Bella's POV
Apat na taong gulang pa lang ako ng namatay ang Nanay ko, ang Tatay ko naman ay hindi ko na nakilala pa. Ang kwento sa akin ng Tito Nathan ko noon ay naglaho na lang na parang bula ang Tatay ko ng nalaman niyang buntis ang Nanay ko. Nag-iisang kapatid ni Nanay si Tito Nathan kaya sa kanya ako naiwan ng namatay ang Nanay ko. Kahit na may pamilya na si Tito Nathan at mahirap lang din sa buhay ay tinanggap niya pa rin ako sa pamamahay nila at tinuring niya akong parang totoo niyang anak. Tuwing umuuwi ito galing sa trabaho ay palagi itong may pasalubong sa anak niyang Eloiza. Kung ano ang pasalubong niya kay Eloiza ay ganoon din sa akin, mapa laruan man ito o damit. Ang akala ni Tito Nathan ay tanggap din ako ng asawa niya, pero hindi niya alam sa tuwing wala ito sa bahay ay palagi akong pinapagalitan ni Tita Eliza. Palagi rin akong inaaway ni Eloiza. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maganda ang trato nila sa akin. Ginagawa ko naman lahat ng utos nila, tumutulong naman ako mga gawaing bahay at hindi ako pasaway na bata. Gusto ko mang sabihin kay Tito Nathan ang ginagawa ng mag-ina niya sa akin tuwing wala siya sa bahay pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong mag-away sila ng dahil lang sa akin. Hindi na ako nakapagtapos ng college dahil tumigil na ako sa pag-aaral para tulungan si Tito Nathan sa mga gastusin sa bahay. Nagtrabaho ako bilang isang crew sa fastfood. Sa isang University kasi nag-aaral si Eloiza at ang mahal ng tuition niya roon kaya kahit magkandakuba man sa pagtatrabaho si Tito Nathan ay hindi niya kakayanin kung pati ako ay mag-aaral pa. Simula ng pumasok si Eloiza sa isang University ay palagi na silang nag-aaway ni Tita dahil kulang ang sahod ni Tito Nathan para tustusan ang pag-aaral ni Eloiza. "Kulang na nga ang sahod mo ay may palamunin ka pa rito!" 'Yan ang palaging sinasabi ni Tita Eliza kapag nag-aaway sila. Kung noon ay tinatago pa ni Tita Eliza ang pagkadisgusto niya sa akin, ngayon ay lantaran na ito. Wala namang magawa si Tito Nathan dahil ang sabi niya ay obligasyon niya ang pamilya niya. Naawa ako kay Tito Nathan kaya napagpasyahan kong magtrabaho bilang isang waitress at dancer sa The Shire, isang high end club. Twice a week ang schedule ko sa pagsasayaw. Hindi basta-bastang sayaw lang ang ginagawa namin doon. Anim kaming nagsasayaw sa entablado ng club na halos wala ng saplot dahil ang suot lang namin ay kapirasong bra at undies lang. Nilunok ko na ang pride ko. Malaki ang kinikita namin sa pagsasayaw dahil malaki-laki rin ang tip na nakukuha namin. Total hindi naman nila ako makikilala. Kapag sumasayaw kami sa entablado ay nakasuot kami ng maskara, hindi kami pwedeng magsalita, hindi kami pwedeng i-table at lalong-lalo na ay hindi kami pwedeng ilabas ng bar ng mga customer. 'Yon ang patakaran sa club na ito. Sa ilang taon kong pagtatrabaho rito ay maraming beses na akong inalok na ilabas ng customer pero ayaw ko. Pwede na sana akong bumukod pero naaawa ako kay Tito Nathan dahil walang mag-aalaga sa kanya. Palagi itong pagod sa trabaho pero hindi ito maasikaso ng mag-ina niya. Hindi sila nagluluto, naglilinis ng bahay at naglalaba, ako lahat ang gumagawa no'n kahit na pagod din ako sa pagtatrabaho. Ang akala ko ay magiging maayos na ang turing ng mag-ina sa akin pero nagkamali ako, kahit na malaki-laki na ang naaabot kong pera kay Tita Eliza ay ganoon niya pa rin ako kung ituring, isang palamunin lang sa bahay nila at hindi bilang isang pamilya. Nang makilala ko si Adrian, boyfriend ko ngayon, ay wala akong balak na sagutin ito, pero hindi niya ako tinitigilan. Hanggang sa palagi na itong pumupunta sa bahay. Palagi rin itong may dalang masasarap na pagkain at regalo kay Tita Eliza at Eloiza. Mayaman si Adrian, may restaurant ang pamilya niya at iba pang business. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sa dinami-daming babae sa mundo ay ako pa ang napili niyang ligawan. Napilitan akong sagutin si Adrian dahil binayaran pala nito ang utang ni Tita Eliza sa isang sugalan. Lumaki nang lumaki ang utang nito roon kaya nagmakaawa ito sa akin na sagutin ko na lang si Adrian para hindi na siya pagbayarin ni Adrian. Natatakot din ito at baka malaman ni Tito Nathan ang pagsugal niya. Ilang beses ko ng sinubukang hiwalayan si Adrian pero palagi lang ako nitong bina-blackmail na isusumbong niya raw kay Tito Nathan ang pinaggagawa ni Tita. Kaya kahit na sukang-suka na ako sa pag-uugali ni Adrian ay wala akong magawa. May sakit sa puso si Tito Nathan at natatakot ako na baka hindi niya kayanin kapag nalaman niyang nalulong sa sugal si Tita. Ngayon ay anniversary na namin ni Adrian at nandito ako ngayon sa labas ng condo unit niya kung saan siya nakatira. Dala ko ang 100,000 para sa paunang bayad ko kay Adrian. Matagal ko rin itong pinag-ipunan at ang iba ay hiniram ko kay Adrianna at Ski, kasama ko sila sa club bilang isang dancer at waiter. Ayaw ko na! Hindi ko na kaya pang makipagrelasyon sa kanya! Alam ko namang katawan ko lang ang habol niya sa akin. Ilang beses na siyang nagtangkang makipagtalik sa akin pero hindi natutuloy dahil hindi niya ako mapilit. Sa tuwing hindi natutuloy ang balak niya ay nagagalit ito sa akin. Hindi niya ako masaktan kaya binabaling niya na lang ang galit niya sa ibang bagay. Isa iyon sa ikinakatakot ko sa kanya. Maraming beses ko na siyang nakita kung paano siya magalit. Lahat ng mahawakan niya ay sinisira o binabasag niya. Humugot muna ako ng malalim na hangin bago pinindot ang doorbell. Ang sabi sa akin ni Adrian ay may hinanda raw siya para sa anniversary namin ngayon. Hindi ako nagpunta rito para magcelebrate, kaya ako nagpunta rito ay para makipaghiwakay at ibigay ang paunang bayad ko kay Adrian. "Honey! I'm glad you came!" Masayang wika nito ng mabuksan ang pinto. Lumapit ito sa akin at humalik sa pisnge ko. Yumakap rin ito sa akin. I tapped his shoulder. "Pumasok na tayo." Aya ko sa kanya at tipid na ngumiti. Nagdala ako ng pepper spray para kung sakaling may gawin siyang hindi maganda sa akin ay may panlaban ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya mamaya kaya mas mabuti ng handa ako. Dumeritso kami sa dinning room niya. May nakahanda roong pagkain at may bulaklak pa. Halatang pinaluto niya pa sa Chef nila ang mga pagkaing nakahanda ngayon. "Adrian, may sasabihin ako sa 'yo." Panimula ako. Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. Gusto ko ng umalis dito at makawala sa relasyon namin. "Kumain na muna tayo, okay?" Aniya. Pinag-urong niya ako ng upuan at pinaupo roon. Binigay niya sa akin ang bouquet ng bulaklak. Napatingin naman ako roon. Mariin kong itinikom ang bibig ko. "Happy Anniversary." Nakangiting wika nito. "Adrian, dala ko na ang pangbayad---" "Let's not ruin our anniversary, Bella." Mariing sabi nito habang nakangiti. Napabuga ako ng hangin at napatitig sa kanya. "Okay." Tipid na sabi ko. Nilagyan niya ng wine ang wineglass at binigay sa akin. Agad ko naman itong ininom at pinatong sa mesa ang wineglass. Kinuha ko ang sobre mula sa bag ko at pinatong sa mesa. "100,000 'yan. Sa susunod na ang kulang." Sabi ko. "Hindi naman kita sinisingil." Nakangising wika nito. "Let's break up. Hindi naman kita mahal at alam mong napipilitan lang ako sa 'yo dahil sa pagbayad mo ng mga utang ni Tita Eliza." Matigas na sabi ko. Natigilan ito sa sinabi ko, "hmm.." Pinaglaruan nito ang wineglass na hawak niya. "Alam mo ba kung bakit hindi kita sinisingil?" Anito habang nakatitig sa akin, "it's because....I don't need money." Napahawak ako sa sintido ko. Biglang sumakit ang ulo ko. "Ano ba ang akala mo kung bakit kita niligawan? Yes, you're beautiful and you have a nice body, aside from that? Nah! You're nothing." Pang-iinsulto nito. Mahina akong napadaing. Nahihilo ako. Nakita kong tumayo ito at lumapit sa akin. "Sapat ng kabayaran ang katawan mo." Aniya. Tinulak ko siya pero mas malakas ito sa akin. Marahas nitong hinila ang kamay ko patayo. Napahawak naman ako sa braso niya. Sinubukan ako nitong halikan sa labi pero nakaiwas ako. Sinampal naman ako nito kaya malakas akong napadaing sa sakit. "A-anong nilagay mo sa i-inumin ko?" Nauutal na tanong ko. "Hindi mo na kailangang malaman," mahina itong tumawa, "ang importante ay maaangkin na kita ngayong gabi. Pagsasawaan ko ang katawan mo." Lumakas ang tawa nito. Binuhat ako nito kaya nagpumiglas ako at sinusuntok ang likod niya. May konteng lakas pa akong natitira. Kaya ko pang lumaban! Kaya ko pang makawala sa demonyong ito! "Bitawan mo ako! Demonyo ka!" Malakas na sigaw ko. Paulit-ulit kong sinusuntok ang likod niya hanggang sa naramdaman ko na lang na nilapag niya na ako sa kama. He pinned me in his bed at pilit na hinalikan ang labi ko. Kahit anong pagpumiglas ko ay mas malakas siya sa akin. Shit! Hindi pwede ito! Kinalma ko ang sarili ko. Kailangan kong makawala sa kanya. "A-adrian?" Mahinang tawag ko sa kanya. Napatingin naman ito sa akin, I cupped his face. Kailangan ko 'tong gawin para makaalis ako rito! Hinalikan ko siya sa labi. Nagulat ito sa ginawa ko pero kalaunan ay tumugon din ito sa halik ko. Kahit na nandidiri ako ay kailangan kong magpanggap! Naging marahas ang halik nito sa akin. "I-I want on t-top." Sabi ko sa pagitan ng halik namin. Pinagpalit naman nito ang pwesto namin. Nakaupo na ako ngayon sa t'yan niya. Putangina! Ni minsan hindi ko pa ginawa 'to! Pero, kailangan kong maging matapang ngayon! "Bibigay ka rin pala sa akin." Nakangising wika nito at hinawakan ang bewang ko. Hinaplos ko ang dibdib nito, "maybe...it's the wine." Malanding sabi ko. Hihilahin na sana nito ang leeg ko para halikan ako pero tinapik ko ang kamay niya at mahinang kinalas ang butones ng damit ko. Nanginginig ang kamay ko. Napatitig naman sa akin si Adrian. Tumayo ako at kinalas ang pangatlong butones ng damit ko. Tinaas ko ang isang paa ko at kiniskis sa legs niya. Shit, Bella! Nakita ko naman kung paano lumagkit ang titig ni Adrian sa akin. Nang makakuha ako ng bwelo ay malakas kong sinipa ang pagkalalaki niya. "Fxxccck!" Malakas na sigaw ni Adrian. Kinuha ko ang peper spray at ni spray iyon sa mukha ni Adrian. Sumigaw ito ng malakas. "Damn you, Bella! Papatayin kita!" Malakas na sigaw nito habang sapo-sapo ang mukha niya. Mabilis akong tumakbo kahit na nahihilo ako. Mabuti nalang at sa bulsa ko nilagay ang pepper spray. Nakita ko ang bag ko sa sahig kaya pinulot ko ito at tumakbo papalabas sa condo ni Adrian. Nahirapan pa akong buksan ang pinto dahil biglang sumakit ang ulo ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Malapit na ako sa elevator kaya sumigaw ako. May nakita akong lalaking nasa loob. Mabilis akong pumasok sa elevator. "Bella! Fxck!" Rinig kong malakas na sigaw ni Adrian. "H-help me. Please, tulungan mo ako!" Pagmamakaawa ko sa lalaking nasa elevator. Hindi ko makita ng maayos ng mukha niya dahil nahihilo ako at punong-puno ng luha ang mga mata ko sa kakaiyak. "Hey! Hush now." Anito sa baritonong boses niya. Sinandal ako nito sa elevator. Magkaharap kaming dalawa, nakatalikod siya sa pinto ng elevator. He covered me with his body. Napahawak naman ako sa damit niya, sinandal ko ang noo ko sa matigas niyang dibdib at doon mahinang umiyak. "Bella!" Galit na sigaw ni Adrian. Humigpit ang pagkakahawak ko sa damit niya. Natatakot ako! "You're safe now.' Anito. Doon na lumakas ang pag-iyak ko. Mahigpit ko siyang niyakap habang nanginginig ang katawan ko. Hindi ko alam kung sino ang lalaking ito pero wala na akong pakialam. Iniyak ko lahat ng takot at galit na nararamdaman ko. Inalalayan ako nito ng bumukas na ang elevator. Hindi ko alam kung nasaang floor na kami ngayon. "S-salamat ha?" Ani ko. Pinunasan ko ang mata at mukha ko at tinitigan ng maayos ang mukha niya. Bahagya akong natulala. Napakagwapo nito! At base sa suot niya ay isa itong mayamang tao. "Let's go to my unit first. Ihahatid kita sa police station mamaya," aniya at napatingin sa akin, hinubad nito ang coat niya at pinasuot sa akin, "wear it." Aniya at nag-iwas ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko. Bukas pala ang butones ng damit ko. "S-salamat." Nahihiyang sabi ko. "Can you walk?" Umiling ako, "nahihilo ako." Sagot ko sa kanya. Inalalayan ako nitong maglakad hanggang sa makapasok na kami sa condo niya. Pinaupo niya ako sa couch niya at umalis sandali. Pagbalik niya ay may dala na itong baso ng tubig. "What happened to you?" Tanong nito ng makaupo ito sa couch. Binigay nito sa akin ang isang baso ng tubig. Ininom ko naman ito dahil nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw. "M-muntik na akong pagsamantalahan." Mahinang sagot ko pagkatapos kong inumin ang tubig. I saw how his jaw clenched. "Sino ang nagtangka sa 'yo?" "Adrian, ex-boyfriend ko. Siya 'yong lalaki kanina na tinatawag ang pangalan ko." Sagot ko sa kanya, "Ysabella ang pangalan ko, but you can call me Bella." Pagpapakilala ko sa kanya. Napasandal ako sa couch niya. Nahihilo pa rin ako. "I'm Atty. Damian de Dios. I will help you." Mariing sabi nito. Minulat ko ang mga mata ko at napatitig sa kanya. Nang magsalubong ang mga mata namin ay nag-iwas ako kaagad ng tingin. Para akong natutunaw sa mga titig niya. "A-attorney...wala akong balak magsampa ng kaso. Ang gusto ko lang ay makawala sa lalaking 'yon." Ani ko. Ayaw ko ng lumaki ang gulo. Hindi naman siya nagtagumpay sa binabalak niya. Baka kung ano pa ang mangyari kay Tito Nathan kapag nalaman niya ang nangyari sa akin ngayon. "That son of a bitch tried to rape you at hindi ka magsasampa ng kaso? What are you afraid of? I will help you." Pagalit na sabi nito. Napahawak ako sa sintido ko. "Did he drugged you?" "S-siguro...pagkatapos kong uminom ng wine kanina ay nahilo ako at sumakit ang ulo ko." Sagot ko sa kanya. "Damn it!" mura nito, "hintayin mo ako rito." Aniya. Hindi na ako sumagot. Nakapikit lang ang mga mata ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang pag-upo nito sa tabi ko. "Take this." Aniya. May pinainom siya sa aking gamot. Sumandal ako ulit sa couch. Hindi ko na kaya ang hilong nararamdaman ko. "You can rest here." Anito. "Thank you. Hmm." Bulong ko.Bella's POV Nagising ako sa isang kwarto na hindi ako pamilyar. Magpapanic na sana ako pero naalala ko ang nangyari kagabi. Muntik na akong magahasa ni Adrian, mabuti na lang at nakatakas ako at may tumulong sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa malambot na kama. Kung ano ang suot ko kagabi ay ganoon pa rin ngayon. Hindi na sumasakit ang ulo ko, nawala na rin ang hilong nararamdaman ko, dahil siguro iyon sa pinainom sa aking gamot ni Atty. Damian. Speaking of... "Nasaan kaya siya?" Mahinang sabi ko. Kinuha ko ang bag ko at tiningnan kung naroon ang mga gamit ko, nang makita kong kompleto ang mga gamit ko ay lumabas ako sa kwarto. Walang tao, pero may naririnig akong nagsasalita. Sinundan ko ang boses. "Yes, I already sent you the CCTV footage..." Palakas nang palakas ang boses na naririnig ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang may-ari ng boses na naririnig ko. Si Attorney! Nakatapis lang siya ng tuwalya. Napatingin ito sa akin. "I'll call you later." Ani
Bella's POV Dalawang araw na ang nakakalipas ng nakipaghiwalay ako kay Adrian. Simula no'n ay palagi akong nakakatanggap ng mga messages galing sa kanya, puro pananakot ang mga ito. Hindi na lang ako nagrereply sa kanya, gusto ko mang i-block na lang ang number niya pero hindi ko ginawa. Kung sakaling may gawin ulit siyang masama sa akin ay pwede ko iyong gawing ebidensya. Mabuti na lang at hindi na pumunta si Adrian sa bahay. Halata rin sa Tita ko na parang balisa ito. Mukhang natatakot siya na malaman ni Tito Nathan ang pagsusugal niya. Ang malala pa roon ay malaki ang utang niya kay Adrian. Nag-umpisa lang ito sa 20,000 hanggang sa lumaki na ito. Napansin ko rin nitong mga nakaraang araw ay parang biglang bumait si Tita Eliza sa akin. Siguro ay dahil sa nalaman niyang muntik na akong magahasa ni Adrian. May duty ako ngayon sa The Shire at schedule ko mamaya para sumayaw kaya maaga akong nag-ayos para maaga rin akong makaalis. Kailangan ko pang make-up-an ang sarili ko. Pagkat
Bella's POV Nang matapos na ang shift ko ay napahiga ako sa couch sa dressing room namin. Nakauwi na sila Kath at Adrianna. Matapos ang ilang minuto ay bumangon na ako at inayos ang mga gamit ko sa bag bago lumabas ng club. "Una na po ako." Pagpapaalam ko sa guard. "Mag-ingat ka." Sabi nito sa akin. Patalikod akong kumaway. Habang naglalakad ako ay napapahikab ako. Pagod na ako at inaantok na. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Damian kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano niya nalaman na ako ang sumayaw kanina. Hindi naman kami magkakilala talaga at base sa kanya, kanina lang siya nakapunta sa club. Napapitlag ako ng may biglang marahas na humila sa braso ko. Nilingon ko ito at halos lumundag ang puso ko sa kaba. "Bitawan mo ako, Adrian!" Pigil na sigaw ko. "Why would I? Sasama ka ngayon sa akin! Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa akin!" Galit na sabi nito. Nanlilisik sa galit ang nga mata nito. Mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa bras
Bella's POV Alas tres na ng hapon at pauwi na kami galing ng The Shire dahil nagpractice kami ng isasayaw namin sa susunod na araw sa anniversary ng The Shire. Napag-usapan nila Michelle at ng top management na sasayaw kaming anim sa entablado. Ang napili nila ay belly dancing. Ilang linggo na rin kaming nagpapractice para ma perfect namin ang sayaw namin. "O, isa pa!" Sigaw ng nagtatawag ng pasahero. "Kuya, mukhang bata na lang ang kasya d'yan ipipilit mo pa." Wika ni Persephone. Mahina ko naman itong hinampas. Tumawa lang ito ng mahina. "See you later, Belle." Ani Persephone at humalik sa pisnge ko, "mauna na ako. Doon ako sasakay sa naka-aircon." Turo nito sa bagong dating na bus. Nang makasakay na si Persephone ay pumara naman ako ng jeep. Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa malapit na market sa amin at bumili ng uulamin namin mamaya at mga gulay. Nagha-hum ako habang naglalakad pauwi sa bahay. Kapag may nakakasalubong akong kakilala ko ay binabati ko ito.
