Bella's POV Kagabi ay tinulungan kong mag-empake si Damian ng mga dadalhin niyang mga gamit dahil ngayong araw na siya aalis. Nagbilin siya sa akin na kapag daw may kailangan ako ay tawagan ko lang daw si Azrael o si Jane dahil baka hindi niya raw masagot ang text o tawag ko dahil magiging busy siya sa mga susunod na araw dahil sa business convention at seminar na dadaluhan niya. "Huwag mo na akong aalalahanin dito, Damian." Ani ko at ngumiti sa kanya. "Next time I will bring you with me, okay?" Aniya. Tumango ako sa kanya, "sige na. Baka ma late ka pa sa flight mo." Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. "Take care of yourself, Muffin." Sabi nito. "Opo," sagot ko sa kanya, "mag-ingat ka roon." Bilin ko sa kanya. "Of course." Sagot nito at ngumiti sa akin. Kumaway ako sa kanya nang makalabas na ito sa condo niya. Sumenyas naman ito na pumasok na ako. Ngumiti ako sa kanya at sinunod siya. Nililibang ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro o 'di kaya ay sa panon
Bella's POV Natahimik ako sa sinabi ng nagpakilalang Fiancée ni Damian. Napatulala lang ako sa kanya. I can see how proud she was while looking at me. Sinampal ako ng reyalidad para matauhan ako. Pero paano kung nagsisinungaling pala siya sa akin? Paano kung gawa-gawa niya lang na ikakasal na siya kay Damian? Bago pa ako makare-ak ay pumasok na ito sa loob ng condo ni Damian. Binangga pa nito ang balikat ko at masama akong tiningnan. "Tek--" "Ma'am!" Napalingon ako sa nagsalita. Nakangiti ang delivery guy habang nakatingin sa akin bitbit ang ni-order kong pagkain. Kinuha ko na lang ito at mabilis na nagpasalamat at pumasok ng condo ni Damian. Naabutan kong prenteng nakaupo si Francine sa couch. Ang mga mata nito ay nakatingin sa paligid ng condo. Pinatong ko muna sa mesa ang box ng pizza at chicken. I cleared my throat at lumapit sa kanya. Tumaas naman ang kilay nito nang makita niya akong umupo sa harap niya. "Are you his maid? New toy? Bed warmer?" para itong nang-i
Bella's POV Nang sumapit ang alas syete ng gabi ay tapos na akong magluto. Hinanda ko na ang mga pagkain na nakalagay sa food containers para ibigay sa mga security ni Damian na nakabantay sa akin. Naayos ko na rin ang mga inumin na ni ready ko para sa kanila. Kanina pa tumutunog ang phone ko at alam ko kung sino ang tumatawag sa akin. Hindi ko ito sinasagot dahil hindi ko siya kayang makausap pa. Ang galing niyang magpanggap. Napaniwala niya ako sa mga panloloko niya sa akin. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto kaya nagtungo ako roon para tingnan ang monitor kung sino ang nasa labas. Si Azrael. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Napatitig ito sa akin na para bang may napapansin itong kakaiba sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Pasok ka, Azrael. Tapos ko nang ihanda ang mga pagkain," wika ko at pinatuloy siya, "sinarapan ko ang luto para naman ganahan kayong kumain." Ani ko habang naglalakad patungo sa kusina. Nakasunod lang sa akin si Azrael. "Tumatawag daw po si Boss sa inyo." A
Bella's POV Dalawang araw na ako rito sa bahay ng kaibigan ko. Nagdecide na ako na bukas ay aalis na ako rito at maghahanap na apartment o bahay para doon na manirahan. Kapag nakahanap na ako ng matutuluyan ay tsaka na ako maghahanap ng trabaho. Gusto ko sanang bumalik ulit sa club bilang isang waitress pero nagdadalawang isip pa ako. Kung wala siguro akong mahanap na trabaho ay baka bumalik ako roon. Hindi ko alam kung nakauwi na ba si Damian o hindi pa. I blocked Azrael's number yesterday. Baka alam na rin ni Azrael na wala na ako sa condo ni Damian. Ilang araw na akong walang contact kay Damian at panigurado akong pinapuntahan niya na ako kay Azrael sa condo niya.He is always like that. Kapag natagalan akong makareply sa kanya ay kakatok sa condo si Azrael para sabihin na kanina pa ako tinatawagan o china-chat ni Damian.Napabuga ako ng malalim na hangin. Sana ay walang nangyaring masama sa kanila ni Azrael. I put sleeping pills sa inumin nila ni Azrael para hindi nila ako map
Bella's POV I was taken aback with his emotions. Bella, wake up! Hindi ka dapat nagpapadala sa nakikita mo ngayon! Nag-iwas ako ng tingin at hinawakan ang seradura ng pinto at sinara ito pero hinawakan ni Damian ang pinto at pinigilan ito sa pagsara. "Ano ba? Umalis ka na rito!" Galit na sigaw ko sa kanya habang sa ibang direksyon nakatingin. Hindi ko siya kayang tingnan dahil nanlalambot ang puso ko. "I was loooking for you, Muffin! I can't focus that I had to leave my company kahit na kailangan pa ako roon!" galit na sabi nito, "and what now? Ngayong nahanap na kita paalisin mo lang ako? That's bullshit, Muffin! Ni hindi mo ako sinagot kung bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam ng maayos." Matalim ko siyang tiningnan. "Bakit mo pa ako hinanap? Kaya nga ako umalis dahil ayaw na kitang makita!" Pinipigilan kong magalit at sumigaw. Ayaw kong maeskandalo rito. Hindi ko ito bahay at nakikitira lang ako. Baka kung ano pa ang sabihin nila kay Andrea at makarating sa Mama n
Bella's POV Nang makapasok kami sa kotse ni Damian ay nakita kong nasa loob si Azrael. Siya ang driver ngayon ni Damian. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Good afternoon, Miss Bella." Bati nito sa akin. "Good afternoon, Azrael." Ani ko. "Drive us home." Utos ni Damian na sinunod naman ni Azrael. Nasa tabi ko lang si Damian nakaupo. Nakapikit ang mga mata nito. Ang braso naman niya ay nasa bewang ko nakapalibot. Nagpumilit ako kay Damian na dalhin na lang namin ang dalawang bag na dala ko. Hindi ko naman nilabas sa bag ko ang mga gamit ko kaya hindi na ako matatagalan para mag-empake. Walang nagawa si Damian kaya dinala na namin ang dala kong dalawang malalaking bag. Gusto niya kase sana ay ipakuha na lang sa mga tauhan niya iyon pero nagpumilit akong dalhin na lang namin para hindi na ako maka-abala kay Andrea. "Call your friend now, Muffin." Utos ni Damian sa akin. "Ite-text ko na lang siya. May pasok na siya nang ganitong oras." Sagot ko sa kanya. "All right, Muff
Bella's POV "You're going to stay in my room now. Aayusin natin mamaya ang mga gamit mo dito sa kuwarto ko." Ani Damian ng kumalas ito sa pagyakap sa akin. He smiled at me. Hinawakan nito ang kamay ko. Hindi na ako nagdalawang isip at tumango kay Damian bilang pagsang-ayon ko sa kanya habang nakangiti. "Kunin ko na ang mga gamit ko para maayos ko na." Wika ko. "Mamaya na," aniya at niyakap ako ulit, "let me savor this moment with you, Muffin." Mahigpit ko siyang niyakap at pinikit ang mga mata ko. Sobrang saya ko ngayon. Alam ko na ang totoo. Mahal ako ni Damian at wala siyang fiancée. Isa ito sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Maliban kay Tito Nathan, si Damian ang pinakamahalagang lalaki ngayon sa buhay ko. "Damian?" Tawag ko sa kanya. "Yes, Muffin?" Sagot nito sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Damian at tiningnan siya ng seryoso. "Hmm. Kakausapin mo ba si Francine?" "Yes, I will talk to her one of these days," sagot nito sa akin, hinaplos nito ang bali
Bella's POV Nagising akong may humahalik sa pisnge ko. Kaagad akong napangiti. "Good morning, Muffin." Bati nito sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakangiti si Damian habang nakatingin sa akin. "Good morning," nakangiting bati ko sa kanya, "kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kanya. "Not really." Anito at inalalayan akong makaupo. Sumandal ako sa headboard ng kama niya, wala akong suot na damit kaya inayos ko ang pagkakatabon sa dibdib ko gamit ang kumot niya. Ito ang unang gising ko katabi si Damian bilang girlfriend niya. Girlfriend niya. Kinilig ako. Naiiling akong ngumiti. Napatingin naman si Damian sa akin. "Why are you smiling like that?" He asked. "Wala," sagot ko, "hindi ka ba papasok sa trabaho? Anong oras na." Alas nuebe na kase ng umaga at kakagising lang naming dalawa. "Nope. Bukas na ako papasok. I'll help you move your things here in our room." Anito. "Our room?" Pag-uulit ko. "Yeah?" lumapit ito sa akin, "this is our room, M
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak