Hindi makapaniwala ang buong angkan ng pamilyang Ortiz nang malaman nila na si Adrian ay apo pala ng pinakamayaman na si Don Albert Lewis.
Para sa kanila ay isa lamang iyong bangungot na ayaw nila marinig. Napaka-imposible para sa kanila na ang isang hamak na Adrian ay isa palang anak na mayaman.
"N-No. You are maybe mistaken, Don Albert. This asshole isn't your grandson. That's impossible!"
Bakas sa mukha ng ama ni Clarissa ang pagkagimbal mula sa kaniyang narinig maging ang iba pa.
"Hindi ako kailan man gagawa pa ng issue. Ang lalaking ito ay apo ko. Lumayas siya sa akin dahil ayaw niyang gampanan ang responsibilidad na maging tagapagmana ng lahat ng mga kayamanan ko ngunit nang malaman ko ang tungkol sa kaniyang kinaroroonan ay ganito pala ang aking matutuklasan,"
Mababakas rin sa boses ni Don Albert ang galit dahil sa ginawa ng pamilya Ortiz kay Adrian. Nais na ng matanda na ligpitin ang mga ito kung hindi lamang siya pinigilan ni Adrian.
"I will talk to you later, Grandpa. Kailangan ko lang ayusin ang mga bagay dito sa ospital. Pupunta ako sa opisina mo," sambit ni Adrian kaya naman ay kumalma ang matanda.
"Sige iiwanan na muna kita pero hihintayin kita sa opisina ko sa lalong madaling panahon. Huwag ka mag-alala dahil ako na bahala sa lahat ng mga bayarin dito sa ospital."
Napatango na lamang si Adrian bilang tugon sa sinabi ng kaniyang Lolo kaya naman pagkatapos no'n ay kaagad naman na lumabas ang matanda kasama ang ilang mga tauhan niya. Naiwan naman sa loob ang pamilya Ortiz na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nalaman.
"H-Hindi namin alam ang tungkol sa pagkatao mo, Adrian. P-Patawarin mo kami sa aming mga nagawa sa iyo," ani ni Valerie.
"Hinding-hindi ko malilimutan ang mga ginawa ninyo sa akin. Pasalamat na lamang kayo dahil pamilya kayo ni Clarissa at kung sakaling hindi, matagal ko na kayo pinabagsak. Tiniis ko lahat para sa kaniya at ngayon na alam niyo na ang pagkatao ko, magsisimula pa lamang ako kaya humanda kayo."
Puno nang hinanakit ang boses ni Adrian. Hindi niya kasi matanggap ang lahat na pinagdaraanan niya sa kamay ng mga ito.
"Ako na ang humihingi nang pasensiya, Adrian. Puwede pa rin naman natin pag-usapan ang mga bagay na ito. Huwag ka mag-alala dahil hinding-hindi na namin pakikialaman pa ang buhay mo at ni Clarissa. Basta pakiusap ko sa iyo, huwag mo hahayaan na pabagsakin ang kompanya namin," sambit naman ni Lady Esmeralda kaya napangisi siya.
"Huwag kayong mag-alala dahil nakahanda akong ipagtanggol kayo," pagsisinungaling niya at siya rin pagngiti ng buong pamilya Ortiz.
Wala silang kaalam-alam na may mga balak pala si Adrian. Gusto niya sana silang sigawan, saktan at gantihan dahil sa mga naranasan niya sa kamay ng mga ito, subalit mas pinili niya na lang munang kontrolin ang kaniyang sarili dahil marami siyang balak para sa pamilya Ortiz. Sisiguraduhin niyang mapapaluhod at mapapaluha nila ng dugo ang bawat miyembro ng pamilya.
"Maraming salamat, Adrian. Ito na ang simula para tuldukan ang kung ano man ang meron sa nakaraan. Ang mahalaga ngayon ay ang kasalukuyan," sambit naman ni Valerie kaya napangisi na lang sa isipan si Adrian.
'Ngayon pa talaga kayo magiging mabait sa akin pagkatapos nang lahat?' aniya sa isipan.
"That's right. Gusto ko na muna masolo ang asawa ko kaya iwanan ninyo muna kami," sabi ni Adrian at tumango naman na walang pag-alinlangan ang buong angkan.
Kaagad naman hinarap ni Adrian ang nakaratay na asawa sa higaan na may maraming nakakabit sa kaniyang buong katawan. Naaawa siya sa asawa at ninais ni Adrian na sana siya na lang ang nandiyan. Subalit naisip niya rin na may dahilan ang lahat.
Pagkatapos niyang kausapin ang asawa ay kaagad naman siyang lumabas at kinausap ang doctor na mag-aalaga sa asawa habang siya ay wala. Kaagad na bumiyahe si Adrian papunta sa isa sa malaking kompanya ng kaniyang Lolo ang "Lewis Company".
Ilang oras lang at kaagad naman siyang pumasok sa loob. Muntikan nang hindi papasukin si Adrian ng guard kung hindi pa niya pinakita ang kaniyang ID na laging na sa kaniyang maliit na pitaka.
Papasara na sana ang elevator papuntang opisina ng kaniyang lolo nang dali-dali siyang pumasok. Subalit ikinagulat niya nang makita ang kaniyang dating nobya at ang pinsan ni Clarissa.
"Adrian? It's been a long time," wika ni Isabelle kaya ngumiti lamang siya. Ramdam niya rin ang masamang titig ni Conan sa kaniya.
"Ano naman ang ginagawa mo rito, Adrian? You're supposed to be in the mansion doing the household chores?"
Ang galit na boses naman ni Conan ang umalingaw-ngaw sa loob ng elevator. Kaagad naman siyang sinaway ni Isabelle at ang kaniyang sinabi, "Ano ba ang pinaggagawa ninyo kay, Adrian?"
Sasagutin pa sana iyon ni Conan subalit nagbukas na ang elevator kaya unang lumabas si Isabelle. Nagmamadali ang babae at hindi na niya pinansin pa si Adrian. Samantala ay mabilis naman siyang isinandal ni Conan sa pader kaya napaigik ito sa sakit.
"Huwag na huwag mo ipapahiya ang pamilyang Ortiz sa harap ni Don Albert, Adrian. Papatayin kita!" galit na sigaw ni Conan pero hindi naman natinag si Adrian at ngumisi na lamang siya.
"Baka ikaw ang mapapahiya, Conan."
"Aba't sumasagot ka pa huh! Gusto mo suntukin na ki—"
"Tama na iyan, Conan. Na sa loob na si Don Albert."
Mabuti na lamang at bumalik si Isabelle kaya naman ay hindi natuloy ang balak sana ni Conan sa kaniya. Bago pa man tuluyang pumasok sa loob ng opisina si Conan at Isabelle ay nakatitig pa ito sa kaniya. Masama ang tingin ni Conan sa kaniya habang si Isabelle naman ay puno nang pananabik ang kaniyang mga mata. May nakaraan silang dalawa at inaamin ni Adrian na nagagandahan pa rin siya sa dalaga subalit may asawa na siya. Hindi maaaring maakit pa siya ulit.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa pumasok na nga si Adrian sa loob at nadatnan ang lahat na nakatingin sa kaniya pati na rin si Conan. Magsasalita pa sana ito nang sapawan na siya ni Don Albert.
"Please welcome everyone, my Grandson. He will be the next CEO of this company. I give my position to him. Siya na ang bagong tagapagmana ng lahat na pagmamay-ari ko."
Halos malaglag na ang panga ng lahat dahil sa inanunsiyo ni Don Albert sa lahat ng mga tao na nandirito ngayon sa loob.
"No! That's impossible!"
Napailing naman siya ng magkomento si Conan kaya naman ay lumapit si Adrian sa kaniya. Inilapit naman ni Adrian ang kaniyang bibig sa tenga nito sabay sabing, "Gulat ka ba, Conan? I am no longer a poor son-in-law because I am Don Albert's heir at iyan ang buong katotohanan."
Bakas sa mukha ni Conan ang pagkagulat dahil sa sinabi ni Adrian. Tila ba ay hindi ito kapani-paniwala sa mga narinig."Hindi maaari ang mga ito. Isa lamang itong masamang panaginip!" sambit ni Conan kaya napailing na lang ng kaniyang ulo si Adrian."If I were you, Conan lalabas na ako rito sa loob kung hindi mo tanggap ang mga narinig. Baka magbago ang isip ko at baka tanggalin ko ang investment namin sa kompanya ninyo." sambit ni Adrian kaya naman ay napalunok si Conan. Tandang-tanda pa rin ni Adrian ang mga panahon na kung saan isa si Conan sa mga taong nagpahirap sa buhay niya. Kaibigan niya ang lalaking matagal nang may gusto sa asawa niyang si Clarissa at pilit pa nga niyang itinulak ang lalaki sa asawa niya. Tandang-tanda niya rin kung papaano siya minaliit ni Conan at ngayon sisiguraduhin niya na sa kaniya naman aayon ang panahon."Huwag mong gagawin iyan, Adrian. Nakahanda ako na gawin ang lahat." sambit ni Conan kaya siya ay napangisi.Napatingin naman si Adrian sa kaniyang
Sa loob ng malaking mansyon ng mga Ortiz ay nagkakasiyahan ang lahat. Ito ay palagi nilang ginagawa kapag ang mataas na lider ng pamilyang Ortiz ay may nakamit na dapat lamang ipagdaraos at itinaon rin ito sa kaarawan ng ilaw ng tahanan ng mga Ortiz na si Lady Esmeralda.Ang kaniyang mga anak at mga apo ay masayang nakikipag-usap sa matanda habang binabati rin ito ng mga bisita at binibigyan ng mga regalo.Sa isang banda naman ay nag-aalangan pa na lumapit ang asawa ni Adrian sa kaniyang Lola sapagkat alam niya na pagagalitan lamang siya dahil sa desisyon niya sa buhay at isa na roon ang pagpapakasal sa isang lalaking wala man lang narating sa buhay. Walang maipagmamalaki si Adrian kung hindi ang kaniyang mapang-akit lamang na mukha."Halika na. Magpatuloy na tayo sa paglalakad at ibigay itong munting regalo na binili ko sa tiange para kay Lady Esmeralda. Ito lamang ang kaya kong bilhin para sa kaniya," aniya kaya nagbuntong hininga na lamang ang asawa saka nagpatuloy sa paglalakad."
Gamit ang kaniyang natitirang lakas ay pilit na kumawala si Adrian mula sa kamay ng ama ni Clarissa. Tumakbo siya sa kinaroroonan ng asawa at binuhat ang walang malay na asawa. Nanginginig siya sa takot at galit dahil sa nangyari sa asawa niya."Dadalhin kita sa ospital, Clary. Kumapit ka lang dahil hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa iyo," aniya habang naluluha. Bago pa man tuluyang umalis si Adrian ay hinarap niya ang pamilyang Ortiz na ngayon ay natitigilan dahil sa nangyari kay Clarissa.Nanginginig ang buong katawan ni Adrian habang sinasabi ang mga salitang, "Kapag may masamang mangyari sa asawa ko, magdasal na kayo dahil pagbabayarin ko kayo ng mahal!"Walang sino man ang nagtangkang magsalita sa kanila kaya hindi na hinintay ni Adrian na makapagsalita pa ang mga ito. Karga-karga niya ang wala pa ring malay na asawa hanggang sa makahanap na siya ng sasakyan kaya dali-dali niya itong sinugod sa malapit na ospital. Habang sila ay patungo roon, walang pagsisidlan ang poo
Hindi makapaniwala si Adrian na ang lalaking na sa harapan niya ngayon ay tauhan ng kaniyang lolo. Ilang taon na rin ang nakalipas simula noong tumakas siya mula sa puder ng kaniyang lolo."Isang milyon? Hindi ko matatanggap iyan sa ngayon. Pakisabi na rin kay Lolo na hindi ko kailangan ng tulong niya—"Hindi pa man natatapos ang kaniyang sasabihin ay may bigla nang dumating at sabay sabing, "Hanggang ngayon ba ay matigas pa rin ang ulo mo?"Pakiramdam ni Adrian ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagpakita na rin sa wakas ang kaniang Lolo pagkatapos nang mahabang panahon na tumakas siya mula sa puder niya."Bakit ka nandirito, Lolo? Bakit mo ako bibigyan ng isang milyon? Nangako na ako sa iyo noon na kahit ano man ang mangyari ay hindi ako hihingi ng tulong. Kaya ko mabuhay mag-isa kasama ng asawa ko,""Alam ko ang paghihirap na pinagdaanan mo sa kamay ng pamilya Ortiz. Kahit pa man na tinalikuran mo ang mga responsibilidad mo bilang isang Lewis na tagapagmana ng mga kayamanan k

Hindi makapaniwala ang buong angkan ng pamilyang Ortiz nang malaman nila na si Adrian ay apo pala ng pinakamayaman na si Don Albert Lewis.Para sa kanila ay isa lamang iyong bangungot na ayaw nila marinig. Napaka-imposible para sa kanila na ang isang hamak na Adrian ay isa palang anak na mayaman."N-No. You are maybe mistaken, Don Albert. This asshole isn't your grandson. That's impossible!"Bakas sa mukha ng ama ni Clarissa ang pagkagimbal mula sa kaniyang narinig maging ang iba pa."Hindi ako kailan man gagawa pa ng issue. Ang lalaking ito ay apo ko. Lumayas siya sa akin dahil ayaw niyang gampanan ang responsibilidad na maging tagapagmana ng lahat ng mga kayamanan ko ngunit nang malaman ko ang tungkol sa kaniyang kinaroroonan ay ganito pala ang aking matutuklasan,"Mababakas rin sa boses ni Don Albert ang galit dahil sa ginawa ng pamilya Ortiz kay Adrian. Nais na ng matanda na ligpitin ang mga ito kung hindi lamang siya pinigilan ni Adrian."I will talk to you later, Grandpa. Kailan