Bella's POV Nagising akong uhaw na uhaw kaya bumangon ako para kumuha ng tubig sa fridge at uminom ng malamig na tubig. Napasandal ako sa kitchen counter matapos akong uminom. Inamoy ko ang sarili ko. "Hindi ba ako naligo kagabi?" Nagtatakang tanong ko sa sarili. Amoy wine pa ako. Pero, nakabihis naman ako ng pantulog ko. Napailing ako at nagtungo sa kwarto ko. Maliligo na muna ako bago magluto ng agahan namin ni Damian. Sabado na ngayon. Hindi ko alam kung papasok ba siya sa trabaho o hindi. Pakanta-kanta pa ako habang nagsho-shower ako. Kinuskos ko ang scalp ko pagkatapos kong magshampoo. Ni-on ko ang shower at binanlawan ang buhok ko. Biglang may pumasok sa isipan ko. Ilang beses akong napakurap ng mga mata ko at ni-off ang shower. "Oh my gosh!" Nalasing ako sa wine na ininom ko kagabi!Nagflashback sa akin ang nangyari kagabi sa kwartong ito. Nanlalaki ang mga mata ko. He kissed me again last night, passionately. Napahawak ako sa labi ko. "Damn, Bella! Muntik ka na
Bella's POV Mas lumalim ang halik ni Damian. I kissed him back. I tried to stop myself pero nadala na rin ako sa halik niya. Napahigpit ang pagkakakawit ko sa leeg niya. Mas hinapit pa nito ang bewang ko sa katawan niya. I can feel how hot his body temperature right now. Halos kapusin ako ng hininga ng maghiwalay ang labi namin. Napayuko ako. "You don't have any idea how I am holding myself back for so long, Muffin." Bulong nito sa akin. He brushed his nose on my cheek and planted small kisses there. "A-attorney--" "I have a name, Muffin." Aniya at bumaba ang halik niya sa kaliwang parte ng leeg ko. Napasinghap naman ako dahil may kakaiba akong naramdam ng halikxn niya ako sa leeg ko. Damn, Bella! Huwag kang bibigay! "D-damian." I whispered. Napapikit ako ng maramdaman kong sinipsip nito ang balat ko. Pinisil din nito ang bewang ko at gumapang sa likod ko ang kamay niya. Ang init ng palad niya. "Muffin," he whispered. Tumigil ito sa paghalik sa akin kaya napating
Damian's POV Bella is bleeding and I don't know what to do! Damn it! So after I put her inside the bathtub, nagmadali akong kinuha ang phone ko and I dialed Audrey's number. Wala na akong ibang matatawagan ng ganitong oras. I was kinda panicking dahil ilang beses pa nagring bago sagutin ni Audrey ang tawag ko. She's the only girl friend I am close with, para ko na siyang kapatid. Pito kaming magkaibigan at siya lang ang nag-iisang babae. We grew up together except kay Killian. We treat her as our princess when we were kids, pero habang lumalaki kami ay para itong dragon. "What the hell, Attorney Damian de Dios?!" Galit na bungad sa akin ni Audrey. "Audrey! Thank God you're still awake!" I said. "I was sleeping, Idiot! You fucking woke me up! Hindi na ba maipagpapabukas 'yan?" Inis na sabi nito. "No, Audrey. I need to ask you something." Sabi ko. Sinilip ko si Bella na nasa CR, nakahiga lang ito sa bathtub. "Are you not familiar with 'natutulog na ang tao?', ha?" I
Bella's POV Apat na taong gulang pa lang ako ng namatay ang Nanay ko, ang Tatay ko naman ay hindi ko na nakilala pa. Ang kwento sa akin ng Tito Nathan ko noon ay naglaho na lang na parang bula ang Tatay ko ng nalaman niyang buntis ang Nanay ko. Nag-iisang kapatid ni Nanay si Tito Nathan kaya sa kanya ako naiwan ng namatay ang Nanay ko. Kahit na may pamilya na si Tito Nathan at mahirap lang din sa buhay ay tinanggap niya pa rin ako sa pamamahay nila at tinuring niya akong parang totoo niyang anak. Tuwing umuuwi ito galing sa trabaho ay palagi itong may pasalubong sa anak niyang Eloiza. Kung ano ang pasalubong niya kay Eloiza ay ganoon din sa akin, mapa laruan man ito o damit. Ang akala ni Tito Nathan ay tanggap din ako ng asawa niya, pero hindi niya alam sa tuwing wala ito sa bahay ay palagi akong pinapagalitan ni Tita Eliza. Palagi rin akong inaaway ni Eloiza. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maganda ang trato nila sa akin. Ginagawa ko naman lahat ng utos nila, tumutulong na
Bella's POV Nagising ako sa isang kwarto na hindi ako pamilyar. Magpapanic na sana ako pero naalala ko ang nangyari kagabi. Muntik na akong magahasa ni Adrian, mabuti na lang at nakatakas ako at may tumulong sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa malambot na kama. Kung ano ang suot ko kagabi ay ganoon pa rin ngayon. Hindi na sumasakit ang ulo ko, nawala na rin ang hilong nararamdaman ko, dahil siguro iyon sa pinainom sa aking gamot ni Atty. Damian. Speaking of... "Nasaan kaya siya?" Mahinang sabi ko. Kinuha ko ang bag ko at tiningnan kung naroon ang mga gamit ko, nang makita kong kompleto ang mga gamit ko ay lumabas ako sa kwarto. Walang tao, pero may naririnig akong nagsasalita. Sinundan ko ang boses. "Yes, I already sent you the CCTV footage..." Palakas nang palakas ang boses na naririnig ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang may-ari ng boses na naririnig ko. Si Attorney! Nakatapis lang siya ng tuwalya. Napatingin ito sa akin. "I'll call you later." Ani
Bella's POV Dalawang araw na ang nakakalipas ng nakipaghiwalay ako kay Adrian. Simula no'n ay palagi akong nakakatanggap ng mga messages galing sa kanya, puro pananakot ang mga ito. Hindi na lang ako nagrereply sa kanya, gusto ko mang i-block na lang ang number niya pero hindi ko ginawa. Kung sakaling may gawin ulit siyang masama sa akin ay pwede ko iyong gawing ebidensya. Mabuti na lang at hindi na pumunta si Adrian sa bahay. Halata rin sa Tita ko na parang balisa ito. Mukhang natatakot siya na malaman ni Tito Nathan ang pagsusugal niya. Ang malala pa roon ay malaki ang utang niya kay Adrian. Nag-umpisa lang ito sa 20,000 hanggang sa lumaki na ito. Napansin ko rin nitong mga nakaraang araw ay parang biglang bumait si Tita Eliza sa akin. Siguro ay dahil sa nalaman niyang muntik na akong magahasa ni Adrian. May duty ako ngayon sa The Shire at schedule ko mamaya para sumayaw kaya maaga akong nag-ayos para maaga rin akong makaalis. Kailangan ko pang make-up-an ang sarili ko. Pagkat
Bella's POV Nang matapos na ang shift ko ay napahiga ako sa couch sa dressing room namin. Nakauwi na sila Kath at Adrianna. Matapos ang ilang minuto ay bumangon na ako at inayos ang mga gamit ko sa bag bago lumabas ng club. "Una na po ako." Pagpapaalam ko sa guard. "Mag-ingat ka." Sabi nito sa akin. Patalikod akong kumaway. Habang naglalakad ako ay napapahikab ako. Pagod na ako at inaantok na. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Damian kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano niya nalaman na ako ang sumayaw kanina. Hindi naman kami magkakilala talaga at base sa kanya, kanina lang siya nakapunta sa club. Napapitlag ako ng may biglang marahas na humila sa braso ko. Nilingon ko ito at halos lumundag ang puso ko sa kaba. "Bitawan mo ako, Adrian!" Pigil na sigaw ko. "Why would I? Sasama ka ngayon sa akin! Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa akin!" Galit na sabi nito. Nanlilisik sa galit ang nga mata nito. Mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa bras
Bella's POV Alas tres na ng hapon at pauwi na kami galing ng The Shire dahil nagpractice kami ng isasayaw namin sa susunod na araw sa anniversary ng The Shire. Napag-usapan nila Michelle at ng top management na sasayaw kaming anim sa entablado. Ang napili nila ay belly dancing. Ilang linggo na rin kaming nagpapractice para ma perfect namin ang sayaw namin. "O, isa pa!" Sigaw ng nagtatawag ng pasahero. "Kuya, mukhang bata na lang ang kasya d'yan ipipilit mo pa." Wika ni Persephone. Mahina ko naman itong hinampas. Tumawa lang ito ng mahina. "See you later, Belle." Ani Persephone at humalik sa pisnge ko, "mauna na ako. Doon ako sasakay sa naka-aircon." Turo nito sa bagong dating na bus. Nang makasakay na si Persephone ay pumara naman ako ng jeep. Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa malapit na market sa amin at bumili ng uulamin namin mamaya at mga gulay. Nagha-hum ako habang naglalakad pauwi sa bahay. Kapag may nakakasalubong akong kakilala ko ay binabati ko ito.