Home / Romance / A Woman's Unparalleled Love / Chapter 1 - A Bitter Fate

Share

A Woman's Unparalleled Love
A Woman's Unparalleled Love
Author: Zaligma

Chapter 1 - A Bitter Fate

"Airith! Airith!" sigaw na tawag ni Minerva habang nagmamadaling pumasok sa loob ng hardin kung nasaan ngayon si Airith. Nasa likuran nito at nakabuntot si Estela, isang katulong.

Nawala ang sigla sa mukha ni Airith at nagtatakang napabaling ang tingin sa direksyon ng tarangkahan ng hardin nang marinig ang galit na boses ni Minerva. Binitawan niya ang hose na hawak niya at sinalubong ang mga ito.

"Bakit po tita?" bungad na tanong niya.

Una niyang tiningnan ang nakangising mukha ni Estela bago balingan ng tingin ang hawak-hawak ni Minerva na ilang pirasong bahagi ng nabasag na banga. Nakaramdam siya ng kaba.

"Ikaw ba ang nakabasag nito?" tanong ni Minerva.

Hindi agad nakatugon si Airith sa halip ay nagtatanong ang matang tiningnan si Estela. Hindi siya ang nakabasag niyon kung hindi ay si Estela mismo! Ipinasa na naman ba nito sa kanya ang kasalanan nito?

Kapag sinabi niya ang totoo ay mas lalala lang ang paninirang gagawin sa kanya ni Estela. Kung anu-anong kasinungalingang paninira pa ang isusumbong nito hindi lang kay Minerva, kung hindi ay pati na rin kay Adelaida na siyang pinuno ng pamilyang tinitirhan niya. At mas lalong ayaw niyang sinisiraan siya nito kay Sebastian, ang kanyang asawa.

Bukod pa rito ay hindi rin naman siya papaniwalaan ni Minerva. Anong saysay ng pagsasabi niya ng totoo?

Nagpakawala siya ng buntong hininga at napayuko. "O-opo." tugon niya lang.

Napangiwi nalang siya sa sakit nang hilahin ni Minerva ang kanyang buhok. Ang kulay puti niyang bistida ay agad na nabahiran ng putik nang matumba siya sa basang lupa.

"Palamunin ka na nga lang sa pamamahay na'to, nakuha mo pang magsira ng gamit!" bulyaw ni Minerva. Gumuhit ang pagngisi nito sa labi nang makita ang nakadapang si Airith.

Hindi pa ito nakontento sa ginawa nito. Pinulot nito ang hose na kanina lang ay gamit ni Airith sa pagdidilig at in-spray-han siya nito ng tubig hanggang sa buong katawan niya ang mabasa. Mas lumawak pa ang ngisi sa labi ni Minerva. Maging si Estela ay tuwang-tuwa rin sa natutunghayan.

"Hindi lang ito ang aabutin mo sa susunod kapag nakasira ka na naman ng gamit. Naiintindihan mo ba ako?" Marahang tumango lang si Airith.

Pagkaalis ng mga ito ay siya namang pagpatak ng luhang kanina niya pa pinipigilang kumawala. Naupo siya at inihalukipkip ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang tuhod. Tumanaw siya sa kulay kahel na kalangitan.

Dapit-hapon na. Maya-maya lang ay nandito na si Sebastian. Katulad ng nakagawian niya araw-araw ay sinasalubong niya ito sa tuwing uuwi ito kahit na hindi siya nito pinapansin. Pero ngayon ay wala siyang sigla upang gawin iyon.

Kasabay ng mabigat na kalooban ay muling kumawala ang malalim niyang pagbuntong hininga. Bukas ang araw ng kanilang anibersaryo ngunit parang hindi niya ramdam ang kasiyahang dapat ay hatid niyon. Isang taon na rin simula nang ikasal sila pero ni minsan ay hindi man lang siya nakatanggap ng pagpapahalaga at pagmamahal sa pamilya Vergara. Itrinato siya ng mga ito na higit pa sa katulong, hindi bilang isang manugang.

Pinahid niya ang luhang muling dumaloy sa makinis at basa niyang pisngi. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Kung ipagpapatuloy niya pa ba ang papel bilang isang asawa ni Sebastian o ang tapusin nalang ang kanilang walang kabuhay-buhay na pagsasama.

Tinitigan ng mapupungay niyang mata ang kalangitan. "Patawad po, Lord Agustin. Mukhang hindi ko po matutupad ang pangako ko sa inyo." taimtim niyang sambit.

Si Agustin ang dating pinuno ng pamilya Vergara. Ito rin ang gumawa ng pakikipagkasundo sa kanyang ama upang ipakasal siya kay Sebastian. Sa kasamaang palad, binawian ng buhay si Agustin mahigit isang taon ang nakaraan bago pa man sila ikasal ni Sebastian.

Kasama sa kasunduang iyon ang pangako niya kay Agustin aalagaan niya si Sebastian. Ngunit matapos ang kasal ay naging impyerno ang buhay niya sa piling ng pamilya Vergara. Makailang ulit na rin siyang inabutan ng divorce papers ni Adelaida upang hiwalayan niya si Sebastian ngunit tinatanggihan niya lang iyong pirmahan lalo pa't wala namang sinasabi si Sebastian na gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya.

Tumayo siya at may determinasyon sa kanyang mata. Pinunasan niya ng basang bistida ang basa niyang mukha. Hindi niya na hihintayin pa ang susunod na pag-alok sa kanya ni Adelaida na pumirma ng divorce papers. Sa halip ay siya na ito mismong mag-aabot kay Sebastian niyon bukas.

Kinabukasan, bumangon si Airith nang may napakabigat na katawan. Pakiramdam niya ay magkakasakit siya. Maya-maya lang ay naramdaman niyang naduduwal siya kaya mabilis siyang nagtungo ng banyo. Matapos sumuka, humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

Idinampi niya ang kanyang palad sa kanyang leeg at naramdamang hindi nga normal ang temperatura ng kanyang katawan. Mukhang tatrangkasuhin pa siya. Dahil siguro iyon sa ginawa sa kanya ni Minerva kahapon.

Pagkalabas niya ng kwarto ay saktong kakadaan lang ni Sebastian. Nakasuot pa rin ito ng panglakad. 'Ngayon lang ba'to nakauwi?' takang tanong niya sa kanyang isip.

"Good morning." nakangiting bati niya rito ngunit tulad ng parati ay tinutugon lang siya nito ng malamig na balikat bago nagtuloy sa sarili nitong silid.

Mapait siyang napangiti. Marahil ay iyon na ang kanyang huling bati kay Sebastian ng magandang umaga.

Pagkatapos kumain at magbihis, napagdesisyunan niya munang dumaan ng ospital upang magpacheck-up bago makipagkita sa isang abogado.

Habang nakaupo at naghihintay sa may waiting room, tila ramdam ni Airith ang bigat ng atmospera sa kabuuan ng kwarto at amoy na amoy niya ang napakatapang na amoy ng antiseptic. Ang tunog ng relo sa dingding ay nag-i-echo sa napakatahimik na silid at bawat segundo ay parang walang katapusan. Naiinip na tinapik-tapik niya ang kanyang isang paa sa tiles na sahig. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng nerbyos.

Sa wakas, tinawag na rin ng nurse ang kanyang pangalan. Sinundan niya ito hanggang sa kalapit na silid. Pagkaupo ay agad na pinulsuhan siya nito kasabay ng pagtatanong sa malamyos na boses kung anong mga nararamdaman niya.

"Pakihintay nalang si Doktora." nakangiting sambit nito pagkatapos ay iniwan siya, muling mag-isa.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok sa silid ang may bahagyang pagngiti sa mukhang doktora. Meron itong mabait na itsura, ang kayumangging mga mata nito ay tila kayang makita ang pagkanerbyos na nararamdaman ni Airith ngayon.

"So, what seems to be the trouble?" tanong nito pagkaupo sa kanyang harapan habang binubuklat ang medical chart sa mesa.

"Ang bigat po ng pakiramdam ko, dok. Pakiramdam ko po ay pagod na pagod ako. Bukod sa pagkahilo ay nakakaramdam din po ako ng kakaibang sakit sa aking tiyan." tugon niya, medyo garalgal ang kanyang boses.

Tumango-tango ang doktora, nasa itsura nito ang pag-iisip. "Kailan ka pa nakakaramdam ng ganyan?"

"Ngayong umaga lang po, pagkagising ko." tugon niya habang sinusubukang maging panatag ang kanyang boses.

"Period mo ba ngayon?"

Umiling-iling si Airith. "Hindi po dok."

"Kailan ka huling niregla?"

Hindi agad nakasagot si Airith sa tanong na iyon ng doktora. Mukhang nauunawaan niya na kung ano ang pinupunto ng tanong na iyon.

Napalunok siya. Hindi pa siya nireregla nitong nakalipas na dalawang linggo. Mahigit isang buwan na siya nang huli siyang niregla.

"O-one month ago po." tugon niya sa tila kinakabahang boses na ikinakunot ng noo ng doktora.

Pagkalipas ng ilang saglit na pagkahinto habang nakatingin sa medical chart, ay nakangiting tinanong siya nito. "Kailan ka huling nakipagtalik?"

Nandilat nalang ang mata ni Airith sa tanong na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status