Share

Chapter 7.4 - A New Beginning: Agreed

Hindi agad nakasagot si Arthur na tila may kausap sa kabilang linya ng tawag. "I'm sorry Airith, sa ibang araw nalang natin 'to pag-usapan. May importanteng meeting pa kami." Pagkasabing iyon ni Arthur ay pinatay nito ang tawag.

Napabuntong-hininga nalang si Airith pagkatapos ay muling ibinulsa ang kanyang cellphone. Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

Ang kanyang ama nga ang may kagagawan ng palihim na pamiminsala sa kumpanya ng pamilya Vergara sa puntong namimiligro ito ngayong bumagsak. Ginawa iyon ng kanyang ama sa kagustuhang ipaghiganti siya sa ginawa ng pamilya Vergara sa kanya noon. Nalalagay rin lang na naging isang malaking papel siya sa ginawang iyon ni Arthur.

Muling bumalik sa kanyang alaala ang malamig na mukha ni Sebastian. Ang lalaking ibinaon niya na sa limot kasabay ng pagpapahilom ng sugat niya sa kanyang puso.

"Ayoko nang makita pa ang lalaking iyon, pero anong gagawin ko?" bulong na tanong niya sa sarili.

Isang butil ng luha ang dumaloy sa kanyang p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status