This story will show you the different kinds of love. Love that doesn't need an exchange. Love that allows you to let go. Love that can endure. Love that can sacrifice. Love that can forgive. Love that keeps you from chasing, and Love that shows you why second chances are worth it.Ellie Saavedra is a US based General Surgeon. Hindi inaasahang nabuntis ang kaniyang kaibigang ibinabalak na ipadala sa Pilipinas para maging temporary Surgeon sa isang branch ng ospital nila. Kinailangan niyang tulungan ang kaniyang malapit na kaibigang si Niana kaya wala siyang nagawa kundi ang palitan ito. Nang makabalik siya sa Pilipinas, hindi niya inaasahan na kung saang ospital sila ipinadala ay doon din pala nagtatrabaho bilang General Surgeon si Vic. Will she handle her emotion and completely forget Vic? Or she'll give up and fall for him again?
view moreELLIE Isang madilim na kalangitan ang sumalubong sa lahat ngayong umaga. Napakalamig din ng ihip ng hangin na akala mo’y panahon na ng pasko. Hindi napigilan ng mga nasa staff room ang kani-kanilang antok dahil nga sa lamig na rin ng panahon. Maging ako ay nahahawa na rin sa kanila. Hindi ko mapigilan ang pagpikit ng mga mata ko kahit pa nakaupo lang ako sa isang bakanteng swivel chair. Maya-maya pa ay agrisibong napatayo si Dave. “I can’t take this anymore! I need a damn coffee!” Matapos niyang sabihin ‘yon ay walang lingon siyang naglakad palabas. Sa muling pagkakataon, ipinikit ko ang mga mata at niyakap ang sarili. Damn! Napakalamig pero hindi pa kayang tanggapin ng sikmura ko ang kape kapag ganitong oras. Napadaing na lang ako sa inis. Ngunit maya-maya pa ay narinig kong muli ang reklamo ng mga kasama ko rito dahil sa sobrang lamig. Naimulat ko ang mga mata at pinagmasdan silang mabuti. Maya-maya pa ay aga
ELLIEThere are things in life that we can’t control. Gaano man tayo kagaling o gaano man tayo naging handa para sa bagay na ‘yon, kapag hindi para sa’tin, hindi para sa’tin. But that doesn’t mean na talunan na tayo dahil hindi natin nakuha o nagawa ‘yong gusto natin. There’s a reason. There’s always a reason.Ang pagkamatay ng pasyente ni Vic ay naging usap-usapan sa buong floor na ‘yon dahil sa naging kakaibang reaction ni Vic. Maraming nagsasabi na hindi naman siya gano’n dati. Na iyon ang unang beses na lumabas siya mula sa isang silid habang humahagulgol. I can’t blame him. That scene earlier was one of many tragic scenes kapag may nag-aagaw-buhay sa isang ER, ward, o kahit saan mang parte ng ospital. Sanay na’ko
ELLIEHalos isang linggo na rin simula nang huli kong nakausap si mama. Halos isang linggo na rin akong nag-iisip kung bakit niya nasabi ang lahat nang sinabi niya noong araw na 'yon.FLASHBACK“Ang papa, ma? Wala pa rin ba?” Tanong ko. Agad niya naman akong nilapitan at nginitian.“Wala pa, anak. Baka maya maya pa ‘yon.”
ELLIE“Sure ka na ba talaga s-sis? Iiwan mo talaga k-kami?” Humahagulgol na tanong ni Cherry. Hindi ako sumagot, tahimik lang akong nakayuko habang nasa harapan ko naman silang dalawa. Hindi maawat ang mga luha naming ngayon. Hindi sila makapaniwala na aalis nga talaga ako. Wala eh, ang sakit, kailangan kong makalimot. Kailangan ko siyang makalimutan.“Dahil lang do’n kaya ka aalis? Dahil lang sa lintek na Vic na ‘yan?!” Nagulat ako nang biglang tumaas ang boses ni Mia. Hindi ko siya masisisi kung bakit nagkakaganiyan siya. Oo, alam nilang baka nga aalis ako, pero alam kong kahit kailan ay hindi sila magiging handa sa pag-alis ko. Maging ako ay hindi rin naman ha
ELLIE"Ellie. Let's go home, together."I couldn't help but be surprised when he said that. Matagal pa akong napatitig sa kaniya. B-Bakit?"H-Hindi pa ako sigurado kung makakauwi ba ako." Utal kong tugon."P-Pero... Okay." Napamaang ako sa mabilis niyang sagot. Tapos no'n ay bigla siyang tumayo at lumabas mula sa opisina.Bigla akong napahawak sa dibdib nang maramdaman ang mabilis na pagtibok nito.Damn! Hindi pwede 'to! Bakit ganito ulit ang nararamdaman ko?!Inabot ko ang bote ng tubig na nasa lamesa ko at mabilis 'yong linagok. Pinipigilan ko rin ang paghinga ko dahil umaasa akong mababawasan nito ang matinding pagtibok ng puso ko. Pero hindi, walang nagbago."Damn!" Muli akong napamura dahil naririnig ko na ngayon ang pintig ng puso ko.Ilalapag ko na sana pabalik sa l
ELLIEMay mga bagay na bago mo husgahan, kailangang alam mo muna ang lahat tungkol do'n. Vic was wrong that's why humingi siya ng tawad kay Alexandra. Mula sa mga oras na 'yon, naging maayos ulit kami. It was as if my memories was bringing me back to the past when he smiled at me every time we met. It was nostalgic being with him.Ilang linggo mula nang makalabas si Alexandra ay nabalitaan na lang namin na nagsampa siya ng kaso do'n sa ex-boyfriend niya. I think that's a good decision.Halos isang buwan na rin kaming nandito sa Pinas nang maalala ko na hindi pa pala ako nakakabalik sa probinsiya namin. Ang pagkakatanda ko ay fiesta na next week. Wala kasi akong pinagsabihan na bumalik ako rito para sa trabaho."Tired?" Kasalukuyan kaming naghuhugas ng kamay ni Dr. Min dahil kakatapos lang ng surgery namin."Yup! But I'm o
ELLIEMatapos ang operasyon ay hindi ko na muling kinausap si Vic. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Saka ba't ko siya kakausapin? Para saan?"Ellie!"Napahawak pa ako sa dibdib nang bigla akong sigawan ni Dave. Salubong ang kilay ko nang harapin ko siya. Peste!"Ano ba?" Singhal ko."Ba't nakatulala ka diyan? Kanina pa'ko kwento nang kwento and you're not even listening? Tsk!"Napairap na lang ako nang sabihin niya 'yon. Kasalanan ko pa kung hindi ako nakikinig? Edi dapat tiningnan niya muna kung nasa kaniya ba ang atensiyon ko bago siya mag kwento. Slow din 'tong isang 'to eh."How's your first surgery? Sinong doktor ang nakasama mo?" Tanong niya sabay simsim sa kapeng kakabili lang. Huwag na sanang matapon sa kaniya iyang kape niya."Awkward." Maikli kong tugon. Naguguluha
ELLIE"Doc, kailangan po kayo sa Operating Room! Naglaslas po 'yong pasyente!Walang available na GS ngayon kaya sa inyo ko raw po ibigay sabi ni doktor Min!" Tarantang sabi niya. Kaagad naman akong um-oo at ibinaba ang tawag."I have an emergency surgery, Dave. Naglaslas daw iyong pasyente. Kailangan ko nang magmadali." Agad kong sabi kay Dave. Tumango naman siya kaya agad na akong tumakbo para makapagpalit. Mabilis kong isinuot iyong scrub suit ko at tumakbo ulit papuntang OR.Nang nasa labas na'ko ay agad akong nag hugas ng kamay at pumasok ng parehong nakaangat 'yon hanggang sa ibabaw ng baywang ko. Ngunit nang makapasok ako ay agad akong
ELLIEDr. Vicente Eliote V. TimoteoGeneral SurgeonHindi ko napigilang mapabuntong hininga habang tinititigan 'yon. Hindi talaga ako makapaniwala. Siya ang ayaw kong makita rito sa Pilipinas pero anong magagawa ko? Parehong ospital ang pinagtatrabahuhan namin at ngayon, kasama ko pa siya sa magiging opisina ko! Pambihira.FLASHBACK"H-He's h-here, Dave." Matapos kong sabihin 'yon ay nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya rin inaasahan."You mean, V-Vic?" Paninigurado niya. "Y-Yes. Siya iyong nasa pinakadulo sa left side." Utal na bulong ko sa kaniya. Kita kong napunta rin do'n ang paningin niya.Hinila niya na lang ako palapit sa kaniya at hinawaka
VINCELHow will you define love?Kapag ba hindi ka bumitaw? Kapag ba palagi mo siyang naiintindihan? Kapag ba wala kang sikretong itinatago? Kapag ba pakiramdam mong siya na ang maihaharap mo sa altar? O kapag ba pakiramdam mong hindi mo kaya kapag nawala siya sa sistema mo?I don't know what's the real definition of love. I can't even define it. Kasi diba, sino ba naman ako? How dare I define love when I didn't even fight for it? Crap.Marahan akong napabuga ng hininga. Agad kong iwinaksi ang lahat ng nasa isipan ko ngayon. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa bawat sasakyang dumaraan sa harap ko. Kanina pa lumapag ang eroplanong sinakyan ko at kanina pa ako rito naghihintay. Hindi pa rin dumarating ang ugok na 'yon para sunduin ako!Ilang sandali pa ay tumunog na ang cellphone ko. Salamat naman at tumawag na siya."Where are y...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments