Si Adrian Lewis ay napangasawa ang isa sa mga anak ng mayamang pamilya ng mga Ortiz. Subalit ang kaniyang buhay sa kamay ng mga manugang ay hindi maganda. Siya ay pinahirapan, inalipin dahil sa kaniyang estado sa buhay. Ngunit ang lahat ay may sukdulan sapagkat ang kaniyang pinakaiingatan na lihim ay pumutok. Nalaman ng lahat na siya ay isang tagapagmanang apo ng bilyonaryong si Don Albert Lewis at sa pagputok ng katotohanan, ginamit ito ni Adrian para paluhurin ang mga taong nag-alipusta sa kaniya kasama na ang kaniyang mga biyenan.
View MoreBakas sa mukha ni Conan ang pagkagulat dahil sa sinabi ni Adrian. Tila ba ay hindi ito kapani-paniwala sa mga narinig."Hindi maaari ang mga ito. Isa lamang itong masamang panaginip!" sambit ni Conan kaya napailing na lang ng kaniyang ulo si Adrian."If I were you, Conan lalabas na ako rito sa loob kung hindi mo tanggap ang mga narinig. Baka magbago ang isip ko at baka tanggalin ko ang investment namin sa kompanya ninyo." sambit ni Adrian kaya naman ay napalunok si Conan. Tandang-tanda pa rin ni Adrian ang mga panahon na kung saan isa si Conan sa mga taong nagpahirap sa buhay niya. Kaibigan niya ang lalaking matagal nang may gusto sa asawa niyang si Clarissa at pilit pa nga niyang itinulak ang lalaki sa asawa niya. Tandang-tanda niya rin kung papaano siya minaliit ni Conan at ngayon sisiguraduhin niya na sa kaniya naman aayon ang panahon."Huwag mong gagawin iyan, Adrian. Nakahanda ako na gawin ang lahat." sambit ni Conan kaya siya ay napangisi.Napatingin naman si Adrian sa kaniyang
Hindi makapaniwala ang buong angkan ng pamilyang Ortiz nang malaman nila na si Adrian ay apo pala ng pinakamayaman na si Don Albert Lewis.Para sa kanila ay isa lamang iyong bangungot na ayaw nila marinig. Napaka-imposible para sa kanila na ang isang hamak na Adrian ay isa palang anak na mayaman."N-No. You are maybe mistaken, Don Albert. This asshole isn't your grandson. That's impossible!"Bakas sa mukha ng ama ni Clarissa ang pagkagimbal mula sa kaniyang narinig maging ang iba pa."Hindi ako kailan man gagawa pa ng issue. Ang lalaking ito ay apo ko. Lumayas siya sa akin dahil ayaw niyang gampanan ang responsibilidad na maging tagapagmana ng lahat ng mga kayamanan ko ngunit nang malaman ko ang tungkol sa kaniyang kinaroroonan ay ganito pala ang aking matutuklasan,"Mababakas rin sa boses ni Don Albert ang galit dahil sa ginawa ng pamilya Ortiz kay Adrian. Nais na ng matanda na ligpitin ang mga ito kung hindi lamang siya pinigilan ni Adrian."I will talk to you later, Grandpa. Kailan
Hindi makapaniwala si Adrian na ang lalaking na sa harapan niya ngayon ay tauhan ng kaniyang lolo. Ilang taon na rin ang nakalipas simula noong tumakas siya mula sa puder ng kaniyang lolo."Isang milyon? Hindi ko matatanggap iyan sa ngayon. Pakisabi na rin kay Lolo na hindi ko kailangan ng tulong niya—"Hindi pa man natatapos ang kaniyang sasabihin ay may bigla nang dumating at sabay sabing, "Hanggang ngayon ba ay matigas pa rin ang ulo mo?"Pakiramdam ni Adrian ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagpakita na rin sa wakas ang kaniang Lolo pagkatapos nang mahabang panahon na tumakas siya mula sa puder niya."Bakit ka nandirito, Lolo? Bakit mo ako bibigyan ng isang milyon? Nangako na ako sa iyo noon na kahit ano man ang mangyari ay hindi ako hihingi ng tulong. Kaya ko mabuhay mag-isa kasama ng asawa ko,""Alam ko ang paghihirap na pinagdaanan mo sa kamay ng pamilya Ortiz. Kahit pa man na tinalikuran mo ang mga responsibilidad mo bilang isang Lewis na tagapagmana ng mga kayamanan k
Gamit ang kaniyang natitirang lakas ay pilit na kumawala si Adrian mula sa kamay ng ama ni Clarissa. Tumakbo siya sa kinaroroonan ng asawa at binuhat ang walang malay na asawa. Nanginginig siya sa takot at galit dahil sa nangyari sa asawa niya."Dadalhin kita sa ospital, Clary. Kumapit ka lang dahil hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa iyo," aniya habang naluluha. Bago pa man tuluyang umalis si Adrian ay hinarap niya ang pamilyang Ortiz na ngayon ay natitigilan dahil sa nangyari kay Clarissa.Nanginginig ang buong katawan ni Adrian habang sinasabi ang mga salitang, "Kapag may masamang mangyari sa asawa ko, magdasal na kayo dahil pagbabayarin ko kayo ng mahal!"Walang sino man ang nagtangkang magsalita sa kanila kaya hindi na hinintay ni Adrian na makapagsalita pa ang mga ito. Karga-karga niya ang wala pa ring malay na asawa hanggang sa makahanap na siya ng sasakyan kaya dali-dali niya itong sinugod sa malapit na ospital. Habang sila ay patungo roon, walang pagsisidlan ang poo
Sa loob ng malaking mansyon ng mga Ortiz ay nagkakasiyahan ang lahat. Ito ay palagi nilang ginagawa kapag ang mataas na lider ng pamilyang Ortiz ay may nakamit na dapat lamang ipagdaraos at itinaon rin ito sa kaarawan ng ilaw ng tahanan ng mga Ortiz na si Lady Esmeralda.Ang kaniyang mga anak at mga apo ay masayang nakikipag-usap sa matanda habang binabati rin ito ng mga bisita at binibigyan ng mga regalo.Sa isang banda naman ay nag-aalangan pa na lumapit ang asawa ni Adrian sa kaniyang Lola sapagkat alam niya na pagagalitan lamang siya dahil sa desisyon niya sa buhay at isa na roon ang pagpapakasal sa isang lalaking wala man lang narating sa buhay. Walang maipagmamalaki si Adrian kung hindi ang kaniyang mapang-akit lamang na mukha."Halika na. Magpatuloy na tayo sa paglalakad at ibigay itong munting regalo na binili ko sa tiange para kay Lady Esmeralda. Ito lamang ang kaya kong bilhin para sa kaniya," aniya kaya nagbuntong hininga na lamang ang asawa saka nagpatuloy sa paglalakad."
Sa loob ng malaking mansyon ng mga Ortiz ay nagkakasiyahan ang lahat. Ito ay palagi nilang ginagawa kapag ang mataas na lider ng pamilyang Ortiz ay may nakamit na dapat lamang ipagdaraos at itinaon rin ito sa kaarawan ng ilaw ng tahanan ng mga Ortiz na si Lady Esmeralda.Ang kaniyang mga anak at mga apo ay masayang nakikipag-usap sa matanda habang binabati rin ito ng mga bisita at binibigyan ng mga regalo.Sa isang banda naman ay nag-aalangan pa na lumapit ang asawa ni Adrian sa kaniyang Lola sapagkat alam niya na pagagalitan lamang siya dahil sa desisyon niya sa buhay at isa na roon ang pagpapakasal sa isang lalaking wala man lang narating sa buhay. Walang maipagmamalaki si Adrian kung hindi ang kaniyang mapang-akit lamang na mukha."Halika na. Magpatuloy na tayo sa paglalakad at ibigay itong munting regalo na binili ko sa tiange para kay Lady Esmeralda. Ito lamang ang kaya kong bilhin para sa kaniya," aniya kaya nagbuntong hininga na lamang ang asawa saka nagpatuloy sa paglalakad."...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments