Share

Kabanata 1

Author: nefe-libata
last update Last Updated: 2022-04-25 19:54:51

Pagod at masasakit ang paa ko nang matapos ang shift ko sa mall na pinagta-trabahuhan bilang isang sales lady. Ito ang pangunahing naming pinagkukuhaan ng pang-gastos upang matustusan ang pangangailangan ni Mama. May sakit itong malubha at wala kaming pera na maaring ipangpagamot. Tanging dito lang ako umaasa at sa paminsan-minsang sideline ko sa iba pang trabaho.

Isinukbit ko ang bag na siyang napaglalagyan ko nang kakaunting gamit na mayroon ako at saka Isinuot ang flat shoes na konti na lamang ay susuko na rin sa aking paa sa dami ng aking pinaggamitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kinastigo ang sarili na kaya ko pang magpatuloy.

Pagod ako sa araw na ito wala akong magagawa kung hindi ang kumayod pang muli. May isa pa akong trabaho na kailangan pasukan sa loob ng isang oras at iyon ay bantayan ang anak ng isa sa mga dating kong kaklase.

Magtutungo kasi siya sa reunion ng aming batch na gaganapin ngayong gabi. Hindi naman talaga kami nagkaka-contact-an. Mabuti na lamang at nang maghatid siya ng invitation sa akin ay napag-alaman ko na naghahanap ito ng maaaring magbantay sa anak nila na nasa isang taon at isang buwan pa lang. Nagkataon na ako ang na-offer-an sapagkat nasa bakasyon ang yaya nito.

Gustuhin ko man na dumalo sa nasabing reunion pero wala akong choice kundi ang tumanggi. May mga bagay na kailangan kong i-prioritize at iyon ay ang trabaho at ang kikitain na pera mula roon.

Sa estado ng buhay namin ngayon ay mas importante ang oras ko na mailaan sa pagtatrabaho.

"Sayang naman. Taon pa muli ang bibilangin bago tayo magkita kita," pahayag ni Meryl, ang kaklase ko noon. Bakas ang panghihinayang sa tono ng boses niya.

Ngumiti na lamang ako ng tipid at nagkibit-balikat. May mga bagay na hindi talaga maari kahit ipilit. Kung sana ay ganoon pa rin ang buhay ko sa dati. Marangya, may kakayahan makuha ang mga bagay na gustuhin ko dahil hindi naman problema noon ang pera. Iyon nga, lahat ng bagay ay nagbabago at isa na roon ang buhay ko.

"Pasensya ka na, Meryl. Alam mo naman na hindi na ako katulad ng dati,” sambit ko. Gustuhin ko man na pasiglahin ang boses ay hindi ko nagawa.

Pansin kong natigilan siya pagkatapos kong sabihin iyon at saka nag-iwas ng tingin. Ilang sandali pa siyang nakipagpalitan sa akin ng salita, nangamusta bago ito nagpaalam.

Habang pinagmamasdan ko ang aking dating kaklase ng mga oras na yaon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pait. Hanggang ngayon na ilang araw na ang nakalilipas mula noong aming pagkikita; dama ko pa rin ang pait noong mga salitang pansin na pansin ko ang pagkakaiba namin. Sila ay nasa itaas pa rin habang ako ay nakasadlak na sa lupa.

"Instead of attending your very own reunion, you are going to babysit your classmate's child. What a pity, Asul!" nahahabag na sabi ko sa aking sarili.

Pinilit kong lunukin ang nakabarang pait sa aking lalamunan bago pinindot ang doorbell ng bahay ng dati kong kaklase. Ilang sandali lamang ay binuksan ng guwardiya ang gate at pinapasok ako. Tipid ko siyang binigyan ng ngiti at dumiretso na sa pagpasok.

Nadatnan ko roon si Meryl at ang asawa nito na sa pagkakaalam ko ay seaman at isa sa kilalang anak ng isang celebrity. Mabilis na tumungo ang atensyon ng mga ito sa akin. Umaliwalas ang mukha ng Meryl at saka ako dinaluhan.

"Ansolana! Thank you for coming. I thought you changed your mind," sambit niya, nakanguso pero nagtatago ng ngiti.

“Naghanda pa naman ako ng mga pagkain niya para kung sakaling gutom ka ay may makain ka. You can feel at home, okay?” anito, b****o nang nakalapit na.

Sinuklian ko iyon nang mahihinang halakhak.

"Asul na lamang ang itawag mo sa akin para hindi ka na mahirapan," pahayag ko pa, sinasabayan ang kaaliwalasan ng paligid.

"Oh, okay. If that's what you want. By the way, we will go now. Ilang minuto na lamang at sigurado ay magsisimula na ang program," paalam niya sa akin. Napalitan nang natatarantang ekspresyon ang mukha niya.

Nakatanggap ako ng ngiti at pagbati sa asawa niya bago sila tuluyang makaalis. Itinuro sa akin ng mayordoma ng bahay ang isang kwarto kung saan naroon ang anak ni Meryl.

Naging madali para sa akin ang gawain sapagkat hindi naman na iyon bagosa akin. Sa katunayan ay ang mga bata ay may malaking puwang sa sa puso ko. Marahil iyon ay dahil sa kaalamang hindi na ako maaring magkaroon ng sariling anak. Napag-alaman ko ang ganoong kalagayan ko nang magising sa ako pagkaka-comatose. Isang aksidente ang kinasangkutan ko noong ako ay labing-siyam na taong gulang pa lang.

Nabundol ako ng kotse noon at na-comatose sa loob ng pitong buwan. Nang magising ay sinabi ng doctor kay Mama ang ilang epekto ng aksidente sa akin.

Ikinalungkot ko iyon sapagkat humiling-hiling ako noon ng malaking pamilya dahil nabuhay ako bilang nag-iisang anak. Dahil danas na danas ko na ang buhay ng isang batang palaging naiiwan sa bahay sa kadahilanang si Mama ay busy sa business na naiwan ni Papa sa amin. Dahil doon ay ginusto ko na magkaroon ng dalawa o higit pa roon. Iyon ang hiling ko kung kaya naman nalulungkot ako sa isipin na kailanman ay hindi ako magkakaroon ng anak at ang mga batang mahahawakan ko ay hindi akin nagmula.

Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko saka inayos ang bag sa aking balikat.

Ang isang oras na dapat ay pananatili sa bahay ni Meryl ay nauwi sa apat na oras. Kahit pagod ay hindi ko nagawang magalit dahil hindi siya tumupad sa napag-usapang oras. Mas malaki kasi ang binigay nito sa akin. Anim na libo para sa apat na oras. Kita ko na iyon sa pagiging sales lady sa loob ng labin-tatlong araw.

"Salamat," saad ko habang iwas ang tingin kay Meryl. Ramdam ko na naman kasi ang nakakaawang tingin na ipinupukol niya sa akin.

Matapos kung magpaalam ay ipinahatid niya ako sa personal driver na muli ay ipinagpapasalamat kong muli.

Ala una y media na kasi ng madaling araw at mahihirapan na akong humanap ng uber dahil medyo liblib ang village na kinatitirikan ng bahay nila Meryl at ng asawa niya.

Kinse minutos lamang ang itinagal ko sa mamahaling sasakyan at narating na namin ang kanto kung saan ako palaging nagpapababa.

Nagpasalamat muli ako sa driver at saka sinimulan ang pagtahak sa maliit na eskinita na siyang tanging daan patungo sa maliit na apartment na inuupahan namin ni Mama at ng pinsan ko. Narito na naman ako sa isang bagay na paulit-ulit na nagpapaalala kung ano na ang estado ng buhay namin.

Related chapters

  • Get Too Close   Kabanata 2

    Sumalubong sa akin ang madilim at maliit na sala ng bahay namin kung saan doon din nakalagay ang lamesa na aming pinagkakainan. Sobrang tahimik ang paligid dahil madaling araw na at kahimbingan ng mga tao sa pagtulog. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape bago nagtungo sa kwarto na pinagsasaluhan namin ni Mama. Inabutan ko siyang mahimbing ang pagtulog. Nilibot ko ang tingin sa buong silid.Tipid akong ngumiti at naging maingat ang bawat galaw, takot na makagawa ng ingay at magising si Mama. Minsanan na lamang kasi ito makatulog ng maayos dahil na rin sa walang tigil nitong pag-ubo. Malubha na ang sakit nito dahil na rin hindi naibibigay ang nararapat na gamot sapagkat wala kaming sapat na pera para roon. Ibang iba na ang itsura ni Mama kaysa noong maayos pa an gaming buhay. Maiitim na ang ilalim ng magkabila nitong mata, payat at kulang na kulang sa sustansya ang katawan. Sa katotohanan ay gusto ko na lamang na maiyak sa t

    Last Updated : 2022-04-25
  • Get Too Close   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung tatayo o uupo ba ako. Sisigaw o makikiusap. Magsasalita o iiyak na lamang. Gulong-gulo ako sa pangyayari kay Mama. Naririnig ko ang nagkakagulong mga nurse at Doctor, pabalik balik sa loob ng emergency room kung saan ipinasok si Mama. Narito ako ngayon sa isa sa mga bench, inaalong mabuti ni Alona at nang isa pang nurse. Nagising na ako mula sa pagkakahimatay. Hindi ko na inintindi ang pagbabawal sa akin ng nurses na huwag umalis sa pagkakahiga dahil daw maaring hindi pa ako lubusang ayos. Kung normal na sitwasyon ay susunod ako sa kanila pero ngayon, hindi ang pagkahilo o pagkakawala ng malay ko ang mahalaga kung hindi si Mama na nasa loob ng emergency room at nag-aagaw buhay. “Magpakatatag ka, pinsan,” si Alona na batid kong gusto akong pakalmahin ngunit miski boses niya ay hindi kalmado. Nanginginig iyon at parang ano mang oras ay maaring bumigay. Alam ko na nagpapakatatag siya para sa akin at ayaw niya akong mawalan nang

    Last Updated : 2022-04-25
  • Get Too Close   Kabanata 4

    I am not drunk. Wala pa ngang kahit kaunting patak ng alak sa sistema ko kaya imposibleng dahil sa lasing ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali. I was interrupted when Alona came back with a waiter on her back, bringing a bottle of alcohol and two glass. My cousin looks like this is not her first time here. As if she’s used to this loud environment. She smiled at me.“Eto na, Asul! Mahal iyan kaya sulitin natin,” sabi niya saka humagikgik at itinuro sa waiter kung saan parte sa mesa namin iyon ilalapag. Sandali lang nakuha ni Alona ang atensyon ko at bumalik iyon sa itaas kung saan ngayon ay may kausap na ang tinatanaw ko. I was about to walk forward to that area when Alona spoke.“Hoy! Halika na,” aniya. Nang lipatan ko siya ng tingin ay nakangiti siya sa waiter nang matamis bago nagpasalamat. Nilingon niya ako at yinakag muli, itinuro pa ang couch sa tapat niya. Wala akong nagawa kundi ang magtungo roon para saluhan siya

    Last Updated : 2022-04-25
  • Get Too Close   Simula

    “Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her

    Last Updated : 2022-04-25

Latest chapter

  • Get Too Close   Kabanata 1

    Pagod at masasakit ang paa ko nang matapos ang shift ko sa mall na pinagta-trabahuhan bilang isang sales lady. Ito ang pangunahing naming pinagkukuhaan ng pang-gastos upang matustusan ang pangangailangan ni Mama. May sakit itong malubha at wala kaming pera na maaring ipangpagamot. Tanging dito lang ako umaasa at sa paminsan-minsang sideline ko sa iba pang trabaho.Isinukbit ko ang bag na siyang napaglalagyan ko nang kakaunting gamit na mayroon ako at saka Isinuot ang flat shoes na konti na lamang ay susuko na rin sa aking paa sa dami ng aking pinaggamitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kinastigo ang sarili na kaya ko pang magpatuloy. Pagod ako sa araw na ito wala akong magagawa kung hindi ang kumayod pang muli. May isa pa akong trabaho na kailangan pasukan sa loob ng isang oras at iyon ay bantayan ang anak ng isa sa mga dating kong kaklase. Magtutungo kasi siya sa reunion ng aming batch na gaganapin ngayong gabi.

  • Get Too Close   Simula

    “Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her

DMCA.com Protection Status