Maagang nagising si Airith sa kanilang tinutuluyang hotel. Nagpalinga-linga siya habang kinukusot ang namumungay na mata, may hinahanap.Nagpakawala siya ng mababaw na buntong hininga na tila diskumpyandong hindi doon natulog si Stephen."Ano bang iniisip ko? We're just a fake couple. Of course hindi siya dito matutulog," bulong niya sa sarili.Bumaba siya ng kama at suot ang pares ng malambot na tsinelas ay nagtungo siya sa may balkonahe pagkatapos ay binuksan ang pinto niyon, hinayaang makapasok ang sariwang hangin ng umaga.Pinangako niya kahapon kay Coleen na tutulungan niya ito kaya plano niya ngayong bisitahin ang ina nito sa ospital.Matapos gumawa ng egg sandwich ay naupo siya sa sala. Pinagmasdan niya ang mga paper bag na nakapatong pa rin ngayon sa sopa. Wala na roon ang maliit na paper bag.Bahagya pa siyang pinamulahanan ng pisngi matapos maalala ang nakakahiyang pangyayari kahapon. Sino ang baliw na tumulong kay Stephen sa pamimili nito?Pagkatapos mag-asikaso at magbihis
Galit na binalingan ni Jessie ang sinumang humawak sa kamay nito, pero agad ding nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang makilala kung sino ang lalaking iyon."Mr. V-Vergara..." wika nito sa gitlang mukha.Saka idinilat ni Airith ang isa niyang mata upang tingnan ang nangyayari. "Stephen?" gulat din niyang wika."You dare to hit my fiancée?" Kontrolado ang boses na iyon ni Stephen, pero makikita sa malamig nitong awra kung gaano ito kagalit.Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ni Jessie na nakataas pa rin."L-let go of me," Sinubukan ni Jessie na kumawala pero hindi nito magawa. Nagsimula itong mag-alala.Ilang saglit pa bago nakapag-react si Airith upang awatin si Stephen. "Stephen, stop it,"Hinawakan niya ang kamay nito upang pabitawin ito. Saka lang nito binitawan si Jessie."Pero muntik ka na niyang saktan, Airith. Let me punish her," sambit ni Stephen, ang mata nito ay kakikitaan ng pag-aalala na nakatago sa likod ng galit.Bumuntong hininga siya at tiningnan ang nag-aalal
"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Sir Stephen, hindi ba?" tanong ng ginang. Hindi nito hinayaang makatugon si Stephen. "Ang gwapo-gwapo mo pala talaga sa personal. Kinikilig pa ang Coleen ko habang ikinikwento ka niya niya sa'kin kagabi. Talaga nga namang... makakabuo kayo ng magandang pamilya ni Ms. Airith at sigurado akong kung masagana ang relasyong mayroon kayo ay... bibiyayaan kayo ng panginoon ng malulusog at mga cute na mga anak." natutuwang wika nito sa medyo may kalakasang boses.Hindi lang si Airith ang nagulat sa naging paksa agad nila pagkarating palang nila, maging na syempre si Stephen. Naubo pa ito dahil sa mga sinabi ng ginang.Bakit kailangang 'mga anak' ang gamitin nitong salita? Hindi ba pwedeng anak lang?"M-may tubig ka ba d'yan bata?" tanong nito sa batang katabi ng ginang.May dinampot naman sa sahig ang bata na bote ng mineral na tubig at binuksan ang takip niyon pagkatapos ay binawasan muna bago iabot kay Stephen."Ito po," magalang na wika nito.Saglit na
"Gusto mo pa ba?"Aktong ituturo ni Stephen ang katabing kama nang magtaas ng kamay si Airith upang pahintuin ito. "No, enough,"Natawa nalang si Stephen sa kanyang naging reaksyon. Nagpalipat-lipat naman ang tingin sa kanila ng bata bago pahirin ang tumutulo nitong sipon.Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Stephen nang makita nitong inihawak ng bata ang kamay nitong basa pa ng sipon sa cellphone nito. Ngayon ay si Airith naman itong natatawa.Inis na ibinagsak ni Stephen ang pinto ng kotse pagkasakay nila ng kotse. Natatawa pa rin si Airith habang pinagmamasdan ang cellphone nitong nandidiri pa nitong hinahawakan."Ang arte mo naman, akin na nga!" inagaw niya rito ang cellphone saka in-spray-han ng alcohol pagkatapos pinatuyo ng tissue.Kumunot ang kanyang noo nang makita niyang naninigas lang ang ekspresyon ng mukha nito."Bakit?" tanong niya sa natatawang mukha.Mabilis na inagaw nito ang cellphone nitong pinaliguan niya ng alcohol."Are you out of your mind? Balak mo rin b
Nagtungo sila sa isang high-end na restaurant. Sa entrance pa lang ay malugod nang binati si Stephen ng nagbabantay doon. Hindi naman ito mukhang guwardya, pero hindi rin naman ito mukhang manager. Ang naaalala niya sa kasuotan nito ay ang kanilang butler na si Jordan.Butler ba ito? Anong ginagawa nito sa entrance ng restaurant?"Tamang-tama ang punta n'yo, Mr. Vergara. Young miss will be arriving soon." wika nito sa malugod at magalang na tono. Ang medyo mauban nitong buhok ay nagdidikta kung ilang taon na ito.Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Young miss?Maya-maya lang ay isang puting kotse ang huminto at pumarada sa katabi ng kanilang kotse. Bumaba mula roon ang isang napakaeleganteng babae na nakusuot ng purong puting mahabang damit.Maging ang payong na ginamit ng driver upang payungan ito ay kulay puti rin.Kumurap-kurap nalang ang mata niya sa pinaghalong nagtataka at natatawang paraan. Kung hindi siya nagkakamali ay kakilala na naman ito ni Stephen."Stephen!" nakangiti
Bubuka palang sana ang bibig niya nang marinig niyang muling bumukas ang pinto ng silid."I'm back!" sambit ni Valentina sa may melodiyang tono.Napahinto ito nang mapansin nito ang medyo mabigat na atmospera sa pagitan nila ni Stephen."Did I.. interrupted something?" tanong nito habang inilalapag ang alak sa mesa."Nope. You're just in time," wika ni Stephen bago iabot dito ang menu. "Number 11, number 14 and... number 18." nakangiting wika nito."Comin' right up!" malugod namang wika ni Valentina na ikinasalubong niya ng kilay dahil sa pagtataka.Ginawa bang waitress ni Stephen ang babaeng iyon?"I thought she was your friend?" Tumaas pa ang balikat niya nang itanong niya iyon."She is indeed my friend. One of my old friends." Nag-angat ito ng tingin sa kanya habang nagsasalin ng alak sa babasaging kopa. "Masanay ka na sa kanya. She loves doing that sa mga kalapit na kakilala niya. Even though she owned this place."Nalaglag ang panga niya sa kanyang narinig. At may ari pa ng resta
"Airith!" tawag sa kanya ni Stephen.Hindi niya ito nilingon. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglakad sa naglalakihang mga hakbang habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha.Pagkasakay niya sa kotse ni Stephen ay ni-lock niya ang pinto upang hindi ito makapasok. Kumatok ito nang kumatok sa salamin ng bintana."Airith, talk to me."Tinakpan niya ang kanyang mga tainga upang hindi niya ito marinig.Hiyang-hiya siya sa nangyari sa kanila. O baka siya lang ang nakakaramdam niyon.Bakit ba kasi hindi niya tinulak kaagad si Stephen papalayo sa kanya? Hindi ba dapat unang reaksyon niya agad doon ay idistansya ito sa kanya? Pero bakit hinayaan niya pa ito sa ganoong estado nang mahigit limang segundo?Baka naman hinayaan niya ang sarili niya?Mahina siyang tumili upang ilabas ang hiyang iyon habang pinagpapadyak ang mga paa. Ramdam niya na ang espiritu ng alak sa kanyang katawan. Nag-iiniit siya nang puntong iyon.Napansin ng gilid niyang paningin si Stephen na muling lumabas ng re
Hindi rin nagtagal, naubos talunin ang mga ito nina Stephen. Sa buong oras na pakikipaglaban nila sa mga ito ay nakatakip lang ang mga kamay ni Airith sa kanyang bibig habang pigil ang hiningang nanonood.Hindi niya lubos akalaing mahusay din palang makipaglaban si Stephen. Ni hindi nga ito pinagpawisan!Lumapit sa kanya si Peter upang iabot sa kanya ang kanyang cellphone. "I-check mo." wika nito.Saglit niya munang pinagmasdan ang nakangiti nitong mukha sa pinaghalong nagtataka at may pagkamanghang ekspresyon bago abutin ang cellphone."T-thanks," tugon niya lang.Hindi niya matukoy kung sa paggawa ba nito ng kanyang cellphone siya nagpapasalamat o sa pagtulong nito kay Stephen.Saglit niya lang na binuksan ang kanyang cellphone na okay naman na kaya inilagay niya iyon sa loob kanyang bag. Pagkatapos ay tinabihan niya si Stephen na kasalukuyang nasa harap ng lider ng mga kalalakihang mga wala ngayong malay. Nakapameywang ito."Sino sila?" tanong niya. "May atraso ka ba sa kanila?"Na
"You know, hindi lang talaga ako makapaniwala na naghiwalay kayong dalawa. Like, hindi ba't may matatag na kasunduan ang dad mo at si Lord Agustin? How could be that idiot so cold to you? Mas pinili niya pa ang Geraldine na 'yon eh alam naman nating mas mabango ka kaysa sa babaeng 'yon." nakangiwi sa inis na saad ni Erica.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa kahabaan ng pedestrian lane habang parehas na may dalang kape na nakalagay sa paper cup.Nakatitig lang si Airith sa hawak na baso ni Erica na medyo nayupi na sa pagkakahawak nito.Sumimsim siya sa kanyang baso. "Hindi naman alam ng pamilya Vergara ang naging kasunduan ni papa at Lord Agustin." wika niya.Sinubukan niyang sabihin pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala naman siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ay alam niyang sila iyong tipo ng mga taong hindi kailangang bigyan ng patunay. Kapag naniwala sila ay paplastikin ka lang nila. Pekeng makikisama sa'yo."Yeah, right. Hindi nga pala nila alam ang tunay na
Anong sasabihin niya kay Erica? Naturingan niya pa man din itong best friend pero ni wala man lang siyang binanggit dito na kung ano noon patungkol sa kanyang pagdadalang tao.Pinagmasdan niya muna ang numerong nakatipa na sa screen ng kanyang cellphone, bago napagdesisyunang pindutin ang call button niyon.Segundo lang ang lumipas, narinig niya ang boses ng kaibigan na puno ng buhay sa kabilang linya ng tawag. "Airiiiiiiith! I missed you so so so much! Kamusta ka na? I was waiting for you to call for like an eternity!" bulalas nito.Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Na-miss niya nang husto ang matinis at makulit na boses ng kaibigan."Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka na? Nag-chat ka man lang sana sa'kin bago ka umuwi nang nasalubong kita." wika niya."I did, Airith. Nag chat kaya ako sa'yo. Ikaw 'tong hindi ako sini-seen. Akala ko nagtatampo ka sa'kin, ganern. But I noticed na ilang araw ka nang offline. Anong pinagkakaabalahan mo bhie? Musta na kayo ni Dadd
"I-I'm sorry. Akala ko—""Leave," malamig na wika ni Airith.Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Muntik lang namang may mangyari sa kanila na muntik niya na namang pagsisihan.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pagbukas at pagsarado ng pinto. Pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama."What the hell is wrong with you, Airith? Muntik mo nang makalimutang may anak ka na!" panenermon niya sa sarili sa mahinang boses.Nagtalukbong siya ng kumot. Paano kung hinayaan niya lang si Stephen at nabuntis siya nito? Siguradong kakarmehin na siya ng kanyang ama kapag nangyari nga iyon.Kung anu-anong posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap sakali mang magkatuluyan sila ni Stephen ang naglalaro sa kanyang isip.'Did he just admitted that he's actually inlove with me? O parte lang 'yon ng kalasingan ko?' tanong niya sa kanyang isip habang inaalala kung totoo nga iyong ginawang pagtatapat ni Stephen sa kanya kanina.Iniiling-iling
"Awe, ang sweet naman nila, aren't they?" wika ni Geraldine sa mapaglarong tono habang nakayakap sa braso ni Sebastian.Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa gilid ng bulwagan habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero inagaw nina Airith ang atensyon ng mga ito maging na ang ibang bisita roon."Ooh, they're wild!" komento ng isa habang sinisiko ang katabi nito. "They should get a room, right?""What a lovely couple. Nakakainggit naman sila." wika rin ng isa."Ang swerte naman ni Mr. Stephen. Ang ganda-ganda ng mapapangasawa niya." puri naman ng isa pa. "Bagay sila sa isa't-isa."Naikuyom nalang ni Sebastian ang kamao nito matapos marinig ang mga iyon. Hindi nito kayang makita ang ginagawa ni Airith at Stephen kaya sa ibang direksyon ito ng bulwagan nakatingin.Para sa kanya ay mas lalo lang pinatunayan ni Airith kung gaano ito kadesperadang makapangasawa ng mayaman.Ang mas ikinaiinis pa nito ay pinuntirya ni Airith ang kanyang kapatid.Tumayo ito at naglakad papaalis."Sa'n ka pupunta? Are
Matapos ng ilang minutong paghahalughog nina Stephen sa buong bahay ay muli silang nagkita ni Tim sa may ibaba ng hagdan. Hinahanap nila ngayon si Airith.Nagpalitan sila ng tingin na sinundan ng pagtaas-baba ng balikat ni Tim. Ngayon ay mas lalo pang nag-alala si Stephen."Hindi kaya umuwi na 'yon at 'di lang sa'yo nagpaalam?" hinuhang tanong ni Tim."I don't think so. Magsasabi naman 'yon kung gusto niyang umuwi."Isa pa ay sa banyo ang sinabi nitong pupuntahan nito. Si Geraldine ang nakasalubong niya nang magtungo siya roon at sinabi nitong kakaalis lang ni Airith at pabalik sa bulwagan ang direksyon nito, hindi palabas ng bahay.Pero paano kaya kung nagbago ang isip ni Airith at napagdesisyunan nitong lumabas?Makaraan ng ilang saglit ay napasampal siya sa kanyang noo. Bakit ngayon lang iyon pumasok sa isip niya?"Bakit?" usisa ni Tim."I'll be right back. Check mo ulit sa grandhall baka bumalik siya ro'n."Tumango-tango lang si Tim at naghiwalay sila ng direksyon.Pagkarating niy
Kumabog ang dibdib ni Airith dahil sa sinabi ni Stephen. Isipin niya palang ay naiimahina na niya kung anong klaseng titig ang ipinupukol sa kanya ni Sebastian. Pagkadismya iyon, panigurado."Oh, Airith. Nandito ka rin pala," Tumabi si Geraldine kay Stephen. "Nice meeting you, again. Sorry about sa nangyari the other day. Hindi ko inaakalang... well, alam mo na." wika nito sa kanya sa tila nanunudyong tono na ikinukubli lang nito sa pilit nitong pagngiti."Geraldine, please." sita ni Stephen rito sa seryosong mukha habang makahulugan itong tinititigan."No, no, I didn't mean it that way," Mahinang natawa si Geraldine. "Na-curious lang ako. Airith was such a wonderful, kind... generous girl back then noong nasa college kami, but I don't know why they hate her so much. I mean... she's very lovely woman!" Mahina nitong siniko si Stephen sa tiyan. "Kaya nga nahulog ka sa kanya, hindi ba?""That's true," sang-ayon ni Stephen kasabay ng pagtaas-baba ng balikat, "But please, 'wag na nating
Nakaakbay si Stephen kay Tim nang pumasok sila sa loob ng bahay. Nakasunod lang si Airith sa mga ito habang balisa sa paggala ng tingin sa paligid, minumukhaan ang bawat taong makakasalubong nila.Pabilis nang pabilis ang kabog ng kanyang dibdib sa isiping nandoon at magkikita na naman sila ni Sebastian."Nag-text ka man lang sana, ha..." saad ni Stephen kay Tim.Medyo hinigpitan nito ang pagkakapulupot ng kamay nito sa leeg ni Tim habang kagat-kagat ang ilalim na labi na animo'y pinanggigigilan ito."If I did, malamang na hindi kayo pumunta." pagrarason nito kaya naman ay mas lalo pang hinigpitan ni Stephen ang pananakal dito."Airith, help!" paghingi ni Tim ng saklolo sa tila hirap na paraan.Kahit na tila makatotohanan ang ginagawa rito ni Stephen ay harutan lang nila iyon.Hindi siya umimik kaya naman ay huminto si Stephen sa ginagawa nito at hinarap siya."You alright?" tanong nito. "Sabihin mo lang, uuwi tayo kung gusto mo." wika nito sa mahinahong boses.Kahit papaano ay nagaga
Kinabukasan, bumalik na sila sa bahay na tinitirhan ni Stephen. Tahimik lang ito sa buong biyahe habang nagmamaneho ng kotse, bagay na ikinataka ni Airith.'Anong problema nito? Bakit hindi ito nagsasalita?'Dahil ba iyon sa nanghabol sa kanila kahapon? O baka dahil iyon sa video call niya kahapon kay Alicia? Alam na kaya nito ang tungkol sa kanyang anak?'Anong gagawin ko? Dapat ko bang aminin sa kanyang anak namin 'yon ni Sebastian?' tanong nito sa isip habang kagat-kagat ang gilid ng ilalim niyang labi.Samantala, ang nasa isip naman ngayon ni Stephen ay kung paano nito kokomprontahin si Airith patungkol sa tinatawag nitong baby. Umaasa ito na sana ay tama nga ang hinuha ni Wilbert na may kaibigan lang si Airith na Baby ang pangalan.'What a weird name to begin with? ha ha, Baby? Kapag pala tumanda na 'yon lola Baby ang tawag?'Hindi maiwasan ni Stephen na matawa sa sarili habang iniisip iyon."Akala ko may pinoproblema ka? Bakit pangiti-ngiti ka d'yan?" puna ni Airith dito."Ah...
"H-huh? W-wala. May kausap ba ako?" maang-maangan niyang tanong. Umayos siya ng upo at umaktong inosente.Bakit hindi niya namalayan ang pagpasok nito? Ganoon ba siya nakapokus sa kanyang cellphone?Tumikhim siya nang maramdaman na parang may namumuong plema sa kanyang lalamunan dahil sa paraan kung paano siya nito titigan. Nakakailang iyon.'Nakita niya ba kung sino ang ka-video call ko?' may pag-aalalang tanong niya sa isip. Nakita ba nito si Alicia?"Anyways,"Sa wakas ay pinutol nito ang pagtitig nito at naupo ito sa katapat na couch. Nakahinga rin siya nang maluwag na hindi niya ipinahalata.May inilapag itong puting folder sa center table na ngayon niya lang napansing dala-dala nito. Inilahad nito ang kamay nito at sinasabi nitong kunin niya iyon at tingnan.Suminghot muna siya bago iyon damputin. "Ano 'to?" tanong niya.Hindi ito tumugon sa halip ay hinayaan siyang basahin iyon.'Marriage license form?'"I thought... we're just having a fake wedding. Bakit kailangan pa nito?"H