Share

Kabanata 2

Author: nefe-libata
last update Last Updated: 2022-04-25 19:55:27

Sumalubong sa akin ang madilim at maliit na sala ng bahay namin kung saan doon din nakalagay ang lamesa na aming pinagkakainan. Sobrang tahimik ang paligid dahil madaling araw na at kahimbingan ng mga tao sa pagtulog. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape bago nagtungo sa kwarto na pinagsasaluhan namin ni Mama. Inabutan ko siyang mahimbing ang pagtulog. Nilibot ko ang tingin sa buong silid.

Tipid akong ngumiti at naging maingat ang bawat galaw, takot na makagawa ng ingay at magising si Mama. Minsanan na lamang kasi ito makatulog ng maayos dahil na rin sa walang tigil nitong pag-ubo.

Malubha na ang sakit nito dahil na rin hindi naibibigay ang nararapat na gamot sapagkat wala kaming sapat na pera para roon. Ibang iba na ang itsura ni Mama kaysa noong maayos pa an gaming buhay. Maiitim na ang ilalim ng magkabila nitong mata, payat at kulang na kulang sa sustansya ang katawan.

Sa katotohanan ay gusto ko na lamang na maiyak sa tuwing maalala ang dating kalagayan ni Mama. Noon ay kahit nasa kwarenta’y anyos na ay maganda pa rin ang tindig niya subalit nang mangyari ang malaking dagok sa buhay nila ay tila nawalan ng buhay ang kaniyang ina. Napakaraming manliligaw ni Mama dahil maganda at talaga namang hahabol sa mga babaeng nasa mid-thirties.

Hindi ko mapigilan na madama muli ang galit na pinilit kong ibaon na lamang sa limot nang maalala ang dahilan kung bakit nga ba kami nauwi sa paghihirap gayong napakalaking pera at ari-arian ang iniwan ng aking ama sa kay Mama. Kayang-kaya kaming suportahan noon at kung sakaling nasa amin pa rin ang kumpanya, hindi ko mapapabayaan ng ganito si Mama. Maipapagamot ko siya. Baka malakas pa siya at hindi magtatagal ang kaniyang sakit dahil madadala ko siya sa magaling na doctors.

"Everything started with that Soveros," nanginginig ang labing sambit ko.

Unti-unti na namang nag-iinit ang aking mata. Pagod na ako sa pang-araw-araw na trabaho ko tapos ay paglabas ko roon, sasalubong na naman sa akin ang sandamakmak na problema. Sa tuwing sumasaksak sa isip ko ang paghihirap na hindi naman dapat namin dinadanas ay gusto ko na lamang magwala at mag-iiyak. Iyon ay kung may maidudulot na maganda sa akin iyon.

Kumuyom ang kamao ko nang pumasok sa alaala ko ang mukha noong mga taong iyon. Ang mga taong kinamkam lahat ang sa amin.

Remembering that old man who stripped our wealth, I cannot stop myself from swearing. Ilang beses ko na nga bang minura at pinatay sa isip ko ang lalaking iyon?

"You will get the karma that you both deserve" patukoy ko sa lalaking pangalawang pinakasalan ni Mama at ang anak nitong pinaniniwalaan kong mga gahamang tao.

They are the reason of my misery and I will make sure to keep on cursing them. Iyon lang ang nasa isip ko hanggang sa makatulog ako.

Nagmulat ako ng mata bago naghikab. Sumalubong sa aking paningin ay ang kalawanging yero ng kanilang bubong. May maliliit na butas pa roon na siyang tinatagusan ng araw kapag umaga at paunti-unting tulo ng tubig ulan kapag may bagyo. Ala-sais pa lang, tumunog ang alarm ng cellphone ko para makapaghanda sa aking trabaho. Bago pa iyon, kailangan ko munang maghanda ng makakain ni Mama sa buong maghapon at ng pinsan ko na nagbabantay kay Mama.

Nilingon ko si Mama sa kinalalagyan niya. Nakadilat na ang mga mata subalit hindi kumukurap – malalim ang iniisip.

“Good morning, Ma,” mahinang sambit ko subalit sapat na para marinig niya ang ginawa kong pagbati.

Lumingon si Mama sa akin nang may nangungusap na mata. Isang matipid na ngiti ang ibinigay ko rito bago nag-iwas ng tingin. Hindi na bago sa akin ang ganoong klase ng tingin ni Mama. Malamang, hanggang sa ngayon ay iniisip ni Mama na sinisisisi ko pa rin siya sa nangyari sa aming buhay. Bumuntong-hininga ako sa nararamdamang awa para sa kaniya at galit para sa mga taong itinapon na lang kami matapos tuluyang makuha ang yaman na pinaghirapan ni Papa.

Napuknat ako sa iniisip nang makarinig ng mga sigaw.

“Asul! Asul, gising na!”

Malalakas na kalampag sa labas ng silid namin ang narinig ko. Ang boses na iyon ay mula sa pinsan ko. Naghikab muna uli ako bago ko niligpit ang kumot ko at ang pinaghigaang banig.

“Asul!” sigaw muli ng pinsan ko. Napangisi ako nang marinig ang pagkakapiyok ng boses niya. Kaysa sumigaw pa uli ito ay ipinaalam ko na gising na ako.

“Gising na!” balik sigaw ko kahit na nariyan lang naman siya sa labas ng pinto. Marahil ay magkakape na iyon.

Bago ako lumabas ng silid ay nagsuot ako nang luma at kupas na brallette. May kasikipan na iyon pero kaya ko pang pagtiisan. Pansin na ang paglalaho ng pangalan noong brand nito.

Sandaling binalingan ko si Mama na muli ay tulala sa bubong ng kwarto namin. Bumuntong-hininga ako bago binuksan ang pinto at lumabas mula roon.

Ilang malalaking hakbang lang ay narating ko na ang kusina. Halos iisa lang naman ito sa sala at tanging divider lang ang naghihiwalay rito. Naabutan ko roon si Alona, ang pinsan ko na naghuhugas ng tasang inuman ng kape, dalawa iyon. Nilingon niya ako at nginitian.

“Mag-almusal ka na baka ma-late ka sa trabaho,” aniya. Iwinisik niya ang kamay na basa bago dinampot ang dalawang tasa ng kape.

“May tinapay akong binili riyan,” sabi niya saka itinuro ang lamesa. Isang tango ang isinagot ko.

Hinintay ko siyang makapag-timpla ng kape bago ako nagtungo sa lamesa at umupo roon. Sumunod siya sa akin.

“Huwag ka na magsaing. Ako na,” pahayag niya.

“Salamat.”

“Nga pala, kukuha na lang kami ng ulam ni Tiyang diyan kela Aling Marta. Binyag noong apo, e. Libre ulam.”

Ngiting-ngiti si Alona nang sabihin iyon. Masaya siya na hindi na namin kailangan na bumili noon. Mahal kasi ang lahat ngayon sa palengke tapos sa lutong ulam naman, parang ginisa lang lahat at iisa lang ang lasa.

“Bibili ako mamaya ng gamot ni Mama,” sabi ko. Tumango siya.

“Oo, nariyan na uli iyong reseta.”

Hihigop na sana ako sa kape ko nang makarinig ako ng paimpit na d***g mula sa silid namin ni Mama. Basta ko na lamang inilapag ang tasa ng kape sa mesa at nagmamadaling tumungo sa kwarto. Doon ay nadatnan si Mama na hawak-hawak ang kaniyang dibdib at nababakas sa ekspresyon nito ang paghihirap huminga. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa pagkataranta.

“Ma!” panangis ko habang pinapaypayan siya para magkaroon ng hangin.

Pumailanlang ang malakas na yabag ni Alona.

“Anong nangyari?” halos pasigaw na sambit niya sa humahangos na boses.

Hindi na kinailangan ng sagot mula sa akin dahil agad-agad siyang dumalo sa amin ni Mama nang makita ang sitwasyon namin.

“Diyos ko! Tiyang!”

“Ma!”

Magkapanabay ang sigaw namin nang sumuka ng dugo si Mama. Hindi ko na naunawaan ang sumunod na nangyari. Ang alam ko na lang ay nakikiusap akong mabuti sa Doctor na intindihin si Mama at hahanap ako ng pera upang maipampabayad sa kanila.

Related chapters

  • Get Too Close   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung tatayo o uupo ba ako. Sisigaw o makikiusap. Magsasalita o iiyak na lamang. Gulong-gulo ako sa pangyayari kay Mama. Naririnig ko ang nagkakagulong mga nurse at Doctor, pabalik balik sa loob ng emergency room kung saan ipinasok si Mama. Narito ako ngayon sa isa sa mga bench, inaalong mabuti ni Alona at nang isa pang nurse. Nagising na ako mula sa pagkakahimatay. Hindi ko na inintindi ang pagbabawal sa akin ng nurses na huwag umalis sa pagkakahiga dahil daw maaring hindi pa ako lubusang ayos. Kung normal na sitwasyon ay susunod ako sa kanila pero ngayon, hindi ang pagkahilo o pagkakawala ng malay ko ang mahalaga kung hindi si Mama na nasa loob ng emergency room at nag-aagaw buhay. “Magpakatatag ka, pinsan,” si Alona na batid kong gusto akong pakalmahin ngunit miski boses niya ay hindi kalmado. Nanginginig iyon at parang ano mang oras ay maaring bumigay. Alam ko na nagpapakatatag siya para sa akin at ayaw niya akong mawalan nang

