"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Bella's POV Apat na taong gulang pa lang ako ng namatay ang Nanay ko, ang Tatay ko naman ay hindi ko na nakilala pa. Ang kwento sa akin ng Tito Nathan ko noon ay naglaho na lang na parang bula ang Tatay ko ng nalaman niyang buntis ang Nanay ko. Nag-iisang kapatid ni Nanay si Tito Nathan kaya sa kanya ako naiwan ng namatay ang Nanay ko. Kahit na may pamilya na si Tito Nathan at mahirap lang din sa buhay ay tinanggap niya pa rin ako sa pamamahay nila at tinuring niya akong parang totoo niyang anak. Tuwing umuuwi ito galing sa trabaho ay palagi itong may pasalubong sa anak niyang Eloiza. Kung ano ang pasalubong niya kay Eloiza ay ganoon din sa akin, mapa laruan man ito o damit. Ang akala ni Tito Nathan ay tanggap din ako ng asawa niya, pero hindi niya alam sa tuwing wala ito sa bahay ay palagi akong pinapagalitan ni Tita Eliza. Palagi rin akong inaaway ni Eloiza. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maganda ang trato nila sa akin. Ginagawa ko naman lahat ng utos nila, tumutulong na
Bella's POV Nagising ako sa isang kwarto na hindi ako pamilyar. Magpapanic na sana ako pero naalala ko ang nangyari kagabi. Muntik na akong magahasa ni Adrian, mabuti na lang at nakatakas ako at may tumulong sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa malambot na kama. Kung ano ang suot ko kagabi ay ganoon pa rin ngayon. Hindi na sumasakit ang ulo ko, nawala na rin ang hilong nararamdaman ko, dahil siguro iyon sa pinainom sa aking gamot ni Atty. Damian. Speaking of... "Nasaan kaya siya?" Mahinang sabi ko. Kinuha ko ang bag ko at tiningnan kung naroon ang mga gamit ko, nang makita kong kompleto ang mga gamit ko ay lumabas ako sa kwarto. Walang tao, pero may naririnig akong nagsasalita. Sinundan ko ang boses. "Yes, I already sent you the CCTV footage..." Palakas nang palakas ang boses na naririnig ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang may-ari ng boses na naririnig ko. Si Attorney! Nakatapis lang siya ng tuwalya. Napatingin ito sa akin. "I'll call you later." Ani
Bella's POV Dalawang araw na ang nakakalipas ng nakipaghiwalay ako kay Adrian. Simula no'n ay palagi akong nakakatanggap ng mga messages galing sa kanya, puro pananakot ang mga ito. Hindi na lang ako nagrereply sa kanya, gusto ko mang i-block na lang ang number niya pero hindi ko ginawa. Kung sakaling may gawin ulit siyang masama sa akin ay pwede ko iyong gawing ebidensya. Mabuti na lang at hindi na pumunta si Adrian sa bahay. Halata rin sa Tita ko na parang balisa ito. Mukhang natatakot siya na malaman ni Tito Nathan ang pagsusugal niya. Ang malala pa roon ay malaki ang utang niya kay Adrian. Nag-umpisa lang ito sa 20,000 hanggang sa lumaki na ito. Napansin ko rin nitong mga nakaraang araw ay parang biglang bumait si Tita Eliza sa akin. Siguro ay dahil sa nalaman niyang muntik na akong magahasa ni Adrian. May duty ako ngayon sa The Shire at schedule ko mamaya para sumayaw kaya maaga akong nag-ayos para maaga rin akong makaalis. Kailangan ko pang make-up-an ang sarili ko. Pagkat
Bella's POV Nang matapos na ang shift ko ay napahiga ako sa couch sa dressing room namin. Nakauwi na sila Kath at Adrianna. Matapos ang ilang minuto ay bumangon na ako at inayos ang mga gamit ko sa bag bago lumabas ng club. "Una na po ako." Pagpapaalam ko sa guard. "Mag-ingat ka." Sabi nito sa akin. Patalikod akong kumaway. Habang naglalakad ako ay napapahikab ako. Pagod na ako at inaantok na. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Damian kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano niya nalaman na ako ang sumayaw kanina. Hindi naman kami magkakilala talaga at base sa kanya, kanina lang siya nakapunta sa club. Napapitlag ako ng may biglang marahas na humila sa braso ko. Nilingon ko ito at halos lumundag ang puso ko sa kaba. "Bitawan mo ako, Adrian!" Pigil na sigaw ko. "Why would I? Sasama ka ngayon sa akin! Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa akin!" Galit na sabi nito. Nanlilisik sa galit ang nga mata nito. Mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa bras
Bella's POV Alas tres na ng hapon at pauwi na kami galing ng The Shire dahil nagpractice kami ng isasayaw namin sa susunod na araw sa anniversary ng The Shire. Napag-usapan nila Michelle at ng top management na sasayaw kaming anim sa entablado. Ang napili nila ay belly dancing. Ilang linggo na rin kaming nagpapractice para ma perfect namin ang sayaw namin. "O, isa pa!" Sigaw ng nagtatawag ng pasahero. "Kuya, mukhang bata na lang ang kasya d'yan ipipilit mo pa." Wika ni Persephone. Mahina ko naman itong hinampas. Tumawa lang ito ng mahina. "See you later, Belle." Ani Persephone at humalik sa pisnge ko, "mauna na ako. Doon ako sasakay sa naka-aircon." Turo nito sa bagong dating na bus. Nang makasakay na si Persephone ay pumara naman ako ng jeep. Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa malapit na market sa amin at bumili ng uulamin namin mamaya at mga gulay. Nagha-hum ako habang naglalakad pauwi sa bahay. Kapag may nakakasalubong akong kakilala ko ay binabati ko ito.
Bella's POV Nasa condo na kami ngayon ni Damian. Pinaupo niya ako sa couch. Napatingin ako sa kabuuan ng condo niya. Mas maganda ito at mas malaki kesa sa isang condo niya. Pagbalik ni Damian ay may dala na itong bottled water, binuksan niya muna ito bago binigay sa akin. Nilapag niya naman ang isang puting box sa mesa. "Thank you, Attorney." Ani ko. "You can stay here. I have a spare room na hindi ginagamit since kakalipat ko lang dito." Aniya at umupo sa couch. "Maraming salamat, Attorney. Mabuti na lang at dumating kayo." Wika ko. Paano na lang kaya kung hindi sila dumating? Mabuti na lang at nakatawag ako sa kanya kanina. Nagring ang telepono nito kaya sinagot niya ito. "What?" Aniya at napatingin sa akin, "did you take pictures of the area and the evidence?....settle her bills." Aniya at binaba ang tawag. Base sa pananalita nito kanina at sa itsura niya ngayon ay galit ito. "What really happened, Bella?" Mariing tanong nito sa akin, "nasa hospital ngayon ang pi
Bella's POV Padilim na ng makauwi kami sa condo ni Damian. Naligo kaagad ako dahil may pasok pa ako sa club mamaya. Nagmamadali akong nagbibihis ng kumatok si Damian. "Bella, dinner is ready." Aniya. "Susunod na lang ako." Sigaw ko habang inaayos ang bag na dadalhin ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa dinning area na si Damian. "Where are you going?" Kunot noong tanong nito. "May pasok ako sa club ngayon." Sagot ko sa kanya at umupo sa upuan. "You should resign now." Matigas na sabi nito. "Hindi pa pwede. Kailangan kong pumasok." Sagot ko sa kanya. Sumandok ako ng kanin at nilagay sa plato ko. "Paano kung puntahan ka roon ng mga tauhan ni Montalvo?" Natigilan naman ako. "S-safe naman ako sa loob ng club. Mag-iingat na lang ako." "You're really stubborn!" He sounded pissed, "ihahatid na kita. Kumain ka na." Anito. Magkasalubong ang kilay nito habang naglalakad patungo sa kwarto niya. Napabuntong-hininga ako. Habang nagtatrabaho ako ay nasa isang t
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak