Bella's POV
Nasa condo na kami ngayon ni Damian. Pinaupo niya ako sa couch. Napatingin ako sa kabuuan ng condo niya. Mas maganda ito at mas malaki kesa sa isang condo niya. Pagbalik ni Damian ay may dala na itong bottled water, binuksan niya muna ito bago binigay sa akin. Nilapag niya naman ang isang puting box sa mesa. "Thank you, Attorney." Ani ko. "You can stay here. I have a spare room na hindi ginagamit since kakalipat ko lang dito." Aniya at umupo sa couch. "Maraming salamat, Attorney. Mabuti na lang at dumating kayo." Wika ko. Paano na lang kaya kung hindi sila dumating? Mabuti na lang at nakatawag ako sa kanya kanina. Nagring ang telepono nito kaya sinagot niya ito. "What?" Aniya at napatingin sa akin, "did you take pictures of the area and the evidence?....settle her bills." Aniya at binaba ang tawag. Base sa pananalita nito kanina at sa itsura niya ngayon ay galit ito. "What really happened, Bella?" Mariing tanong nito sa akin, "nasa hospital ngayon ang pinsan mo dahil nadatnan siyang walang malay ng Tita mo sa kwarto mo. She's fine now." Aniya at lumapit sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinaglaruan ang daliri ko. "K-kanina bago pa dumating si Tita at iyong Juancho," I heaved a deep sigh before continuing, "galing akong trabaho at pag-uwi ko ay naabutan ko si Eloiza at Adrian na nagtatalik sa kwarto ko. He drugged Eloiza, sinabi iyon ni Adrian sa akin kanina. T-tapos," napatingin ako sa kanya na matamang nakikinig sa akin, "t-tapos sinabi niya na plinano niya raw ang lahat..gusto niya akong gahasain at nadamay ang pinsan ko. Nilabanan ko siya pero masyado siyang malakas, he tried to inject the drugs pero dumating si Tita at si Juancho kaya hindi natuloy ang balak niya. Tumakas siya dahil narinig niyang nagbanta si Jauncho na pasasabugin niya ang bahay namin." Mahabang paliwanag ko. "That son of a bitch!" Galit na wika nito. Nakakuyom ang kamao nito at nagtatagis ang panga niya. "N-napansin ko na namumula ang mga mata niya at parang wala siya sa sarili. Mabuti na lang at nakatawag ako sa 'yo kanina." Ani ko. "You have to choose now, Bella. It's either ipakulong mo siya o ako mismo ang papatay sa kanya." Seryosong sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang huling sinabi nito. Nagtitigan kaming dalawa. "I will file a case." Sagot ko sa kanya. Hindi lang ako ang sinaktan ni Adrian, dinamay niya pa ang pinsan ko. "Pupunta tayo ng presinto bukas. Magpahinga ka na muna ngayon. I will hire the best lawyer for you. Huwag mo ng problemahin ang pangbayad. As for your family's safety, may mga tauhan akong nakabantay sa pamilya mo." Mahabang sabi nito. "A-attorney, maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran. S-sabihin mo lang, kahit ano gagawin ko para makabayad sa 'yo." Saad ko. Napatitig naman ito sa akin, "kahit ano?" Tumango ako sa kanya. Malaki ang binayad niya kay Juancho. Wala akong pera na pangbayad sa kanya. Kahit gawin niya akong maid habang buhay ay papayag ako. Utang ko ang buhay ko sa kanya. Ilang beses niya na akong nasagip sa kapahamakan. "Binayaran mo si Juancho. W-wala akong limang milyong pangbayad sa 'yo. Ilang beses mo na rin akong tinulungan kaya kahit anong ipagawa mo sa akin gagawin ko." Ani ko. "I will think about it later. For now, you have to rest. Kukwestyunin ka bukas ng mga pulis. You have to remember all the details. Ako na ang bahala sa pinsan mo, we need her as your witness. Kailangan niya ring magfile ng case. This will be a long process and you have to attend court hearings. Don't worry, I will help you and I will accompany you." Aniya. Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti. Para siyang anghel na binaba sa langit para tulungan ako. Okay na ako ngayon at si Eloiza. Ang inaalala ko na lang ay si Tito Nathan kapag nakauwi na ito mamaya. Sana ay walang mangyaring masama sa kanya kapag nalaman niya ang mga nangyari kanina. "Huwag ka ng pumasok sa club." Mariing sabi nito. "Uhm. H-hindi pwede. Kailangan kong pumasok. Tatawag na lang ako mamaya sa manager ng club na hindi ako makakapasok mamaya pero bukas at sa susunod na araw ay kailangan kong pumasok." Paliwanag ko sa kanya. Kumunot ang noo nito at nagsalubong ang kilay niya. "I told you that I can hire you. Hindi mo na kailangang pumasok sa club." Matigas na wika nito. "Anniversary kasi ng club sa susunod na araw. K-kailangan ako roon." Sagot ko sa kanya. Kailangang naroon ako dahil sasayaw ako. "Tsk! Stubborn!" Inis na wika nito. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko pa nababayaran si Adrianna at Ski sa hiniram kong pera. Kung magreresign ako sa club ay matatagalan ako sa pagbayad sa kanila. "Nga po pala, kailangan kong umuwi sa bahay. Wala akong mga damit dito. Hindi ko rin nadala ang bag ko. Naroon ang mga ID at wallet ko." Wika ko. "Pinakuha ko na sa tauhan ko ang mga gamit mo. Stay here for a while. Baka balikan ka ni Adrian. You're safe here." Sagot naman nito sa akin. "Maghahanap na lang po ako ng matutuluyan ko bukas, Attorney. Nakakahiya naman po sa 'yo." Nahihiyang sabi ko. "This is the safest place for you, Bella. Sa tingin mo ba hindi ka babalikan ng mga Montalvo kapag nakapagfile ka na ng kaso against, Adrian? Kapag nalaman nilang pinoprotektahan kita ay hindi ka nila gagalawin." Paliwanag nito sa akin. Napayuko naman ako, "uhmm. N-nakakatakot ka bang tao?" "What?" Tumaas ang kilay nito. "A-ang sabi mo kasi ay hindi nila ako gagalawin kapag nalaman nilang pinoprotektahan mo ako. S-sino ka ba talaga?" biglang nanlaki ang mga mata ko, "oh my gosh! Myembro ka ba ng gang or mafia? O 'di kaya ay druglord ka?" "What the hell are you talking about, Woman? I'm a lawyer for pete's sake! How can I be a druglord?" Nagsalubong ang kilay nito. Napailing ako. Maraming tao ang front lang ang pagiging marangal na tao base sa trabaho nila, katulad ng ibang politiko o pulis. Kung titingnan mo ay marangal sila sa pananaw ng mga tao pero ang totoong negosyo pala nila ay iyong mga ilegal. Hindi ko naman nilalahat dahil meron pa namang matitinong nasa gobyerno. "Eh, bakit ba sila matatakot sa 'yo?" "Hindi ka ba nanonood ng balita?" Sagot nito sa akin. Napailing ako, "hindi na. Pang gabi ang duty ko, sa araw naman ay tulog ako. Wala na akong time para manood ng balita." Sagot ko sa kanya. "Just trust me. Hindi naman kita ipapahamak at higit sa lahat, wala akong ilegal na negosyo o organisasyon na sinalihan," aniya at seryosong tumitig sa akin. Ilang beses na rin ako nitong tinulungan. Hindi ko ko man siya lubusang kilala pero nararamdaman ko namang mabait naman siya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at nagsearch sa g****e. Atty. Damian de Dios.. searching.. May lumabas na pangalan niya sa g****e, sinulyapan ko siya. Nakatingin lang naman ito sa akin. Binalik ko ulit ang tingin ko sa screen ng phone ko. Top notcher sa bar exam, CEO ng de Dios Corporation, at kasama siya sa billionaire's club ng isang magazine kung saan naka feature ang youngest billionaire's sa bansa. Napaawang ang mga labi ko. Napatingin ako sa kanya. "What?" Takang tanong nito. Nilapit ko sa mukha niya ang phone ko, "totoo ba ang mga nakasulat dito?" Nanliit naman ang mga mata nito at mukhang binabasa ang mga nakasulat sa screen. "Yes." Proud na sabi nito. Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kanya. "You are a billionaire?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo. I inherited my parent's company and founded my own company. You can search more if you want." Ngumisi ito sa akin at sumandal sa couch. "Yabang." Bulong ko. "Facts." Nakangsing sagot nito. Nagsearch pa ako tungkol sa kanya at nagbasa ng ibang articles at news tungkol sa kanya. Sikat nga ito dahil ilang beses na siyang humarap sa medya kasama ang kliyente niya. Hindi kung sinu-sino lang ang mga naging kliyente nito, mga mayayaman at malalaking tao ang mga kliyente niya. May mga kaso rin siya ng mga rape at drugs na nababalita sa TV. May nakita rin akong article tungkol sa Tatay niya. Respetadong pamilya pala ang mga de Dios at matulungin. May mga charity sila. "Your Mom is gorgeous." Nasabi ko habang ni zoom ko ang picture ng Mommy niya na may kargang bata. "I know. I look like her." Proud na sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya, "hmmm. Oo nga. Magkamukha nga kayo." Ngumiti ako sa kanya, "okay, naniniwala na ako sa 'yo." Ani ko at ni lock na ang phone ko. "Ilang beses na kitang tinulungan, Bella. Why are you doubting me?" Nagkasalubong na naman ang kilay nito. "Sorry na." Tumulis ang nguso ko, "curious lang kasi talaga ako sa sinabi mo kanina. You know, hindi naman kasi talaga kita kilala but you're always helping me." "It's fine," he chuckled, "anyway, magpahinga ka na muna. Rest your body and mind. Bukas ay pupunta tayo sa police station." Ani nito at tumayo na. Ngumiti ako sa kanya, "salamat ulit, Attorney." "Tsk! Call me by my name." "Thank you, Damian." Turan ko. "Let's go to your room." Aniya. Tumayo naman ako at sumunod sa kanya. Binuksan nito ang isang kwarto at pumasok doon. May malaki itong kama. "This is your room. If you need anything, feel free to ask me. Kapag nagugutom ka ay may pagkain naman sa fridge." Aniya. "Okay po." Ani ko. Nagpaalam na ito at pupunta na raw siya sa kwarto niya at tatawagan ang abogado na hahawak ng kaso ko. Nang maisara ko na ang pinto ay humiga ako sa malambot na kama. Napatingin ako sa orasan. Malapit ng mag-alas singko. Pauwi na mamaya si Tito. Sana ay walang mangyaring masama sa kanya kapag nalaman niya ang nangyari kanina sa bahay. Kinaumagahan ay maaga akong nagising para e prepare ang sarili ko sa pagharap sa lawyer na ni hire ni Damian para sa akin. Pagdating namin sa opisina ni Atty. Diego Montemayor ay nagulat ako ng makita ko roon sila Tito Nathan kasama si Eloiza. Kaagad akong lumapit kay Tito. "T-tito." "Anak...Bella, okay ka lang ba?" Nag-aalala na tanong nito sa akin. Tumango ako sa kanya, "opo, kayo po? Okay lang po ba kayo?" "Oo naman. Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa inyo kahapon." Aniya at malungkot na ngumiti sa akin. Napatingin ako kay Eloiza na malungkot na nakatingin sa akin. "Okay ka na ba, Eloiza?" "O-oo." Tipid na sagot nito sa akin. "Attorney, maraming salamat po sa pagtulong mo." Ani Tito kay Nathan. Lumapit ito kay Damian at halos maiyak ito. Nakipagkamay naman si Damian kay Tito at ngumiti ito. "Walang ano man, Mr. Reyes. Pasok na po tayo." Ani Damian at binuksan ang pinto ng opisina ni Atty. Montemayor. "Panyero." Nakangiting wika ni Atty. Montemayor. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair niya. "Panyero." Ani Damian at nakipagkamay ito kay Atty. Montemayor. "Good morning, Atty. Montemayor." Bati ko. "Good morning po sa inyo. Maupo po kayo." Aniya. Maya-maya pa ay nag-umpisa na kaming kausapin ni Atty. Montemayor para kuhanan kami ng affidavit ni Eloiza. Magfa-file ako ng attempted rape habang si Eloiza naman ay magfa-file ng rape case kay Adrian. Pagkatapos kaming kuhanan ng affidavit ay nagtungo na kami sa presinto. Pinaliwanag din ni Atty. Montemayor sa amin ang proseso ng kaso namin at ang dapat naming gawin sa presinto mamaya. Nang makarating kami sa presinto ay ni assist kami kaagad ng mga police na naroon, lalong-lalo na sa women's desk. Sinamahan din kami nila sa hospital para sa medico legal at kinausap kami ng psychiatrist para sa counseling. Naaawa ako kay Eloiza kasi nagalaw talaga siya ni Adrian, kitang-kita ko ang trauma niya dahil sa nangyari. Nanginginig ito habang nagkukwento. Naiiyak ako kanina habang nagkukwento siya. Umiyak na rin si Tita at Tito na nasa tabi niya. Hindi ko maisip kung ano ang nararamdaman ngayon ni Eloiza pati na nila ni Tito. Mas ma swerti lang ako at hindi ako nagalaw ni Adrian. "Everything will be okay." Ani Damian na nasa tabi ko. Tumango ako sa kanya. Bahagya naman itong ngumiti sa akin. Pagkatapos namin sa hospital ay nagfile na kami kaagad ng complaint laban kay Adrian Montalvo sa office of the prosecutor. Sa lahat ng ginawa niya sa akin at sa pinsan ko ay nababagay lang siyang mabulok sa bilangguan!Bella's POV Padilim na ng makauwi kami sa condo ni Damian. Naligo kaagad ako dahil may pasok pa ako sa club mamaya. Nagmamadali akong nagbibihis ng kumatok si Damian. "Bella, dinner is ready." Aniya. "Susunod na lang ako." Sigaw ko habang inaayos ang bag na dadalhin ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa dinning area na si Damian. "Where are you going?" Kunot noong tanong nito. "May pasok ako sa club ngayon." Sagot ko sa kanya at umupo sa upuan. "You should resign now." Matigas na sabi nito. "Hindi pa pwede. Kailangan kong pumasok." Sagot ko sa kanya. Sumandok ako ng kanin at nilagay sa plato ko. "Paano kung puntahan ka roon ng mga tauhan ni Montalvo?" Natigilan naman ako. "S-safe naman ako sa loob ng club. Mag-iingat na lang ako." "You're really stubborn!" He sounded pissed, "ihahatid na kita. Kumain ka na." Anito. Magkasalubong ang kilay nito habang naglalakad patungo sa kwarto niya. Napabuntong-hininga ako. Habang nagtatrabaho ako ay nasa isang t
Bella's POV Before 5 p.m. ay nasa club na ako. Sabay kaming dumating ni Kathnisse. Kaninang umaga pa raw busy ibang staff dito para magprepare sa anibersaryo ng club. Hindi ko alam kung may iba pa silang pakulo mamayang gabi. Ang alam ko lang ay sasayaw kaming anim sa entablado dahil sa in demand daw kami. Pagkapasok namin sa dressing room ay naabutan namin roon sila Persephone at Siberia, pagkatapos naming magbati-an ay lumabas na rin sila kasama si Kathnisse. Iniwan ko ang bag ko roon at akmang lalabas na ng marinig kong nagring ang phone ko. "Girls! Rehearsal time na!" Sigaw ni Ski sa labas. Hindi ko na pinansin ang tumatawag sa phone ko kaya umalis na ako dahil nakapamaywang na si Ski at mukhang naiinip na ito.Halos dalawang oras din kaming nagpractice ng sasayawin namin mamaya. Pagkatapos naming magpractice ay kumain na kami ng dinner namin dahil nagpa-order si Michelle. Pagkatapos naming kumain ay naligo ako para mamaya ay mag-aayos na lang ako ng sarili ko. Gusto ko munan
Bella's POV Nagising ako ng marinig kong magring ang phone ko. Napatingin ako sa orasan, alas dos pa lang ng hapon. Tinatamad ko itong kinuha sa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita kong si Michelle ang tumatawag ay sinagot ko ito kaagad at nakapikit na nilagay ang phone ko sa tenga ko. "Hello, Michelle?" Ani ko at humikab. "Bella, good afternoon." Bati nito sa akin. "Napatawag ka, Michelle?" "Uhm..ano kasi...may sasabihin ako." Parang nag-aalangan ang boses nito. Patagilid akong humiga sa kama at niyakap ko ang unan. Pinatong ko lang sa tenga ko ang phone. "Ano 'yon, Michelle? Bilisan mo at inaantok pa ako." Inaantok na sabi ko habang nakapikit. Parang hinihila na ako ulit ng antok ko at gusto ko ng matulog. Narinig ko itong nagbuntong hininga bago nagsalita, "hindi ka na magtatrabaho sa club. Binili ka na kagabi sa club at hindi ko kilala kung sino ang bumili sa 'yo." Paliwanag nito. "Okay." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan
Bella's POV Pagkatapos naming magdinner kagabi ni Damian ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Siya na ang nagpresenta na magligpit ng pinagkainan namin kaya iniwan ko na siya kaagad dahil naiilang pa rin ako sa kanya. Simula ng hinalikan ako nito sa VVIP room ng club ay pakiramdam ko ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko rin maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Sa lahat ng lalaki ay sa kanya lang ako nagkakaganito. Kahit kay Adrian noon ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Napahawak ako sa labi ko at napatulala. Si Adrian ang first kiss ko pero pakiramdam ko ay kay Damian ko naramdaman ang tamis ng unang halik ko. Iyong unang halik ko mula kay Adrian ay napilitan lang ako dahil sa boyfriend ko siya at parang naging obligasyon ko iyon bilang girlfriend niya kaya pinagbigyan ko siya, pero iyong kay Damian...kakaiba. Iba ang excitement ko nang gabing iyon at kakaiba ang tibok ng puso ko. Siya ang unang humalik sa akin, hindi siya humingi ng permiso na halikan
Bella's POV Maaga akong nagising para magluto ng agahan namin ni Damian, may pasok ito sa trabaho kaya kailangan ko siyang pagsilbihan bilang katulong rito sa condo niya. Bago mag-alas otso ng umaga ay umaalis na ito papunta sa trabaho niya kaya alas sais pa lang ng umaga ay gumising na ako para magluto ng agahan namin. Ginawan ko ng sandwich si Damian. Nagluto naman ako ng fried rice at longganisa para sa akin. Nagtimpla rin ako ng juice at nilagay muna sa fridge. Ilalabas ko na lang 'yon mamaya kapag lumabas na si Damian sa kwarto niya. Maya-maya pa ay narinig ko ng nagbukas ang pinto ng kwarto ni Damian. Nakabihis na ito. Nagtungo ito sa dining area at napatingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa. "Good morning, Sir," bati ko sa kanya, "kumain na po kayo." Ani ko. "Good morning, Bella. Sabay na tayong kumain." Anito at umupo na sa upuan. "Ginawan kita ng sandwich kase naalala ko na hindi ka naman nagra-rice kapag umaga." Ani ko sa kanya at nilapag ang kapeng tinimpla ko.
Bella's POV Hiyang-hiya ako sa naabutan ni Damian kanina nang makauwi siya. Bakit ba kase sa dinami-dami ng mahahawakan ko habang tulog e, iyong boxer briefs niya pa? Napailing ako. Hindi ko tuloy na enjoy ang hapunan ko kanina dahil sa kahihiyang nararamdaman ko. Ni hindi ako nabusog kanina sa dinner dahil sa nahihiya akong harapin si Damian. Nainis pa ako dahil sa pagngiti-ngiti niya sa akin. Tila inaasar pa ako! Mukhang aliw na aliw naman ito sa pang-aasar sa akin! Mag-aalas dose na ng hating gabi at hindi pa ako makatulog dahil nakaramdam ako ng gutom. Nahihiya akong lumabas at baka kung ano ang isipin niya kapag nalaman niyang kumakain ako ng hating gabi. "Tulog naman na siguro 'yon." Sambit ko at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Maaga siyang pumapasok sa trabaho kaya malamang ay tulog na iyon ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at naglakad patungo sa kusina. Ni-on ko ang ilaw at binuksan ang fridge. Bukod sa may natirang ulam kanina ay may veg
Bella's POV Nandito kami ngayon sa opisina ni Atty. Montemayor dahil makalipas ang ilang araw ay nagfile ang kampo ni Adrian ng Petition for Bail dahil non-bailable ang kasong rxpe case na ni-file ni Eloiza laban kay Adrian. May scheduled date na ang hearing. Next week na ito kaya pinatawag kami ni Atty. Montemayor para pag-usapan ang kaso namin ni Eloiza. Kami lang nila Tito ang narito ngayon dahil may hearing pa si Damian. Pinahatid niya lang ako rito sa driver niya, sila naman ni Tito ay pinasundo niya sa bahay para ihatid dito. "Atty., pwede bang hindi na muna um-attend si Eloiza sa hearing?" Pagtatanong ni Tito Nathan. "Pwede po, Mr. Reyes. Okay lang po na hindi muna sa ngayon, ang importante po ay makapunta siya sa court hearings mismo," sagot nito kay Tito, binaling nito ang tingin niya kay Eloiza, "Ms. Reyes, kamusta ka na?""Okay lang naman po ako. Palagi pong pinapalakas nila Mama at Papa ang loob ko." Sagot nito kay Atty. Montemayor at bahagyang ngumiti.Nakangiti m
Bella's POV Ilang araw makalipas ang insidenti sa parking lot ay mas humigpit ang pagbabantay ng mga tauhan ni Damian sa pamilya ko, ako naman ay hindi na pinapalabas ni Damian sa condo. Ang suspect ni Damian ay tauhan iyon ng mga Montalvo, pero wala naman kaming pruweba kung sila nga ba talaga ang nagtangka sa buhay ko. We reported it sa police station at pina-blotter, Damian wanted to file a case pero hindi namin kilala ang nagtangka sa buhay ko. Damian checked the CCTV footage para sana makita ang plaka ng motor pero fake ang plate number ng motor. Nakahelmet naman ang dalawang lalaking nakasakay sa motor kaya hindi sila ma identify. Damian said na ang mga Montalvo lang ang may matinding motibo para pagtangkaan ang buhay ko dahil sa nagfile kami ng kaso kay Adrian at nalagay sa kahihiyan ang pamilya nila. They can't hurt my family dahil maraming nakabantay sa bahay namin, kahit sa workplace ni Tito ay may pasimpleng nakabantay sa kanya at pati na sa school ni Eloiza. Hindi ri
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak