Bumagsak ang balikat ni Airith dahil sa sinabing iyon ni Arthur. Gayunpaman ay hindi siya nawalan ng pag-asang baguhin ang isip nito.Lumuhod siya sa harapan nito, mapupuna sa mata ang pagmamakaawa. "Nakikiusap po ako sa inyo, Papa. Huwag niyo na pong parusahan ang pamilya ni Sebastian. Kalimutan nalang po natin ang nangyari sa'min."Nagsalubong ang kilay ni Arthur dahil sa suhestiyon ng anak. Ganito ba talaga kamahabagin si Airith? Siya itong inapi ng pamilya Vergara, hindi ba't siya dapat itong mas nakakaramdam ng galit sa pamilyang iyon?Si Clara, na mas tumindi pa ang pag-aalala sa mukha nang lumuhod si Airith, ay dali-daling lumapit sa kanya upang alalayan siyang muling maupo sa kama. "Jusko hija, hindi mo kailangang gawin 'to," nag-aalalang sambit nito pagkatapos ay binalingan ng tingin si Arthur. "Sir, nakikiusap rin po ako sa inyong pakinggan niyo nalang ang hinihiling ng inyong anak. Mas importante ang kalagayan ni Airith ngayon kaysa sa paghihiganti sa pamilya Vergara. Isa p
Read more