Asul and her mother became poor in just one snap. Her stepfather stripped off their wealth and even accused her mother of cheating. She knows from the start that the man and his son won't do them anything good. Too late for her mother to regret it. As her mother died of sickness, and her former stepbrother showing up in unexpected situation, she planned on getting her revenge. She will do everything to get even with him. Everything. And that includes seducing him until he give in.
View MoreI am not drunk. Wala pa ngang kahit kaunting patak ng alak sa sistema ko kaya imposibleng dahil sa lasing ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali. I was interrupted when Alona came back with a waiter on her back, bringing a bottle of alcohol and two glass. My cousin looks like this is not her first time here. As if she’s used to this loud environment. She smiled at me.“Eto na, Asul! Mahal iyan kaya sulitin natin,” sabi niya saka humagikgik at itinuro sa waiter kung saan parte sa mesa namin iyon ilalapag. Sandali lang nakuha ni Alona ang atensyon ko at bumalik iyon sa itaas kung saan ngayon ay may kausap na ang tinatanaw ko. I was about to walk forward to that area when Alona spoke.“Hoy! Halika na,” aniya. Nang lipatan ko siya ng tingin ay nakangiti siya sa waiter nang matamis bago nagpasalamat. Nilingon niya ako at yinakag muli, itinuro pa ang couch sa tapat niya. Wala akong nagawa kundi ang magtungo roon para saluhan siya
Hindi ko alam kung tatayo o uupo ba ako. Sisigaw o makikiusap. Magsasalita o iiyak na lamang. Gulong-gulo ako sa pangyayari kay Mama. Naririnig ko ang nagkakagulong mga nurse at Doctor, pabalik balik sa loob ng emergency room kung saan ipinasok si Mama. Narito ako ngayon sa isa sa mga bench, inaalong mabuti ni Alona at nang isa pang nurse. Nagising na ako mula sa pagkakahimatay. Hindi ko na inintindi ang pagbabawal sa akin ng nurses na huwag umalis sa pagkakahiga dahil daw maaring hindi pa ako lubusang ayos. Kung normal na sitwasyon ay susunod ako sa kanila pero ngayon, hindi ang pagkahilo o pagkakawala ng malay ko ang mahalaga kung hindi si Mama na nasa loob ng emergency room at nag-aagaw buhay. “Magpakatatag ka, pinsan,” si Alona na batid kong gusto akong pakalmahin ngunit miski boses niya ay hindi kalmado. Nanginginig iyon at parang ano mang oras ay maaring bumigay. Alam ko na nagpapakatatag siya para sa akin at ayaw niya akong mawalan nang
Sumalubong sa akin ang madilim at maliit na sala ng bahay namin kung saan doon din nakalagay ang lamesa na aming pinagkakainan. Sobrang tahimik ang paligid dahil madaling araw na at kahimbingan ng mga tao sa pagtulog. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape bago nagtungo sa kwarto na pinagsasaluhan namin ni Mama. Inabutan ko siyang mahimbing ang pagtulog. Nilibot ko ang tingin sa buong silid.Tipid akong ngumiti at naging maingat ang bawat galaw, takot na makagawa ng ingay at magising si Mama. Minsanan na lamang kasi ito makatulog ng maayos dahil na rin sa walang tigil nitong pag-ubo. Malubha na ang sakit nito dahil na rin hindi naibibigay ang nararapat na gamot sapagkat wala kaming sapat na pera para roon. Ibang iba na ang itsura ni Mama kaysa noong maayos pa an gaming buhay. Maiitim na ang ilalim ng magkabila nitong mata, payat at kulang na kulang sa sustansya ang katawan. Sa katotohanan ay gusto ko na lamang na maiyak sa t
Pagod at masasakit ang paa ko nang matapos ang shift ko sa mall na pinagta-trabahuhan bilang isang sales lady. Ito ang pangunahing naming pinagkukuhaan ng pang-gastos upang matustusan ang pangangailangan ni Mama. May sakit itong malubha at wala kaming pera na maaring ipangpagamot. Tanging dito lang ako umaasa at sa paminsan-minsang sideline ko sa iba pang trabaho.Isinukbit ko ang bag na siyang napaglalagyan ko nang kakaunting gamit na mayroon ako at saka Isinuot ang flat shoes na konti na lamang ay susuko na rin sa aking paa sa dami ng aking pinaggamitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kinastigo ang sarili na kaya ko pang magpatuloy. Pagod ako sa araw na ito wala akong magagawa kung hindi ang kumayod pang muli. May isa pa akong trabaho na kailangan pasukan sa loob ng isang oras at iyon ay bantayan ang anak ng isa sa mga dating kong kaklase. Magtutungo kasi siya sa reunion ng aming batch na gaganapin ngayong gabi.
“Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her
“Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments