"H-he's Mr. Paul Gonzales, Sir." Ang receptionist na may kulot na buhok ang sumagot sa tanong ni Stephen. "Isa po siyang VIP guest rito sa Starry Abode along with his girlfriend, Ms. Jessie Bernardino."Ilang segundo pa bago nakilala ni Stephen si Paul. "Ah, now I remember. Ikaw ang anak ni Mr. Jonathan Gonzales, tama ba ako?"Hindi tumugon si Paul sa halip ay sumilay sa labi nito ang pag-ismid. Kumpara sa pamilya Vergara ay hindi nalalayo ang yamang meron ang pamilya Gonzales sa kanila. Hindi man gustong kalabanin ni Paul si Stephen ay nabalitaan niyang malapit nang bumagsak ang kumpanya ng pamilya Vergara. Salamat sa sinumang umaatake sa kanila.Sigurado si Paul na wala nang sapat na kakayahan si Stephen upang tapatan ang kanilang pamilya. Bukod pa roon ay miyembro din ang kanyang ama ng isang sekretong mafia sa kanilang lungsod. Kapag pinakiusapan niya si Jonathan na tulungan siya nito laban kay Stephen ay hindi ito magdadalawang-isip. Kaya kung tutuusin ay wala namang kalaban-laba
"Pamilya lang namin ang malapit nang mamulubi, hindi ako." makahulugang sambit ni Stephen.Napatitig nang husto si Airith sa mukha nito. "A-anong ibig mong sabihin?"Sa puntong iyon ay isang matangkad na lalaki ang nasa kalagitnaan na ng kwarenta ang edad ang dumating. Lahat ng tao sa reception area ay napatingin dito maliban kay Stephen at Airith. Nakasuot ito ng lilac cotton suit na bumabagay sa kulay ng reception area at tema ng hotel. Lahat ng staff na naroon upang makiusisa ay agad na napayuko upang batiin ito. Maging ang mga panauhing naka-check-in sa hotel na iyon ay kilala rin ang lalaki lalo na si Paul."It's Mr. Wilbert Eigenmann! Oh jeez, it's my first time seeing him in person!" bulong na wika ni Paul kay Jessie, nagagalak ang reaksyon ng mukha nito."Sino siya babe?" tanong ni Jessie. May parte sa isip niyang parang narinig na niya ang pangalan nito pero hindi niya lang maalala kung saan at kailan."Siya ang mismong may-ari ng hotel na'to. Hindi mo pa ba nabalitaan ang tu
Ilang saglit bago naunawaan ni Wilbert ang nangyari. Base sa ekspresyon ng mukha ngayon ni Stephen ay nakikita niya kung gaano ito kagalit ngayon kina Paul."Hah! You moron! Akala mo ba ay ka-level mo lang ang kausap mo? Hindi porket isa kang guest sa isang presidential suite ay akala mo kung sino ka na upang utusan si Mr. Eigenmann?" pabulyaw na saad ni Paul, nandidilat ang mga mata nito. Lumapit ito sa kinatatayuan ni Wilbert. "Mr. Wilbert, kung hindi niyo pa po nababalitaan, malapit na pong ma-bankrupt ang pamilya Vergara. Hindi niyo na po kailangang maging magalang sa lalaking 'yan. Malamang na ang ginamit niyang pera upang mag-check-in sa presidetial suite ay ang huli at natatangi niyang pera. Bukod pa ro'n ay ang babae pong kasama niyan ang siyang pasimuno ng komosyon na'to. Hindi po kami."Gustong matawa ni Wilbert sa mga sinabi ni Paul pero hindi nito ipinahalata iyon. Sino ang lalaking ito upang pagsabihan siya sa kung paano niya pakikitunguhan si Stephen? Saka si Stephen na
'Why is Mr. Eigenmann doing this? Anong dahilan niya para irespeto nang husto si Stephen?' lubos na nagtatakang tanong ni Paul sa isip nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa.Isang makapangyarihang negosyante si Wilbert at kumpara dito ay isang normal na pamilya lang ang pamilya Vergara, bukod pa roon ay pabagsak na ang kumpanya nila. 'Anong kalokohan 'to?' muling tanong ni Paul sa isip nito sa naiinis na paraan.Lumapit sila ni Jessie sa harapan ni Airith at doon lumuhod gaya ng ipinapagawa ni Wilbert.'This is fucking humiliating!' asar na sambit ni Jessie sa isip nito. Katulad ni Paul ay hindi rin nito maintindihan ang inaasal ni Wilbert. Sila itong dapat nakatayo at sina Airith at Stephen ang nakaluhod sa kanilang harapan."W-we're sorry for what we did and for framing you. Sana ay mapatawad mo kami." sambit ni Paul, tila hirap pa itong bigkasin iyon."Yes, me too. Pasensya na sa ginawa ko sa'yo kanina, Airith. Sana ay mapatawad mo ako. M-maging na sa nagawa ko s
Mababaw na napabuntong hininga si Stephen sa naging desisyon ni Airith. Matapos itong sabunutan ni Jessie kanina ay ganito nalang kadali para sa kanya na patawarin ito? "Sigurado ka ba sa desisyon mo?"Tipid na nginitian lang ni Airith si Stephen. Para sa kanya ay sapat nang humingi ng paumanhin sina Jessie sa nagawa nito.Nagkatinginan si Stephen at Wilbert, tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Inaalam ni Wilbert kung anong dapat niyang gawin kina Paul."Whether they're staying or not, pagbayarin mo sila ng kumpensasyon para sa nasirang cellphone ng fiancée ko." seryosong sambit ni Stephen. "Limampung libong piso."Pagkasabi nito ni Stephen ay inakay niya na si Airith papasok ng elevator. Naiwang gulantang sina Paul at Jessie. Gusto sana nilang magprotesta dahil hindi naman sila ang nakabasag ng cellphone ni Airith pero biglang nagsalita si Wilbert."Sure. Gagawin nila 'yon, hindi ba?"Napalunok nalang si Paul sa sinabi ni Wilbert. Tila may pananakot na kaakibat sa tono ng pananalit
Parehas na namimilog ang kanilang mata habang tinitingnan ang isa't-isa. Kahit mismo si Stephen ay pinamulahanan na rin ng mukha."I-I... I can explain myself! It's not what you think Airith!"Malikot lang ang matang nakatingin si Airith sa mukha ni Stephen sabay napayakap sa sariling katawan.Mas lalo pang nataranta si Stephen nang makita ang ginawa nito. "I-I said it's not what you think! Hayaan mo akong magpaliwanag. Please."Lalapit sana si Stephen kay Airith pero agad na umatras si Airith kaya napahinto rin agad si Stephen. Nameywang ito at humigpit ang pagkakahawak nito sa kulay pulang lingerie na itinatago nito sa likod. Gusto nitong murahin si Sarah sa isip nito. Anong pumasok sa isip niyon at naisip siyang pagtripan?"Listen to me," Pinakalma ni Stephen ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakawala ng hangin sa ilong. "Honestly hindi ako ang namili ng mga damit mo. H-humingi talaga ako ng tulong sa isang kaibigan. Siya rin ang may-ari ng boutique na pinagbilhan ko ng mga 'to. Hi
Nagpaunahan sila sa pag-agaw niyon kay Wilbert, pero huli na ang lahat. Inilabas na nito ang mahiwagang laman niyon kasabay ng pamimilog ng mata nito.Parehas na na-estatwa sina Airith at Stephen sa kung anong huli nilang posisyon habang inaagaw paper bag."Ohoho..." Sumilay sa mukha ni Wilbert ang nakalolokong ngisi pagkatapos ay marahang ibinalik ang lingerie sa loob ng paper bag na para bang isa iyong napakahalagang bagay na dapat ingatan dahil baka mabasag o masira iyon."S-sinabi ko bang..." Mabilis na hinablot ni Stephen ang paper bag sa kamay ni Wilbert. "G-get out!"Napanguso si Wilbert. Para itong batang pinapagalitan ng kanyang magulang. "Na-curious lang naman ako—""I said get out!"Tumayo si Stephen at sapilitang kinaladkad si Wilbert palabas ng kanilang kwarto. Humabol pa ito ng tingin kay Airith pagkatapos ay mapaglarong nagtaas-baba ang kilay. Nanlaki nalang ang mata ni Airith nang maunawaan ang ibig sabihing iyon ni Wilbert.Tila pagod na pagod si Stephen na isinandal
"Airith! Airith!" sigaw na tawag ni Minerva habang nagmamadaling pumasok sa loob ng hardin kung nasaan ngayon si Airith. Nasa likuran nito at nakabuntot si Estela, isang katulong.Nawala ang sigla sa mukha ni Airith at nagtatakang napabaling ang tingin sa direksyon ng tarangkahan ng hardin nang marinig ang galit na boses ni Minerva. Binitawan niya ang hose na hawak niya at sinalubong ang mga ito."Bakit po tita?" bungad na tanong niya.Una niyang tiningnan ang nakangising mukha ni Estela bago balingan ng tingin ang hawak-hawak ni Minerva na ilang pirasong bahagi ng nabasag na banga. Nakaramdam siya ng kaba."Ikaw ba ang nakabasag nito?" tanong ni Minerva.Hindi agad nakatugon si Airith sa halip ay nagtatanong ang matang tiningnan si Estela. Hindi siya ang nakabasag niyon kung hindi ay si Estela mismo! Ipinasa na naman ba nito sa kanya ang kasalanan nito?Kapag sinabi niya ang totoo ay mas lalala lang ang paninirang gagawin sa kanya ni Estela. Kung anu-anong kasinungalingang paninira p