"You're here," saad ng boses. Si Sebastian iyon.Tumayo si Stephen, may malawak na ngiti sa labi. "Of course," sambit nito pagkatapos ay tiningnan ang babaeng kasama ni Sebastian. Maputi ito at may mahabang blonde na buhok. "Ms. Kennedy, nice meeting you again! How's my brother doing?"Matamis na ngumiti ang babae at malambing na tiningnan si Sebastian. "Oh he's doing fine." tugon lang nito.Ang babaeng ito ay walang iba kung hindi si Geraldine, ang babaeng inakala ni Sebastian na siyang kasiping nito noong gabing may nangyari sa kanila ni Airith.Napalunok si Airith, hindi niya akalain na muling magkakabalikan ang dalawa. Gayunpaman ay wala nang hinanakit na dulot iyon sa kanya. Naka move-on na siya at masaya na siya sa buhay na mayroon siya ngayon. Hindi niya na dapat pang alalahanin ang naging desisyon ni Sebastian na makipagbalikan kay Geraldine.Pero hindi niya maiwasang mangamba at sa parehong pagkakataon ay ma-guilty dahil kahit papaano ay si Sebastian ang ama ng kanyang anak n
Nilingon ni Stephen sina Adelaida at binati ito nang may bahagyang pagngiti. "Grandma," saad niya. "Auntie," baling na bati niya rin kay Minerva. Hindi na siya nag-abalang batiin si Michael na abala sa cellphone nito. Alam niyang hindi rin naman ito interesado sa presensya niya."You're so handsome today!" puring sambit ni Adelaida habang may malawak na ngiti."Parang sinabi niyo naman pong ngayon lang ako naging gwapo?" pabirong wika ni Stephen. Sinundan pa niya iyon ng mahinang pagtawa, pilit na pagtawa kumbaga.Ang totoo ay nababatid niyang gusto lang siya nitong bolahin at mamaya ay muli na naman siya nitong kukulitin ng pangungumbisi nitong tumulong sa pagsalba ng kumpanya. Iyon ang rason kung bakit nagsarili ng tirahan si Stephen simula nang umuwi siya ng Pilipinas."How long have you been here?" tanong ni Minerva kay Stephen. Hindi katulad ni Adelaida ay may napipilitan lang itong mukha."Not long. Actually ay kakarating lang namin." kaswal na tugon ni Stephen sabay baling kay
Namayani ang saglit na katahimikan sa paligid at mas dumami pa ang nakikiusisa sa nagaganap. Ang kabog sa dibdib ni Airith ay pabilis nang pabilis. Kahit na alam niyang plano lang nila ang palabas nilang ito ay hindi niya maiwasang isipin na parang totoo ang sinasabi ni Stephen."Stephen! Ang babaeng 'yan ay isa lamang nagmula sa mahirap na pamilya. Are you trying to bring disgrace to our family?" galit na sigaw ni Adelaida. Isang taon niya noong pinilit na mawala si Airith sa kanilang pamilya. Ngayon ay babalik na naman ito?"Hindi iyon ang intensyon ko grandma, alam ko kung anong—""Don't call me grandma, Stephen! Kung gusto mong ipahiya ang pamilyang ito ay ngayon palang simulan niyo nang lisanin ng babae mong 'yan ang pamamahay na ito!" putol ni Adelaida kay Stephen."Stephen, ano namang kalokohan ang pumasok sa isip mo at naisipan mong makipagrelasyon sa basurang itinapon na ng iyong kapatid? Gano'n ka na ba kamahabagin?" saad ni Minerva, ang mukha nito ay puno ng pagkagalak nang
"You're right mom. Sa tingin siguro ng babaeng ito ay magagawa niya tayong paniwalain sa kanyang kasinungalingan." saad ni Minerva habang may mapaglarong ekspresyon ng mukha. "Maniniwala pa siguro ako kung sinabi ng babaeng ito na malayong kamag-anak siya ni Mr. Arthur.""Kung ako anak ni Mr. Arthur, papayag ba akong magpaalila sa ibang pamilya? That doesn't make sense. Baliw lang ang gagawa n'on." sambit naman ni Michael na sinundan ng pag-irap.Napayuko si Airith. Tama, baliw nga siya nang panahong pinili niyang maging martir sa piling ni Sebastian sa loob ng isang taon. Sa sobra niyang pagkabaliw noon sa pag-ibig niya rito ay hindi na niya inisip na isa siyang anak ng isang makapangyarihang negosyante. Ibinigay niya lahat sa puntong hindi na siya nagtira para sa sarili niya. Maging ang kanyang sariling estado sa buhay ay kinalimutan niya rin para lang pagsilbihan si Sebastian dahil sa labis na pagmamahal niya rito, hindi sa yamang meron ito.Kailangan ba talaga ang estado pagdating
"Nagustuhan mo ba rito?" tanong ni Stephen.Binigyan lang ito ni Airith ng blangkong tingin, hindi nag-abalang sumagot. Umupo ito sa tabi niya at nagsalin ng whiskey sa babasaging kopang dala nito. Diretso nitong nilagok iyon.Nagpakawala si Airith ng mababaw na buntong hininga pagkatapos ay tumanaw sa napakagandang tanawing nililikha ng tila abalang syudad, pero wala siya sa mood upang i-appreciate iyon. Kasalukuyan silang nasa tuktok na palapag ng isang gusali na pinagdalhan sa kanya ni Stephen. Ang gusaling iyon ang pinakamataas na gusali sa buong syudad.Ang mga gusaling kanilang natatanaw ay lumilikha ng iba't-ibang ilaw sa ilalim ng nag-aagaw dilim na kalangitan. Ang mga sasakyang kalmadong binabagtas ang tila maliit na highway ay parang mga langgam sa kanilang paningin.Nilaro ni Airith ang straw sa baso ng juice sa kanyang harapan. Nagpapawis pa ang bawat gilid ng baso dahil sa lamig. Nangalumbaba siya. "Sinabi ko sa'yong idiretso mo na ako sa'min. Sa tingin ko ay hindi ko na
Mula sa butil-butil, biglang lumakas ang buhos ng ulan. Lumabo ang salaming bintana at hindi na nila malinaw na nakikita ang labas. Maya't-mayang nagliliwanag ang syudad dahil sa pagkidlat.Nakaawang lang ang bibig na nakatingin si Stephen kay Airith. Tumikhim ito. "Well, tulad nga ng sinabi ko ay nauunawaan ko kung bakit mo ginawa 'yon kanina." wika nito na sinundan ng mahinang pagtawa. Kinalaunan ay lumakas iyon.Nakataas ang kilay na pinagmasdan ito ni Airith. Anong nakakatawa?"Kung nakita mo lang ang reaksyon nila nang sinabi mo 'yon, lalo na si Sebastian. Muntik mo na silang mapaniwala." Mas lalo pang lumakas ang tawa ni Stephen.Ang tawa nito ay nakakahawa na para bang gusto ring matawa ni Airith. Nakita niya rin naman ang kanilang naging reaksyon nang marinig nila ang kanyang pagbubunyag. Ang saglit na pagkatahimik nila at pagtataka sa kanilang mata. Sa likod niyon ay napuna ni Airith ang takot. Talaga bang makapangyarihan ang kanyang ama upang masindak sila nang ganoon?Nag-u
"Saka ko nalang sa'yo ipapaliwanag ang tungkol doon." sambit ni Stephen nang makita ang tila naguguluhang mukha ni Airith. "For now, magpahinga nalang muna tayo. Bukas ng umaga ay kailangan nating paghandaan ang pakikipagkita natin kina mom and dad." Ilang saglit na napakurap-kurap si Airith. "Y-You mean—" "Yes." agad na putol ni Stephen na sinundan ng mapaglarong ngiti. Napalunok si Airith. Sa loob ng isang taong pagsasama nila ni Sebastian ay ni minsan hindi niya pa nakikita nang personal ang mga magulang nito. Tanging sa litrato lang niya sila nakita noon. Malamang ay hindi nga siya kilala ng mga ito. "Kailangan pa ba 'yon? Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin noon?" tanong niya. Tumayo si Stephen upang ayusin ang pinag-inuman nito. Ibinalik nito sa estante na lagayan ng alak ang bote ng whiskey na kaunti lang ang bawas. "Why is there a problem with meeting them?" nakakunot noo nitong tanong habang hinuhugasan ang kopa sa maliit na lababo. "Wala naman," kibit balikat na tugon ni
Mabilis na lumuhod ang waitress sa harapan ni Airith. "N-naku ma'am, I-I'm really sorry. Hindi ko po alam na kayo pala ang asawa ni Sir Stephen!" nauutal na paghingi ng paumanhin nito.Ngumiti si Airith. "It's alright. But next time, don't jump to conclusions too quickly. Hindi lahat ng tao ay gaya ng inaakala mo." mahinahon niyang sambit. Tinulungan niya itong makatayo."I will, I will. Thank you po ma'am." nakahinga nang maluwag ang waitress. Mabuti nalang talaga at mabait si Airith.Marahang itinulak ng waitress ang food cart papasok ng kwarto nila. Pagkalipat ng pagkain sa mesa ay nagulat si Airith sa dami ng putaheng inihatid nito roon. Mauubos niya ba lahat iyon?"Si Stephen ba ang nag-utos sa'yong iakyat 'yan dito lahat?" tanong niya."Yes ma'am," agad na tugon ng waitress. May awkward lang itong ngiti sa mukha. "Oh? Kung gano'n pupunta na ba siya rito? Hindi ko mauubos lahat ng 'to."Ilang saglit bago nakatugon ang waitress. Nagtaka ito sa naging tanong ni Airith. "Hindi po a