Bella's POV Nasa condo na kami ngayon ni Damian. Pinaupo niya ako sa couch. Napatingin ako sa kabuuan ng condo niya. Mas maganda ito at mas malaki kesa sa isang condo niya. Pagbalik ni Damian ay may dala na itong bottled water, binuksan niya muna ito bago binigay sa akin. Nilapag niya naman ang isang puting box sa mesa. "Thank you, Attorney." Ani ko. "You can stay here. I have a spare room na hindi ginagamit since kakalipat ko lang dito." Aniya at umupo sa couch. "Maraming salamat, Attorney. Mabuti na lang at dumating kayo." Wika ko. Paano na lang kaya kung hindi sila dumating? Mabuti na lang at nakatawag ako sa kanya kanina. Nagring ang telepono nito kaya sinagot niya ito. "What?" Aniya at napatingin sa akin, "did you take pictures of the area and the evidence?....settle her bills." Aniya at binaba ang tawag. Base sa pananalita nito kanina at sa itsura niya ngayon ay galit ito. "What really happened, Bella?" Mariing tanong nito sa akin, "nasa hospital ngayon ang pi
Bella's POV Padilim na ng makauwi kami sa condo ni Damian. Naligo kaagad ako dahil may pasok pa ako sa club mamaya. Nagmamadali akong nagbibihis ng kumatok si Damian. "Bella, dinner is ready." Aniya. "Susunod na lang ako." Sigaw ko habang inaayos ang bag na dadalhin ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa dinning area na si Damian. "Where are you going?" Kunot noong tanong nito. "May pasok ako sa club ngayon." Sagot ko sa kanya at umupo sa upuan. "You should resign now." Matigas na sabi nito. "Hindi pa pwede. Kailangan kong pumasok." Sagot ko sa kanya. Sumandok ako ng kanin at nilagay sa plato ko. "Paano kung puntahan ka roon ng mga tauhan ni Montalvo?" Natigilan naman ako. "S-safe naman ako sa loob ng club. Mag-iingat na lang ako." "You're really stubborn!" He sounded pissed, "ihahatid na kita. Kumain ka na." Anito. Magkasalubong ang kilay nito habang naglalakad patungo sa kwarto niya. Napabuntong-hininga ako. Habang nagtatrabaho ako ay nasa isang t
Bella's POV Before 5 p.m. ay nasa club na ako. Sabay kaming dumating ni Kathnisse. Kaninang umaga pa raw busy ibang staff dito para magprepare sa anibersaryo ng club. Hindi ko alam kung may iba pa silang pakulo mamayang gabi. Ang alam ko lang ay sasayaw kaming anim sa entablado dahil sa in demand daw kami. Pagkapasok namin sa dressing room ay naabutan namin roon sila Persephone at Siberia, pagkatapos naming magbati-an ay lumabas na rin sila kasama si Kathnisse. Iniwan ko ang bag ko roon at akmang lalabas na ng marinig kong nagring ang phone ko. "Girls! Rehearsal time na!" Sigaw ni Ski sa labas. Hindi ko na pinansin ang tumatawag sa phone ko kaya umalis na ako dahil nakapamaywang na si Ski at mukhang naiinip na ito.Halos dalawang oras din kaming nagpractice ng sasayawin namin mamaya. Pagkatapos naming magpractice ay kumain na kami ng dinner namin dahil nagpa-order si Michelle. Pagkatapos naming kumain ay naligo ako para mamaya ay mag-aayos na lang ako ng sarili ko. Gusto ko munan
Bella's POV Nagising ako ng marinig kong magring ang phone ko. Napatingin ako sa orasan, alas dos pa lang ng hapon. Tinatamad ko itong kinuha sa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita kong si Michelle ang tumatawag ay sinagot ko ito kaagad at nakapikit na nilagay ang phone ko sa tenga ko. "Hello, Michelle?" Ani ko at humikab. "Bella, good afternoon." Bati nito sa akin. "Napatawag ka, Michelle?" "Uhm..ano kasi...may sasabihin ako." Parang nag-aalangan ang boses nito. Patagilid akong humiga sa kama at niyakap ko ang unan. Pinatong ko lang sa tenga ko ang phone. "Ano 'yon, Michelle? Bilisan mo at inaantok pa ako." Inaantok na sabi ko habang nakapikit. Parang hinihila na ako ulit ng antok ko at gusto ko ng matulog. Narinig ko itong nagbuntong hininga bago nagsalita, "hindi ka na magtatrabaho sa club. Binili ka na kagabi sa club at hindi ko kilala kung sino ang bumili sa 'yo." Paliwanag nito. "Okay." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak