Ipinangako ni Ysabella sa kanyang sarili na ibibigay niya lang ang kanyang iniingitang puri sa lalaking mamahalin at pakakasalan niya. Nang magkaboyfriend siya ay muntik na siyang pagsamantalahan nito, mabuti na lang at may lalaking tumulong sa kanya. She didn't expect ang lalaking tumulong sa kanya ay isa pa lang tinitingalang abogado at bilyunaryo. Binili siya ng lalaki sa club kung saan siya nagtatrabaho bilang isang dancer at waitress. He hired her as her maid, pero hindi niya namalayan na unti-unti ng napapalapit ang loob niya sa lalaki. Gusto niya mang pigilan ang nararamdaman pero minahal na niya ng tuluyan ang lalaki, pero paano siya mamahalin ng lalaki kung ikakasal na pala ito sa iba?
View MoreYsa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak
Ysa's POV Unti-unti ng dumarating ang mga bisita. Ang iba ay may dala pang mga prutas at gulay para kay Papa. Tuwang-tuwa naman si Papa sa mga trabahante niya. Kilala si Papa rito sa amin na masayahin at palakaibigan. Hindi siya matapobre at madaling lapitan. Kaya natutuwa ako na maraming nagmamahal kay Papa. Nandito lang ako sa hindi kalayuan at nakatanaw kay Papa na nakikipag-usap sa mga tao. Malakas itong tumatawa habang kausap niya ang mga trabahante niya. "Maraming nagmamahal sa Papa mo. Look at him, giliw na giliw sa kanya ang mga trabahante niya." Ani Damian at tumabi sa akin. Napatango ako, "he is friendly. Lahat nga yata ng tao rito ay kaibigan niya." Sagot ko sa kanya. "Kailan kayo babalik ng hospital?" Tanong ni Damian. "Hindi na. Alam na ni Papa na hindi na siya magagamot pa. Ayaw niya na ring gumastos pa ng malaki sa hospital. Itong bahay nalang namin, ang rancho at palayan nalang ang naiwan sa amin. Ayaw niyang pati ito ay mabenta niya kahit alam naman niyang
Ysa's POV Ano ito? Nasaan ako? Nagtataka kong tiningnan ang paligid. Hindi ito pamilyar sa akin pero parang may kakaiba sa lugar na 'to. Tinitigan ko ang picture frame sa gilid ng kama, naaaninag ko ang itsura ko pero hindi ko makita ang itsura ng katabi ko sa larawan. Kinuha ko ang picture frame para titigan kung sino ang kasama ko pero bigla ko itong nabitawan kaya nabasag ito. Kumabog ng malakas ang puso ko. Napatingin ako sa basag na picture frame at sa hindi malamang dahilan ay sumikip ang dibdib ko. Para akong kinakapos sa paghinga. "Oh, my gosh!" Bulalas ko ng magising ako. Hinihingal akong napabangon sa kama. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya napainom ako ng tubig. Dinama ko ang kanang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. I exhaled deeply. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Ilang beses na akong na nanaginip na may kasama akong lalaki na hindi ko naman mamukhaan. Simula ng dumating si Damian sa bahay namin ay palaging 'yon ang panaginip ko. Ang akala ko ay mawawala la
Ysa's POV Pauwi na ako galing sa rancho ng makita ko si Manong Juan kasama si Damian. Nakasunod sila sa kalabaw na hila-hila ang karo na may lamang kahoy. "Oh, Ysa. Pauwi ka pa lang?" Tanong ni Manong sa akin. Napatingin naman sa akin si Damian. Tipid akong ngumiti sa kanya at binalingan ng tingin si Manong habang naglalakad kami. "Opo. Hindi ko napansin ang oras." Sagot ko sa kanya. Mag-aalas kuwatro na kase. Usually ay bago mag alas tres ay nasa bahay na ako. Hinubad ko ang suot kong longsleeves at tinali sa bewang ko, nakasuot nalang ako ng sleeveless top ko. Ang init pa rin kahit mag-aalas kuwatro na. "Sinama ko si Attorney. Nangahoy kami." Ani Manong. Mahina namang napatawa si Damian. Parang may naaalala itong nakakatawang nangyari. "And I almost killed myself." Naiiling na wika nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. May halong pag-aalala ang pagtingin ko sa kanya. "Why? Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko. "Well, sumakay ako sa kalabaw. Bigla siyang tumakbo
Ysa's POV "Anak?" Tawag sa akin ni Papa. Ngumiti ako kaagad kay Papa at lumapit. Nasa rancho ako ngayon at nagpapakain ng mga kabayo. "Papa, bakit ka nandito?" Ani ko. Kahit na may sakit si Papa, he always make sure na maayos ang pamamalakad sa rancho at farm niya. Pinipilit nitong maging masigla para hindi halata na may sakit siya. "Nakakabagot sa bahay, Anak. Tsaka exercise na rin," ngumiti ito sa akin. Tiningnan ko kung may kasama siya-- "Nasa labas si Attorney." May halong tukso ang boses nito. "H-ha?" Malapad na ngumiti si Papa, "sinama ko na si Attorney. Ang sabi sa akin ni Juan ay iniwan niya raw dito kahapon si Attorney." "A-ah, opo. Nagkakera kami kahapon. Magaling pala siya." Bahagya akong napangiti. My Father smiled at me teasingly. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Napailing naman ito. Ilang araw palang dito si Atty. Damian sa amin pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Para bang kilala ko ito. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Nang una ko siyang ma
TITLE: Married to the Ruthless Mafia Boss (not yet final) "Levi, kailangan mo ng maghanap ng mapapangasawa mo." Humithit ng sigarilyo si Levi at bumuga ng usok. He doesn't care about policies but this one, he can't ignore this. Kinukulit siya ng kanyang Tatay at ng ibang Elders na mag-asawa na. As a Mafia Boss and a leader to his organization, he can't remain unmarried. He needs an heir to succeed his throne. That's the policy of their organization. Since he was a child, he was taught to be ruthless because he will inherit his Father's title, the Mafia Boss. He can't be soft hearted. Kaya hindi siya marunong magmahal dahil hindi siya lumaki sa pagmamahal. Lumaki siya sa karahasan. His Father doesn't love his Mother. Nakita niya kung paano i-trato ng Tatay niya ang kanyang Nanay. His Mother didn't care about him. All she wants is money. Wala ng iba pa. Ngayon ay kailangan niya nang maghanap ng babaeng mapapangasawa. "Wala akong balak mag-asawa." Matigas na wika ni Levi.
Bella's POV Apat na taong gulang pa lang ako ng namatay ang Nanay ko, ang Tatay ko naman ay hindi ko na nakilala pa. Ang kwento sa akin ng Tito Nathan ko noon ay naglaho na lang na parang bula ang Tatay ko ng nalaman niyang buntis ang Nanay ko. Nag-iisang kapatid ni Nanay si Tito Nathan kaya sa kanya ako naiwan ng namatay ang Nanay ko. Kahit na may pamilya na si Tito Nathan at mahirap lang din sa buhay ay tinanggap niya pa rin ako sa pamamahay nila at tinuring niya akong parang totoo niyang anak. Tuwing umuuwi ito galing sa trabaho ay palagi itong may pasalubong sa anak niyang Eloiza. Kung ano ang pasalubong niya kay Eloiza ay ganoon din sa akin, mapa laruan man ito o damit. Ang akala ni Tito Nathan ay tanggap din ako ng asawa niya, pero hindi niya alam sa tuwing wala ito sa bahay ay palagi akong pinapagalitan ni Tita Eliza. Palagi rin akong inaaway ni Eloiza. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maganda ang trato nila sa akin. Ginagawa ko naman lahat ng utos nila, tumutulong na...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments