Bella's POV
Nang matapos na ang shift ko ay napahiga ako sa couch sa dressing room namin. Nakauwi na sila Kath at Adrianna. Matapos ang ilang minuto ay bumangon na ako at inayos ang mga gamit ko sa bag bago lumabas ng club. "Una na po ako." Pagpapaalam ko sa guard. "Mag-ingat ka." Sabi nito sa akin. Patalikod akong kumaway. Habang naglalakad ako ay napapahikab ako. Pagod na ako at inaantok na. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Damian kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano niya nalaman na ako ang sumayaw kanina. Hindi naman kami magkakilala talaga at base sa kanya, kanina lang siya nakapunta sa club. Napapitlag ako ng may biglang marahas na humila sa braso ko. Nilingon ko ito at halos lumundag ang puso ko sa kaba. "Bitawan mo ako, Adrian!" Pigil na sigaw ko. "Why would I? Sasama ka ngayon sa akin! Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa akin!" Galit na sabi nito. Nanlilisik sa galit ang nga mata nito. Mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa braso ko. Hinila ako nito pero nagmamatigas akong sumama sa kanya. Pilit kong kinakalas ang pagkakahawak niya sa akin pero napapikit ako ng inambahan niya ako ng sampal. Napasigaw ako ng biglang bumulagta si Adrian. "Fucking son of a bitch!" Galit na sigaw ng sumuntok kay Adrian. "Putangina!" Sigaw ni Adrian. Napahawak ito sa bibig niya. Putok ang labi nito at dumudugo. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito sa akin ng makalapit siya sa akin. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam pero biglang uminit ang gilid ng mga mata ko. "D-damian." Mahinang tawag ko sa pangalan niya. Hinawakan nito ang braso kong hawak-hawak ni Adrian kanina. "Fxck!" mura nito ng makitang namumula ang braso ko, "I'm gonna kill that asshole!" He gritted his teeth. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan, umiling ako sa kanya. "H-huwag na. Umalis na tayo." Wika ko. "You fucking whxre!" Galit na sigaw ni Adrian, "kaya ba nakipagbreak ka sa akin dahil may bago ka na?" Nilingon ni Damian si Adrian at sinuntok. Nakaiwas si Adrian at mabilis na lumapit sa akin at malakas akong tinulak. Napaupo ako sa lupa. Malakas na hinila ni Damian si Adrian at sinuntok ng ilang beses. Hindi man lang nakaganti si Adrian sa mga suntok ni Damian. Kahit na masakit ang balakang ko ay pinilit kong tumayo at lumapit kay Damian para awatin siya sa pag suntok kay Adrian. "I'm gonna fucking kill you!" Galit na sigaw ni Damian habang sinusuntok si Adrian. "Damian! Tama na! Damian!" Sigaw ko sa kanya habang hila-hila ang damit niya. "de Dios! Putangina! Papatayin mo ba 'yan?" Sigaw ng isang lalaki. "Tulong! Awatin mo sila." Sigaw ko sa lalaking dumating. Umiiyak na ako. Natatakot ako na baka mapatay ni Damian si Adrian. "Damian! Shit!" Malakas nitong hinila si Damian na nakadagan kay Adrian. Natigil naman ito sa pagsuntok kay Adrian. Nang makita ako nitong umiiyak ay lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Sorry. Did I scare you?" Mahinang sabi nito. "T-tama na." "Shh. Okay, okay." Hinaplos nito ang buhok ko. "Fxck you! Kilala mo ba ako, ha?" Sigaw ni Adrian. "No one cares, Dude. You look like shit!" Sagot ng lalaking dumating. Kumalas ng yakap sa akin si Damian at hinarap si Adrian. Pinunasan ko ang mukha ko. "Sythrygr.." Ani Damian. "Tangina naman, Damian! Mapapatay mo na siya kung hindi pa kita naawat!" Anito. Mukhang magkakilala sila ni Damian. Hindi nito pinansin ang sinabi ni Sythrygr. "If I ever see you again near her, I will fucking kill you for real." Mariing sabi ni Damian. Napasipol naman si Sythrygr. "Sino ka ba ha? Hindi mo ba ako kilala?" Kahit na duguan na ang mukha ni Adrian ay nagawa pa talaga nitong magyabang. Ako ang naaawa sa itsura niya ngayon. "He's the migthy Atty. Damian de Dios. Anak ka ni Anton Montalvo, 'di ba?" Nakangising sabi ni Sythrygr. "What the hell?" Hindi makapaniwalang sabi ni Adrian. Nakita ko ang pag-atras nito na para bang nabahag ang buntot. "You can tell your Daddy that he almost killed you." Natatawang sabi ni Sythrygr. Biglang tumalikod si Adrian at iika-ikang tumakbo. "Hi there, I'm Sythrygr. Damian is my friend. You are his?" "None of your business. You can go now." Seryosong sabi ni Damian at binaling ang atensyon sa akin. "All right." Ani Sythrygr at naglakad na. "I'm Bella." Pagpapakilala ko. "Nice to see you, Bella." Anito at sumakay na sa motor niya at umalis. "Are you okay? May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Damian habang tinitingnan ako. Napailing ako. Medyo masakit ang balakang ko pero kaya ko naman. Nagulat ako ng pinunasan ni Damian ang pisnge ko. "Baka balikan ka ni Adrian." "He won't, don't worry," kalmadong sabi nito, "ihahatid na kita sa inyo." "H-huwag na po. May mga jeep naman ng bumabyahe papunta sa amin." Sagot ko sa kanya. "I insist. Baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo." Pilit nito. Sa huli ay sumama na lang ako sa kanya. Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya. Sinabi ko na rin sa kanya kung saan ako nakatira. "Salamat kanina. Kung wala ka baka kung ano na ang nangyari sa akin." Turan ko. Ang ipinagtataka ko rin ay kung bakit naroon pa siya ng ganoong oras. Kanina habang nagsiserve ako ay nawala na ito sa pwesto nila, ang akala ko ay umuwi na ito. Tahimik lang itong nagda-drive. Nakita kong mahigpit itong nakahawak sa manibela at bakas sa mukha nito na hindi maganda ang mood niya. "Uhmm. Akala ko umuwi ka na kanina." Mahinang sabi ko habang pinaglalaruan ang zipper ng bag ko. "I was waiting for you." Sagot naman nito. "B-bakit?" Gulat na tanong ko. Napalunok ako. Hinintay niya ako hanggang sa matapos ang shift ko? Kaya pala nagtanong siya kanina kung anong oras matatapos ang shift ko. Hindi na naman ito sumagot. Natahimik na lang din ako at sumandal sa upuan. "What does he want from you?" Matigas na sabi nito. "Ang katawan ko." Mahinang sagot ko. Narinig ko itong nagmura. "Malaki kasi ang utang ni Tita sa kanya dahil nalulong ito sa sugal. Nang araw na muntik na niya akong magahasa ay nagpunta ako roon sa condo niya para makipaghiwalay at nagbigay ng paunang bayad ko sa utang ng Tita ko. Hindi ko naman siya talaga mahal, napilitan lang akong sagutin siya dahil pinilit ako ng Tita ko dahil lumaki na ang utang niya kay Adrian para hindi na raw siya singilin." Paliwanag ko sa kanya. "How much is it?" "Sa pagkakaalam ko mahigit 300,000 na. Nagbayad na ako ng 100,000 sa kanya. Nag-iipon pa ako para sa kulang ko kaya hindi na ako nagdi-day-off sa club." Sagot ko. Umigting ang panga nito, "you should have broke up with him a long time ago." "Ilang beses ko ng ginawa 'yon pero tinatakot niya ako na sasabihin niya raw kay Tito Nathan ang pagsusugal ni Tita. Ayaw ko namang mangayari 'yon. May sakit sa puso si Tito, natatakot ako na baka lumala ang sakit niya." I sighed. Kung hindi lang sana nalulong sa sugal si Tita, sana hindi nangyayari ang lahat ng ito sa akin. "I will pay your Aunt's debts to that bastard. You don't have to worry about it. And I will make sure that he won't hurt you again." Seryosong sabi nito. Napa-ayos ako ng upo at napatinginn ako sa kanya. "H-hindi mo na kailangang gawin 'yon. Mababayaran ko naman siya." "You can pay me if you want someday. Ang importante ay maging ligtas ka mula sa kanya." Sagot nito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Napakabait niya para tulungan ako. "B-bakit mo ginagawa ito? Hindi naman tayo magkaibigan." "Of course we are not friends!" Inis na wika nito. Bakit naman siya naiinis? Napalunok ako. "I just want to help you," aniya at sumulyap sa akin, "stop working in that club." Mariing sabi nito. "Hindi pwede. Malaki ang kinikita ko roon, hindi kita mababayaran kaagad kung titigil ako sa pagtatrabaho roon." Ani ko. Kung magreresign ako sa club at maghanap ng ibang trabaho ay maliit lang ang sasahurin ko. Hindi ako nakapagtapos ng college. Kung hindi waitress sa isang fastfood or restaurant ay sa Mall ako magtatrabaho bilang cashier o sales lady. Kulang ang sasahurin ko sa bayarin sa bahay. Kung mags-stay ako sa club ay malaki ang sasahurin ko kasama na ang tip ko sa pagiging waitress at pagsasayaw ko sa club. "You can work for me." Aniya. Magsasalita na sana ako pero he cut me off. "You don't have to answer me right now. Pag-isipan mo ng mabuti. It's a high paying job." Anito. "Bakit mo ako tinutulungan?" "Because I want to." Tipid na sagot nito. Nakita kong nasa street na kami namin. "D'yan na lang ako." Turo ko sa tabi ng malaking puno ng mangga. "Nasaan ang bahay niyo?" Tanong nito ng tumigil na ang kotse niya. "Nasa loob pa. Okay na po ako rito." Sagot ko sa kanya habang kinakalas ang seatbelt. "I'll walk you home." Umiling ako, "huwag na po. May mga bukas na rin namang tindahan papunta sa amin dahil mag-aalas singko na. Safe na ako rito." Tipid akong ngumiti sa kanya. Lumabas na ako sa kotse niya at ganoon din siya. "Take care. Send me a message kapag nakauwi ka na." Tumango ako sa kanya, "una na po ako." Tumango ito sa akin. Tumalikod na ako sa kanya at nag-umpisa ng maglakad. Nakailang hakbang pa lang ako ng nilingon ko siya. Nakatayo lang siya sa gilid ng kotse niya at nakatingin sa akin. Nakikita ko ang buong mukha niya dahil nasa ilalim siya ng poste na may ilaw. "Attorney!" tawag ko sa kanya, "thank you for saving me again. Mag-ingat ka pauwi." Malapad akong ngumiti sa kanya at kumaway. Tumalikod na ako at nag-umpisa na ulit maglakad. Bago ako lumiko sa iskinita papasok sa amin ay nilingon ko siya. Nakatayo pa rin ito sa ilalim ng poste at nakatingin sa akin. Sumenyas ito na umalis na ako at kumaway sa akin. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Nang makarating ako sa bahay ay tulog pa silang lahat. Dumiretso na ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang pangalan ni Damian sa contacts ko. "Nakauwi na po ako. Thank you! ^_^" I sent him a message. Nagreply naman ito kaagad. "Okay. Uuwi na ako." "Hindi pa siya nakauwi?" Mahinang wika ko. Napahiga ako sa kama ko at niyakap ang unan ko. Ni lock ko ang phone ko at napapikit. Dalawang beses niya na akong tinulungan. I smiled.Bella's POV Alas tres na ng hapon at pauwi na kami galing ng The Shire dahil nagpractice kami ng isasayaw namin sa susunod na araw sa anniversary ng The Shire. Napag-usapan nila Michelle at ng top management na sasayaw kaming anim sa entablado. Ang napili nila ay belly dancing. Ilang linggo na rin kaming nagpapractice para ma perfect namin ang sayaw namin. "O, isa pa!" Sigaw ng nagtatawag ng pasahero. "Kuya, mukhang bata na lang ang kasya d'yan ipipilit mo pa." Wika ni Persephone. Mahina ko naman itong hinampas. Tumawa lang ito ng mahina. "See you later, Belle." Ani Persephone at humalik sa pisnge ko, "mauna na ako. Doon ako sasakay sa naka-aircon." Turo nito sa bagong dating na bus. Nang makasakay na si Persephone ay pumara naman ako ng jeep. Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa malapit na market sa amin at bumili ng uulamin namin mamaya at mga gulay. Nagha-hum ako habang naglalakad pauwi sa bahay. Kapag may nakakasalubong akong kakilala ko ay binabati ko ito.
Bella's POV Nasa condo na kami ngayon ni Damian. Pinaupo niya ako sa couch. Napatingin ako sa kabuuan ng condo niya. Mas maganda ito at mas malaki kesa sa isang condo niya. Pagbalik ni Damian ay may dala na itong bottled water, binuksan niya muna ito bago binigay sa akin. Nilapag niya naman ang isang puting box sa mesa. "Thank you, Attorney." Ani ko. "You can stay here. I have a spare room na hindi ginagamit since kakalipat ko lang dito." Aniya at umupo sa couch. "Maraming salamat, Attorney. Mabuti na lang at dumating kayo." Wika ko. Paano na lang kaya kung hindi sila dumating? Mabuti na lang at nakatawag ako sa kanya kanina. Nagring ang telepono nito kaya sinagot niya ito. "What?" Aniya at napatingin sa akin, "did you take pictures of the area and the evidence?....settle her bills." Aniya at binaba ang tawag. Base sa pananalita nito kanina at sa itsura niya ngayon ay galit ito. "What really happened, Bella?" Mariing tanong nito sa akin, "nasa hospital ngayon ang pi
Bella's POV Padilim na ng makauwi kami sa condo ni Damian. Naligo kaagad ako dahil may pasok pa ako sa club mamaya. Nagmamadali akong nagbibihis ng kumatok si Damian. "Bella, dinner is ready." Aniya. "Susunod na lang ako." Sigaw ko habang inaayos ang bag na dadalhin ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa dinning area na si Damian. "Where are you going?" Kunot noong tanong nito. "May pasok ako sa club ngayon." Sagot ko sa kanya at umupo sa upuan. "You should resign now." Matigas na sabi nito. "Hindi pa pwede. Kailangan kong pumasok." Sagot ko sa kanya. Sumandok ako ng kanin at nilagay sa plato ko. "Paano kung puntahan ka roon ng mga tauhan ni Montalvo?" Natigilan naman ako. "S-safe naman ako sa loob ng club. Mag-iingat na lang ako." "You're really stubborn!" He sounded pissed, "ihahatid na kita. Kumain ka na." Anito. Magkasalubong ang kilay nito habang naglalakad patungo sa kwarto niya. Napabuntong-hininga ako. Habang nagtatrabaho ako ay nasa isang t
Bella's POV Before 5 p.m. ay nasa club na ako. Sabay kaming dumating ni Kathnisse. Kaninang umaga pa raw busy ibang staff dito para magprepare sa anibersaryo ng club. Hindi ko alam kung may iba pa silang pakulo mamayang gabi. Ang alam ko lang ay sasayaw kaming anim sa entablado dahil sa in demand daw kami. Pagkapasok namin sa dressing room ay naabutan namin roon sila Persephone at Siberia, pagkatapos naming magbati-an ay lumabas na rin sila kasama si Kathnisse. Iniwan ko ang bag ko roon at akmang lalabas na ng marinig kong nagring ang phone ko. "Girls! Rehearsal time na!" Sigaw ni Ski sa labas. Hindi ko na pinansin ang tumatawag sa phone ko kaya umalis na ako dahil nakapamaywang na si Ski at mukhang naiinip na ito.Halos dalawang oras din kaming nagpractice ng sasayawin namin mamaya. Pagkatapos naming magpractice ay kumain na kami ng dinner namin dahil nagpa-order si Michelle. Pagkatapos naming kumain ay naligo ako para mamaya ay mag-aayos na lang ako ng sarili ko. Gusto ko munan
Bella's POV Nagising ako ng marinig kong magring ang phone ko. Napatingin ako sa orasan, alas dos pa lang ng hapon. Tinatamad ko itong kinuha sa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita kong si Michelle ang tumatawag ay sinagot ko ito kaagad at nakapikit na nilagay ang phone ko sa tenga ko. "Hello, Michelle?" Ani ko at humikab. "Bella, good afternoon." Bati nito sa akin. "Napatawag ka, Michelle?" "Uhm..ano kasi...may sasabihin ako." Parang nag-aalangan ang boses nito. Patagilid akong humiga sa kama at niyakap ko ang unan. Pinatong ko lang sa tenga ko ang phone. "Ano 'yon, Michelle? Bilisan mo at inaantok pa ako." Inaantok na sabi ko habang nakapikit. Parang hinihila na ako ulit ng antok ko at gusto ko ng matulog. Narinig ko itong nagbuntong hininga bago nagsalita, "hindi ka na magtatrabaho sa club. Binili ka na kagabi sa club at hindi ko kilala kung sino ang bumili sa 'yo." Paliwanag nito. "Okay." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan
Bella's POV Pagkatapos naming magdinner kagabi ni Damian ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Siya na ang nagpresenta na magligpit ng pinagkainan namin kaya iniwan ko na siya kaagad dahil naiilang pa rin ako sa kanya. Simula ng hinalikan ako nito sa VVIP room ng club ay pakiramdam ko ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko rin maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Sa lahat ng lalaki ay sa kanya lang ako nagkakaganito. Kahit kay Adrian noon ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Napahawak ako sa labi ko at napatulala. Si Adrian ang first kiss ko pero pakiramdam ko ay kay Damian ko naramdaman ang tamis ng unang halik ko. Iyong unang halik ko mula kay Adrian ay napilitan lang ako dahil sa boyfriend ko siya at parang naging obligasyon ko iyon bilang girlfriend niya kaya pinagbigyan ko siya, pero iyong kay Damian...kakaiba. Iba ang excitement ko nang gabing iyon at kakaiba ang tibok ng puso ko. Siya ang unang humalik sa akin, hindi siya humingi ng permiso na halikan
Bella's POV Maaga akong nagising para magluto ng agahan namin ni Damian, may pasok ito sa trabaho kaya kailangan ko siyang pagsilbihan bilang katulong rito sa condo niya. Bago mag-alas otso ng umaga ay umaalis na ito papunta sa trabaho niya kaya alas sais pa lang ng umaga ay gumising na ako para magluto ng agahan namin. Ginawan ko ng sandwich si Damian. Nagluto naman ako ng fried rice at longganisa para sa akin. Nagtimpla rin ako ng juice at nilagay muna sa fridge. Ilalabas ko na lang 'yon mamaya kapag lumabas na si Damian sa kwarto niya. Maya-maya pa ay narinig ko ng nagbukas ang pinto ng kwarto ni Damian. Nakabihis na ito. Nagtungo ito sa dining area at napatingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa. "Good morning, Sir," bati ko sa kanya, "kumain na po kayo." Ani ko. "Good morning, Bella. Sabay na tayong kumain." Anito at umupo na sa upuan. "Ginawan kita ng sandwich kase naalala ko na hindi ka naman nagra-rice kapag umaga." Ani ko sa kanya at nilapag ang kapeng tinimpla ko.
Bella's POV Hiyang-hiya ako sa naabutan ni Damian kanina nang makauwi siya. Bakit ba kase sa dinami-dami ng mahahawakan ko habang tulog e, iyong boxer briefs niya pa? Napailing ako. Hindi ko tuloy na enjoy ang hapunan ko kanina dahil sa kahihiyang nararamdaman ko. Ni hindi ako nabusog kanina sa dinner dahil sa nahihiya akong harapin si Damian. Nainis pa ako dahil sa pagngiti-ngiti niya sa akin. Tila inaasar pa ako! Mukhang aliw na aliw naman ito sa pang-aasar sa akin! Mag-aalas dose na ng hating gabi at hindi pa ako makatulog dahil nakaramdam ako ng gutom. Nahihiya akong lumabas at baka kung ano ang isipin niya kapag nalaman niyang kumakain ako ng hating gabi. "Tulog naman na siguro 'yon." Sambit ko at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Maaga siyang pumapasok sa trabaho kaya malamang ay tulog na iyon ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at naglakad patungo sa kusina. Ni-on ko ang ilaw at binuksan ang fridge. Bukod sa may natirang ulam kanina ay may veg
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak