Nilingon ni Stephen sina Adelaida at binati ito nang may bahagyang pagngiti. "Grandma," saad niya. "Auntie," baling na bati niya rin kay Minerva. Hindi na siya nag-abalang batiin si Michael na abala sa cellphone nito. Alam niyang hindi rin naman ito interesado sa presensya niya."You're so handsome today!" puring sambit ni Adelaida habang may malawak na ngiti."Parang sinabi niyo naman pong ngayon lang ako naging gwapo?" pabirong wika ni Stephen. Sinundan pa niya iyon ng mahinang pagtawa, pilit na pagtawa kumbaga.Ang totoo ay nababatid niyang gusto lang siya nitong bolahin at mamaya ay muli na naman siya nitong kukulitin ng pangungumbisi nitong tumulong sa pagsalba ng kumpanya. Iyon ang rason kung bakit nagsarili ng tirahan si Stephen simula nang umuwi siya ng Pilipinas."How long have you been here?" tanong ni Minerva kay Stephen. Hindi katulad ni Adelaida ay may napipilitan lang itong mukha."Not long. Actually ay kakarating lang namin." kaswal na tugon ni Stephen sabay baling kay
Namayani ang saglit na katahimikan sa paligid at mas dumami pa ang nakikiusisa sa nagaganap. Ang kabog sa dibdib ni Airith ay pabilis nang pabilis. Kahit na alam niyang plano lang nila ang palabas nilang ito ay hindi niya maiwasang isipin na parang totoo ang sinasabi ni Stephen. "Stephen! Ang babaeng 'yan ay isa lamang nagmula sa mahirap na pamilya. Are you trying to bring disgrace to our family?" galit na sigaw ni Adelaida. Isang taon niya noong pinilit na mawala si Airith sa kanilang pamilya. Ngayon ay babalik na naman ito? "Hindi iyon ang intensyon ko grandma, alam ko kung anong—" "Don't call me grandma, Stephen! Kung gusto mong ipahiya ang pamilyang ito ay ngayon palang simulan niyo nang lisanin ng babae mong 'yan ang pamamahay na ito!" putol ni Adelaida kay Stephen. "Stephen, ano namang kalokohan ang pumasok sa isip mo at naisipan mong makipagrelasyon sa basurang itinapon na ng iyong kapatid? Gano'n ka na ba kamahabagin?" saad ni Minerva. Puno ito ng pagkagalak nang puntong iy
"You're right mom. Sa tingin siguro ng babaeng ito ay magagawa niya tayong paniwalain sa kanyang kasinungalingan." saad ni Minerva habang may mapaglarong ekspresyon ng mukha. "Maniniwala pa siguro ako kung sinabi ng babaeng ito na malayong kamag-anak siya ni Mr. Arthur.""Kung ako anak ni Mr. Arthur, papayag ba akong magpaalila sa ibang pamilya? That doesn't make sense. Baliw lang ang gagawa n'on." sambit naman ni Michael na sinundan ng pag-irap.Napayuko si Airith. Tama, baliw nga siya nang panahong pinili niyang maging martir sa piling ni Sebastian sa loob ng isang taon. Sa sobra niyang pagkabaliw noon sa pag-ibig niya rito ay hindi na niya inisip na isa siyang anak ng isang makapangyarihang negosyante. Ibinigay niya lahat sa puntong hindi na siya nagtira para sa sarili niya. Maging ang kanyang sariling estado sa buhay ay kinalimutan niya rin para lang pagsilbihan si Sebastian dahil sa labis na pagmamahal niya rito, hindi sa yamang meron ito.Kailangan ba talaga ang estado pagdating
