Share

Chapter 11 - Airith Is Useless Wife

Nilingon ni Stephen sina Adelaida at binati ito nang may bahagyang pagngiti. "Grandma," saad niya. "Auntie," baling na bati niya rin kay Minerva. Hindi na siya nag-abalang batiin si Michael na abala sa cellphone nito. Alam niyang hindi rin naman ito interesado sa presensya niya.

"You're so handsome today!" puring sambit ni Adelaida habang may malawak na ngiti.

"Parang sinabi niyo naman pong ngayon lang ako naging gwapo?" pabirong wika ni Stephen. Sinundan pa niya iyon ng mahinang pagtawa, pilit na pagtawa kumbaga.

Ang totoo ay nababatid niyang gusto lang siya nitong bolahin at mamaya ay muli na naman siya nitong kukulitin ng pangungumbisi nitong tumulong sa pagsalba ng kumpanya. Iyon ang rason kung bakit nagsarili ng tirahan si Stephen simula nang umuwi siya ng Pilipinas.

"How long have you been here?" tanong ni Minerva kay Stephen. Hindi katulad ni Adelaida ay may napipilitan lang itong mukha.

"Not long. Actually ay kakarating lang namin." kaswal na tugon ni Stephen sabay baling kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status