Bella's POV Halos isang linggo ko nang iniiwasan si Damian. Sinusubukan niya akong kausapin pero ako ang umiiwas. He tried so hard pero ako ang may ayaw na pansinin at kausapin siya. Ginagawa ko na lang ang trabaho ko rito. Mamaya na ang unang hearing ng kaso ni Eloiza at sinabihan na ako ni Damian na susunduin niya ako rito sa condo niya. Tapos na akong magbihis at hinihintay ko na lang siyang dumating. Maya-maya pa ay narinig ko ng bumukas ang pinto ng condo kaya lumabas na ako ng kuwarto ko. "Muffin--" "Umalis na tayo." Pagputol ko sa sasabihin niya. Naglakad na ako papunta sa pinto at binuksan ito. Sumunod naman sa akin si Damian. Tahimik lang kami habang nakasakay sa Van niya. May mga nakasunod sa aming tatlong itim na kotse, malamang ay mga tauhan niya iyon. Nararamdaman ko ang pagtitig sa akin ni Damian pero hindi ko siya pinansin. Nang makarating kami sa Hall of Justice ay dumiretso na kami sa waiting area ng courtroom.. Naabutan namin doon sila ni Tito, Tita
Bella's POV Nakaupo ako ngayon sa kama at sapo-sapo ang puson ko. Dinatnan ako ngayon at ang sakit ng puson ko. 6:30 na nang umaga. Kailangan ko pang maghanda ng agahan namin ni Damian. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kitchen habang sapo ang puson ko. Napahawak ako ng mahigpit sa dulo ng mesa at napapikit. Mahina akong napaungol dahil sa sakit ng puson ko. Nataon pa talaga na ngayong umaga ako nadatnan. Usually kase ay gabi ako dinadatnan. Nang hindi ko na kaya ay napaupo ako at napasandal sa silya. "D-damian..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya. Halos wala akong lakas kahit na magsalita. Mabigat ang aking paghinga. Namimilipit ako sa sakit at nahihilo ako. Hindi ko alam kung gising na ba si Damian o tulog pa. "D-damian..." Pagtawag ko ulit sa pangalan niya. Wala na akong ibang mahihingan ng tulong kundi siya lang. Naiiyak na ako sa sakit. Pakiramdam ko rin ay namanhid ang mga binti ko. Nanlalamig din ako. "Muffin!" Malakas na sigaw ni Damian. Thank, God! Ma
Bella's POV Busy ako sa pagluluto ng hapunan namin ni Damian nang makarinig akong may nagdoorbell. Iniwan ko muna ang niluluto ko at nagtungo sa pinto, tiningnan ko ang monitor kung sino ang nasa labas. Nang makilala ko ang lalaki ay binuksan ko kaagad ang pinto. "Good evening, Ma'am." Bati sa akin ni Azrael, tauhan siya ni Damian. Siya ang palaging kasama namin ni Damian kapag umaalis kami. "Good evening din, Azrael. May kailangan ka ba?" Magalang na sabi ko. "Pinapasabi po ni Boss na pakitingnan daw po ang phone niyo. Kanina pa raw siya nagtetext sa inyo." Aniya. Naiwan ko ang phone ko sa kuwarto at hindi ko narinig na tumatawag si Damian sa akin. Nahihiya akong ngumiti kay Azrael. "Titingnan ko na." Ani ko. tumango naman ito sa akin at nagpaalam na na aalis na ito. Sinara ko naman ang pinto nang makaalis na si Azrael. Tiningnan ko muna ang niluluto ko bago ako pumasok sa kuwarto ko. 20 missed calls. 10 messages. "Muffin, I'll be late pero d'yan ako kakain n
Bella's POV Maaga kaming nagising ni Damian para magprepare ng agahan namin at para makapag-ayos na at may pupuntahan kami ngayong araw. Ito ang unang date namin at excited na ako kung saan ako dadalhin ni Damian. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa sarili naming kuwarto para mag-ayos. Nagsuot lang ako ng itim na blouse, denim shorts at puting sapatos. Hindi na ako nagmakeup at hindi naman kailangan sa pupuntahan namin. Nang makalabas ako sa kuwarto ay nasa living room na si Damian at naghihintay sa akin. Nakabihis na rin ito. "Let's go?" Aya nito sa akin. Tumango ako sa kanya at lumabas na kami ng condo niya. "Saan tayo pupunta?" Curious na tanong ko sa kanya. "You'll know when we get there." Anito at ngumiti sa akin. Bakit ayaw niya namang sabihin sa akin? I'm sure hindi iyon sa mamahaling restaurant o any related sa mga mayayaman dahil parehas lang kaming naka casual ang suot. He is wearing a white shirt and denim pants. May suot din itong sumbrelo at m
Bella's POV Kagabi ay tinulungan kong mag-empake si Damian ng mga dadalhin niyang mga gamit dahil ngayong araw na siya aalis. Nagbilin siya sa akin na kapag daw may kailangan ako ay tawagan ko lang daw si Azrael o si Jane dahil baka hindi niya raw masagot ang text o tawag ko dahil magiging busy siya sa mga susunod na araw dahil sa business convention at seminar na dadaluhan niya. "Huwag mo na akong aalalahanin dito, Damian." Ani ko at ngumiti sa kanya. "Next time I will bring you with me, okay?" Aniya. Tumango ako sa kanya, "sige na. Baka ma late ka pa sa flight mo." Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. "Take care of yourself, Muffin." Sabi nito. "Opo," sagot ko sa kanya, "mag-ingat ka roon." Bilin ko sa kanya. "Of course." Sagot nito at ngumiti sa akin. Kumaway ako sa kanya nang makalabas na ito sa condo niya. Sumenyas naman ito na pumasok na ako. Ngumiti ako sa kanya at sinunod siya. Nililibang ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro o 'di kaya ay sa panon
Bella's POV Natahimik ako sa sinabi ng nagpakilalang Fiancée ni Damian. Napatulala lang ako sa kanya. I can see how proud she was while looking at me. Sinampal ako ng reyalidad para matauhan ako. Pero paano kung nagsisinungaling pala siya sa akin? Paano kung gawa-gawa niya lang na ikakasal na siya kay Damian? Bago pa ako makare-ak ay pumasok na ito sa loob ng condo ni Damian. Binangga pa nito ang balikat ko at masama akong tiningnan. "Tek--" "Ma'am!" Napalingon ako sa nagsalita. Nakangiti ang delivery guy habang nakatingin sa akin bitbit ang ni-order kong pagkain. Kinuha ko na lang ito at mabilis na nagpasalamat at pumasok ng condo ni Damian. Naabutan kong prenteng nakaupo si Francine sa couch. Ang mga mata nito ay nakatingin sa paligid ng condo. Pinatong ko muna sa mesa ang box ng pizza at chicken. I cleared my throat at lumapit sa kanya. Tumaas naman ang kilay nito nang makita niya akong umupo sa harap niya. "Are you his maid? New toy? Bed warmer?" para itong nang-i
Bella's POV Nang sumapit ang alas syete ng gabi ay tapos na akong magluto. Hinanda ko na ang mga pagkain na nakalagay sa food containers para ibigay sa mga security ni Damian na nakabantay sa akin. Naayos ko na rin ang mga inumin na ni ready ko para sa kanila. Kanina pa tumutunog ang phone ko at alam ko kung sino ang tumatawag sa akin. Hindi ko ito sinasagot dahil hindi ko siya kayang makausap pa. Ang galing niyang magpanggap. Napaniwala niya ako sa mga panloloko niya sa akin. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto kaya nagtungo ako roon para tingnan ang monitor kung sino ang nasa labas. Si Azrael. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Napatitig ito sa akin na para bang may napapansin itong kakaiba sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Pasok ka, Azrael. Tapos ko nang ihanda ang mga pagkain," wika ko at pinatuloy siya, "sinarapan ko ang luto para naman ganahan kayong kumain." Ani ko habang naglalakad patungo sa kusina. Nakasunod lang sa akin si Azrael. "Tumatawag daw po si Boss sa inyo." A
Bella's POV Dalawang araw na ako rito sa bahay ng kaibigan ko. Nagdecide na ako na bukas ay aalis na ako rito at maghahanap na apartment o bahay para doon na manirahan. Kapag nakahanap na ako ng matutuluyan ay tsaka na ako maghahanap ng trabaho. Gusto ko sanang bumalik ulit sa club bilang isang waitress pero nagdadalawang isip pa ako. Kung wala siguro akong mahanap na trabaho ay baka bumalik ako roon. Hindi ko alam kung nakauwi na ba si Damian o hindi pa. I blocked Azrael's number yesterday. Baka alam na rin ni Azrael na wala na ako sa condo ni Damian. Ilang araw na akong walang contact kay Damian at panigurado akong pinapuntahan niya na ako kay Azrael sa condo niya.He is always like that. Kapag natagalan akong makareply sa kanya ay kakatok sa condo si Azrael para sabihin na kanina pa ako tinatawagan o china-chat ni Damian.Napabuga ako ng malalim na hangin. Sana ay walang nangyaring masama sa kanila ni Azrael. I put sleeping pills sa inumin nila ni Azrael para hindi nila ako map
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak
Ysa's POV Unti-unti ng dumarating ang mga bisita. Ang iba ay may dala pang mga prutas at gulay para kay Papa. Tuwang-tuwa naman si Papa sa mga trabahante niya. Kilala si Papa rito sa amin na masayahin at palakaibigan. Hindi siya matapobre at madaling lapitan. Kaya natutuwa ako na maraming nagmamahal kay Papa. Nandito lang ako sa hindi kalayuan at nakatanaw kay Papa na nakikipag-usap sa mga tao. Malakas itong tumatawa habang kausap niya ang mga trabahante niya. "Maraming nagmamahal sa Papa mo. Look at him, giliw na giliw sa kanya ang mga trabahante niya." Ani Damian at tumabi sa akin. Napatango ako, "he is friendly. Lahat nga yata ng tao rito ay kaibigan niya." Sagot ko sa kanya. "Kailan kayo babalik ng hospital?" Tanong ni Damian. "Hindi na. Alam na ni Papa na hindi na siya magagamot pa. Ayaw niya na ring gumastos pa ng malaki sa hospital. Itong bahay nalang namin, ang rancho at palayan nalang ang naiwan sa amin. Ayaw niyang pati ito ay mabenta niya kahit alam naman niyang
Ysa's POV Ano ito? Nasaan ako? Nagtataka kong tiningnan ang paligid. Hindi ito pamilyar sa akin pero parang may kakaiba sa lugar na 'to. Tinitigan ko ang picture frame sa gilid ng kama, naaaninag ko ang itsura ko pero hindi ko makita ang itsura ng katabi ko sa larawan. Kinuha ko ang picture frame para titigan kung sino ang kasama ko pero bigla ko itong nabitawan kaya nabasag ito. Kumabog ng malakas ang puso ko. Napatingin ako sa basag na picture frame at sa hindi malamang dahilan ay sumikip ang dibdib ko. Para akong kinakapos sa paghinga. "Oh, my gosh!" Bulalas ko ng magising ako. Hinihingal akong napabangon sa kama. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya napainom ako ng tubig. Dinama ko ang kanang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. I exhaled deeply. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Ilang beses na akong na nanaginip na may kasama akong lalaki na hindi ko naman mamukhaan. Simula ng dumating si Damian sa bahay namin ay palaging 'yon ang panaginip ko. Ang akala ko ay mawawala la
Ysa's POV Pauwi na ako galing sa rancho ng makita ko si Manong Juan kasama si Damian. Nakasunod sila sa kalabaw na hila-hila ang karo na may lamang kahoy. "Oh, Ysa. Pauwi ka pa lang?" Tanong ni Manong sa akin. Napatingin naman sa akin si Damian. Tipid akong ngumiti sa kanya at binalingan ng tingin si Manong habang naglalakad kami. "Opo. Hindi ko napansin ang oras." Sagot ko sa kanya. Mag-aalas kuwatro na kase. Usually ay bago mag alas tres ay nasa bahay na ako. Hinubad ko ang suot kong longsleeves at tinali sa bewang ko, nakasuot nalang ako ng sleeveless top ko. Ang init pa rin kahit mag-aalas kuwatro na. "Sinama ko si Attorney. Nangahoy kami." Ani Manong. Mahina namang napatawa si Damian. Parang may naaalala itong nakakatawang nangyari. "And I almost killed myself." Naiiling na wika nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. May halong pag-aalala ang pagtingin ko sa kanya. "Why? Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko. "Well, sumakay ako sa kalabaw. Bigla siyang tumakbo
Ysa's POV "Anak?" Tawag sa akin ni Papa. Ngumiti ako kaagad kay Papa at lumapit. Nasa rancho ako ngayon at nagpapakain ng mga kabayo. "Papa, bakit ka nandito?" Ani ko. Kahit na may sakit si Papa, he always make sure na maayos ang pamamalakad sa rancho at farm niya. Pinipilit nitong maging masigla para hindi halata na may sakit siya. "Nakakabagot sa bahay, Anak. Tsaka exercise na rin," ngumiti ito sa akin. Tiningnan ko kung may kasama siya-- "Nasa labas si Attorney." May halong tukso ang boses nito. "H-ha?" Malapad na ngumiti si Papa, "sinama ko na si Attorney. Ang sabi sa akin ni Juan ay iniwan niya raw dito kahapon si Attorney." "A-ah, opo. Nagkakera kami kahapon. Magaling pala siya." Bahagya akong napangiti. My Father smiled at me teasingly. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Napailing naman ito. Ilang araw palang dito si Atty. Damian sa amin pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Para bang kilala ko ito. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Nang una ko siyang ma
TITLE: Married to the Ruthless Mafia Boss (not yet final) "Levi, kailangan mo ng maghanap ng mapapangasawa mo." Humithit ng sigarilyo si Levi at bumuga ng usok. He doesn't care about policies but this one, he can't ignore this. Kinukulit siya ng kanyang Tatay at ng ibang Elders na mag-asawa na. As a Mafia Boss and a leader to his organization, he can't remain unmarried. He needs an heir to succeed his throne. That's the policy of their organization. Since he was a child, he was taught to be ruthless because he will inherit his Father's title, the Mafia Boss. He can't be soft hearted. Kaya hindi siya marunong magmahal dahil hindi siya lumaki sa pagmamahal. Lumaki siya sa karahasan. His Father doesn't love his Mother. Nakita niya kung paano i-trato ng Tatay niya ang kanyang Nanay. His Mother didn't care about him. All she wants is money. Wala ng iba pa. Ngayon ay kailangan niya nang maghanap ng babaeng mapapangasawa. "Wala akong balak mag-asawa." Matigas na wika ni Levi.