'Why is Mr. Eigenmann doing this? Anong dahilan niya para irespeto nang husto si Stephen?' lubos na nagtatakang tanong ni Paul sa isip nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa.Isang makapangyarihang negosyante si Wilbert at kumpara dito ay isang normal na pamilya lang ang pamilya Vergara, bukod pa roon ay pabagsak na ang kumpanya nila. 'Anong kalokohan 'to?' muling tanong ni Paul sa isip nito sa naiinis na paraan.Lumapit sila ni Jessie sa harapan ni Airith at doon lumuhod gaya ng ipinapagawa ni Wilbert.'This is fucking humiliating!' asar na sambit ni Jessie sa isip nito. Katulad ni Paul ay hindi rin nito maintindihan ang inaasal ni Wilbert. Sila itong dapat nakatayo at sina Airith at Stephen ang nakaluhod sa kanilang harapan."W-we're sorry for what we did and for framing you. Sana ay mapatawad mo kami." sambit ni Paul, tila hirap pa itong bigkasin iyon."Yes, me too. Pasensya na sa ginawa ko sa'yo kanina, Airith. Sana ay mapatawad mo ako. M-maging na sa nagawa ko s
Mababaw na napabuntong hininga si Stephen sa naging desisyon ni Airith. Matapos itong sabunutan ni Jessie kanina ay ganito nalang kadali para sa kanya na patawarin ito? "Sigurado ka ba sa desisyon mo?"Tipid na nginitian lang ni Airith si Stephen. Para sa kanya ay sapat nang humingi ng paumanhin sina Jessie sa nagawa nito.Nagkatinginan si Stephen at Wilbert, tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Inaalam ni Wilbert kung anong dapat niyang gawin kina Paul."Whether they're staying or not, pagbayarin mo sila ng kumpensasyon para sa nasirang cellphone ng fiancée ko." seryosong sambit ni Stephen. "Limampung libong piso."Pagkasabi nito ni Stephen ay inakay niya na si Airith papasok ng elevator. Naiwang gulantang sina Paul at Jessie. Gusto sana nilang magprotesta dahil hindi naman sila ang nakabasag ng cellphone ni Airith pero biglang nagsalita si Wilbert."Sure. Gagawin nila 'yon, hindi ba?"Napalunok nalang si Paul sa sinabi ni Wilbert. Tila may pananakot na kaakibat sa tono ng pananalit
Parehas na namimilog ang kanilang mata habang tinitingnan ang isa't-isa. Kahit mismo si Stephen ay pinamulahanan na rin ng mukha."I-I... I can explain myself! It's not what you think Airith!"Malikot lang ang matang nakatingin si Airith sa mukha ni Stephen sabay napayakap sa sariling katawan.Mas lalo pang nataranta si Stephen nang makita ang ginawa nito. "I-I said it's not what you think! Hayaan mo akong magpaliwanag. Please."Lalapit sana si Stephen kay Airith pero agad na umatras si Airith kaya napahinto rin agad si Stephen. Nameywang ito at humigpit ang pagkakahawak nito sa kulay pulang lingerie na itinatago nito sa likod. Gusto nitong murahin si Sarah sa isip nito. Anong pumasok sa isip niyon at naisip siyang pagtripan?"Listen to me," Pinakalma ni Stephen ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakawala ng hangin sa ilong. "Honestly hindi ako ang namili ng mga damit mo. H-humingi talaga ako ng tulong sa isang kaibigan. Siya rin ang may-ari ng boutique na pinagbilhan ko ng mga 'to. Hi
Nagpaunahan sila sa pag-agaw niyon kay Wilbert, pero huli na ang lahat. Inilabas na nito ang mahiwagang laman niyon kasabay ng pamimilog ng mata nito.Parehas na na-estatwa sina Airith at Stephen sa kung anong huli nilang posisyon habang inaagaw paper bag."Ohoho..." Sumilay sa mukha ni Wilbert ang nakalolokong ngisi pagkatapos ay marahang ibinalik ang lingerie sa loob ng paper bag na para bang isa iyong napakahalagang bagay na dapat ingatan dahil baka mabasag o masira iyon."S-sinabi ko bang..." Mabilis na hinablot ni Stephen ang paper bag sa kamay ni Wilbert. "G-get out!"Napanguso si Wilbert. Para itong batang pinapagalitan ng kanyang magulang. "Na-curious lang naman ako—""I said get out!"Tumayo si Stephen at sapilitang kinaladkad si Wilbert palabas ng kanilang kwarto. Humabol pa ito ng tingin kay Airith pagkatapos ay mapaglarong nagtaas-baba ang kilay. Nanlaki nalang ang mata ni Airith nang maunawaan ang ibig sabihing iyon ni Wilbert.Tila pagod na pagod si Stephen na isinandal
"Airith! Airith!" sigaw na tawag ni Minerva habang nagmamadaling pumasok sa loob ng hardin kung nasaan ngayon si Airith. Nasa likuran nito at nakabuntot si Estela, isang katulong.Nawala ang sigla sa mukha ni Airith at nagtatakang napabaling ang tingin sa direksyon ng tarangkahan ng hardin nang marinig ang galit na boses ni Minerva. Binitawan niya ang hose na hawak niya at sinalubong ang mga ito."Bakit po tita?" bungad na tanong niya.Una niyang tiningnan ang nakangising mukha ni Estela bago balingan ng tingin ang hawak-hawak ni Minerva na ilang pirasong bahagi ng nabasag na banga. Nakaramdam siya ng kaba."Ikaw ba ang nakabasag nito?" tanong ni Minerva.Hindi agad nakatugon si Airith sa halip ay nagtatanong ang matang tiningnan si Estela. Hindi siya ang nakabasag niyon kung hindi ay si Estela mismo! Ipinasa na naman ba nito sa kanya ang kasalanan nito?Kapag sinabi niya ang totoo ay mas lalala lang ang paninirang gagawin sa kanya ni Estela. Kung anu-anong kasinungalingang paninira p
"Mrs. Vergara," marahang pagtawag ng nurse sa silid kung nasaan ngayon si Airith at naghihintay. Nabasag niyon ang katahimikan.Nag-angat ng tingin si Airith pagkatapos ay isinara ang hawak-hawak niyang magazine na hindi niya naman binabasa. Kasabay ng pagtango sa nurse ang pagbilis nang bahagya ng kabog ng kanyang dibdib.Pumasok siya sa opisina ng doktora na katulad pa rin nang huling pumunta siya rito. Ngunit ngayong araw, pakiramdam niya ay nasa isa siyang digmaan at hindi niya alam kung anong magiging resulta ng kanyang kinabukasan. Nagpakawala pa siya ng mababaw na buntong hininga bago naupo sa harap ng doktora."You're looking well," sambit ng doktora, bahagya itong nakangiti habang nire-review ang hawak nitong file. Iniangat nito sa kanya ang mabait nitong itsura. "Lumabas na ang resulta ng iyong preliminary test, iyon ang kailangan nating talakayin ngayon." Mas lalo pang bumilis ang pagkabog ng dibdib ni Airith nang marinig iyon.Tila wala siya sa sarili nitong mga nakalipas
Pagkatapos ng ilang oras na paghahanda ay heto ngayon si Airith sa labas ng HSS Restaurant. Pinili niya lang magsuot ng simple at eleganteng damit na naka-stock lang sa kanyang aparador at matagal niya nang hindi nagagamit, nag-aasam na sana ay tumugma iyon sa anumang ihahatid ng gabing iyon. Hindi rin gaano kakapal ang make-up niya sa kanyang mukha. Sapat lang iyon upang mas patingkarin pa ang kanyang natural na kagandahan. Huminga muna siya nang malalim at itinuwid ang balikat bago napagdesisyunang pumasok sa restaurant. Hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang tiyan pero isinawalambahala niya lang iyon. Maaaring ang gabing ito ang maghatid sa kanya sa bagong kabanata ng kanilang buhay ni Sebastian at tsansang mabuo ang hinahangad niyang relasyon at pamilya. Pagkapasok ay may iilang kustomer ang napatingin sa kanya. Natural lang iyon na reaksyon ng mga tao kapag may napansing maganda sa paningin. Marahan siyang napalunok nang mapagtanto ang ilang matang nakasunod sa kanya. Binalewal
"Mapaglaro talaga ang tadhana, hindi ba?" bulong na tanong ni Airith sa bakanteng upuan sa kanyang tabi, kasalukuyan siyang sakay ng bus. Ang mapupungay niyang mata ay kakikitaan ng lungkot na maaaninag sa repleksyon ng mamasa-masang salamin ng bintana.Pagkatapos ng masalimuot na gabing iyon, madaling araw palang ay napagdesisyunan niya nang lisanin ang bahay ng pamilya Vergara. Hindi na siya nagpaalam. Alam niya rin namang wala silang pakialam at baka nga ikatuwa pa nila ang ginawa niyang iyon.Napatitig siya sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang bawat gusali, imprastraktura at mga punong nadaraanan ngunit parang tumatagos sa mga iyon ang kanyang paningin. Ramdam niya ang lamig ng upuang gawa sa katad sa pamamagitan ng kanyang palad habang ang kanyang mga daliri ay abala sa pagtapik doon kasabay ng hindi panatag na pagkabog ng kanyang dibdib.Binabalot ang kanyang isip ng napakabigat niyang desisyon. Dalawang linggo na siyang buntis simula nang may nangyari sa kanila ni Sebastian,