Share

Get Too Close
Get Too Close
Author: nefe-libata

Simula

Author: nefe-libata
last update Huling Na-update: 2022-04-25 19:54:20

“Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin.

Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita.

“T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?”

Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa.

Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon.

You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito.

Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama.

“I am letting you toy with her, son pero siguraduhin mong hanggang paglalaro ka lang.”

Ang madiin at nagbabantang tinig ng kaniyang ama ay hindi ang mga salitang gumimbal sa akin kung hindi ang isinagot niya roon.

“I am not stupid to fall for her stunt, Pa. You know me.”

Pagak akong natawa pero pinigilan ko iyon. Astang hahaplusin niya ang aking pisngi ngunit agad ko iyong iniwas. Humakbang ako paatras para lang makalayo. Bumakas ang sakit sa kaniyang mata dahil sa ginawa ko at aaminin kong halos ikapanghina na iyon ng tuhod ko at miski ng pinaninindigan ko.

“Please, baby. Let’s settle this now,” nakikiusap ang tinig niya na para bang kung sakaling tatapusin ko ang lahat sa mga oras na ito ay hindi siya makakahinga.

Kinastigo ko ang aking sarili. Tanga na nga ako noong nahulog ako sa kaniya. Pati ba naman ngayon na alam ko na ang pagpapanggap niya ay magpapakatanga pa rin ako?

Sapilitan kong nilunok ang bikig sa aking lalamunan at matapang na tumingin sa kaniya.

“There’s nothing to settle, Sariel. Much better if we will end this now. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nagkita uli tayo?” pinakitaan ko siya ng ngisi at nanunuyang ekspresyon.

“It’s because I did my best for us to cross path again. Ginawa ko ang lahat para maakit ka, para masaktan ka. Gusto ko maghiganti sa iyo at sa papa mo and you see…” ipinilig ko ang ulo ko, nilalabanang pilit ang mainit na luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

“Baby, stop thi–“

“I succeed, Sariel. Naloko kita. Kaya pa bang tanggapin ng pride mo iyon? Ang maloko ng isang babaeng tulad ko?”

Lumamlam ang kaniyang mga mata. Kung kanino, matatag ang ekspresyon niya, ngayon ay hindi na. Para bang kaunting salita ko na lang ay bibigay na siya. Kaunting salita na lang…

“Look, Valderama. Sa tingin mo ba ikaw lang ang lalaki ko?” sinabayan ko ng halakhak ang mga salitang iyon.

Umiling siya. “I know you, Solana. You are not like that.”

Sinabi niya ang mga huling salita na iyon hindi para sa akin kung hindi para kumbinsihin ang sarili niya. Umiling siya, kitang-kita na nagpapakatatag sa harap ko.

“I am not like that?” kusang lumabas sa mga bibig ko ang katanungan na iyon. Ramdam ko ang paglandas nang mainit na luha sa aking pisngi.

“You made me like that,” walang buhay kong sambit.

“Your father made me like this. Your family made me like this. Saan ako kukuha ng pampagamot kay Mama? Natural… sa panlalalaki ko.”

Hindi ko alam paano ko nagawang sabihin iyon ng hindi pumipiyok.

“HInding-hindi ako hihingi sa iyo at mas lalong hindi kita mamahalin. Nilapitan lang kita para makapaghiganti. Ginusto ko lang na baliwin ka pagkatapos ay iwan. Ang madurog ka nang husto.”

Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Bumuka-sara ang kaniyang labi, may nais sabihin pero hindi masabi. Sa pag-angat-baba ng kaniyang balikat, I know he is having a difficulty to breathe. Gusto ko siyang lapitan, paamuhin, aluin sa mga oras na iyon pero ako mismo ang nagsabi sa sarili ko na kung gagawin ko iyon, balewala ang pagtataboy ko sa kaniya ng ilang lingo.

“Let me go, please. I won’t take you kahit magmakaawa ka pa riyan. Kahit lumuhod ka pa sa harapan ko ngayon–“

“You think I’ll still do that?”

Natigilan ako sa lamig ng boses niya. Hindi iyon katulad ng kanina. Katulad iyon sa kung paano ko siya unang nakilala bilang magiging kapatid ko at noong muli kaming magtagpo. Malamig iyon na parang pumapaso sa akin ngayon. Ibang-iba sa kaninang boses niya na nagsusumamo, naglalambing.

Tumama sa akin ang tingin niyang puno ng galit.

“I won’t beg for you anymore, Solana. I did it already. Hindi na ako hahabol sa iyo. I’m tired.”

Para akong binuhusan nang malamig na tubig. I did hurt him now. The words I said made him lose his patience. He no longer bother me. He will stop now. That’s good, right?

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Hindi ko na kaya pang salubungin ang titig niya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bawiin ang lahat ng sinabi ko kanina.

Nakita ko ang paglalakad niya palapit sa akin. Malalaki ang bawat hakbang. Nang mag-angat ako ng tingin ay siyang paglampas niya sa akin. Nag-uunahan sa paglandas ang luha sa aking pisngi. Ngayon ko nararamdaman ang hapdi hindi lang ng aking mata pati ng puso ko.

Tama lang ito, Asul. Kaysa naman ako ang itapon niya sakaling matapos na siya sa paglalaro sa akin. Sinapo ko ang bibig ko para hindi makalikha ng ingay nang mawalan ako ng kontrol sa aking damdamin. Nilamon ako ng sakit sa mga oras na iyon. Nawalan ng lakas ang binti ko at hinayaan ang sariling bumagsak sa malamig na sahig.

Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang ipinupukol sa akin ng mga pumapasok na babae sa loob ng comfort room pero tanging bulungan nilang hindi ko lubos maintindihan ang naririnig ko.

Hindi ako nagbalak na tumayo mula roon at pinagbigyan ang sarili na malunod sa sakit. Kung hindi ko pa naramdaman ang pag-ikot ng mundo at pagsalo sa akin ng isang malapad na dibdib ay hindi ako mag-aangat ng tingin.

Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ko nang maaninag ang mukha niyang puno ng pag-aalala. Hanggang sa imahinasyon ba naman ng isang taong tutulong sa akin, siya pa rin ang ginustong likhain ng imahinasyon ko? Siya pa rin ang gustong paniwalaan ng paningin ko kahit na… ibang boses ang tumatawag sa akin at hindi kaniya.

Kaugnay na kabanata

  • Get Too Close   Kabanata 1

    Pagod at masasakit ang paa ko nang matapos ang shift ko sa mall na pinagta-trabahuhan bilang isang sales lady. Ito ang pangunahing naming pinagkukuhaan ng pang-gastos upang matustusan ang pangangailangan ni Mama. May sakit itong malubha at wala kaming pera na maaring ipangpagamot. Tanging dito lang ako umaasa at sa paminsan-minsang sideline ko sa iba pang trabaho.Isinukbit ko ang bag na siyang napaglalagyan ko nang kakaunting gamit na mayroon ako at saka Isinuot ang flat shoes na konti na lamang ay susuko na rin sa aking paa sa dami ng aking pinaggamitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kinastigo ang sarili na kaya ko pang magpatuloy. Pagod ako sa araw na ito wala akong magagawa kung hindi ang kumayod pang muli. May isa pa akong trabaho na kailangan pasukan sa loob ng isang oras at iyon ay bantayan ang anak ng isa sa mga dating kong kaklase. Magtutungo kasi siya sa reunion ng aming batch na gaganapin ngayong gabi.

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • Get Too Close   Kabanata 2

    Sumalubong sa akin ang madilim at maliit na sala ng bahay namin kung saan doon din nakalagay ang lamesa na aming pinagkakainan. Sobrang tahimik ang paligid dahil madaling araw na at kahimbingan ng mga tao sa pagtulog. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape bago nagtungo sa kwarto na pinagsasaluhan namin ni Mama. Inabutan ko siyang mahimbing ang pagtulog. Nilibot ko ang tingin sa buong silid.Tipid akong ngumiti at naging maingat ang bawat galaw, takot na makagawa ng ingay at magising si Mama. Minsanan na lamang kasi ito makatulog ng maayos dahil na rin sa walang tigil nitong pag-ubo. Malubha na ang sakit nito dahil na rin hindi naibibigay ang nararapat na gamot sapagkat wala kaming sapat na pera para roon. Ibang iba na ang itsura ni Mama kaysa noong maayos pa an gaming buhay. Maiitim na ang ilalim ng magkabila nitong mata, payat at kulang na kulang sa sustansya ang katawan. Sa katotohanan ay gusto ko na lamang na maiyak sa t

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • Get Too Close   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung tatayo o uupo ba ako. Sisigaw o makikiusap. Magsasalita o iiyak na lamang. Gulong-gulo ako sa pangyayari kay Mama. Naririnig ko ang nagkakagulong mga nurse at Doctor, pabalik balik sa loob ng emergency room kung saan ipinasok si Mama. Narito ako ngayon sa isa sa mga bench, inaalong mabuti ni Alona at nang isa pang nurse. Nagising na ako mula sa pagkakahimatay. Hindi ko na inintindi ang pagbabawal sa akin ng nurses na huwag umalis sa pagkakahiga dahil daw maaring hindi pa ako lubusang ayos. Kung normal na sitwasyon ay susunod ako sa kanila pero ngayon, hindi ang pagkahilo o pagkakawala ng malay ko ang mahalaga kung hindi si Mama na nasa loob ng emergency room at nag-aagaw buhay. “Magpakatatag ka, pinsan,” si Alona na batid kong gusto akong pakalmahin ngunit miski boses niya ay hindi kalmado. Nanginginig iyon at parang ano mang oras ay maaring bumigay. Alam ko na nagpapakatatag siya para sa akin at ayaw niya akong mawalan nang

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • Get Too Close   Kabanata 4

    I am not drunk. Wala pa ngang kahit kaunting patak ng alak sa sistema ko kaya imposibleng dahil sa lasing ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali. I was interrupted when Alona came back with a waiter on her back, bringing a bottle of alcohol and two glass. My cousin looks like this is not her first time here. As if she’s used to this loud environment. She smiled at me.“Eto na, Asul! Mahal iyan kaya sulitin natin,” sabi niya saka humagikgik at itinuro sa waiter kung saan parte sa mesa namin iyon ilalapag. Sandali lang nakuha ni Alona ang atensyon ko at bumalik iyon sa itaas kung saan ngayon ay may kausap na ang tinatanaw ko. I was about to walk forward to that area when Alona spoke.“Hoy! Halika na,” aniya. Nang lipatan ko siya ng tingin ay nakangiti siya sa waiter nang matamis bago nagpasalamat. Nilingon niya ako at yinakag muli, itinuro pa ang couch sa tapat niya. Wala akong nagawa kundi ang magtungo roon para saluhan siya

    Huling Na-update : 2022-04-25

Pinakabagong kabanata

  • Get Too Close   Simula

    “Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her

DMCA.com Protection Status