Share

Kabanata 3

Author: nefe-libata
last update Huling Na-update: 2022-04-25 19:55:51

Hindi ko alam kung tatayo o uupo ba ako. Sisigaw o makikiusap. Magsasalita o iiyak na lamang. Gulong-gulo ako sa pangyayari kay Mama. Naririnig ko ang nagkakagulong mga nurse at Doctor, pabalik balik sa loob ng emergency room kung saan ipinasok si Mama.

Narito ako ngayon sa isa sa mga bench, inaalong mabuti ni Alona at nang isa pang nurse. Nagising na ako mula sa pagkakahimatay. Hindi ko na inintindi ang pagbabawal sa akin ng nurses na huwag umalis sa pagkakahiga dahil daw maaring hindi pa ako lubusang ayos. Kung normal na sitwasyon ay susunod ako sa kanila pero ngayon, hindi ang pagkahilo o pagkakawala ng malay ko ang mahalaga kung hindi si Mama na nasa loob ng emergency room at nag-aagaw buhay.

“Magpakatatag ka, pinsan,” si Alona na batid kong gusto akong pakalmahin ngunit miski boses niya ay hindi kalmado. Nanginginig iyon at parang ano mang oras ay maaring bumigay.

Alam ko na nagpapakatatag siya para sa akin at ayaw niya akong mawalan nang pag-asa pero noong lumabas ang doctor, malungkot ang mga mata at hindi makatingin sa akin nang matuwid, parang nawasak ang kakarampot na pag-asa na mayroon ako kanina. Umiling siya, isang tipid na ngiti. Ang nurse na kasunod ng doctor ay nagtungo sa likod ko at saka ako inalo.

Hindi ko alam… hindi ko alam na humahagulgol na ako, nakasalampak sa sahig at isinisigaw ang salitang Mama. Hindi ko maramdaman na may tao sa paligid ko. Namamanhid ang buo kong katawan, nawawalan ng lakas ang mata at kinakapos ng hininga. Wala akong naririnig. Ang tanging alam ko lang ay mag-isa ako, walang karamay. Wala iyong mga ngiti at kamay na nagpapakalma sa akin sa tuwing nasasaktan ako tulad ngayon.

Kawalan… iyon lang ang alam ko. Wala ang lahat sa akin. Sa dami ng naglipanang tao sa bahay, sa ingay ng nakakalungkot na tugtog at sa haba ng nilalakad namin, tanging kawalan lang ang nararamdaman ko. Dama ko ang pagdaloy nang mainit na likido sa aking pisngi at ang paghagod ng mainit na kamay sa aking likuran. Gustong mapagod ng aking mga binti sa paglalakad subalit namamanhid lamang ang mga iyon ganoon din ang aking puso. Sa halip na makaramdam ng kakampantehan dahil nariyan si Alona, sakit lang ang nadarama ko. Masakit na masakit na kahit ang kahit na anong bagay ay hindi kayang pawiin iyon.

“Umupo ka, Asul. Uminom ka rin ng tubig. Kung ayaw mo kumain kahit tubig na lang.”

Nakikiusap na sa akin si Alona. Mula noong araw na ideklarang wala ng buhay si Mama at miski ngayon na isinasarado ang kaniyang libingan, puro pagpapalakas ng loob ang naririnig ko. Kay Alona at sa iba pang tao.

“Magpakatatag ka. Kaya mo iyan.”

“Huwag kang papanghinaan ng loob. Kayanin mo.”

“Patuloy ka lang sa buhay, hija. Wala tayong magagawa. Ganoon talaga ang buhay ng tao, may hangganan.”

Sa lahat ng salitang natanggap ko, puro pagkuwestiyon lang ang isinasagot ng isip ko.

Paano ako magpapatuloy? Paano ko kakayanin? Bakit parang sa halip na lumakas ang loob ko ay nagagalit lang ako sa mga salitang iyon dahil hindi ko mahanap doon ang positibong sinasabi nila. Hindi ako matatag. Hindi ko kaya magpatuloy ng walang mama na kasama. Hindi ko kaya na wala siya sa tabi ko lalo pa at sa ganoon ako nasanay. Hindi ko kaya magpatuloy sa araw-araw na parang walang nangyari. Alam ko sa sarili kong hindi ko kaya pero lumipas ang araw, lingo at buwan nang hindi ko nalalaman kung paano ako nabubuhay sa mga iyon. Gigising, iiyak, kakain, iiyak at matutulog. Paulit ulit lang ang ganoong routine ko.

“Hoy! Kung hindi ka papasok sa trabaho, masisesante ka na niyan!” sita sa akin ni Alona.

Nasa sala ako, nakaupo sa upuan at tulala. Kung ano-ano ang naiisip ko sa mga oras na ito at nawawaglit lamang kapag nakukuha ni Alona ang atensyon ko.

“Walang mangyayari sa atin kung ganiyan ka lang nang ganiyan. Kung gusto mo…” inilapag niya ang tasa ng gatas sa harapan ko at ang itlog na nilaga.

“–magpunta tayo sa bar para lang malinawan ka,” pahayag niya pa kasabay nang pagkikibit-balikat.

Hindi ako nagbigay ng kahit na anong reaksyon. Walang gana kong dinampot ang tasa ng kape at sumimsim doon. Kahit mapait, hindi nagreklamo ang bibig ko. Hindi ko alam pero sa mga nagdaang buwan, tinatanggap na lang ng sarili ko ang lahat. Pangit ang lasa ng pagkain? Ayos lang. Madilim ang paligid? Ayos lang. Kahit ano pang mangyari, ayos lang. I have no choice but to go with it.

“May kakilala ako, boss ko. Maganda iyong bar na pagpupuntahan natin. Kung gusto mo uminom ka nang marami, hindi kita pipigilan. Basta ba lumabas ka lang dito,” si Alona na iyon pa rin ang topic kahit na isang buong araw na ang lumipas at ngayon ay gabi na.

Bumuntong-hininga ako saka siya nilingon. Nagmamakaawa na ang kaniyang mukha sa akin, nakalahad pa ang isang makintab na satin dress na kulay pula.

“Kahit huwag ka na magsaya doon, pinsan. Uminom ka para makalimot ka. Huwag mo buruhin ang sarili mo rito, huh?”

Nagmamadali siyang lumapit sa akin.

“Halika, aayusan kita.”

Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako sa kaniyang silid. Kailanman ay hindi ako nakarating sa bar dahil noong mayaman pa kami, wala pa ako sa legal na edad at nang tumuntong ng diseotso ay mahirap na.

Sinimulan ni Alona na ayusin ang buhok kong gulo-gulo mula pa kaninang alas kuatro na naligo ako.

“Huwag mo sayangin ang oras at araw. Isa pa, wala bang makakapag-motivate sa iyo na magpatuloy? Lalaki na gusto mo pa makasama sa kinabukasan o taong kagalit mo na gusto mo pang saktan o sampalin–mga ganoon ba,” aniya habang nilalagyan ng kolorete ang aking mukha.

Nang sabihin niya iyon ay may pumasok sa isip ko na mga taong kinagagalitan ko. Oo at gusto kong maghiganti sa kanila o ‘di kaya ay mabawi ang dapat ay amin ni Mama pero para saan pa? Mama’s dead.

Nagsisimulang mag-init ang mata ko pero hindi ko na iyon nabigyan nang pansin dahil huminto na ang taxi sa isang pribadong building.

“Tada! This is one of the elite bar, Asul! Libre lahat sa atin!” ani Alona na ikinawit ang kamay sa aking bisig.

Hindi na ako nakahuma nang yakagin niya ako papasok. Sa labas ay may mga bouncer na malalaki ang katawan. Balak pa kami harangan noong isa pero may ipinakita si Alona roon na dahilan nang pagtango noong bouncer. Nilingon ako ni Alona at nginusuan bago iginiyang muli papasok.

“Welcome to RMB, Asolana!” sigaw niya para marinig ko dahil noong mga sandaling iyon ay sinalubong na kami nang malakas na tugtog ng musika.

Ang usok ang pangunahing sumalubong sa akin bago pa rumehistro sa pandinig ko ang malakas na tugtog na miski ang kabog ay dama ng dibdib ko.

Sandali lang kaming huminto tapos ay hinatak ako ni Alona sa medyo gilid.

“Dito tayo sa isang table. Iyong taas, VIP iyon. Hindi tayo makakapasok. Wala tayong pass,” pasigaw niyang sambit.

Pinaupo niya ako sa isang round couch na kaharap ng isang round table.

“Pupunta ako roon sa may counter at kukuha ng inumin,” paalam niya.

“Diyan ka lang, ha?”

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko. Iginala ko ang aking mata sa harapan kung saan naroon ang hindi magkamayaw na mga tao. Sumasabay sa maingay na tugtog ang mga katawan. Naglakbay ang tingin ko sa sipistikadong hagdan pataas. Sa railings sa taas ay may mga taong inaaliw ang sarili sa hawak nilang alak at sa panonood sa mga nagsasayaw sa baba.

Nangunot ang noo ko nang hindi sinasadyang madako ang tingin ko sa pinaka-corner noon. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o pamilyar talaga siya.

Kaugnay na kabanata

  • Get Too Close   Kabanata 4

    I am not drunk. Wala pa ngang kahit kaunting patak ng alak sa sistema ko kaya imposibleng dahil sa lasing ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali. I was interrupted when Alona came back with a waiter on her back, bringing a bottle of alcohol and two glass. My cousin looks like this is not her first time here. As if she’s used to this loud environment. She smiled at me.“Eto na, Asul! Mahal iyan kaya sulitin natin,” sabi niya saka humagikgik at itinuro sa waiter kung saan parte sa mesa namin iyon ilalapag. Sandali lang nakuha ni Alona ang atensyon ko at bumalik iyon sa itaas kung saan ngayon ay may kausap na ang tinatanaw ko. I was about to walk forward to that area when Alona spoke.“Hoy! Halika na,” aniya. Nang lipatan ko siya ng tingin ay nakangiti siya sa waiter nang matamis bago nagpasalamat. Nilingon niya ako at yinakag muli, itinuro pa ang couch sa tapat niya. Wala akong nagawa kundi ang magtungo roon para saluhan siya

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • Get Too Close   Simula

    “Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • Get Too Close   Kabanata 1

    Pagod at masasakit ang paa ko nang matapos ang shift ko sa mall na pinagta-trabahuhan bilang isang sales lady. Ito ang pangunahing naming pinagkukuhaan ng pang-gastos upang matustusan ang pangangailangan ni Mama. May sakit itong malubha at wala kaming pera na maaring ipangpagamot. Tanging dito lang ako umaasa at sa paminsan-minsang sideline ko sa iba pang trabaho.Isinukbit ko ang bag na siyang napaglalagyan ko nang kakaunting gamit na mayroon ako at saka Isinuot ang flat shoes na konti na lamang ay susuko na rin sa aking paa sa dami ng aking pinaggamitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kinastigo ang sarili na kaya ko pang magpatuloy. Pagod ako sa araw na ito wala akong magagawa kung hindi ang kumayod pang muli. May isa pa akong trabaho na kailangan pasukan sa loob ng isang oras at iyon ay bantayan ang anak ng isa sa mga dating kong kaklase. Magtutungo kasi siya sa reunion ng aming batch na gaganapin ngayong gabi.

    Huling Na-update : 2022-04-25
  • Get Too Close   Kabanata 2

    Sumalubong sa akin ang madilim at maliit na sala ng bahay namin kung saan doon din nakalagay ang lamesa na aming pinagkakainan. Sobrang tahimik ang paligid dahil madaling araw na at kahimbingan ng mga tao sa pagtulog. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape bago nagtungo sa kwarto na pinagsasaluhan namin ni Mama. Inabutan ko siyang mahimbing ang pagtulog. Nilibot ko ang tingin sa buong silid.Tipid akong ngumiti at naging maingat ang bawat galaw, takot na makagawa ng ingay at magising si Mama. Minsanan na lamang kasi ito makatulog ng maayos dahil na rin sa walang tigil nitong pag-ubo. Malubha na ang sakit nito dahil na rin hindi naibibigay ang nararapat na gamot sapagkat wala kaming sapat na pera para roon. Ibang iba na ang itsura ni Mama kaysa noong maayos pa an gaming buhay. Maiitim na ang ilalim ng magkabila nitong mata, payat at kulang na kulang sa sustansya ang katawan. Sa katotohanan ay gusto ko na lamang na maiyak sa t

    Huling Na-update : 2022-04-25

Pinakabagong kabanata

  • Get Too Close   Kabanata 4

    I am not drunk. Wala pa ngang kahit kaunting patak ng alak sa sistema ko kaya imposibleng dahil sa lasing ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali. I was interrupted when Alona came back with a waiter on her back, bringing a bottle of alcohol and two glass. My cousin looks like this is not her first time here. As if she’s used to this loud environment. She smiled at me.“Eto na, Asul! Mahal iyan kaya sulitin natin,” sabi niya saka humagikgik at itinuro sa waiter kung saan parte sa mesa namin iyon ilalapag. Sandali lang nakuha ni Alona ang atensyon ko at bumalik iyon sa itaas kung saan ngayon ay may kausap na ang tinatanaw ko. I was about to walk forward to that area when Alona spoke.“Hoy! Halika na,” aniya. Nang lipatan ko siya ng tingin ay nakangiti siya sa waiter nang matamis bago nagpasalamat. Nilingon niya ako at yinakag muli, itinuro pa ang couch sa tapat niya. Wala akong nagawa kundi ang magtungo roon para saluhan siya

  • Get Too Close   Kabanata 3

    Hindi ko alam kung tatayo o uupo ba ako. Sisigaw o makikiusap. Magsasalita o iiyak na lamang. Gulong-gulo ako sa pangyayari kay Mama. Naririnig ko ang nagkakagulong mga nurse at Doctor, pabalik balik sa loob ng emergency room kung saan ipinasok si Mama. Narito ako ngayon sa isa sa mga bench, inaalong mabuti ni Alona at nang isa pang nurse. Nagising na ako mula sa pagkakahimatay. Hindi ko na inintindi ang pagbabawal sa akin ng nurses na huwag umalis sa pagkakahiga dahil daw maaring hindi pa ako lubusang ayos. Kung normal na sitwasyon ay susunod ako sa kanila pero ngayon, hindi ang pagkahilo o pagkakawala ng malay ko ang mahalaga kung hindi si Mama na nasa loob ng emergency room at nag-aagaw buhay. “Magpakatatag ka, pinsan,” si Alona na batid kong gusto akong pakalmahin ngunit miski boses niya ay hindi kalmado. Nanginginig iyon at parang ano mang oras ay maaring bumigay. Alam ko na nagpapakatatag siya para sa akin at ayaw niya akong mawalan nang

  • Get Too Close   Kabanata 2

    Sumalubong sa akin ang madilim at maliit na sala ng bahay namin kung saan doon din nakalagay ang lamesa na aming pinagkakainan. Sobrang tahimik ang paligid dahil madaling araw na at kahimbingan ng mga tao sa pagtulog. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape bago nagtungo sa kwarto na pinagsasaluhan namin ni Mama. Inabutan ko siyang mahimbing ang pagtulog. Nilibot ko ang tingin sa buong silid.Tipid akong ngumiti at naging maingat ang bawat galaw, takot na makagawa ng ingay at magising si Mama. Minsanan na lamang kasi ito makatulog ng maayos dahil na rin sa walang tigil nitong pag-ubo. Malubha na ang sakit nito dahil na rin hindi naibibigay ang nararapat na gamot sapagkat wala kaming sapat na pera para roon. Ibang iba na ang itsura ni Mama kaysa noong maayos pa an gaming buhay. Maiitim na ang ilalim ng magkabila nitong mata, payat at kulang na kulang sa sustansya ang katawan. Sa katotohanan ay gusto ko na lamang na maiyak sa t

  • Get Too Close   Kabanata 1

    Pagod at masasakit ang paa ko nang matapos ang shift ko sa mall na pinagta-trabahuhan bilang isang sales lady. Ito ang pangunahing naming pinagkukuhaan ng pang-gastos upang matustusan ang pangangailangan ni Mama. May sakit itong malubha at wala kaming pera na maaring ipangpagamot. Tanging dito lang ako umaasa at sa paminsan-minsang sideline ko sa iba pang trabaho.Isinukbit ko ang bag na siyang napaglalagyan ko nang kakaunting gamit na mayroon ako at saka Isinuot ang flat shoes na konti na lamang ay susuko na rin sa aking paa sa dami ng aking pinaggamitan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kinastigo ang sarili na kaya ko pang magpatuloy. Pagod ako sa araw na ito wala akong magagawa kung hindi ang kumayod pang muli. May isa pa akong trabaho na kailangan pasukan sa loob ng isang oras at iyon ay bantayan ang anak ng isa sa mga dating kong kaklase. Magtutungo kasi siya sa reunion ng aming batch na gaganapin ngayong gabi.

  • Get Too Close   Simula

    “Really? To get even, huh?” nangungutya ang kaniyang mga mata. Damang-dama ko ang galit na nagmumula roon lalo pa at napakalapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay hinahapo ako sa mga oras na ito. Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong magsalita. “T-tapos na tayo, Sariel! Ano ba sa simpleng salita na iyon ang hirap kang intindihin?” Ginusto kong isigaw ang mga salitang iyon – sabihin nang madiin ang bawat salita pero nagtunog malambing lang iyon at nagmamakaawa. Pumikit siya nang mariin, nababakas ang pagpipigil ng hindi ko malaman kung galit o ano pa man. Isinuklay niya ang kamay sa buhok at nakailang pakawala nang malalim na hininga bago siya nagdilat. Sinalubong ko ang tingin niyang nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon. You are mad at him, Asul! Sa una pa lang ay dapat hindi ko na hinayaan ang sarili ko na magpakalunod ng ganito. Nag-iinit ang mata ko habang inaalala ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ama. “I am letting you toy with her

DMCA.com Protection Status