iyon lang ang nakikita kong paraan upang makahanap ng agarang donor."Hindi agad nakakibo si Jillian. Black Market. Lugar kung saan talamak ang mga illegal na bentahan. Droga, mga baril, smuggled items. Lahat-lahat na mga walang permiso galing sa gobyerno ay nandoon na. Kaya ba niyang isangkot ang sarili sa ganung klaseng mundo?Kumuyom ang mga kamao niya at muling hinarap ang lalaki na mataman na nakatingin sa kanya. "May auction ba? Kailan ako pupunta?" puno ng determinasyon na tanong niya. Hindi dapat siya mag-alinlangan sa mga bagay na ganito. Buhay ng ina niya nang nakataya dito. Hindi na importante ang mag-alangan at magduda. Akala niya kanina ay wala ng pag-asa pero nandito ang doctor na ito na handang tumulong sa kanila."You don't need to go by yourself. Ako na ang bahala sa lahat. It's dangerous for you who don't know anything about illegal business to go there. I'll use my connections. I'l just update you in case na maka

    Huling Na-update : 2023-07-10
  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 4

    "Ito ba ang sinasabi mo na kaibigan mo, Barbie? Aba'y maganda nga! Anong pangalan mo?" "Jillian po," sagot niya at tipid na ngumiti kay madam Lucille.Lumingkis sa kanya si Barbie. "Oh diba, momshie? Sabi ko na sa iyo na maganda siya."Tumango-tango si Madam Lucille. "Halika, upo ka. Madaming trabaho dito sa club. Ano ba ang gusto mo? Gusto mo bang i-table ka nila at makipaglandian sa mga customers? O di kaya ay dancer? Oo, dancer! Maganda ang hubog ng katawan mo. Gusto mo bang sumayaw? Gumiling-giling sa gitna ng stage at hahagisan ng lilibuhing pera? Ito ang suotin mo oh. Bagay ito—"Naiilang na inawat ni Jillian si Madam Lucille. Bahagya rin siyang napangiwi dahil sa agresibo nitong pananalita. "Waiter lang po, madam. Waiter po ang gusto kong pasukan," pagtatama niya dito.Biglang nawala ang malawak na pagkakangiti nito dahil sa sinabi niya. "Waiter? Oh eto ang suotin mo," anito saka basta na lang inihagis sa kanya ang isang piraso ng damit. "Ayusin mo yang trabaho mo ha? Ayaw ko

    Huling Na-update : 2023-07-10
  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 5

    Nagising si Jillian dahil sa matinding sakit ng ulo. Napaungol pa siya habang sapo iyon. Ano ba ang nangyari? Bakit parang minartilyo ang ulo niya sa sobrang sakit nun? Nahihilo rin siya.Bumangon siya mula sa pagkakaupo dahilan ng pagkakatanggal ng malambot na kumot na nakatakip sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan at parang lumobo ang ulo niya sa tumambad sa kanya.Nakahubad siya! As in na walang damit ni isa! Hubot hubad!Oh my...Sisigaw na sana siya sa matinding pagkasindak nang may gumalaw sa tabi niya!Doon lang niya napansin ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kama kasama niya. Natutop niya ang bibig habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso.Sino ito? Sino ang lalaking ito?? At bakit sila magkasama sa iisang kama?!Dahil sa pagkakataranta ni Jillian ay nahulog siya sa kama. At mula sa sahig ay nakita niya doon ang mga damit niya na nagkalat. Naluluha siyang tumakbo papunta sa bathroom at doon nag-iiyak. Hindi siya tanga upang hindi maanalisa kung ano a

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 6

    "Bakla ka! Saan ka ba nagpunta kagabi at bigla kang nawala? Hinintay pa naman kita upang sabay tayong umuwi." Bungad sa kanya ni Barbie nang maabutan niya ito sa may kanto. Kakauwi lang kasi niya galing sa pag-uusap nila ni doc Lance.Pagod siyang umupo sa tabi nitong bangko. Nunca niyang sasabihin dito ang nangyari sa kanya kagabi."Pasensya na. Umuwi kasi agad ako eh.""Hindi ka papasok ngayon?"Umiling si Jillian. "Pass muna ako ngayong gabi. Masama kasi ang pakiramdam ko."Hindi na nagkaroon pa ng lakas ng loob si Jillian na bumalik sa club. Natatakot siya na baka makita niya muli doon ang lalaki."Oo nga pala," anito saka nagkalkal sa dala na bag. "Eto, pinapaabot ni Madam Lucille. Bigay daw ng customer mo sa VIP kagabi."Kinuha niya ang makapal na sobre na inaabot ni Barbie sa kanya. "P-Pera?""Buksan mo kaya?"Tumambad nga kay Jillian ang isang makapal na bungkos ng malulutong na tig-iisang libo. Napalunok siya at tiningnan si Barbie na nakatingin sa kanya. "Para sa akin ito?"

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 7

    Malakas na umalingawngaw ang tawa ni Madison sa loob ng sasakyan. Mariin lang na itinikom ni Jillian ang kanyang labi habang pinapanuod ito. Iniisip siguro nito na nagbibiro lang siya sa sinabing presyo. Masyadong bang malaki ang hinihingi niya? Kailangan ba niyang bawasan?Natatawang pinunasan nu Madison ang luha niyo saka nagsalita. "A hundred million? Sure then. We have a deal."Nagulat naman si Jillian dahil hindi niya inaasahan na papayag ito ng ganun-ganun lang. Hindi man lang ito humingi ng tawad o ano."Sigurado ka?" paniniyak pa niya. Ang kaibigan naman nito ay tahimik lang na nakikinig."Of course. Sa tingin mo bay ay wala akong ganung kalaking pera?" Tumaas ang kilay nito na para bang nainsulto."Hindi naman sa ganun..."Humalukipkip si Madison. "I will give you the money that you're asking pero ito ang tatandaan mo, kapag pumalpak ka sa ipinapatrabaho ko, sisingilin kita ng doble. Nagkakaintindihan ba tayo?"Napalunok si Jillian saka wala sa sarili na tumango.Hindi na imp

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 8

    Abot-abot ang kaba ni Jillian habang pauwi siya. Matapos ng pag-uusap nila ni Madison ay umalis ito agad dahil asikasuhin daw nito ang mga dadalhin sa pagpunta nila sa England. Sa hospital din agad ang diretso niya matapos nun habang bitbit ang pera upang ibigay kay doc Lance. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang itsura nito pagkakita sa ibinigay niya. Para itong imbestigador sa dami ng mga tinanong. Nagalit pa ito dahil hindi naman daw siya nito sinisingil at ito na ang bahala sa lahat. Ang ginawa na lang niya kanina ay tinakasan ito. Pero ang lokong doctor ay hinabol din siya! Ang labas tuloy ay naghabulan sila sa corridor ng hospital.Napailing si Jillian at huminga nang malalim upang kalmahin ang kanyang sarili. Mabuti na lang at wala siyang naabutan na tao sa kanilang bahay. Walang dapat makaalam kung saan siya pupunta ngayong gabi. Isa iyon sa mga kabilin-bilinan ni Madison kanina.Ang tanging bag lang na meron siya ay ang bag niya noong college siya. Matibay iyon dahil g

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 9

    Matapos ang pagsigaw na iyon ni Jillian ay biglang tumahimik ang buong paligid. Yung tahimik na parang may dumaan na anghel na sinasabi ng karamihan.A-Anong nangyari?..Hindi na nakayanan pa ni Jillian ang nakakabingi na katahimikan kaya nagmulat na siya ng mga mata. Napalunok siya ng laway nang makitang nakatutok sa kanya ang mata ng lahat. Well.. ano pa nga bang inaasahan niya?"Excuse me but who are you?" mahinhin at malamyos ang boses na tanong sa kanya ng bride.Lumipad ang tingin ni Jillian dito at halos umawang ang kanyang mga labi nang mapagmasdan ito. Kulang ang salitang dyosa upang ilarawan kung gaano ito kaganda. Ang kulay tsokolate nitong buhok, ang malakrema nitong kutis.. saang planeta galing ang mga ganitong klaseng tao?Hindi namalayan ni Jillian na nahulog na siya sa ganda ng bride. Eh kung lalaki siya aba'y, talagang papakasalan niya rin ito! Saka lang siya natauhan nang may lalaking humawak sa braso niya at pilit siyang kinaladkad palabas ng cathedral."W-Wait.. W

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 10

    Sa rest house ay nagtatalon naman si Madison sa labis na tuwa nang mula sa monitor na pinapanood nila ay makita ang paglabas ni Lily mula sa cathedral kung saan idinaos ang sariling kasal nito."Yes! Yes! We did it! Look at the face of that pathetic bitch!" nagsisigaw sa tuwa na wika ni Madison. Pati si Kylie na kasama nito ay napapangisi rin. Sumayaw-sayaw pa siya na agad naman na sinaway ng kanyang kaibigan. "Damn, Madison. Hindi ako makapaniwala na nagtagumpay si Jillian sa ipinagawa mo. Hindi nga natuloy ang kasal nila Paxton at Lily. Anong susunod mong plano? Tiyak na susuyuin iyon ni Paxton pagkatapos nito."Muling bumalik si Madison sa pagkakaupo at nagsindi ng sigarilyo. "Hinay-hinay lang, Kylie. May nakalahad na akong plano. Ngayon na nasira na ang relasyon ng dalawa, hindi ko hahayaan na magkakabalikan ulit sila. Just let me savor this moment."Kumuha pa ng wine si Madison at nag-inuman ang dalawa upang i-celebrate ang success ng operasyon nila.Nasa ganoon silang eksena n

    Huling Na-update : 2023-07-14

Pinakabagong kabanata

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Epilogue

    "Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak."Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling. Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya."Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."Nailing na lang

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 39

    "Mag-iingat po kayo sa susunod, sir. Alagaan niyo nang mabuti ang asawa niyo dahil maselan ang pagbubuntis niya. Muntik nang malaglag ang bata. Mabuti na lang at mabilis niyo siyang naitakbo dito. Hangga't maaari ay iwasan niya ang mataas na emosyon katulad ng nangyari kanina."Tahimik lamang na nakikinig si Paxton sa doctor na sumuri kay Jillian. They almost lost their baby.. Nagpaalam din agad ang doctor matapos makausap ang binata. Umupo siya sa tabi ng natutulog na dalaga at marahan na pinisil ang kamay nito.He was in pain. Paano ba niya pakikiharapan ang dalaga kapag nagising ito? Natatakot siya na baka tumaas na naman ang emosyon nito kapag nakita siya. Ngunit hindi naman niya ito pwedeng iwan.Unti-unting bumukas ang mga mata ni Jillian at bigla siyang nataranta nang mapansin na nasa hospital siya.Hindi agad napansin ng dalaga si Paxton dahil ang unang pumasok sa isip niya ay ang baby niya."It's alright. O-Our baby is fine," sansala ni Paxton habang sinusubukan na alalayan

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 38

    Parang nasisiraan ng ulo si Paxton matapos mabasa ang resulta ng imbestigasyon na ipinagawa niya. All this time.. All this time! Hindi gawain ni Paxton ang umiyak pero ng mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon— iyon ay ang humingi ng tawad kay Jillian.Mabilis niyang iniligpit ang papel. Tumingin si Paxton sa ama na nakaratay sa kama at nilapitan. "Forgive me, dad. I'm sorry for not listening to you before," aniya sa paos na boses. "Itatama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. That's a promise."Lumabas ng kwarto ang binata at nagmamadaling naglakad. He's heart was thumping so hard at para na iyong lalabas sa kanyang rib cage. He remembered now. The little girl who saved her when he was a child was Jillian. Some men tried to kidnapped him. He was all bloody and almost passed out from all the beatings he get but Jillian came in time to rescue him before it's too late. She risked her life for him. That incid

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 37

    Samo't saring mga emosyon ang nararamdaman ni Jillian ng mga oras na iyon. Takot, pangamba at mumunting saya. Hinaplos niya ang kanyang impis na tiyan.Napaluha ang dalaga. Buntis siya. May munting buhay sa kanyang sinapupunan. She felt overwhelmed sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa bahay niya. Natatakot siya. Paano na lang kung muling may umatake sa kanya at mapahamak pa ang dinadala niya?Bumaba si Jillian upang kumuha ng malamig na tubig. Kailangan niya munang kumalma. Hindi pwedeng ganitong gulo-gulo ang isip niya. Sabado ngayon at mag-isa lang siya. Ngunit simula kahapon ay doble na ang security sa paligid ng buong bahay ni Paxton."Ma'am, pakikuha na lang po nito. Para raw kay sir Paxton," anang isang guard na papalapit sa nakabukas na pintuan.Kinuha niya ang inaabot nitong envelope. "Salamat po.""Walang anuman po, ma'am. Basta kung may kailangan po kayong ipabili sa labas ay sabihan niyo lang kami."Ngumiti lang si Jillian dito. Inilapag ni Jillian ang envelope sa ibabaw

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 36

    Naningkit ang mga mata ni Lily nang Wala siyang nakuha na sagot galing kay Paxton. "Babe? Are you listening? I'm telling you now to file a divorce with that Jillian. Why don't we take this opportunity that your father is in coma? Wala nang hahadlang pa kung sakali."Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa ama na para bang natutuwa pa ito na nasa coma ito. Napansin naman iyon ni Lily at agad na niyakap ang binata at humingi ng tawad sa nanlalambing na boses. "I'm sorry, babe. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. I just want us to be together for real. Ako naman talaga dapat ang nasa posisyon ng Jillian na iyon. I should be your wife. Wala namang masama kung babawiin ko ang dapat ay para sa akin, hindi ba? Please? Should I contact now your attorney?" pagpupumilit pa ng dalaga.Hinilot ni Paxton ang kanyang sintido at muling hinarap ang sandamakmak na mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Ilang araw na rin siyang hindi

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 35

    "W-What did you just say?" puno ng pagkagimbal ang boses ni Madison habang si Jillian naman ay hindi alam ang gagawin."She's my wife," pag-uulit nga ni Paxton."You're wife?!" bulalas na ni Madison. Hindi ito makapaniwala na tumingin kay Jillian. "Totoo ba ang sinabi ni Paxton? Mag-asawa kayo?!""H-Hindi," pagkakaila niya pero mabilis na siyang sinunggaban ni Madison at sinampal-sampal."Hayop ka! Kaya pala umiiwas ka sa akin dahil dito, malandi ka! I have a feeling that you're hiding something from me! Noon pa! How did you two ended up in marriage? I only told you to ruin Lily and Paxton's wedding! Not marry her!"Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa si Jillian na umaaray na sa sakit. "T-Tama na, please! Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na makasal sa kanya!" iyak ni Jillian habang pilit na kumakawala sa galit ni Madison."Ang sabihin mo ay gold digger ka lang talaga!"Tiim bagang na pinaghiwalay ni Paxton ang dalawang babae saka hinarap si Madison."So, it's yo

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 34

    "Where did you go all day all night yesterday? Halos ipahalughog na kita pero ni anino mo ay hindi man lang makita!"Gaya ng sinabi ni Lance ay nakalabas na nga si Jillian ng hospital kinabukasan. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay ito ang uuwian niya. Buong akala ng dalaga ay wala si Paxton sa bahay pero heto at naabutan niyang galit na galit at nagbubuga ng apoy. Hindi tuloy niya alam ang gagawin at kung paano ipapaliwanag dito ang lahat ng mga nangyari kahapon. Bakit ba kasi ito nandito ngayon eh kadalasan ay sa hospital ito naglalagi? At ipinahanap daw siya nito? Baka nabingi lang siya."Damn it! Kinakausap kita! Tinatanong ko kung saan ka nagpunta kahapon! Answer me!" sigaw nito na kulang na lang ay sakalin siya sa matinding inis."M-May nangyari kasi sa bahay at kailangan kong puntahan—""And what? Nakalimutan mo nang umuwi at doon ka na natulog? Dito na ang bahay mo—"Natigilan si Paxton sa kakadaldal nang mahagip ng kanyang paningin ang malaking benda sa braso ng dalaga. Ku

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 33

    Mahinang napadaing si Jillian nang magising kinabukasan. Sobrang sakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Madami ring mga pantal sa kanyang balat at ang iba ay nangingitim pa. Ngunit sa lahat ng iyon ay ang nasa pagitan ng hita niya talaga ang pinakamalala ang natamo. Kaunting galaw lang ay nananakit na.Paano naman kasi eh parang mabangis na halimaw si Paxton kagabi. Kulang na lang ay lapain siya ng buhay. Ganitong-ganito rin ang mga pangyayari noong nagising siya sa club noon. Ang pinagkaiba lang ay wala si Paxton sa tabi niya ngayon.Napabuntong hininga si Jillian at napapangiwi na pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba siya pumayag sa gusto nitong mangyari kagabi. Dahil ba natukso rin siya at gustong maramdaman ulit iyon? Kung noon ay wala siyang alaala noong unang gabi nila, ngayon naman ay halos naka-record sa kanyang isipan ang bawat eksena na nangyari kagabi.Gustong tumili ni Jillian. Ano na lang ang mukhang ihaharap niy

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 32

    Ang buong kabahayan ay napuno ng tensyon dahil sa balitang gumalantang sa lahat. Hindi makatulog si Jillian pagkatapos nun at natitiyak niyang ganun din si Manang Glory at Abby. Sino naman ang magtatangka na ambush-in ang sasakyan ni Sir Hendrix? May mga kalaban ba ito? Dahil ba sa negosyo? Muling naalala ni Jillian na may balak nga pala itong tumakbo bilang politiko at malapit na nga ang pulitika. Iyon ba ang dahilan?Kinabukasan matapos ang trabaho ng dalaga ay nagpasya siyang dalawin si Hendrix sa hospital. Buong maghapon din na wala si Paxton. Hindi ito pumasok na naiintindihan ng lahat dahil nga kalat na nga sa lahat ng mga empleyado sa kompanya ang nangyari. Laman din ito ng mga balita.Nasa top floor ng building ng private hospital ang kwarto nito. Malayo pa si Jillian pero natanaw na niya ang ilang mga guard na nakabantay sa may pintuan. Meron ding mga nagkalat na mga pulis. Bigla tuloy napatigil si Jillian sa paglalakad at biglang mag-alangan kung itutuloy pa ba niya ang bal

DMCA.com Protection Status