    Last Updated : 2022-04-25
  • Get Too Close   Kabanata 4

    I am not drunk. Wala pa ngang kahit kaunting patak ng alak sa sistema ko kaya imposibleng dahil sa lasing ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali. I was interrupted when Alona came back with a waiter on her back, bringing a bottle of alcohol and two glass. My cousin looks like this is not her first time here. As if she’s used to this loud environment. She smiled at me.“Eto na, Asul! Mahal iyan kaya sulitin natin,” sabi niya saka humagikgik at itinuro sa waiter kung saan parte sa mesa namin iyon ilalapag. Sandali lang nakuha ni Alona ang atensyon ko at bumalik iyon sa itaas kung saan ngayon ay may kausap na ang tinatanaw ko. I was about to walk forward to that area when Alona spoke.“Hoy! Halika na,” aniya. Nang lipatan ko siya ng tingin ay nakangiti siya sa waiter nang matamis bago nagpasalamat. Nilingon niya ako at yinakag muli, itinuro pa ang couch sa tapat niya. Wala akong nagawa kundi ang magtungo roon para saluhan siya

    Last Updated : 2022-04-25
  • Get Too Close   Simula

    “Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her

    Last Updated : 2022-04-25
  • Get Too Close   Kabanata 1

    Pagod at masasakit ang paa ko nang matapos ang shift ko sa mall na pinagta-trabahuhan bilang isang sales lady. Ito ang pangunahing naming pinagkukuhaan ng pang-gastos upang matustusan ang pangangailangan ni Mama. May sakit itong malubha at wala kaming pera na maaring ipangpagamot. Tanging dito lang ako umaasa at sa paminsan-minsang sideline ko sa iba pang trabaho.Isinukbit ko ang bag na siyang napaglalagyan ko nang kakaunting gamit na mayroon ako at saka Isinuot ang flat shoes na konti na lamang ay susuko na rin sa aking paa sa dami ng aking pinaggamitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kinastigo ang sarili na kaya ko pang magpatuloy. Pagod ako sa araw na ito wala akong magagawa kung hindi ang kumayod pang muli. May isa pa akong trabaho na kailangan pasukan sa loob ng isang oras at iyon ay bantayan ang anak ng isa sa mga dating kong kaklase. Magtutungo kasi siya sa reunion ng aming batch na gaganapin ngayong gabi.

    Last Updated : 2022-04-25

Latest chapter

  • Get Too Close   Kabanata 2

    Sumalubong sa akin ang madilim at maliit na sala ng bahay namin kung saan doon din nakalagay ang lamesa na aming pinagkakainan. Sobrang tahimik ang paligid dahil madaling araw na at kahimbingan ng mga tao sa pagtulog. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape bago nagtungo sa kwarto na pinagsasaluhan namin ni Mama. Inabutan ko siyang mahimbing ang pagtulog. Nilibot ko ang tingin sa buong silid.Tipid akong ngumiti at naging maingat ang bawat galaw, takot na makagawa ng ingay at magising si Mama. Minsanan na lamang kasi ito makatulog ng maayos dahil na rin sa walang tigil nitong pag-ubo. Malubha na ang sakit nito dahil na rin hindi naibibigay ang nararapat na gamot sapagkat wala kaming sapat na pera para roon. Ibang iba na ang itsura ni Mama kaysa noong maayos pa an gaming buhay. Maiitim na ang ilalim ng magkabila nitong mata, payat at kulang na kulang sa sustansya ang katawan. Sa katotohanan ay gusto ko na lamang na maiyak sa t

  • Get Too Close   Kabanata 1

    Pagod at masasakit ang paa ko nang matapos ang shift ko sa mall na pinagta-trabahuhan bilang isang sales lady. Ito ang pangunahing naming pinagkukuhaan ng pang-gastos upang matustusan ang pangangailangan ni Mama. May sakit itong malubha at wala kaming pera na maaring ipangpagamot. Tanging dito lang ako umaasa at sa paminsan-minsang sideline ko sa iba pang trabaho.Isinukbit ko ang bag na siyang napaglalagyan ko nang kakaunting gamit na mayroon ako at saka Isinuot ang flat shoes na konti na lamang ay susuko na rin sa aking paa sa dami ng aking pinaggamitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kinastigo ang sarili na kaya ko pang magpatuloy. Pagod ako sa araw na ito wala akong magagawa kung hindi ang kumayod pang muli. May isa pa akong trabaho na kailangan pasukan sa loob ng isang oras at iyon ay bantayan ang anak ng isa sa mga dating kong kaklase. Magtutungo kasi siya sa reunion ng aming batch na gaganapin ngayong gabi.

  • Get Too Close   Simula

    “Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her

DMCA.com Protection Status