"A-anong ibig mong sabihin? K-kasal?" gulat na tanong ni Airith, mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa magkabilang kwelyo ng blazer jacket na nakapulupot sa kanyang katawan."Hayaan mo akong magpaliwanag," saad ni Stephen, naging desperado ang mga mata nito. "Our company is on the verge of bankruptcy. Ako lang ang tanging makakapagsalba ng aming kumpanya." Saglit itong huminto. "May tradisyon ang aming pamilya, marahil ay alam mo 'yon. Saka ko lang pwedeng manahin ang aming kumpanya kapag kasal na ako. And I chose you Airith, to have a fake marriage with me."Tila saglit na nahilo si Airith dahil sa narinig. Pekeng kasal upang maisalba ang kumpanya nila? Anong nangyari sa pamilya Vergara sa loob ng mahigit dalawang taon at humantong sila sa ganito?Bago niya nilisan ang pamilya Vergara ay nasa masaganang estado pa noon ang kanilang kumpanya. Naalala niya ang pag-uusap nila noon ng kanyang ama tungkol sa gagawin nito sa kanila at agad pumasok sa kanyang isip na baka naapektuhan niy
Hindi agad nakasagot si Arthur na tila may kausap sa kabilang linya ng tawag. "I'm sorry Airith, sa ibang araw nalang natin 'to pag-usapan. May importanteng meeting pa kami." Pagkasabing iyon ni Arthur ay pinatay nito ang tawag.Napabuntong-hininga nalang si Airith pagkatapos ay muling ibinulsa ang kanyang cellphone. Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.Ang kanyang ama nga ang may kagagawan ng palihim na pamiminsala sa kumpanya ng pamilya Vergara sa puntong namimiligro ito ngayong bumagsak. Ginawa iyon ng kanyang ama sa kagustuhang ipaghiganti siya sa ginawa ng pamilya Vergara sa kanya noon. Nalalagay rin lang na naging isang malaking papel siya sa ginawang iyon ni Arthur.Muling bumalik sa kanyang alaala ang malamig na mukha ni Sebastian. Ang lalaking ibinaon niya na sa limot kasabay ng pagpapahilom ng sugat niya sa kanyang puso."Ayoko nang makita pa ang lalaking iyon, pero anong gagawin ko?" bulong na tanong niya sa sarili.Isang butil ng luha ang dumaloy sa kanyang p
Sumunod na linggo ay isinama siya ni Stephen papunta sa bahay ng pamilya Vergara. Iniwan niya si Alicia sa pangangalaga ni Clara. Nang tanungin siya ni Clara kung saan siya pupunta ay sinabi niya lang na gusto niya munang magbakasyon. Hindi niya gustong magsinungaling pero ayaw niya lang mag-alala sa kanya si Clara. Isa pa ay baka mabanggit nito ang kanyang gagawin sa kanyang ama.Huminto ang pulang Porche katabi ng ibang kotse sa parking space ng bahay ng pamilya Vergara. Bumaba mula roon si Stephen na nakasuot ng itim na notch lapel suit na pinaparisan ng itim ding bowtie habang puting long sleeve ang kanyang nakapanloob. Agad na umikot ito upang pagbuksan si Airith ng pinto.Marahang bumaba si Airith, ang kanyang tingin ay nakapako lang sa bahay ng pamilya Vergara. Kasabay ng pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib, hindi mabilang na alaala ang muling hinukay ng kanyang memorya patungkol sa kanyang karanasan sa bahay na iyon. Halos lahat ng iyon ay mapapait, bilang lang sa daliri ang m
Masaya silang sinalubong ng mayordoma na walang iba kung hindi ay si Estela na dating katulong lang ng pamilya Vergara. Ito ang siyang sumasalubong sa mga bisitang dumarating. May hawak-hawak itong malapad na folder na malamang ay listahan ng pangalan ng mga bisita.Agad na nagbalik sa alaala ni Airith ang ginawang mga pang-aapi sa kanya ni Estela noon. Sa totoo lang ay naimpluwensyahan lang ito ni Minerva kaya lang nito nagawa iyon sa kanya sa kagustuhang magpabibo. Sa ibang salita ay kung mabuti ang pakikitungo sa kanya ni Minerva at Adelaida ay mabuti rin ang pakikitungo nito sa kanya.Daig pa ni Estela ang linta kung makasipsip sa pamilya Vergara, kaya hindi na nakakapagtaka pa kung may ganito na itong estado ngayon. Naalala pa ni Airith ang dating mayordomo ng pamilya Vergara na isa ring ubod nang lupit sa kanya."Maligayang pagbabalik, Sir Stephen. Hinihintay na po kayo ni mada—" Natigilan si Estela nang dumako ang tingin nito kay Airith. Nanlaki pa ang mata nito na para bang na
"You're here," saad ng boses. Si Sebastian iyon.Tumayo si Stephen, may malawak na ngiti sa labi. "Of course," sambit nito pagkatapos ay tiningnan ang babaeng kasama ni Sebastian. Maputi ito at may mahabang blonde na buhok. "Ms. Kennedy, nice meeting you again! How's my brother doing?"Matamis na ngumiti ang babae at malambing na tiningnan si Sebastian. "Oh he's doing fine." tugon lang nito.Ang babaeng ito ay walang iba kung hindi si Geraldine, ang babaeng inakala ni Sebastian na siyang kasiping nito noong gabing may nangyari sa kanila ni Airith.Napalunok si Airith, hindi niya akalain na muling magkakabalikan ang dalawa. Gayunpaman ay wala nang hinanakit na dulot iyon sa kanya. Naka move-on na siya at masaya na siya sa buhay na mayroon siya ngayon. Hindi niya na dapat pang alalahanin ang naging desisyon ni Sebastian na makipagbalikan kay Geraldine.Pero hindi niya maiwasang mangamba at sa parehong pagkakataon ay ma-guilty dahil kahit papaano ay si Sebastian ang ama ng kanyang anak n
Nilingon ni Stephen sina Adelaida at binati ito nang may bahagyang pagngiti. "Grandma," saad niya. "Auntie," baling na bati niya rin kay Minerva. Hindi na siya nag-abalang batiin si Michael na abala sa cellphone nito. Alam niyang hindi rin naman ito interesado sa presensya niya."You're so handsome today!" puring sambit ni Adelaida habang may malawak na ngiti."Parang sinabi niyo naman pong ngayon lang ako naging gwapo?" pabirong wika ni Stephen. Sinundan pa niya iyon ng mahinang pagtawa, pilit na pagtawa kumbaga.Ang totoo ay nababatid niyang gusto lang siya nitong bolahin at mamaya ay muli na naman siya nitong kukulitin ng pangungumbisi nitong tumulong sa pagsalba ng kumpanya. Iyon ang rason kung bakit nagsarili ng tirahan si Stephen simula nang umuwi siya ng Pilipinas."How long have you been here?" tanong ni Minerva kay Stephen. Hindi katulad ni Adelaida ay may napipilitan lang itong mukha."Not long. Actually ay kakarating lang namin." kaswal na tugon ni Stephen sabay baling kay
Namayani ang saglit na katahimikan sa paligid at mas dumami pa ang nakikiusisa sa nagaganap. Ang kabog sa dibdib ni Airith ay pabilis nang pabilis. Kahit na alam niyang plano lang nila ang palabas nilang ito ay hindi niya maiwasang isipin na parang totoo ang sinasabi ni Stephen."Stephen! Ang babaeng 'yan ay isa lamang nagmula sa mahirap na pamilya. Are you trying to bring disgrace to our family?" galit na sigaw ni Adelaida. Isang taon niya noong pinilit na mawala si Airith sa kanilang pamilya. Ngayon ay babalik na naman ito?"Hindi iyon ang intensyon ko grandma, alam ko kung anong—""Don't call me grandma, Stephen! Kung gusto mong ipahiya ang pamilyang ito ay ngayon palang simulan niyo nang lisanin ng babae mong 'yan ang pamamahay na ito!" putol ni Adelaida kay Stephen."Stephen, ano namang kalokohan ang pumasok sa isip mo at naisipan mong makipagrelasyon sa basurang itinapon na ng iyong kapatid? Gano'n ka na ba kamahabagin?" saad ni Minerva, ang mukha nito ay puno ng pagkagalak nang
"You're right mom. Sa tingin siguro ng babaeng ito ay magagawa niya tayong paniwalain sa kanyang kasinungalingan." saad ni Minerva habang may mapaglarong ekspresyon ng mukha. "Maniniwala pa siguro ako kung sinabi ng babaeng ito na malayong kamag-anak siya ni Mr. Arthur.""Kung ako anak ni Mr. Arthur, papayag ba akong magpaalila sa ibang pamilya? That doesn't make sense. Baliw lang ang gagawa n'on." sambit naman ni Michael na sinundan ng pag-irap.Napayuko si Airith. Tama, baliw nga siya nang panahong pinili niyang maging martir sa piling ni Sebastian sa loob ng isang taon. Sa sobra niyang pagkabaliw noon sa pag-ibig niya rito ay hindi na niya inisip na isa siyang anak ng isang makapangyarihang negosyante. Ibinigay niya lahat sa puntong hindi na siya nagtira para sa sarili niya. Maging ang kanyang sariling estado sa buhay ay kinalimutan niya rin para lang pagsilbihan si Sebastian dahil sa labis na pagmamahal niya rito, hindi sa yamang meron ito.Kailangan ba talaga ang estado pagdating