"Nagustuhan mo ba rito?" tanong ni Stephen.Binigyan lang ito ni Airith ng blangkong tingin, hindi nag-abalang sumagot. Umupo ito sa tabi niya at nagsalin ng whiskey sa babasaging kopang dala nito. Diretso nitong nilagok iyon.Nagpakawala si Airith ng mababaw na buntong hininga pagkatapos ay tumanaw sa napakagandang tanawing nililikha ng tila abalang syudad, pero wala siya sa mood upang i-appreciate iyon. Kasalukuyan silang nasa tuktok na palapag ng isang gusali na pinagdalhan sa kanya ni Stephen. Ang gusaling iyon ang pinakamataas na gusali sa buong syudad.Ang mga gusaling kanilang natatanaw ay lumilikha ng iba't-ibang ilaw sa ilalim ng nag-aagaw dilim na kalangitan. Ang mga sasakyang kalmadong binabagtas ang tila maliit na highway ay parang mga langgam sa kanilang paningin.Nilaro ni Airith ang straw sa baso ng juice sa kanyang harapan. Nagpapawis pa ang bawat gilid ng baso dahil sa lamig. Nangalumbaba siya. "Sinabi ko sa'yong idiretso mo na ako sa'min. Sa tingin ko ay hindi ko na
Mula sa butil-butil, biglang lumakas ang buhos ng ulan. Lumabo ang salaming bintana at hindi na nila malinaw na nakikita ang labas. Maya't-mayang nagliliwanag ang syudad dahil sa pagkidlat.Nakaawang lang ang bibig na nakatingin si Stephen kay Airith. Tumikhim ito. "Well, tulad nga ng sinabi ko ay nauunawaan ko kung bakit mo ginawa 'yon kanina." wika nito na sinundan ng mahinang pagtawa. Kinalaunan ay lumakas iyon.Nakataas ang kilay na pinagmasdan ito ni Airith. Anong nakakatawa?"Kung nakita mo lang ang reaksyon nila nang sinabi mo 'yon, lalo na si Sebastian. Muntik mo na silang mapaniwala." Mas lalo pang lumakas ang tawa ni Stephen.Ang tawa nito ay nakakahawa na para bang gusto ring matawa ni Airith. Nakita niya rin naman ang kanilang naging reaksyon nang marinig nila ang kanyang pagbubunyag. Ang saglit na pagkatahimik nila at pagtataka sa kanilang mata. Sa likod niyon ay napuna ni Airith ang takot. Talaga bang makapangyarihan ang kanyang ama upang masindak sila nang ganoon?Nag-u
"Saka ko nalang sa'yo ipapaliwanag ang tungkol doon." sambit ni Stephen nang makita ang tila naguguluhang mukha ni Airith. "For now, magpahinga nalang muna tayo. Bukas ng umaga ay kailangan nating paghandaan ang pakikipagkita natin kina mom and dad." Ilang saglit na napakurap-kurap si Airith. "Y-You mean—" "Yes." agad na putol ni Stephen na sinundan ng mapaglarong ngiti. Napalunok si Airith. Sa loob ng isang taong pagsasama nila ni Sebastian ay ni minsan hindi niya pa nakikita nang personal ang mga magulang nito. Tanging sa litrato lang niya sila nakita noon. Malamang ay hindi nga siya kilala ng mga ito. "Kailangan pa ba 'yon? Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin noon?" tanong niya. Tumayo si Stephen upang ayusin ang pinag-inuman nito. Ibinalik nito sa estante na lagayan ng alak ang bote ng whiskey na kaunti lang ang bawas. "Why is there a problem with meeting them?" nakakunot noo nitong tanong habang hinuhugasan ang kopa sa maliit na lababo. "Wala naman," kibit balikat na tugon ni
Mabilis na lumuhod ang waitress sa harapan ni Airith. "N-naku ma'am, I-I'm really sorry. Hindi ko po alam na kayo pala ang asawa ni Sir Stephen!" nauutal na paghingi ng paumanhin nito.Ngumiti si Airith. "It's alright. But next time, don't jump to conclusions too quickly. Hindi lahat ng tao ay gaya ng inaakala mo." mahinahon niyang sambit. Tinulungan niya itong makatayo."I will, I will. Thank you po ma'am." nakahinga nang maluwag ang waitress. Mabuti nalang talaga at mabait si Airith.Marahang itinulak ng waitress ang food cart papasok ng kwarto nila. Pagkalipat ng pagkain sa mesa ay nagulat si Airith sa dami ng putaheng inihatid nito roon. Mauubos niya ba lahat iyon?"Si Stephen ba ang nag-utos sa'yong iakyat 'yan dito lahat?" tanong niya."Yes ma'am," agad na tugon ng waitress. May awkward lang itong ngiti sa mukha. "Oh? Kung gano'n pupunta na ba siya rito? Hindi ko mauubos lahat ng 'to."Ilang saglit bago nakatugon ang waitress. Nagtaka ito sa naging tanong ni Airith. "Hindi po a
Makalipas ng ilang saglit ay naging kampante na rin si Coleen sa harap ni Airith. Naging makwento ito kasabay rin ng pagkikwento ni Airith dito. Nalaman niyang may sakit ang ina nito at salitan sila ng nakababatang kapatid nito sa pagbabantay sa kanilang ina sa ospital kung saan ito naka-confine. Si Coleen ang nagbabantay simula pag-uwi nito galing trabaho at doon na rin ito natutulog. Iyon ang rason kung bakit minsan ay late itong pumasok sa trabaho. Iyon din ang rason kung bakit nahinto ang kapatid nito sa pag-aaral.Nakaramdam ng awa si Airith para kay Coleen dahil sa sitwasyon nito. Kung nagkataong ibang tao ang napagmalditahan nito kanina at nasisante ito sa trabaho dahil doon, paniguradong malaki ang apekto niyon dito. Sa panahon ngayon ay mahirap pa namang makapaghanap ng matinong trabahong may matinong pasahod."Don't worry. Sabihin mo sa'kin kung saang ospital naka-confine ang mama mo, I'll pay her a visit. Baka makatulong ako sa mga bayarin niyo sa ospital." nakangiting wika
"You know, hindi lang talaga ako makapaniwala na naghiwalay kayong dalawa. Like, hindi ba't may matatag na kasunduan ang dad mo at si Lord Agustin? How could be that idiot so cold to you? Mas pinili niya pa ang Geraldine na 'yon eh alam naman nating mas mabango ka kaysa sa babaeng 'yon." nakangiwi sa inis na saad ni Erica.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa kahabaan ng pedestrian lane habang parehas na may dalang kape na nakalagay sa paper cup.Nakatitig lang si Airith sa hawak na baso ni Erica na medyo nayupi na sa pagkakahawak nito.Sumimsim siya sa kanyang baso. "Hindi naman alam ng pamilya Vergara ang naging kasunduan ni papa at Lord Agustin." wika niya.Sinubukan niyang sabihin pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala naman siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ay alam niyang sila iyong tipo ng mga taong hindi kailangang bigyan ng patunay. Kapag naniwala sila ay paplastikin ka lang nila. Pekeng makikisama sa'yo."Yeah, right. Hindi nga pala nila alam ang tunay na
Anong sasabihin niya kay Erica? Naturingan niya pa man din itong best friend pero ni wala man lang siyang binanggit dito na kung ano noon patungkol sa kanyang pagdadalang tao.Pinagmasdan niya muna ang numerong nakatipa na sa screen ng kanyang cellphone, bago napagdesisyunang pindutin ang call button niyon.Segundo lang ang lumipas, narinig niya ang boses ng kaibigan na puno ng buhay sa kabilang linya ng tawag. "Airiiiiiiith! I missed you so so so much! Kamusta ka na? I was waiting for you to call for like an eternity!" bulalas nito.Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Na-miss niya nang husto ang matinis at makulit na boses ng kaibigan."Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka na? Nag-chat ka man lang sana sa'kin bago ka umuwi nang nasalubong kita." wika niya."I did, Airith. Nag chat kaya ako sa'yo. Ikaw 'tong hindi ako sini-seen. Akala ko nagtatampo ka sa'kin, ganern. But I noticed na ilang araw ka nang offline. Anong pinagkakaabalahan mo bhie? Musta na kayo ni Dadd
"I-I'm sorry. Akala ko—""Leave," malamig na wika ni Airith.Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Muntik lang namang may mangyari sa kanila na muntik niya na namang pagsisihan.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pagbukas at pagsarado ng pinto. Pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama."What the hell is wrong with you, Airith? Muntik mo nang makalimutang may anak ka na!" panenermon niya sa sarili sa mahinang boses.Nagtalukbong siya ng kumot. Paano kung hinayaan niya lang si Stephen at nabuntis siya nito? Siguradong kakarmehin na siya ng kanyang ama kapag nangyari nga iyon.Kung anu-anong posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap sakali mang magkatuluyan sila ni Stephen ang naglalaro sa kanyang isip.'Did he just admitted that he's actually inlove with me? O parte lang 'yon ng kalasingan ko?' tanong niya sa kanyang isip habang inaalala kung totoo nga iyong ginawang pagtatapat ni Stephen sa kanya kanina.Iniiling-iling
"Awe, ang sweet naman nila, aren't they?" wika ni Geraldine sa mapaglarong tono habang nakayakap sa braso ni Sebastian.Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa gilid ng bulwagan habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero inagaw nina Airith ang atensyon ng mga ito maging na ang ibang bisita roon."Ooh, they're wild!" komento ng isa habang sinisiko ang katabi nito. "They should get a room, right?""What a lovely couple. Nakakainggit naman sila." wika rin ng isa."Ang swerte naman ni Mr. Stephen. Ang ganda-ganda ng mapapangasawa niya." puri naman ng isa pa. "Bagay sila sa isa't-isa."Naikuyom nalang ni Sebastian ang kamao nito matapos marinig ang mga iyon. Hindi nito kayang makita ang ginagawa ni Airith at Stephen kaya sa ibang direksyon ito ng bulwagan nakatingin.Para sa kanya ay mas lalo lang pinatunayan ni Airith kung gaano ito kadesperadang makapangasawa ng mayaman.Ang mas ikinaiinis pa nito ay pinuntirya ni Airith ang kanyang kapatid.Tumayo ito at naglakad papaalis."Sa'n ka pupunta? Are
Matapos ng ilang minutong paghahalughog nina Stephen sa buong bahay ay muli silang nagkita ni Tim sa may ibaba ng hagdan. Hinahanap nila ngayon si Airith.Nagpalitan sila ng tingin na sinundan ng pagtaas-baba ng balikat ni Tim. Ngayon ay mas lalo pang nag-alala si Stephen."Hindi kaya umuwi na 'yon at 'di lang sa'yo nagpaalam?" hinuhang tanong ni Tim."I don't think so. Magsasabi naman 'yon kung gusto niyang umuwi."Isa pa ay sa banyo ang sinabi nitong pupuntahan nito. Si Geraldine ang nakasalubong niya nang magtungo siya roon at sinabi nitong kakaalis lang ni Airith at pabalik sa bulwagan ang direksyon nito, hindi palabas ng bahay.Pero paano kaya kung nagbago ang isip ni Airith at napagdesisyunan nitong lumabas?Makaraan ng ilang saglit ay napasampal siya sa kanyang noo. Bakit ngayon lang iyon pumasok sa isip niya?"Bakit?" usisa ni Tim."I'll be right back. Check mo ulit sa grandhall baka bumalik siya ro'n."Tumango-tango lang si Tim at naghiwalay sila ng direksyon.Pagkarating niy
Kumabog ang dibdib ni Airith dahil sa sinabi ni Stephen. Isipin niya palang ay naiimahina na niya kung anong klaseng titig ang ipinupukol sa kanya ni Sebastian. Pagkadismya iyon, panigurado."Oh, Airith. Nandito ka rin pala," Tumabi si Geraldine kay Stephen. "Nice meeting you, again. Sorry about sa nangyari the other day. Hindi ko inaakalang... well, alam mo na." wika nito sa kanya sa tila nanunudyong tono na ikinukubli lang nito sa pilit nitong pagngiti."Geraldine, please." sita ni Stephen rito sa seryosong mukha habang makahulugan itong tinititigan."No, no, I didn't mean it that way," Mahinang natawa si Geraldine. "Na-curious lang ako. Airith was such a wonderful, kind... generous girl back then noong nasa college kami, but I don't know why they hate her so much. I mean... she's very lovely woman!" Mahina nitong siniko si Stephen sa tiyan. "Kaya nga nahulog ka sa kanya, hindi ba?""That's true," sang-ayon ni Stephen kasabay ng pagtaas-baba ng balikat, "But please, 'wag na nating
Nakaakbay si Stephen kay Tim nang pumasok sila sa loob ng bahay. Nakasunod lang si Airith sa mga ito habang balisa sa paggala ng tingin sa paligid, minumukhaan ang bawat taong makakasalubong nila.Pabilis nang pabilis ang kabog ng kanyang dibdib sa isiping nandoon at magkikita na naman sila ni Sebastian."Nag-text ka man lang sana, ha..." saad ni Stephen kay Tim.Medyo hinigpitan nito ang pagkakapulupot ng kamay nito sa leeg ni Tim habang kagat-kagat ang ilalim na labi na animo'y pinanggigigilan ito."If I did, malamang na hindi kayo pumunta." pagrarason nito kaya naman ay mas lalo pang hinigpitan ni Stephen ang pananakal dito."Airith, help!" paghingi ni Tim ng saklolo sa tila hirap na paraan.Kahit na tila makatotohanan ang ginagawa rito ni Stephen ay harutan lang nila iyon.Hindi siya umimik kaya naman ay huminto si Stephen sa ginagawa nito at hinarap siya."You alright?" tanong nito. "Sabihin mo lang, uuwi tayo kung gusto mo." wika nito sa mahinahong boses.Kahit papaano ay nagaga
Kinabukasan, bumalik na sila sa bahay na tinitirhan ni Stephen. Tahimik lang ito sa buong biyahe habang nagmamaneho ng kotse, bagay na ikinataka ni Airith.'Anong problema nito? Bakit hindi ito nagsasalita?'Dahil ba iyon sa nanghabol sa kanila kahapon? O baka dahil iyon sa video call niya kahapon kay Alicia? Alam na kaya nito ang tungkol sa kanyang anak?'Anong gagawin ko? Dapat ko bang aminin sa kanyang anak namin 'yon ni Sebastian?' tanong nito sa isip habang kagat-kagat ang gilid ng ilalim niyang labi.Samantala, ang nasa isip naman ngayon ni Stephen ay kung paano nito kokomprontahin si Airith patungkol sa tinatawag nitong baby. Umaasa ito na sana ay tama nga ang hinuha ni Wilbert na may kaibigan lang si Airith na Baby ang pangalan.'What a weird name to begin with? ha ha, Baby? Kapag pala tumanda na 'yon lola Baby ang tawag?'Hindi maiwasan ni Stephen na matawa sa sarili habang iniisip iyon."Akala ko may pinoproblema ka? Bakit pangiti-ngiti ka d'yan?" puna ni Airith dito."Ah...
"H-huh? W-wala. May kausap ba ako?" maang-maangan niyang tanong. Umayos siya ng upo at umaktong inosente.Bakit hindi niya namalayan ang pagpasok nito? Ganoon ba siya nakapokus sa kanyang cellphone?Tumikhim siya nang maramdaman na parang may namumuong plema sa kanyang lalamunan dahil sa paraan kung paano siya nito titigan. Nakakailang iyon.'Nakita niya ba kung sino ang ka-video call ko?' may pag-aalalang tanong niya sa isip. Nakita ba nito si Alicia?"Anyways,"Sa wakas ay pinutol nito ang pagtitig nito at naupo ito sa katapat na couch. Nakahinga rin siya nang maluwag na hindi niya ipinahalata.May inilapag itong puting folder sa center table na ngayon niya lang napansing dala-dala nito. Inilahad nito ang kamay nito at sinasabi nitong kunin niya iyon at tingnan.Suminghot muna siya bago iyon damputin. "Ano 'to?" tanong niya.Hindi ito tumugon sa halip ay hinayaan siyang basahin iyon.'Marriage license form?'"I thought... we're just having a fake wedding. Bakit kailangan pa nito?"H