Makalipas ng ilang saglit ay naging kampante na rin si Coleen sa harap ni Airith. Naging makwento ito kasabay rin ng pagkikwento ni Airith dito. Nalaman niyang may sakit ang ina nito at salitan sila ng nakababatang kapatid nito sa pagbabantay sa kanilang ina sa ospital kung saan ito naka-confine. Si Coleen ang nagbabantay simula pag-uwi nito galing trabaho at doon na rin ito natutulog. Iyon ang rason kung bakit minsan ay late itong pumasok sa trabaho. Iyon din ang rason kung bakit nahinto ang kapatid nito sa pag-aaral.Nakaramdam ng awa si Airith para kay Coleen dahil sa sitwasyon nito. Kung nagkataong ibang tao ang napagmalditahan nito kanina at nasisante ito sa trabaho dahil doon, paniguradong malaki ang apekto niyon dito. Sa panahon ngayon ay mahirap pa namang makapaghanap ng matinong trabahong may matinong pasahod."Don't worry. Sabihin mo sa'kin kung saang ospital naka-confine ang mama mo, I'll pay her a visit. Baka makatulong ako sa mga bayarin niyo sa ospital." nakangiting wika
"Kung ang ibig mong sabihin sa tanong mong 'yan ay ginamit ko lang siya, my answer is no." tugon ni Stephen saka muling nagtuloy sa paglakad. "Siya ang babaeng naikwento ko sa inyo noon."Bahagyang napataas ang dalawang kilay ni Sarah. "Oh, siya ba 'yong dating asawa ng kapatid mo?"Marahang tumango si Stephen. "Tulad ng sinabi ko dati ay may gusto nga ako sa kanya. Hindi ko siya gagamitin lang sa mga plano ko. Desidido akong mapangasawa siya kung magagawa ko siyang mapaibig."Saglit na natihimik si Sarah na para bang may inaalala. Pinaghawak nito ang mga kamay nito sa likuran. "Parte pa rin siya ng plano mo kung gano'n. Kung talagang mahal mo siya, isinaalang-alang mo muna dapat ang kaligtasan niya.""You really are something. Akala ko ba hindi ka interesado sa mga plano ko?" natatawang tanong ni Stephen. "Hindi ko akalain na may pakialam ka rin pala. Napagdesisyunan mo na bang sumali sa'min?""Nope. Nag-aalala lang ako sa babaeng 'yon. You said it yourself na mabuti siyang babae. Ba
Dinaluhan sila ng dalawang receptionist."Ms. Airith, are you alright?" alalang tanong ng receptionist na may kulot na buhok. Nakangiting tumango-tango lang si Airith."Wait, Airith?" patanong na saad ng babaeng kasama ng lalaking nakabanggaan niya. "Ikaw nga! Akalain mo nga naman." nakangising sambit nito nang makumpirmang si Airith nga ang nasa harapan nito ngayon."J-Jessie?" Bahagyang namilog pa ang mata ni Airith nang makilala ang babae.Hindi niya inaasahang makikita niya ito ngayon sa hotel na iyon. Parehas sila ng paaralang pinasukan noong kolehiyo pa sila. Hindi siya nasabik nang makita ito sa halip ay nakaramdam siya ng takot dito."Kilala mo ba ang babaeng 'to?" magkasalubong ang kilay na usisa ng lalaki kay Jessie."Syempre naman! Paano ko makakalimutan ang paborito naming laruan noong kolehiyo kami?"Natigilan ang dalawang receptionist nang marinig ang sinabi ni Jessie. Nakataas pa ang kilay ng mga itong sabay na napatingin kay Airith. Samantalang nanatili namang tahimik
"Kung hindi ka nagsumbong noon sa pakialamera mong kaibigan, e 'di sana okay tayo ngayon, hindi ba?"Pumailanlang sa kabuuan ng reception area ang galit at gigil na boses ni Jessie. Nahinto ang ilang taong paroon at parito. Maging ang dalawang receptionist ay todo pang-aalo kay Jessie."Ms. Jessie, sa tingin ko po ay hindi magandang ideya na gawin niyo 'yan kay Ms. Airith. Hindi niyo po ba alam—""Manahimik ka!" sigaw ng lalaking kasama ni Jessie sa receptionist. "Anong karapatan mong pagsabihan ang girlfriend ko? She has the freedom to do whatever she wants in this hotel. Nakalimutan niyo na ba kung sino ako?"Napalunok ang dalawang receptionist at nagkatinginan sa isa't-isa. Maging ang tatlong guwardyang dumalo upang pahintuin sana ang anumang komosyong meron doon ay wala ring nagawa nang makita at makilala ang lalaki.Ang lalaking kasama ni Jessie ay nagngangalang Paul Gonzales, anak ni Jonathan Gonzales, isang kilalang negosyante sa kanilang syudad. Ilang araw na silang naka-check
"H-he's Mr. Paul Gonzales, Sir." Ang receptionist na may kulot na buhok ang sumagot sa tanong ni Stephen. "Isa po siyang VIP guest rito sa Starry Abode along with his girlfriend, Ms. Jessie Bernardino."Ilang segundo pa bago nakilala ni Stephen si Paul. "Ah, now I remember. Ikaw ang anak ni Mr. Jonathan Gonzales, tama ba ako?"Hindi tumugon si Paul sa halip ay sumilay sa labi nito ang pag-ismid. Kumpara sa pamilya Vergara ay hindi nalalayo ang yamang meron ang pamilya Gonzales sa kanila. Hindi man gustong kalabanin ni Paul si Stephen ay nabalitaan niyang malapit nang bumagsak ang kumpanya ng pamilya Vergara. Salamat sa sinumang umaatake sa kanila.Sigurado si Paul na wala nang sapat na kakayahan si Stephen upang tapatan ang kanilang pamilya. Bukod pa roon ay miyembro din ang kanyang ama ng isang sekretong mafia sa kanilang lungsod. Kapag pinakiusapan niya si Jonathan na tulungan siya nito laban kay Stephen ay hindi ito magdadalawang-isip. Kaya kung tutuusin ay wala namang kalaban-laba
"Pamilya lang namin ang malapit nang mamulubi, hindi ako." makahulugang sambit ni Stephen.Napatitig nang husto si Airith sa mukha nito. "A-anong ibig mong sabihin?"Sa puntong iyon ay isang matangkad na lalaki ang nasa kalagitnaan na ng kwarenta ang edad ang dumating. Lahat ng tao sa reception area ay napatingin dito maliban kay Stephen at Airith. Nakasuot ito ng lilac cotton suit na bumabagay sa kulay ng reception area at tema ng hotel. Lahat ng staff na naroon upang makiusisa ay agad na napayuko upang batiin ito. Maging ang mga panauhing naka-check-in sa hotel na iyon ay kilala rin ang lalaki lalo na si Paul."It's Mr. Wilbert Eigenmann! Oh jeez, it's my first time seeing him in person!" bulong na wika ni Paul kay Jessie, nagagalak ang reaksyon ng mukha nito."Sino siya babe?" tanong ni Jessie. May parte sa isip niyang parang narinig na niya ang pangalan nito pero hindi niya lang maalala kung saan at kailan."Siya ang mismong may-ari ng hotel na'to. Hindi mo pa ba nabalitaan ang tu
Ilang saglit bago naunawaan ni Wilbert ang nangyari. Base sa ekspresyon ng mukha ngayon ni Stephen ay nakikita niya kung gaano ito kagalit ngayon kina Paul."Hah! You moron! Akala mo ba ay ka-level mo lang ang kausap mo? Hindi porket isa kang guest sa isang presidential suite ay akala mo kung sino ka na upang utusan si Mr. Eigenmann?" pabulyaw na saad ni Paul, nandidilat ang mga mata nito. Lumapit ito sa kinatatayuan ni Wilbert. "Mr. Wilbert, kung hindi niyo pa po nababalitaan, malapit na pong ma-bankrupt ang pamilya Vergara. Hindi niyo na po kailangang maging magalang sa lalaking 'yan. Malamang na ang ginamit niyang pera upang mag-check-in sa presidetial suite ay ang huli at natatangi niyang pera. Bukod pa ro'n ay ang babae pong kasama niyan ang siyang pasimuno ng komosyon na'to. Hindi po kami."Gustong matawa ni Wilbert sa mga sinabi ni Paul pero hindi nito ipinahalata iyon. Sino ang lalaking ito upang pagsabihan siya sa kung paano niya pakikitunguhan si Stephen? Saka si Stephen na
'Why is Mr. Eigenmann doing this? Anong dahilan niya para irespeto nang husto si Stephen?' lubos na nagtatakang tanong ni Paul sa isip nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa.Isang makapangyarihang negosyante si Wilbert at kumpara dito ay isang normal na pamilya lang ang pamilya Vergara, bukod pa roon ay pabagsak na ang kumpanya nila. 'Anong kalokohan 'to?' muling tanong ni Paul sa isip nito sa naiinis na paraan.Lumapit sila ni Jessie sa harapan ni Airith at doon lumuhod gaya ng ipinapagawa ni Wilbert.'This is fucking humiliating!' asar na sambit ni Jessie sa isip nito. Katulad ni Paul ay hindi rin nito maintindihan ang inaasal ni Wilbert. Sila itong dapat nakatayo at sina Airith at Stephen ang nakaluhod sa kanilang harapan."W-we're sorry for what we did and for framing you. Sana ay mapatawad mo kami." sambit ni Paul, tila hirap pa itong bigkasin iyon."Yes, me too. Pasensya na sa ginawa ko sa'yo kanina, Airith. Sana ay mapatawad mo ako. M-maging na sa nagawa ko s