Bella's POV
Nagising ako sa isang kwarto na hindi ako pamilyar. Magpapanic na sana ako pero naalala ko ang nangyari kagabi. Muntik na akong magahasa ni Adrian, mabuti na lang at nakatakas ako at may tumulong sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa malambot na kama. Kung ano ang suot ko kagabi ay ganoon pa rin ngayon. Hindi na sumasakit ang ulo ko, nawala na rin ang hilong nararamdaman ko, dahil siguro iyon sa pinainom sa aking gamot ni Atty. Damian. Speaking of... "Nasaan kaya siya?" Mahinang sabi ko. Kinuha ko ang bag ko at tiningnan kung naroon ang mga gamit ko, nang makita kong kompleto ang mga gamit ko ay lumabas ako sa kwarto. Walang tao, pero may naririnig akong nagsasalita. Sinundan ko ang boses. "Yes, I already sent you the CCTV footage..." Palakas nang palakas ang boses na naririnig ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang may-ari ng boses na naririnig ko. Si Attorney! Nakatapis lang siya ng tuwalya. Napatingin ito sa akin. "I'll call you later." Anito at binaba ang telepono. "Ah.. good morning, Attorney." Tarantang sabi ko at mabilis na tumalikod. Napangiwi ako at napapikit ng mga mata ko. Oh my gosh! Nakita ko ang hubad niyang katawan! Napakagwapo pala nito at matipuno. Nakita ko rin ang V-line niya. Pinitik ko ang noo ko. "Good morning, Bella." Bati nito sa akin. "S-salamat pala sa tulong m-mo kagabi, Attorney." Nauutal na sabi ko. "No worries. I always help people. Hintayin mo ako rito. Magbibihis lang ako." Aniya at narinig kong naglakad na ito. Mabilis akong umupo sa upuan at napasapo sa kaliwang bahagi ng puso ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Napatingin ako sa mesa. May nakahanda ng pagkain. Napalunok ako. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Binuhusan ko ng tubig ang baso at uminom. Maya-maya pa ay dumating na si Atty. Damian at nakabihis na ito. "Let's have breakfast." Aya nito sa akin. Napatango ako sa kanya at kumuha na ng pagkain. Pinatay ko na ang hiya ko dahil nagugutom na ako. Hindi ko pinansin si Damian. Nakita kong nilagyan niya ng tubig ang baso ko. Lumunok ako. "Thank you po." Ani ko. "Eat slowly. Baka mabulunan ka." Aniya. Bigla naman akong nahiya. "Silly," mahina itong tumawa, "eat all you want. Dahan-dahanin mo lang." Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain. Pasulyap-sulyap ito sa akin, naiilang man pero hindi ko nalang siya pinapansin, paminsan-minsan ay sinusulyapan ko rin siya pero mabilis lang at baka mahuli niya ako. "Adrian James Montalvo," aniya, gulat akong napatingin sa kanya, "that's your ex-boyfriends name, right?" Tumango ako sa kanya, "paano mo nalaman?" Takang tanong ko. "He's the only son of Anton and Carla Montalvo. They are not too rich, they only owned 10 restaurants and 3 gasoline stations, ang ibang business nila ay hindi na pwedeng sabihin. I have all their assets and other info's about them." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Not too rich? Eh, marami pala silang business! Paano niya nalaman ang lahat ng 'yon? Ni hindi ko nga nasabi ang buong pangalan ni Adrian pero marami na siyang impormasyon tungkol sa pagkatao ng ex-boyfriend ko. "Paano ko nalaman? I am a lawyer and a businessman. I have connections and I have people who works for me to gather informations I need." Ilang beses akong napakurap sa sinabi niya. Sa tingin ko ay hindi basta-bastang tao ang kaharap ko ngayon. "M-mukhang pina-imbestigahan mo pa siya." "Of course. He almost raped you. You need to file a case. I will help you. I will be your witness and I will hire the best lawyer for you." Seryosong wika nito. "Ahhmm. Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin kagabi, pati na sa pagpapatuloy mo sa akin dito. Pero...ayaw ko na kase ng gulo. Okay naman na ako. Hindi niya naman natuloy ang masamang balak niya sa akin." Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Para itong nagpipigil ng galit. "Why? Natatakot ka ba sa kanya? Don't be. I'm here." Mariing sabi nito. Napailing ako. Oo, natatakot ako pero kaya ko na ang sarili ko. Iiwas na lang ako kung makita ko man si Adrian. "Attorney, a-ayaw ko kasing malaman ni Tito ang nangyari sa akin. May sakit siya sa puso at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya," paliwanag ko sa kanya, "mag-iingat na lang ako." Tipid akong ngumiti kay Damian. Nagbuntong-hininga ito, "all right, if that's what you want. Pero kung magbago man ang isip mo, pwede mo akong puntahan. Give me your phone." Aniya. "Bakit po?" "Save my number. You can call me if you need help or anything." Binigay ko naman sa kanya ang phone ko. Pinagmasdan ko lang siya habang may tina-type sa phone ko. Ang gwapo niya. Matangos ang ilong. Napatingin ako sa nakatikom niyang bibig. Ang pula ng labi niya. Napailing ako. Huy, Bella! Ano bang nagyayari sa 'yo?! Bigla tuloy akong na curious, pihado ay may girlfriend na ito. Napatingin ako sa dalliri niya, wala naman siyang wedding ring na suot. "Attorney.." Tawag ko sa kanya. "Hmmm?" Sagot nito. Ang tagal niya naman yatang ibalik ang phone ko? Magsi-save lang naman siya ng number niya a? "Okay lang ba na dito ako natulog? Hindi ba magagalit ang girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya. Napatingin ito sa akin at binigay ang phone ko, "call me when you need me." Aniya. "Damian", yon ang nakalagay na pangalan niya sa contacts ko. "I don't have a girlfriend. So, walang magagalit sa 'yo." "Weh? Hindi nga? Sa gwapo mong 'yan?" Natawa ito sa sinabi ko, "so...I'm handsome?" Binasa nito ang labi niya gamit ang dila niya and then gave me a playful smile. Nag-iwas ako ng tingin dahil naramdaman kong uminit ng pisnge ko. "H-ha? A-ah, oo naman! W-wala bang nakapagsabi n'yan sa 'yo?" Nauutal na sagot ko habang nakatagilid. Kinagat ko ang dila ko. "Hmm. Meron naman. Marami-rami na rin," mahina itong tumawa. "Ahm, a-ano, aalis na ako. B-baka hinahanap na ako sa amin." Wala akong pasok kagabi sa club, kaya tiyak na magtataka sila sa bahay lalong-lalo na si Tito Nathan kung bakit hindi ako nakauwi kagabi. Ang sabi ko kagabi ay lalabas lang ako sandali, hindi ko sinabi na magkikita kami ni Adrian dahil anniversary namin. Huwag lang sana pumunta sa bahay si Adrian at baliktarin ang nangyari kagabi. Problema ko pa ngayon kung ano ang i-rarason ko kung bakit hindi ako nakauwi kagabi. Ang isa ko pang problema ngayon ay baka magkasalubong kami mamaya ni Adrian. Nasa iisang building lang sila nakatira ni Damian. "Hintayin mo ako. Aalis din ako. Ihahatid na kita." "S-sige po. Uhmm. Pwede ba akong makahiram ng mask at cap? Baka kasi makasalubong ko si Adrian mamaya." "No need. I can protect you," he smiled at me, "stop calling me 'Attorney', hindi naman kita client. Just call me Damian." Aniya. "O-okay, Damian." Ngumiti ako sa kanya. Nakalabas na kami ng unit ni Damian. Nakasuot ito ng grey na 3-piece suit. Kung kanina ay gwapo na ito sa simpleng pangbahay niyang suot, ngayon ay mas lalo pa itong naging gwapo. Nahihiya akong maglakad katabi siya kaya pinauna ko siyang maglakad. Bahagya rin akong nakayuko dahil baka kung ano ang isipin ng mga taong makakasalubong namin kapag nakita kaming magkasama. Natigilan ako ng huminto ito sa paglalakad, nilingon ako nito. "Walk beside me. Hindi ka niya masasaktan dahil kasama mo ako." Seryosong sabi nito. Mabilis akong tumabi sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko. Kahit na kasama ko si Damian ay hindi pa rin ako mapanatag. Natatakot pa rin ako. Nang makasakay na kami sa kotse ni Damian ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang at hindi namin nakasabay si Adrian kanina. "Ibaba mo na lang po ako sa malapit na sakayan ng jeep." "Just give me your address, ihahatid na kita." Sagot nito. Napailing ako, "huwag na po. May dadaanan pa kasi ako at tsaka nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako sa 'yo." Magalang na sabi ko. Maya-maya pa ay binaba na ako ni Damian. Nagpasalamat ako sa kanya. Ngumiti ako at kumaway sa kanya ng naibaba na niya ako. Nang makalayo na ang kotse ni Damian ay sumakay naman ako ng jeep pauwi sa amin. Doon na ako sa malapit na market sa amin bibili ng uulamin namin mamaya. "Huy, Bella! Saan ka nanggaling at hindi ka umuwi kagabi?" Bungad sa akin ni Tita Eliza. "Nakitulog lang po sa kaibigan ko. Ginabi na kasi kami." Pagsisinungaling ko sa kanya. Tumaas ang kilay ni Tita Eliza, "hinanap ka ni Adrian dito kagabi. Mukhang galit na galit. Nag-away ba kayo?" Napatingin ako sa orasan, alas dyes na. Nakaalis na si Tito Nathan at Eloiza. Nagbuntong-hininga ako, "nakipagbreak na ako sa kanya, Tita." Nanlaki ang mga mata nito, "ano?" gulat na sigaw nito, "p*****a ka naman! Alam mong malaki ang utang ko sa boyfriend mo! Bakit ka nakipagbreak sa kanya?" "Tita, hindi ko siya mahal! Napilitan lang akong sagutin siya nang dahil sa 'yo." "Aba't! Huy, Bella!" Galit na sigaw nito sa akin at hinila ang buhok ko. "Aray ko, Tita! Bitawan niyo po ako!" Sigaw ko at hinawakan ang kamay niya. "Masasaktan ka talaga sa akin! Makipagbalikan ka kay Adrian! Hindi ka ba natatakot na malaman ng Tito mo na malaki ang pagkakautang ko kay Adrian? Ha?!" Mas humigpit pa ang pagkakahila nito sa buhok ko. Tinulak ko siya ng malakas kaya napabitaw ito sa akin. "Hindi ko naman kasalanan kung bakit ka nalulong sa sugal, Tita! Bakit ako ang kailangan magtiis na makasama ang lalaking iyon para lang sa ikakasaya mo? Nagpapakahirap si Tito Nathan sa pagtatrabaho para sa pag-aaral ni Eloiza at para sa gastusin dito sa bahay tapos sinusugal mo lang ang binibigay niyang pera sa 'yo!" Puno ng hinanakit na sagot ko sa kanya. Malakas niya akong sinampal, napahawak naman ako sa pisnge ko. Nangilid ang luha ko pero pinigilan ko itong tumulo. "Sumasagot ka na? Anong pakialam mo kung ano man ang gawin ko sa pera ng asawa ko? Sino ka ba? Palamunin ka lang naman dito!" Sigaw nito sa akin. "Palamunin ako? Baka nakakalimutan niyong malaki ang inaabot kong pera sa inyo. Kung wala lang sakit si Tito Nathan ay matagal na kitang sinumbong!" Galit na sigaw ko rin sa kanya. "Huwag mo akong artihan, Bella! Makipagbalikan ka kay Adrian! Kailangan ko ang pera niya!" Mapakla akong tumawa, "bakit naman ako babalik sa lalaking muntik na akong gahasain?" Natigilan ito sa sinabi ko. Ang kaninang galit niyang ekspresyon ay bahagyang lumambot. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisnge ko. "Huwag kang mag-alala, nagbigay na ako ng paunang bayad kay Adrian kagabi. Ako na ang bahalang magbayad ng lahat ng utang mo sa kanya. Itigil mo na 'yang pagsusugal mo." Ani ko at tinalikuran na si Tita. Nilagay ko sa fridge ang pinamili kong baboy at isda bago pumasok sa kwarto ko at doon umiyak. Naalala ko kung paano ako pinagtangka-ang gahasain ni Adrian kagabi. Mabuti na lang at handa ako. Narinig kong nagring ang phone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad kong ni decline ang tawag. One messaged received... "Magbabayad ka, Bella! You can't run from me!" Napahilamos ako. Ano na ngayon ang gagawin ko?Bella's POV Dalawang araw na ang nakakalipas ng nakipaghiwalay ako kay Adrian. Simula no'n ay palagi akong nakakatanggap ng mga messages galing sa kanya, puro pananakot ang mga ito. Hindi na lang ako nagrereply sa kanya, gusto ko mang i-block na lang ang number niya pero hindi ko ginawa. Kung sakaling may gawin ulit siyang masama sa akin ay pwede ko iyong gawing ebidensya. Mabuti na lang at hindi na pumunta si Adrian sa bahay. Halata rin sa Tita ko na parang balisa ito. Mukhang natatakot siya na malaman ni Tito Nathan ang pagsusugal niya. Ang malala pa roon ay malaki ang utang niya kay Adrian. Nag-umpisa lang ito sa 20,000 hanggang sa lumaki na ito. Napansin ko rin nitong mga nakaraang araw ay parang biglang bumait si Tita Eliza sa akin. Siguro ay dahil sa nalaman niyang muntik na akong magahasa ni Adrian. May duty ako ngayon sa The Shire at schedule ko mamaya para sumayaw kaya maaga akong nag-ayos para maaga rin akong makaalis. Kailangan ko pang make-up-an ang sarili ko. Pagkat
Bella's POV Nang matapos na ang shift ko ay napahiga ako sa couch sa dressing room namin. Nakauwi na sila Kath at Adrianna. Matapos ang ilang minuto ay bumangon na ako at inayos ang mga gamit ko sa bag bago lumabas ng club. "Una na po ako." Pagpapaalam ko sa guard. "Mag-ingat ka." Sabi nito sa akin. Patalikod akong kumaway. Habang naglalakad ako ay napapahikab ako. Pagod na ako at inaantok na. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Damian kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano niya nalaman na ako ang sumayaw kanina. Hindi naman kami magkakilala talaga at base sa kanya, kanina lang siya nakapunta sa club. Napapitlag ako ng may biglang marahas na humila sa braso ko. Nilingon ko ito at halos lumundag ang puso ko sa kaba. "Bitawan mo ako, Adrian!" Pigil na sigaw ko. "Why would I? Sasama ka ngayon sa akin! Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa akin!" Galit na sabi nito. Nanlilisik sa galit ang nga mata nito. Mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa bras
Bella's POV Alas tres na ng hapon at pauwi na kami galing ng The Shire dahil nagpractice kami ng isasayaw namin sa susunod na araw sa anniversary ng The Shire. Napag-usapan nila Michelle at ng top management na sasayaw kaming anim sa entablado. Ang napili nila ay belly dancing. Ilang linggo na rin kaming nagpapractice para ma perfect namin ang sayaw namin. "O, isa pa!" Sigaw ng nagtatawag ng pasahero. "Kuya, mukhang bata na lang ang kasya d'yan ipipilit mo pa." Wika ni Persephone. Mahina ko naman itong hinampas. Tumawa lang ito ng mahina. "See you later, Belle." Ani Persephone at humalik sa pisnge ko, "mauna na ako. Doon ako sasakay sa naka-aircon." Turo nito sa bagong dating na bus. Nang makasakay na si Persephone ay pumara naman ako ng jeep. Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa malapit na market sa amin at bumili ng uulamin namin mamaya at mga gulay. Nagha-hum ako habang naglalakad pauwi sa bahay. Kapag may nakakasalubong akong kakilala ko ay binabati ko ito.
Bella's POV Nasa condo na kami ngayon ni Damian. Pinaupo niya ako sa couch. Napatingin ako sa kabuuan ng condo niya. Mas maganda ito at mas malaki kesa sa isang condo niya. Pagbalik ni Damian ay may dala na itong bottled water, binuksan niya muna ito bago binigay sa akin. Nilapag niya naman ang isang puting box sa mesa. "Thank you, Attorney." Ani ko. "You can stay here. I have a spare room na hindi ginagamit since kakalipat ko lang dito." Aniya at umupo sa couch. "Maraming salamat, Attorney. Mabuti na lang at dumating kayo." Wika ko. Paano na lang kaya kung hindi sila dumating? Mabuti na lang at nakatawag ako sa kanya kanina. Nagring ang telepono nito kaya sinagot niya ito. "What?" Aniya at napatingin sa akin, "did you take pictures of the area and the evidence?....settle her bills." Aniya at binaba ang tawag. Base sa pananalita nito kanina at sa itsura niya ngayon ay galit ito. "What really happened, Bella?" Mariing tanong nito sa akin, "nasa hospital ngayon ang pi
Bella's POV Padilim na ng makauwi kami sa condo ni Damian. Naligo kaagad ako dahil may pasok pa ako sa club mamaya. Nagmamadali akong nagbibihis ng kumatok si Damian. "Bella, dinner is ready." Aniya. "Susunod na lang ako." Sigaw ko habang inaayos ang bag na dadalhin ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa dinning area na si Damian. "Where are you going?" Kunot noong tanong nito. "May pasok ako sa club ngayon." Sagot ko sa kanya at umupo sa upuan. "You should resign now." Matigas na sabi nito. "Hindi pa pwede. Kailangan kong pumasok." Sagot ko sa kanya. Sumandok ako ng kanin at nilagay sa plato ko. "Paano kung puntahan ka roon ng mga tauhan ni Montalvo?" Natigilan naman ako. "S-safe naman ako sa loob ng club. Mag-iingat na lang ako." "You're really stubborn!" He sounded pissed, "ihahatid na kita. Kumain ka na." Anito. Magkasalubong ang kilay nito habang naglalakad patungo sa kwarto niya. Napabuntong-hininga ako. Habang nagtatrabaho ako ay nasa isang t
Bella's POV Before 5 p.m. ay nasa club na ako. Sabay kaming dumating ni Kathnisse. Kaninang umaga pa raw busy ibang staff dito para magprepare sa anibersaryo ng club. Hindi ko alam kung may iba pa silang pakulo mamayang gabi. Ang alam ko lang ay sasayaw kaming anim sa entablado dahil sa in demand daw kami. Pagkapasok namin sa dressing room ay naabutan namin roon sila Persephone at Siberia, pagkatapos naming magbati-an ay lumabas na rin sila kasama si Kathnisse. Iniwan ko ang bag ko roon at akmang lalabas na ng marinig kong nagring ang phone ko. "Girls! Rehearsal time na!" Sigaw ni Ski sa labas. Hindi ko na pinansin ang tumatawag sa phone ko kaya umalis na ako dahil nakapamaywang na si Ski at mukhang naiinip na ito.Halos dalawang oras din kaming nagpractice ng sasayawin namin mamaya. Pagkatapos naming magpractice ay kumain na kami ng dinner namin dahil nagpa-order si Michelle. Pagkatapos naming kumain ay naligo ako para mamaya ay mag-aayos na lang ako ng sarili ko. Gusto ko munan
Bella's POV Nagising ako ng marinig kong magring ang phone ko. Napatingin ako sa orasan, alas dos pa lang ng hapon. Tinatamad ko itong kinuha sa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita kong si Michelle ang tumatawag ay sinagot ko ito kaagad at nakapikit na nilagay ang phone ko sa tenga ko. "Hello, Michelle?" Ani ko at humikab. "Bella, good afternoon." Bati nito sa akin. "Napatawag ka, Michelle?" "Uhm..ano kasi...may sasabihin ako." Parang nag-aalangan ang boses nito. Patagilid akong humiga sa kama at niyakap ko ang unan. Pinatong ko lang sa tenga ko ang phone. "Ano 'yon, Michelle? Bilisan mo at inaantok pa ako." Inaantok na sabi ko habang nakapikit. Parang hinihila na ako ulit ng antok ko at gusto ko ng matulog. Narinig ko itong nagbuntong hininga bago nagsalita, "hindi ka na magtatrabaho sa club. Binili ka na kagabi sa club at hindi ko kilala kung sino ang bumili sa 'yo." Paliwanag nito. "Okay." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan
Bella's POV Pagkatapos naming magdinner kagabi ni Damian ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Siya na ang nagpresenta na magligpit ng pinagkainan namin kaya iniwan ko na siya kaagad dahil naiilang pa rin ako sa kanya. Simula ng hinalikan ako nito sa VVIP room ng club ay pakiramdam ko ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko rin maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Sa lahat ng lalaki ay sa kanya lang ako nagkakaganito. Kahit kay Adrian noon ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Napahawak ako sa labi ko at napatulala. Si Adrian ang first kiss ko pero pakiramdam ko ay kay Damian ko naramdaman ang tamis ng unang halik ko. Iyong unang halik ko mula kay Adrian ay napilitan lang ako dahil sa boyfriend ko siya at parang naging obligasyon ko iyon bilang girlfriend niya kaya pinagbigyan ko siya, pero iyong kay Damian...kakaiba. Iba ang excitement ko nang gabing iyon at kakaiba ang tibok ng puso ko. Siya ang unang humalik sa akin, hindi siya humingi ng permiso na halikan
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak
Ysa's POV Unti-unti ng dumarating ang mga bisita. Ang iba ay may dala pang mga prutas at gulay para kay Papa. Tuwang-tuwa naman si Papa sa mga trabahante niya. Kilala si Papa rito sa amin na masayahin at palakaibigan. Hindi siya matapobre at madaling lapitan. Kaya natutuwa ako na maraming nagmamahal kay Papa. Nandito lang ako sa hindi kalayuan at nakatanaw kay Papa na nakikipag-usap sa mga tao. Malakas itong tumatawa habang kausap niya ang mga trabahante niya. "Maraming nagmamahal sa Papa mo. Look at him, giliw na giliw sa kanya ang mga trabahante niya." Ani Damian at tumabi sa akin. Napatango ako, "he is friendly. Lahat nga yata ng tao rito ay kaibigan niya." Sagot ko sa kanya. "Kailan kayo babalik ng hospital?" Tanong ni Damian. "Hindi na. Alam na ni Papa na hindi na siya magagamot pa. Ayaw niya na ring gumastos pa ng malaki sa hospital. Itong bahay nalang namin, ang rancho at palayan nalang ang naiwan sa amin. Ayaw niyang pati ito ay mabenta niya kahit alam naman niyang
Ysa's POV Ano ito? Nasaan ako? Nagtataka kong tiningnan ang paligid. Hindi ito pamilyar sa akin pero parang may kakaiba sa lugar na 'to. Tinitigan ko ang picture frame sa gilid ng kama, naaaninag ko ang itsura ko pero hindi ko makita ang itsura ng katabi ko sa larawan. Kinuha ko ang picture frame para titigan kung sino ang kasama ko pero bigla ko itong nabitawan kaya nabasag ito. Kumabog ng malakas ang puso ko. Napatingin ako sa basag na picture frame at sa hindi malamang dahilan ay sumikip ang dibdib ko. Para akong kinakapos sa paghinga. "Oh, my gosh!" Bulalas ko ng magising ako. Hinihingal akong napabangon sa kama. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya napainom ako ng tubig. Dinama ko ang kanang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. I exhaled deeply. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Ilang beses na akong na nanaginip na may kasama akong lalaki na hindi ko naman mamukhaan. Simula ng dumating si Damian sa bahay namin ay palaging 'yon ang panaginip ko. Ang akala ko ay mawawala la
Ysa's POV Pauwi na ako galing sa rancho ng makita ko si Manong Juan kasama si Damian. Nakasunod sila sa kalabaw na hila-hila ang karo na may lamang kahoy. "Oh, Ysa. Pauwi ka pa lang?" Tanong ni Manong sa akin. Napatingin naman sa akin si Damian. Tipid akong ngumiti sa kanya at binalingan ng tingin si Manong habang naglalakad kami. "Opo. Hindi ko napansin ang oras." Sagot ko sa kanya. Mag-aalas kuwatro na kase. Usually ay bago mag alas tres ay nasa bahay na ako. Hinubad ko ang suot kong longsleeves at tinali sa bewang ko, nakasuot nalang ako ng sleeveless top ko. Ang init pa rin kahit mag-aalas kuwatro na. "Sinama ko si Attorney. Nangahoy kami." Ani Manong. Mahina namang napatawa si Damian. Parang may naaalala itong nakakatawang nangyari. "And I almost killed myself." Naiiling na wika nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. May halong pag-aalala ang pagtingin ko sa kanya. "Why? Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko. "Well, sumakay ako sa kalabaw. Bigla siyang tumakbo
Ysa's POV "Anak?" Tawag sa akin ni Papa. Ngumiti ako kaagad kay Papa at lumapit. Nasa rancho ako ngayon at nagpapakain ng mga kabayo. "Papa, bakit ka nandito?" Ani ko. Kahit na may sakit si Papa, he always make sure na maayos ang pamamalakad sa rancho at farm niya. Pinipilit nitong maging masigla para hindi halata na may sakit siya. "Nakakabagot sa bahay, Anak. Tsaka exercise na rin," ngumiti ito sa akin. Tiningnan ko kung may kasama siya-- "Nasa labas si Attorney." May halong tukso ang boses nito. "H-ha?" Malapad na ngumiti si Papa, "sinama ko na si Attorney. Ang sabi sa akin ni Juan ay iniwan niya raw dito kahapon si Attorney." "A-ah, opo. Nagkakera kami kahapon. Magaling pala siya." Bahagya akong napangiti. My Father smiled at me teasingly. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Napailing naman ito. Ilang araw palang dito si Atty. Damian sa amin pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Para bang kilala ko ito. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Nang una ko siyang ma
TITLE: Married to the Ruthless Mafia Boss (not yet final) "Levi, kailangan mo ng maghanap ng mapapangasawa mo." Humithit ng sigarilyo si Levi at bumuga ng usok. He doesn't care about policies but this one, he can't ignore this. Kinukulit siya ng kanyang Tatay at ng ibang Elders na mag-asawa na. As a Mafia Boss and a leader to his organization, he can't remain unmarried. He needs an heir to succeed his throne. That's the policy of their organization. Since he was a child, he was taught to be ruthless because he will inherit his Father's title, the Mafia Boss. He can't be soft hearted. Kaya hindi siya marunong magmahal dahil hindi siya lumaki sa pagmamahal. Lumaki siya sa karahasan. His Father doesn't love his Mother. Nakita niya kung paano i-trato ng Tatay niya ang kanyang Nanay. His Mother didn't care about him. All she wants is money. Wala ng iba pa. Ngayon ay kailangan niya nang maghanap ng babaeng mapapangasawa. "Wala akong balak mag-asawa." Matigas na wika ni Levi.