"Pamilya lang namin ang malapit nang mamulubi, hindi ako." makahulugang sambit ni Stephen.Napatitig nang husto si Airith sa mukha nito. "A-anong ibig mong sabihin?"Sa puntong iyon ay isang matangkad na lalaki ang nasa kalagitnaan na ng kwarenta ang edad ang dumating. Lahat ng tao sa reception area ay napatingin dito maliban kay Stephen at Airith. Nakasuot ito ng lilac cotton suit na bumabagay sa kulay ng reception area at tema ng hotel. Lahat ng staff na naroon upang makiusisa ay agad na napayuko upang batiin ito. Maging ang mga panauhing naka-check-in sa hotel na iyon ay kilala rin ang lalaki lalo na si Paul."It's Mr. Wilbert Eigenmann! Oh jeez, it's my first time seeing him in person!" bulong na wika ni Paul kay Jessie, nagagalak ang reaksyon ng mukha nito."Sino siya babe?" tanong ni Jessie. May parte sa isip niyang parang narinig na niya ang pangalan nito pero hindi niya lang maalala kung saan at kailan."Siya ang mismong may-ari ng hotel na'to. Hindi mo pa ba nabalitaan ang tu
Ilang saglit bago naunawaan ni Wilbert ang nangyari. Base sa ekspresyon ng mukha ngayon ni Stephen ay nakikita niya kung gaano ito kagalit ngayon kina Paul."Hah! You moron! Akala mo ba ay ka-level mo lang ang kausap mo? Hindi porket isa kang guest sa isang presidential suite ay akala mo kung sino ka na upang utusan si Mr. Eigenmann?" pabulyaw na saad ni Paul, nandidilat ang mga mata nito. Lumapit ito sa kinatatayuan ni Wilbert. "Mr. Wilbert, kung hindi niyo pa po nababalitaan, malapit na pong ma-bankrupt ang pamilya Vergara. Hindi niyo na po kailangang maging magalang sa lalaking 'yan. Malamang na ang ginamit niyang pera upang mag-check-in sa presidetial suite ay ang huli at natatangi niyang pera. Bukod pa ro'n ay ang babae pong kasama niyan ang siyang pasimuno ng komosyon na'to. Hindi po kami."Gustong matawa ni Wilbert sa mga sinabi ni Paul pero hindi nito ipinahalata iyon. Sino ang lalaking ito upang pagsabihan siya sa kung paano niya pakikitunguhan si Stephen? Saka si Stephen na
'Why is Mr. Eigenmann doing this? Anong dahilan niya para irespeto nang husto si Stephen?' lubos na nagtatakang tanong ni Paul sa isip nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa.Isang makapangyarihang negosyante si Wilbert at kumpara dito ay isang normal na pamilya lang ang pamilya Vergara, bukod pa roon ay pabagsak na ang kumpanya nila. 'Anong kalokohan 'to?' muling tanong ni Paul sa isip nito sa naiinis na paraan.Lumapit sila ni Jessie sa harapan ni Airith at doon lumuhod gaya ng ipinapagawa ni Wilbert.'This is fucking humiliating!' asar na sambit ni Jessie sa isip nito. Katulad ni Paul ay hindi rin nito maintindihan ang inaasal ni Wilbert. Sila itong dapat nakatayo at sina Airith at Stephen ang nakaluhod sa kanilang harapan."W-we're sorry for what we did and for framing you. Sana ay mapatawad mo kami." sambit ni Paul, tila hirap pa itong bigkasin iyon."Yes, me too. Pasensya na sa ginawa ko sa'yo kanina, Airith. Sana ay mapatawad mo ako. M-maging na sa nagawa ko s
Mababaw na napabuntong hininga si Stephen sa naging desisyon ni Airith. Matapos itong sabunutan ni Jessie kanina ay ganito nalang kadali para sa kanya na patawarin ito? "Sigurado ka ba sa desisyon mo?"Tipid na nginitian lang ni Airith si Stephen. Para sa kanya ay sapat nang humingi ng paumanhin sina Jessie sa nagawa nito.Nagkatinginan si Stephen at Wilbert, tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Inaalam ni Wilbert kung anong dapat niyang gawin kina Paul."Whether they're staying or not, pagbayarin mo sila ng kumpensasyon para sa nasirang cellphone ng fiancée ko." seryosong sambit ni Stephen. "Limampung libong piso."Pagkasabi nito ni Stephen ay inakay niya na si Airith papasok ng elevator. Naiwang gulantang sina Paul at Jessie. Gusto sana nilang magprotesta dahil hindi naman sila ang nakabasag ng cellphone ni Airith pero biglang nagsalita si Wilbert."Sure. Gagawin nila 'yon, hindi ba?"Napalunok nalang si Paul sa sinabi ni Wilbert. Tila may pananakot na kaakibat sa tono ng pananalit
Parehas na namimilog ang kanilang mata habang tinitingnan ang isa't-isa. Kahit mismo si Stephen ay pinamulahanan na rin ng mukha."I-I... I can explain myself! It's not what you think Airith!"Malikot lang ang matang nakatingin si Airith sa mukha ni Stephen sabay napayakap sa sariling katawan.Mas lalo pang nataranta si Stephen nang makita ang ginawa nito. "I-I said it's not what you think! Hayaan mo akong magpaliwanag. Please."Lalapit sana si Stephen kay Airith pero agad na umatras si Airith kaya napahinto rin agad si Stephen. Nameywang ito at humigpit ang pagkakahawak nito sa kulay pulang lingerie na itinatago nito sa likod. Gusto nitong murahin si Sarah sa isip nito. Anong pumasok sa isip niyon at naisip siyang pagtripan?"Listen to me," Pinakalma ni Stephen ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakawala ng hangin sa ilong. "Honestly hindi ako ang namili ng mga damit mo. H-humingi talaga ako ng tulong sa isang kaibigan. Siya rin ang may-ari ng boutique na pinagbilhan ko ng mga 'to. Hi
Nagpaunahan sila sa pag-agaw niyon kay Wilbert, pero huli na ang lahat. Inilabas na nito ang mahiwagang laman niyon kasabay ng pamimilog ng mata nito.Parehas na na-estatwa sina Airith at Stephen sa kung anong huli nilang posisyon habang inaagaw paper bag."Ohoho..." Sumilay sa mukha ni Wilbert ang nakalolokong ngisi pagkatapos ay marahang ibinalik ang lingerie sa loob ng paper bag na para bang isa iyong napakahalagang bagay na dapat ingatan dahil baka mabasag o masira iyon."S-sinabi ko bang..." Mabilis na hinablot ni Stephen ang paper bag sa kamay ni Wilbert. "G-get out!"Napanguso si Wilbert. Para itong batang pinapagalitan ng kanyang magulang. "Na-curious lang naman ako—""I said get out!"Tumayo si Stephen at sapilitang kinaladkad si Wilbert palabas ng kanilang kwarto. Humabol pa ito ng tingin kay Airith pagkatapos ay mapaglarong nagtaas-baba ang kilay. Nanlaki nalang ang mata ni Airith nang maunawaan ang ibig sabihing iyon ni Wilbert.Tila pagod na pagod si Stephen na isinandal
"Stephen, darling, you know we're expecting you at six sharp!" boses iyon ng ina ni Stephen sa cellphone nitong naka loud speaker, mahahalata roon ang pinaghalong pagkagalak at mahinahong pagpapaalala."Alam ko, alam ko. Papunta na kami d'yan, promise," tugon ni Stephen sabay baling ng tingin sa digital clock ng kotse.Five-fifty five."Maghintay lang kayo mom, malapit na kami." dagdag nito saka nginitian si Airith na nanahimik lang sa passenger seat."You better be," sambit ng ina nito. "Hindi na makapaghintay ang dad mo na makita at makilala si Airith.""Sabihin mo sa kanya kumalma siya," panunudyo ni Stephen, sinusubukang pagaanin ang tensyon na biglang namuo sa loob ng sasakyan. "Nand'yan na kami in five minutes."Napalunok si Airith, ramdam niya ang kaba na dumaloy na hanggang sa kanyang mga palad.Kasal siya kay Sebastian sa loob ng isang taon at ni minsan ay hindi niya nakita ang mga magulang nito. Wala siyang kaide-ideya sa ugaling mayroon ang mga ito.Matapos ng kanilang pagh
Pagkatapos nilang maghapunan, isinama ni Stephen si Airith sa isang maliit na hardin sa likod ng villa."Ayos ka lang?" tanong nito sa mahinang boses.Ang liwanag ng buwan ay tumatama sa patag na pagkakagupit na lawn grass, lumilikha iyon ng anino na nagmumula sa kanyang katawan na kanina niya pa pinagmamasdan.Nag-angat siya ng tingin dito. "Yes," tugon niya. "It's just... a lot to take in."Tumango si Stephen, ang mata nito ay tila may hinahanap sa kanyang mukha. "Hindi sila naghinala," natatawang ani nito. Ang ngiti sa labi nito ay nakakalma tingnan.Humugot siya ng malalim na paghinga at hinayaang pumasok sa kanyang baga ang amoy preskong gabi. "Thank you," bulong na wika niya na ikinakunot nito ng noo.Tumawa ito. "Para saan naman?""For... helping me to calm down," tugon niya na sinundan ng pagtaas baba ng balikat.Umiling ng isang beses si Stephen. "Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Sa pagpayag mo na tulungan ako," sambit nito. Pinagsalikop nito ang nga kamay nito sa likod pagk
"You know, hindi lang talaga ako makapaniwala na naghiwalay kayong dalawa. Like, hindi ba't may matatag na kasunduan ang dad mo at si Lord Agustin? How could be that idiot so cold to you? Mas pinili niya pa ang Geraldine na 'yon eh alam naman nating mas mabango ka kaysa sa babaeng 'yon." nakangiwi sa inis na saad ni Erica.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa kahabaan ng pedestrian lane habang parehas na may dalang kape na nakalagay sa paper cup.Nakatitig lang si Airith sa hawak na baso ni Erica na medyo nayupi na sa pagkakahawak nito.Sumimsim siya sa kanyang baso. "Hindi naman alam ng pamilya Vergara ang naging kasunduan ni papa at Lord Agustin." wika niya.Sinubukan niyang sabihin pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala naman siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ay alam niyang sila iyong tipo ng mga taong hindi kailangang bigyan ng patunay. Kapag naniwala sila ay paplastikin ka lang nila. Pekeng makikisama sa'yo."Yeah, right. Hindi nga pala nila alam ang tunay na
Anong sasabihin niya kay Erica? Naturingan niya pa man din itong best friend pero ni wala man lang siyang binanggit dito na kung ano noon patungkol sa kanyang pagdadalang tao.Pinagmasdan niya muna ang numerong nakatipa na sa screen ng kanyang cellphone, bago napagdesisyunang pindutin ang call button niyon.Segundo lang ang lumipas, narinig niya ang boses ng kaibigan na puno ng buhay sa kabilang linya ng tawag. "Airiiiiiiith! I missed you so so so much! Kamusta ka na? I was waiting for you to call for like an eternity!" bulalas nito.Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Na-miss niya nang husto ang matinis at makulit na boses ng kaibigan."Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka na? Nag-chat ka man lang sana sa'kin bago ka umuwi nang nasalubong kita." wika niya."I did, Airith. Nag chat kaya ako sa'yo. Ikaw 'tong hindi ako sini-seen. Akala ko nagtatampo ka sa'kin, ganern. But I noticed na ilang araw ka nang offline. Anong pinagkakaabalahan mo bhie? Musta na kayo ni Dadd
"I-I'm sorry. Akala ko—""Leave," malamig na wika ni Airith.Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Muntik lang namang may mangyari sa kanila na muntik niya na namang pagsisihan.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pagbukas at pagsarado ng pinto. Pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama."What the hell is wrong with you, Airith? Muntik mo nang makalimutang may anak ka na!" panenermon niya sa sarili sa mahinang boses.Nagtalukbong siya ng kumot. Paano kung hinayaan niya lang si Stephen at nabuntis siya nito? Siguradong kakarmehin na siya ng kanyang ama kapag nangyari nga iyon.Kung anu-anong posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap sakali mang magkatuluyan sila ni Stephen ang naglalaro sa kanyang isip.'Did he just admitted that he's actually inlove with me? O parte lang 'yon ng kalasingan ko?' tanong niya sa kanyang isip habang inaalala kung totoo nga iyong ginawang pagtatapat ni Stephen sa kanya kanina.Iniiling-iling
"Awe, ang sweet naman nila, aren't they?" wika ni Geraldine sa mapaglarong tono habang nakayakap sa braso ni Sebastian.Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa gilid ng bulwagan habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero inagaw nina Airith ang atensyon ng mga ito maging na ang ibang bisita roon."Ooh, they're wild!" komento ng isa habang sinisiko ang katabi nito. "They should get a room, right?""What a lovely couple. Nakakainggit naman sila." wika rin ng isa."Ang swerte naman ni Mr. Stephen. Ang ganda-ganda ng mapapangasawa niya." puri naman ng isa pa. "Bagay sila sa isa't-isa."Naikuyom nalang ni Sebastian ang kamao nito matapos marinig ang mga iyon. Hindi nito kayang makita ang ginagawa ni Airith at Stephen kaya sa ibang direksyon ito ng bulwagan nakatingin.Para sa kanya ay mas lalo lang pinatunayan ni Airith kung gaano ito kadesperadang makapangasawa ng mayaman.Ang mas ikinaiinis pa nito ay pinuntirya ni Airith ang kanyang kapatid.Tumayo ito at naglakad papaalis."Sa'n ka pupunta? Are
Matapos ng ilang minutong paghahalughog nina Stephen sa buong bahay ay muli silang nagkita ni Tim sa may ibaba ng hagdan. Hinahanap nila ngayon si Airith.Nagpalitan sila ng tingin na sinundan ng pagtaas-baba ng balikat ni Tim. Ngayon ay mas lalo pang nag-alala si Stephen."Hindi kaya umuwi na 'yon at 'di lang sa'yo nagpaalam?" hinuhang tanong ni Tim."I don't think so. Magsasabi naman 'yon kung gusto niyang umuwi."Isa pa ay sa banyo ang sinabi nitong pupuntahan nito. Si Geraldine ang nakasalubong niya nang magtungo siya roon at sinabi nitong kakaalis lang ni Airith at pabalik sa bulwagan ang direksyon nito, hindi palabas ng bahay.Pero paano kaya kung nagbago ang isip ni Airith at napagdesisyunan nitong lumabas?Makaraan ng ilang saglit ay napasampal siya sa kanyang noo. Bakit ngayon lang iyon pumasok sa isip niya?"Bakit?" usisa ni Tim."I'll be right back. Check mo ulit sa grandhall baka bumalik siya ro'n."Tumango-tango lang si Tim at naghiwalay sila ng direksyon.Pagkarating niy
Kumabog ang dibdib ni Airith dahil sa sinabi ni Stephen. Isipin niya palang ay naiimahina na niya kung anong klaseng titig ang ipinupukol sa kanya ni Sebastian. Pagkadismya iyon, panigurado."Oh, Airith. Nandito ka rin pala," Tumabi si Geraldine kay Stephen. "Nice meeting you, again. Sorry about sa nangyari the other day. Hindi ko inaakalang... well, alam mo na." wika nito sa kanya sa tila nanunudyong tono na ikinukubli lang nito sa pilit nitong pagngiti."Geraldine, please." sita ni Stephen rito sa seryosong mukha habang makahulugan itong tinititigan."No, no, I didn't mean it that way," Mahinang natawa si Geraldine. "Na-curious lang ako. Airith was such a wonderful, kind... generous girl back then noong nasa college kami, but I don't know why they hate her so much. I mean... she's very lovely woman!" Mahina nitong siniko si Stephen sa tiyan. "Kaya nga nahulog ka sa kanya, hindi ba?""That's true," sang-ayon ni Stephen kasabay ng pagtaas-baba ng balikat, "But please, 'wag na nating
Nakaakbay si Stephen kay Tim nang pumasok sila sa loob ng bahay. Nakasunod lang si Airith sa mga ito habang balisa sa paggala ng tingin sa paligid, minumukhaan ang bawat taong makakasalubong nila.Pabilis nang pabilis ang kabog ng kanyang dibdib sa isiping nandoon at magkikita na naman sila ni Sebastian."Nag-text ka man lang sana, ha..." saad ni Stephen kay Tim.Medyo hinigpitan nito ang pagkakapulupot ng kamay nito sa leeg ni Tim habang kagat-kagat ang ilalim na labi na animo'y pinanggigigilan ito."If I did, malamang na hindi kayo pumunta." pagrarason nito kaya naman ay mas lalo pang hinigpitan ni Stephen ang pananakal dito."Airith, help!" paghingi ni Tim ng saklolo sa tila hirap na paraan.Kahit na tila makatotohanan ang ginagawa rito ni Stephen ay harutan lang nila iyon.Hindi siya umimik kaya naman ay huminto si Stephen sa ginagawa nito at hinarap siya."You alright?" tanong nito. "Sabihin mo lang, uuwi tayo kung gusto mo." wika nito sa mahinahong boses.Kahit papaano ay nagaga
Kinabukasan, bumalik na sila sa bahay na tinitirhan ni Stephen. Tahimik lang ito sa buong biyahe habang nagmamaneho ng kotse, bagay na ikinataka ni Airith.'Anong problema nito? Bakit hindi ito nagsasalita?'Dahil ba iyon sa nanghabol sa kanila kahapon? O baka dahil iyon sa video call niya kahapon kay Alicia? Alam na kaya nito ang tungkol sa kanyang anak?'Anong gagawin ko? Dapat ko bang aminin sa kanyang anak namin 'yon ni Sebastian?' tanong nito sa isip habang kagat-kagat ang gilid ng ilalim niyang labi.Samantala, ang nasa isip naman ngayon ni Stephen ay kung paano nito kokomprontahin si Airith patungkol sa tinatawag nitong baby. Umaasa ito na sana ay tama nga ang hinuha ni Wilbert na may kaibigan lang si Airith na Baby ang pangalan.'What a weird name to begin with? ha ha, Baby? Kapag pala tumanda na 'yon lola Baby ang tawag?'Hindi maiwasan ni Stephen na matawa sa sarili habang iniisip iyon."Akala ko may pinoproblema ka? Bakit pangiti-ngiti ka d'yan?" puna ni Airith dito."Ah...
"H-huh? W-wala. May kausap ba ako?" maang-maangan niyang tanong. Umayos siya ng upo at umaktong inosente.Bakit hindi niya namalayan ang pagpasok nito? Ganoon ba siya nakapokus sa kanyang cellphone?Tumikhim siya nang maramdaman na parang may namumuong plema sa kanyang lalamunan dahil sa paraan kung paano siya nito titigan. Nakakailang iyon.'Nakita niya ba kung sino ang ka-video call ko?' may pag-aalalang tanong niya sa isip. Nakita ba nito si Alicia?"Anyways,"Sa wakas ay pinutol nito ang pagtitig nito at naupo ito sa katapat na couch. Nakahinga rin siya nang maluwag na hindi niya ipinahalata.May inilapag itong puting folder sa center table na ngayon niya lang napansing dala-dala nito. Inilahad nito ang kamay nito at sinasabi nitong kunin niya iyon at tingnan.Suminghot muna siya bago iyon damputin. "Ano 'to?" tanong niya.Hindi ito tumugon sa halip ay hinayaan siyang basahin iyon.'Marriage license form?'"I thought... we're just having a fake wedding. Bakit kailangan pa nito?"H