Share

Chapter 20 - Memoirs Of Jessie

Dinaluhan sila ng dalawang receptionist.

"Ms. Airith, are you alright?" alalang tanong ng receptionist na may kulot na buhok. Nakangiting tumango-tango lang si Airith.

"Wait, Airith?" patanong na saad ng babaeng kasama ng lalaking nakabanggaan niya. "Ikaw nga! Akalain mo nga naman." nakangising sambit nito nang makumpirmang si Airith nga ang nasa harapan nito ngayon.

"J-Jessie?" Bahagyang namilog pa ang mata ni Airith nang makilala ang babae.

Hindi niya inaasahang makikita niya ito ngayon sa hotel na iyon. Parehas sila ng paaralang pinasukan noong kolehiyo pa sila. Hindi siya nasabik nang makita ito sa halip ay nakaramdam siya ng takot dito.

"Kilala mo ba ang babaeng 'to?" magkasalubong ang kilay na usisa ng lalaki kay Jessie.

"Syempre naman! Paano ko makakalimutan ang paborito naming laruan noong kolehiyo kami?"

Natigilan ang dalawang receptionist nang marinig ang sinabi ni Jessie. Nakataas pa ang kilay ng mga itong sabay na napatingin kay Airith. Samantalang nanatili namang tahimik
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alice Elpos
updates pa po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status