Bella's POV Ilang araw makalipas ang insidenti sa parking lot ay mas humigpit ang pagbabantay ng mga tauhan ni Damian sa pamilya ko, ako naman ay hindi na pinapalabas ni Damian sa condo. Ang suspect ni Damian ay tauhan iyon ng mga Montalvo, pero wala naman kaming pruweba kung sila nga ba talaga ang nagtangka sa buhay ko. We reported it sa police station at pina-blotter, Damian wanted to file a case pero hindi namin kilala ang nagtangka sa buhay ko. Damian checked the CCTV footage para sana makita ang plaka ng motor pero fake ang plate number ng motor. Nakahelmet naman ang dalawang lalaking nakasakay sa motor kaya hindi sila ma identify. Damian said na ang mga Montalvo lang ang may matinding motibo para pagtangkaan ang buhay ko dahil sa nagfile kami ng kaso kay Adrian at nalagay sa kahihiyan ang pamilya nila. They can't hurt my family dahil maraming nakabantay sa bahay namin, kahit sa workplace ni Tito ay may pasimpleng nakabantay sa kanya at pati na sa school ni Eloiza. Hindi ri
DISCLAIMER: Hindi ko po alam ang tamang proseso ng trial. Gawa-gawa ko lamang ito.Salamat! __________________________ Bella's POV "Are you ready?" Damian asked. Humugot ako ng malalim na hangin at binuga ito. "Yes." Sagot ko kay Damian. He looked at me seriously and gave me a nod. Bumaba si Damian sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. I am wearing a black mask and a cap. Ngayong araw ang hearing namin sa kasong isinampa ko laban kay Adrian Montalvo. 2 hours before the hearing ay nagpunta na kami sa Hall of Justice para makaiwas kami sa media. Closed hearing ang gaganapin mamaya dahil sa media na nakabantay sa kaso ni Adrian Montalvo at hiniling ng kampo namin na hindi dapat malaman ng publiko ang identity namin ni Eloiza. Marami kaming security na kasama ngayon para sa proteksyon ko. Eloiza wanted to come pero sinabihan ko siyang huwag na siyang pumunta dahil kailangan niya ring paghandaan ang kaso niya at may pasok pa ito sa school. Si Tito Nathan at Tita Eliza ang mak
Continuation... Bella's POV "Atty. de Dios, ano pa ang sumunod na nangyari?" "After a few days, I met Ms. Reyes in a bar. It was unexpected. She was working there as a waiter. I waited her hanggang sa matapos ang shift niya and thank God I did dahil naghihintay din pala si Mr. Montalvo sa kanya. I admit that I assaulted Mr. Montalvo because she forced Ms. Reyes to come with him." Sagot ni Damian. "Your Honor, we are submitting the dashcam footage of the said incident as an evidence. Please allow us to play it." Ani Atty. Montemayor. Sumenyas ang Judge na i-play ito. Pagkatapos ma play ang video ay sumilip ako sa side nila Adrian, mas sumama ang itsura ni Atty. De Vera, mukhang hindi niya alam na may ganitong pangyayari. Kinausap nito si Adrian pero hindi ito nagsalita. Nagagalit na rin ang Tatay ni Adrian kaya pinatahimik ito ng Judge at nagbabala na palalabasin siya kaya tumahimik naman ito kaagad. "Your Honor ang mga taong kasama ni Atty. de Dios at ni Ms. Reyes ay ang m
Continuation.... Bella's POV "Ms. Reyes, pwede mo bang ilahad sa hukumang ito kung ano ang relasyon mo noon kay Mr. Adrian Montalvo?" "He was my boyfriend." Sagot ko sa kanya. "Totoo bang malaki ang utang ng Tiyahin mong si Eliza Reyes kay Mr. Montalvo?" Tumango ako, "opo, totoo po iyon." "It was stated in your affidavit na napilitan ka lang na sagutin si Mr. Montalvo. Ano ang rason mo, Ms. Reyes?" Tanong ni Atty. Montemayor. "Tama po iyon. Wala po talaga akong balak na sagutin siya noong una pa lang, pero nagkautang si Tita Eliza kay Adrian kaya napilitan akong sagutin siya dahil pinilit ako ng Tita ko para hindi na raw siya singilin ni Adrian. Wala kaming pangbayad noon kaya kahit ayaw ko ay ginawa ko na lang. Alam kong mali iyon dahil mukhang ginagamit ko siya pero, wala rin akong choice. Nalulong si Tita sa sugal at hindi ko alam na mas lumaki na ang utang niya kay Adrian." Mahabang sagot ko. "Did you ever asked money from Mr. Montalvo for your personal use o para
Continuation... Bella's POV "Mr. Montalvo, ex-girlfriend mo si Ms. Reyes, tama ba?" Pagtatanong ni Atty. De Vera. "Tama po, Attorney." Sagot nito. "Totoo bang pinapahiram mo ng pera ang Tiyahin niyang si Mrs. Eliza Reyes nang magkarelasyon pa kayo?" "Yes, Attorney." "Ito ba ay kusa mong binibigay o ang Tiyahin niya mismo ang nanghihiram sa 'yo?" "Nang una po ay kusa po akong nagbigay dahil binayaran ko ang nahiram ni Mrs. Reyes sa sugalan na Twenty Thousand hanggang sa ang Tiyahin niya na mismo ang nanghihiram sa akin at lumaki na ito." Sagot ni Adrian. "Bakit mo pinapahiram ang Tiyahin ni Ms. Reyes?" "Because Ms. Reyes is my girlfriend. I love her and gusto ko ring magpa-impress sa pamilya niya." Confident na sagot nito. Kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Mahal niya ako? Nagpapatawa ba siya? Ni hindi ko nga alam kung bakit ako ang niligawan niya. Hindi ko rin maramdaman na mahal niya ako. "Kamusta ang pakikitungo mo kay Ms. Reyes at sa pamilya niya?" Tanong ni
Bella's POV Alas singko na ng magising ako mula sa pagkakatulog ko. Naligo ako kaagad para makapag-ayos na ako. Nakaharap ako ngayon sa malaking closet dito sa kwarto. Tapos na akong mag make-up, kinulot ko rin ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Tiyak na sa mamahaling restaurant na naman kami kakain mamaya. Kaya naisip ko na magsuot ako ng medyo bagay naman sana sa lugar. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito. "Ate! Look at this oh, 'di ba ang ganda? Ito ang isusuot ko mamaya." Chat ni Eloiza. Ni-heart ko ang picture na ni send niya. Nag mirror selfie ito sa suot niyang damit. Napakaganda nito at bagay na bagay sa kanya. "Ang ganda. Bagay sa 'yo." Reply ko sa kanya. Nilapag ko ang phone ko sa mesa at nagtingin-tingin ng mga damit ko. May nakita akong tube dress na hapit sa katawan ko. Medyo sexy ito dahil kita ng konte ang cleavage ko. Plain ito na kulay pula. Kinuha ko ito at pinatong sa upuan, kinuha ko rin ang isang above the knee dress ko. Sleevel
Bella's POV Nagising akong uhaw na uhaw kaya bumangon ako para kumuha ng tubig sa fridge at uminom ng malamig na tubig. Napasandal ako sa kitchen counter matapos akong uminom. Inamoy ko ang sarili ko. "Hindi ba ako naligo kagabi?" Nagtatakang tanong ko sa sarili. Amoy wine pa ako. Pero, nakabihis naman ako ng pantulog ko. Napailing ako at nagtungo sa kwarto ko. Maliligo na muna ako bago magluto ng agahan namin ni Damian. Sabado na ngayon. Hindi ko alam kung papasok ba siya sa trabaho o hindi. Pakanta-kanta pa ako habang nagsho-shower ako. Kinuskos ko ang scalp ko pagkatapos kong magshampoo. Ni-on ko ang shower at binanlawan ang buhok ko. Biglang may pumasok sa isipan ko. Ilang beses akong napakurap ng mga mata ko at ni-off ang shower. "Oh my gosh!" Nalasing ako sa wine na ininom ko kagabi!Nagflashback sa akin ang nangyari kagabi sa kwartong ito. Nanlalaki ang mga mata ko. He kissed me again last night, passionately. Napahawak ako sa labi ko. "Damn, Bella! Muntik ka na
Bella's POV Mas lumalim ang halik ni Damian. I kissed him back. I tried to stop myself pero nadala na rin ako sa halik niya. Napahigpit ang pagkakakawit ko sa leeg niya. Mas hinapit pa nito ang bewang ko sa katawan niya. I can feel how hot his body temperature right now. Halos kapusin ako ng hininga ng maghiwalay ang labi namin. Napayuko ako. "You don't have any idea how I am holding myself back for so long, Muffin." Bulong nito sa akin. He brushed his nose on my cheek and planted small kisses there. "A-attorney--" "I have a name, Muffin." Aniya at bumaba ang halik niya sa kaliwang parte ng leeg ko. Napasinghap naman ako dahil may kakaiba akong naramdam ng halikxn niya ako sa leeg ko. Damn, Bella! Huwag kang bibigay! "D-damian." I whispered. Napapikit ako ng maramdaman kong sinipsip nito ang balat ko. Pinisil din nito ang bewang ko at gumapang sa likod ko ang kamay niya. Ang init ng palad niya. "Muffin," he whispered. Tumigil ito sa paghalik sa akin kaya napating
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak