Bella's POV
Alas tres na ng hapon at pauwi na kami galing ng The Shire dahil nagpractice kami ng isasayaw namin sa susunod na araw sa anniversary ng The Shire. Napag-usapan nila Michelle at ng top management na sasayaw kaming anim sa entablado. Ang napili nila ay belly dancing. Ilang linggo na rin kaming nagpapractice para ma perfect namin ang sayaw namin. "O, isa pa!" Sigaw ng nagtatawag ng pasahero. "Kuya, mukhang bata na lang ang kasya d'yan ipipilit mo pa." Wika ni Persephone. Mahina ko naman itong hinampas. Tumawa lang ito ng mahina. "See you later, Belle." Ani Persephone at humalik sa pisnge ko, "mauna na ako. Doon ako sasakay sa naka-aircon." Turo nito sa bagong dating na bus. Nang makasakay na si Persephone ay pumara naman ako ng jeep. Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa malapit na market sa amin at bumili ng uulamin namin mamaya at mga gulay. Nagha-hum ako habang naglalakad pauwi sa bahay. Kapag may nakakasalubong akong kakilala ko ay binabati ko ito. Nang makarating ako sa bahay ay nakabukas ang gate namin. Nagtaka naman ako dahil mukhang walang tao ang bahay pero nakabukas ang gate. Nakalimutan na naman sigurong i-lock ni Tita Eliza. Panigurado ay nasa kumare niya na naman iyon at nakikipagchismisan. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi na raw siya pumupunta sa sugalan. Hindi ko lang alam kung totoo ba ang sinasabi niya. Binuksan ko ang pinto namin at wala ngang katao-tao ang bahay. Ang alam ko ay nasa trabaho si Tito, hindi ko lang alam kung nasaan ang mag-ina. Dumiretso ako sa kusina at hinugasan ang pinamili ko para mailagay ko na ito sa fridge. Habang naghuhugas ako ng mga pinamili ko ay may naririnig akong mahinang ingay. Kumunot ang noo ko. Sinundan ko ang ingay at parang sa kwarto ko ito nanggagaling. May kinuha akong bakal na tubo, pang depensa lang at baka may nakapasok na magnanakaw sa bahay namin. Habang papalapit ako ay may naririnig akong mahinang umuungol. Mas kumunot ang noo ko. Guni-guni ko lang ba ito? Mahina kong pinihit ang doorknob ng pinto ko at binuksan ito. Nang mabuksan ko na ng tuluyan ang pinto ko ay doon nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko ang hawak kong bakal na tubo. Gulat namang napatingin sa akin ang nasa loob ng kwarto ko. Si Eloiza ay nakapatong kay Adrian at sa kama ko pa sila nagtatalik! Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. "Bella!" Sigaw ni Eloiza at mabilis na umupo sa kama ko at tinakpan ang hubad niyang katawan. Sa kanya lang ako nakatingin. I am disappointed at the same time ay naaawa kay Eloiza. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang pinsan ko ay nakikipagtalik sa lalaking muntik na akong gahasain! "Honey! It's not what you think! She seduced me!" Paliwanag ni Adrian at lumapit sa akin. "Eloiza..." Hindi makapaniwalang tawag ko sa pangalan niya. Hindi naman ito makatingin sa akin ng diretso. Binalingan ko ng tingin si Adrian, hinawakan nito ang braso ko kaya marahas ko itong winakli. Sinampal ko siya ng malakas at galit na galit na tinitigan. "Gago ka pala e! Ang akala mo ba ay magagalit ako dahil mahal pa kita at nakita kitang nakikipagtalik ka sa pinsan ko?" sigaw ko sa kanya, "baka nakalimutan mong hindi kita minahal at halos isang buwan na tayong hiwalay!" Natigilan naman ito sa sinabi. "Eloiza...hindi ko alam na ganyan ka pala ka baba," matalim ko siyang tinitigan, "at dito pa talaga kayo sa kwarto ko nagtalik? Ha?!" Galit na sigaw ko. "It's thrilling," nakangising wika ni Adrian, "fucking her was quite good, nakaisa pa nga lang kami. You can join us, come on!" Parang lumabas lahat ng init sa katawan ko at parang kumukulo sa galit ang dugo ko. Sasampalin ko na sana ulit siya ng mahawakan nito ang kamay ko ng mahigpit. "Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya. "I can fuck you both!" Malademonyong sigaw nito. Ngayon ko lang napagtanto na namumula ang mga mata ni Adrian. Shit! Naka drugs ba siya? Sisipain ko sana siya pero mabilis niyang inipit ang mga legs ko gamit ang legs niya. Hindi ako makagalaw. "Tama na, Adrian!" Sigaw ni Eloiza. Nakabihis na ito at pilit na tinutulak si Adrian pero mas malakas si Adrian at naitulak niya si Eloiza at malakas na sinampal. Napahawak naman ito sa pisnge niya. Pansin kong parang nanghihina si Eloiza. "Eloiza!" Sigaw ko. Umiiyak na ito. "Demonyo ka talaga, Adrian!" Galit na sigaw ko. "You were lucky last time dahil tinulungan ka ni Damian, ngayong tayo lang ang nandito ay magagawa ko na ang dapat matagal ko ng ginawa sa 'yo. Bonus na lang ang pinsan mo." Tumawa ito at nilapit ang mukha niya sa leeg ko at inamoy-amoy ito. "Eloiza! Humingi ka ng tulong! Bilisan mo!" Sigaw ko habang nagpupumiglas kay Adrian. "She can't do that. She's weak right now. Mukhang tumalab na ang gamot sa kanya." Aniya at kinagat ang tenga ko. Tumayo naman ang mga balahibo ko sa ginawa niya. "A-anong ginawa mo kay Eloiza? Ano?!" Galit na sigaw ko. Tumawa lang ito at pilit akong hinahalikan. Nangilid na ang luha sa mga mata ko. "Ssh. I know na dadating ka kaya handa ako ngayon." Bulong nito sa akin. Sinulyapan ko si Eloiza pero parang wala ito sa sarili. Mas napaiyak pa ako dahil sa kalagayan ng pinsan ko. "Tulong! Tulungan niyo-----" Hindi ko na natapos ang pagsigaw ko dahil tinakpan ni Adrian ang bibig ko. May kinukuha ito sa mesa kaya pinagkakalmot at hampas ko siya pero parang wala itong nararamdaman. Nakangisi lang ito at inaabot ang kung ano man ang nasa mesa. Nanlaki ang nga mata ko ng makita ko na ang kinukuha niya sa mesa. Isa itong injection at may laman itong liquid sa loob. "B-bella! B-bella!" Nanghihinang tawag ni Eloiza sa akin. Pilit niyang tinulak si Adrian pero napahiga lang ito sa kama ng malakas siyang tinulak ni Adrian. "Wala ka ng takas ngayon." Ani Adrian at tinusok sa braso ko ang karayom. Napaluha ako. Mukhang wala ng taong pwedeng tumulong sa akin ngayon. Mukhang matutuloy na ni Adrian ang masamang binabalak niya sa akin, ang masakit pa ay nadamay pa pati ang pinsan ko. Napalingon ako sa nakasaradong bintana ko ng may narinig akong may nagbukas ng gate at malakas na pagbukas ng pinto namin. "Shit!" Mura ni Adrian at umalis mula sa pagkakadagan sa akin. Agad kong kinuha ang injection na nakaturok pa sa braso ko at tinapon ko iyon sa sahig. Mabuti na lang at hindi natuloy ni Adrian ang pagturok ng droga sa akin. Mabilis kong kinuha ang phone ko at nanginginig na ni dial ang number ni Damian. Kinakabahan at natatakot ako habang nakatitig sa nakatalikod na katawan ni Adrian sa akin. Kinuha nito ang tubo at tumayo sa pinto ko. "Sagutin mo, please. Damian, please." Piping dasal ko. Nakailang ring pa bago sinagot ni Damian ang tawag. "Bella?" Aniya sa kabilang linya. Sa pag rinig ko ng boses niya ay nabuhayan ako. "A-attorney...t-tulungan mo ako, p-please." Mahinang bulong ko habang umiiyak. "Where are you, Bella? What's happening?" Nag-aalala na tanong nito. "S-sa bahay. A-attorney, please." Mabilis kong pinatay ang phone ko at tinago ito sa bulsa ko dahil nakita kong gumalaw si Adrian. Humarap ito sa akin at sinensayahan akong tumahimik habang nakatutok kay Eloiza ang bakal na tubong hawak niya. Hindi ko alam kung sino ang nasa labas. Kapag may ginawa akong maling hakbang ngayon ay pareho kaming malalagay sa kapahamakan. Tumango ako kay Adrian. Si Damian na lang ang pag-asa ko. Sana ay dumating siya. May narinig akong kotse na tumigil sa labas ng bahay namin. Mukhang marami ito. "Eliza!" Napalingon ako sa bintana. May lalaking malakas na sumisigaw. Narinig ko ring hinahampas ang gate namin ng paulit-ulit. "Lumabas ka r'yan at bayaran mo ang mga inutang mo sa akin!" Galit na sigaw ng lalaki sa labas. "Putangina! Anong gagawin ko?" Nanlaki ang nga mata ko ng makilala ko ang boses. Si Tita Eliza! Hindi ito malakas pero sigurado akong si Tita Eliza iyon! "Mamili ka, Eliza, lalabas ka r'yan at babayaran mo ang utang mo sa akin o pasasabugin ko ang bahay mo?" Napasinghap ako sa narinig ko. "Madadamay pa ako sa kagaguhan ng Tiyahin mo!" Galit na wika ni Adrian. Mabilis itong nagsuot ng damit niya at kinuha ang bag niya. Mabilis niyang kinuha ang mga jalousie windows sa bintana ko. Pwede akong sumama kay Adrian na tumakas pero hindi ko kayang iwan ang pinsan at Tita ko. "Isama mo si Eloiza, please." Pagmamakaawa ko kay Adrian pero hindi niya ako pinansin at tumalon na ito. "Eliza! Lumabas ka na, r'yan!" Magbibilang ako hanggang tatlo, kung hindi ka lalabas ay papaulanan ko ng bala ang bahay mo! Alam kong nasa loob ka!" Malakas na sigaw ng lalaki sa labas. Hindi ko naman pwedeng ihagis si Eloiza sa bintana at may kataasan ang kwarto ko. Nanginginig ang kamay kong ni dial ulit ang number ni Damian pero hindi na niya nasagot ang tawag ko. Tumawag ako sa police station pero puro toot toot lang ang naririnig ko. "Isa!" Bilang ng lalaki sa labas. Nagmadali akong lumabas sa kwarto at hinanap si Tita Eliza na nakaupo sa sofa at may tinatawagan. Nanginginig ang mga kamay nito. "Tita! Sino ang mga tao sa labas?" Natataranta kong tanong sa kanya. Napatingin naman ito sa akin at hinila ang braso ko. "Dalawa! Eliza! Lumabas ka na!" Galit na sigaw ng lalaki sa labas. "Tita! Sino sila?" Natatakot na tanong ko. "Manahimik ka at sumama sa akin!" Sigaw ni Tita at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Binuksan niya ang pinto at tinulak ako palabas. Ang daming tao at mukhang hindi sila ang tipo ng tao na gugustuhin mong makasalamuha. "Siya! Siya ang pambayad ko!" Sigaw ni Tita Eliza. Nanlaki ang mga mata ko at nilingon si Tita. Hindi ito makatingin ng diretso sa akin. "Hmm. Hindi na masama, pero kailangan mo pa ring bayaran ang utang mo. Kolateral na muna siya kapalit ng buhay mo." Wika ng lalaking sa tingin ko pinagkakautangan ni Tita Eliza. "Tita! Ano ito? Gagawin mo akong pangbayad sa mga utang mo? Tao ka pa ba?" Galit na sigaw ko. "Wala na akong choice!" Sigaw pabalik ng Tita ko. Matalim ko siyang tinitigan habang umiiyak, "ang akala ko ay tumigil ka na sa pagsusugal mo. Hindi ka pa ba nadala ng muntik na akong magahasa? Ngayon ako ang ipangbabayad mo sa kanila? Wala kang puso!" Galit na sigaw ko. "Tama na ang drama! Sumama ka na sa amin!" Sigaw ng lalaki. Nilingon ko ang nagsalitang lalaki, "magkano ang utang niya sa inyo? Ako na ang magbabayad!" Matapang na sabi ko kahit na takot na takot na ako. "Hmm. Magkano nga ba? Umabot lang naman ng halos dalawang milyon!" Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sagot ng lalaki. Dalawang milyon? Saan ako kukuha no'n? "Anong dalawang milyon? Wala pa sa kalahating milyon ang inutang ko sa 'yo, Juancho!" Sigaw ni Tita. "Nakalimutan mo ba ang araw-araw na interest, ha, Eliza? At kahapon, pinatalo mo ang 300,000 ko sa sugal!" Ani ng lalaki. Hindi ko na kinaya at napaupo na ako sa lupa. Doon na ako umiyak nang umiyak. Wala na akong magagawa. "Bakit hindi ka pa tumigil sa pagsusugal mo, Tita? Saan tayo kukuha ng pangbayad sa kanila?" Umiiyak na sabi ko. Halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak ko. "Kunin niyo na ang kolateral! Babalik na lang tayo para sa full payment." Humalakhak ang lalaki, "may makakalaro na tayo araw-araw." Sinubukan kong tumayo ng may papalapit sa aking mga lalaki pero nabigo ako. Para akong nawalan ng lakas. Nagmamakaawa akong napatingin sa Tita ko pero hindi niya ako pinansin. Namumula ang nga mata nito dahil sa pag-iyak. "T-tita! Hindi p-pwedeng ako ang gawin mong pambayad. Tita!" Sigaw ko ng kaladkarin ako ng tauhan ni Juancho. "Stop right there or I will fucking shoot you!" Napalingon ako sa malakas na boses na narinig ko. Parang naging talon ang pagpatak ng luha sa mga mata ko ng makita ko ang taong hinihintay ko. May hawak itong baril at nakatutok sa lalaking nakahawak sa akin. "A-attorney.." Napatingin ito sa akin. I saw how his jaw clenched at tumalim ang pagtitig ng mga mata nito. "Gentleman, pwede naman nating pag-usapan ito." Narinig kong wika ng isang lalaki. Si Sythrygr. May hawak din itong baril. May kasama pa siyang isang lalaki na pamilyar ang itsura. Parang nakita ko na ito sa bar. Kulay green ang mga mata niya. "At sino naman kayo?" Sigaw ng tauhan ni Juancho. "That guy," turo nito kay Damian, "he's Atty. Damian de Dios. Ako? I'm Sythrygr, that green eyed monster is Killian." Nakangising wika ni Sythrygr. Lumapit si Damian sa akin at hinila ako mula sa lalaking nakahawak sa akin pero hindi ako binitawan ng tauhan ni Juancho kaya nagpaputok ito ng baril at tinamaan sa paa ang isang nakahawak sa akin. Malakas akong napahiyaw. Nakita kong kumuha ng mga baril ang mga tauhan ni Juancho at tinutok ito sa kanila ni Damian pero parang wala naman silang pakialam. Nakangisi lang si Sythrygr at seryoso lang ang mukha ni Killian. Hinila ako ni Damian at niyakap ng mahigpit. "A-attorney..s-salamat at dumating ka." Mahinang wika ko. "Sshh. I'm here now." Aniya. Umiyak ako sa dibdib niya. Hindi ko alam kung paano kami makakaalis dito ngayon. Ang daming baril ang nakatutok ngayon sa amin. "Gusto niyo bang mamatay dito?!" Sigaw ni Juancho. "We're not going to die here. Baka kayo. Gusto niyo ba?" Ani Sythrygr. "Syth, I'm bored. Let me kill that asshole." Ani Killian. "D-damian, natatakot ako." Bulong ko. "I'm here." Anito. Tumango ako kay Damian. Narinig ko namang tumawa si Sythrygr, "gentleman, let's settle this. Hindi ba kayo nahihiya at nagpapaiyak kayo ng mga babae? Come on! That's not cool." "de Dios, anak ka ba ni Fortuna?" Naramdaman ko ang paghaplos ni Damian sa likod ko. "Juancho dela Serna, you know my Dad well." Malamig na turan ni Damian. "Putangina!" malutong na mura nito, "we can't handle Wicked!" Ani Juancho. Wicked? Anong wicked? "I will give you 5 million for his Aunt's debt. Don't you dare fucking harm them again, or else I will kill you." Pagbabanta ni Damian. "You're threatening me?" Ani Juancho. "I always do what I say, Juancho. Huwag mo akong subukan." Matigas na sabi ni Damian. Nagtitigan si Damian at si Juancho, sa huli ay tinaas ni Juancho ang kamay niya at binaba ng mga tauhan niya ang mga baril na nakatutok sa amin. "Ang lakas din ng loob niyong tatlo na harapin kami." Ngumisi ito kay Damian. Inalalayan ng tauhan niya ang nabaril niyang isa pang tauhan papunta sa kinatatayuan ni Juancho. "You are sorrounded, Juancho. Anong akala mo sa amin, tanga?" Ani Sythrygr. Napalingon naman sa paligid si Juancho, may mga lalaking nakaitim sa likod nila at ang iba ay nasa gilid lang nila. Hindi ko napansin ito kanina. "I will send the payment to your office within an hour. In cold cash." Ani Damian. Napatingala naman ako kay Damian. "Let's go, Bella. Come with me." Aniya na ikinatango ko naman. "You," turo nito sa Tita Eliza ko na nakatayo lang malapit sa pinto, "Bella is coming with me. Hindi na siya uuwi rito." Tumango naman ang Tita ko. Parang wala ito sa sarili. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya sa ginawa niya sa akin ngayon. Inalalayan ako ni Damian na maglakad. Unti-unti ay nagsi-alisan na rin ang nga tauhan ni Juancho. May mga kapitbahay akong nakakita ng mga nangyari ngayon. Natatakot ako at baka kung ano ang mangyari sa Tito Nathan ko kapag nalaman niya ang nangyari ngayon. "Syth, Killian, we need to go now. Thank you for today." Ani Damian. Lumapit naman ang dalawa kay Damian at nagbro hug. "Thank you po." Sabi ko sa kanila. Tumango silang dalawa sa akin. Ngumiti si Sythrygr bago sumakay sa kotse. Inalalayan naman ako ni Damian at pinasakay sa kotse niya.Bella's POV Nasa condo na kami ngayon ni Damian. Pinaupo niya ako sa couch. Napatingin ako sa kabuuan ng condo niya. Mas maganda ito at mas malaki kesa sa isang condo niya. Pagbalik ni Damian ay may dala na itong bottled water, binuksan niya muna ito bago binigay sa akin. Nilapag niya naman ang isang puting box sa mesa. "Thank you, Attorney." Ani ko. "You can stay here. I have a spare room na hindi ginagamit since kakalipat ko lang dito." Aniya at umupo sa couch. "Maraming salamat, Attorney. Mabuti na lang at dumating kayo." Wika ko. Paano na lang kaya kung hindi sila dumating? Mabuti na lang at nakatawag ako sa kanya kanina. Nagring ang telepono nito kaya sinagot niya ito. "What?" Aniya at napatingin sa akin, "did you take pictures of the area and the evidence?....settle her bills." Aniya at binaba ang tawag. Base sa pananalita nito kanina at sa itsura niya ngayon ay galit ito. "What really happened, Bella?" Mariing tanong nito sa akin, "nasa hospital ngayon ang pi
Bella's POV Padilim na ng makauwi kami sa condo ni Damian. Naligo kaagad ako dahil may pasok pa ako sa club mamaya. Nagmamadali akong nagbibihis ng kumatok si Damian. "Bella, dinner is ready." Aniya. "Susunod na lang ako." Sigaw ko habang inaayos ang bag na dadalhin ko. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa dinning area na si Damian. "Where are you going?" Kunot noong tanong nito. "May pasok ako sa club ngayon." Sagot ko sa kanya at umupo sa upuan. "You should resign now." Matigas na sabi nito. "Hindi pa pwede. Kailangan kong pumasok." Sagot ko sa kanya. Sumandok ako ng kanin at nilagay sa plato ko. "Paano kung puntahan ka roon ng mga tauhan ni Montalvo?" Natigilan naman ako. "S-safe naman ako sa loob ng club. Mag-iingat na lang ako." "You're really stubborn!" He sounded pissed, "ihahatid na kita. Kumain ka na." Anito. Magkasalubong ang kilay nito habang naglalakad patungo sa kwarto niya. Napabuntong-hininga ako. Habang nagtatrabaho ako ay nasa isang t
Bella's POV Before 5 p.m. ay nasa club na ako. Sabay kaming dumating ni Kathnisse. Kaninang umaga pa raw busy ibang staff dito para magprepare sa anibersaryo ng club. Hindi ko alam kung may iba pa silang pakulo mamayang gabi. Ang alam ko lang ay sasayaw kaming anim sa entablado dahil sa in demand daw kami. Pagkapasok namin sa dressing room ay naabutan namin roon sila Persephone at Siberia, pagkatapos naming magbati-an ay lumabas na rin sila kasama si Kathnisse. Iniwan ko ang bag ko roon at akmang lalabas na ng marinig kong nagring ang phone ko. "Girls! Rehearsal time na!" Sigaw ni Ski sa labas. Hindi ko na pinansin ang tumatawag sa phone ko kaya umalis na ako dahil nakapamaywang na si Ski at mukhang naiinip na ito.Halos dalawang oras din kaming nagpractice ng sasayawin namin mamaya. Pagkatapos naming magpractice ay kumain na kami ng dinner namin dahil nagpa-order si Michelle. Pagkatapos naming kumain ay naligo ako para mamaya ay mag-aayos na lang ako ng sarili ko. Gusto ko munan
Bella's POV Nagising ako ng marinig kong magring ang phone ko. Napatingin ako sa orasan, alas dos pa lang ng hapon. Tinatamad ko itong kinuha sa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita kong si Michelle ang tumatawag ay sinagot ko ito kaagad at nakapikit na nilagay ang phone ko sa tenga ko. "Hello, Michelle?" Ani ko at humikab. "Bella, good afternoon." Bati nito sa akin. "Napatawag ka, Michelle?" "Uhm..ano kasi...may sasabihin ako." Parang nag-aalangan ang boses nito. Patagilid akong humiga sa kama at niyakap ko ang unan. Pinatong ko lang sa tenga ko ang phone. "Ano 'yon, Michelle? Bilisan mo at inaantok pa ako." Inaantok na sabi ko habang nakapikit. Parang hinihila na ako ulit ng antok ko at gusto ko ng matulog. Narinig ko itong nagbuntong hininga bago nagsalita, "hindi ka na magtatrabaho sa club. Binili ka na kagabi sa club at hindi ko kilala kung sino ang bumili sa 'yo." Paliwanag nito. "Okay." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan
Bella's POV Pagkatapos naming magdinner kagabi ni Damian ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Siya na ang nagpresenta na magligpit ng pinagkainan namin kaya iniwan ko na siya kaagad dahil naiilang pa rin ako sa kanya. Simula ng hinalikan ako nito sa VVIP room ng club ay pakiramdam ko ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko rin maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Sa lahat ng lalaki ay sa kanya lang ako nagkakaganito. Kahit kay Adrian noon ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Napahawak ako sa labi ko at napatulala. Si Adrian ang first kiss ko pero pakiramdam ko ay kay Damian ko naramdaman ang tamis ng unang halik ko. Iyong unang halik ko mula kay Adrian ay napilitan lang ako dahil sa boyfriend ko siya at parang naging obligasyon ko iyon bilang girlfriend niya kaya pinagbigyan ko siya, pero iyong kay Damian...kakaiba. Iba ang excitement ko nang gabing iyon at kakaiba ang tibok ng puso ko. Siya ang unang humalik sa akin, hindi siya humingi ng permiso na halikan
Bella's POV Maaga akong nagising para magluto ng agahan namin ni Damian, may pasok ito sa trabaho kaya kailangan ko siyang pagsilbihan bilang katulong rito sa condo niya. Bago mag-alas otso ng umaga ay umaalis na ito papunta sa trabaho niya kaya alas sais pa lang ng umaga ay gumising na ako para magluto ng agahan namin. Ginawan ko ng sandwich si Damian. Nagluto naman ako ng fried rice at longganisa para sa akin. Nagtimpla rin ako ng juice at nilagay muna sa fridge. Ilalabas ko na lang 'yon mamaya kapag lumabas na si Damian sa kwarto niya. Maya-maya pa ay narinig ko ng nagbukas ang pinto ng kwarto ni Damian. Nakabihis na ito. Nagtungo ito sa dining area at napatingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa. "Good morning, Sir," bati ko sa kanya, "kumain na po kayo." Ani ko. "Good morning, Bella. Sabay na tayong kumain." Anito at umupo na sa upuan. "Ginawan kita ng sandwich kase naalala ko na hindi ka naman nagra-rice kapag umaga." Ani ko sa kanya at nilapag ang kapeng tinimpla ko.
Bella's POV Hiyang-hiya ako sa naabutan ni Damian kanina nang makauwi siya. Bakit ba kase sa dinami-dami ng mahahawakan ko habang tulog e, iyong boxer briefs niya pa? Napailing ako. Hindi ko tuloy na enjoy ang hapunan ko kanina dahil sa kahihiyang nararamdaman ko. Ni hindi ako nabusog kanina sa dinner dahil sa nahihiya akong harapin si Damian. Nainis pa ako dahil sa pagngiti-ngiti niya sa akin. Tila inaasar pa ako! Mukhang aliw na aliw naman ito sa pang-aasar sa akin! Mag-aalas dose na ng hating gabi at hindi pa ako makatulog dahil nakaramdam ako ng gutom. Nahihiya akong lumabas at baka kung ano ang isipin niya kapag nalaman niyang kumakain ako ng hating gabi. "Tulog naman na siguro 'yon." Sambit ko at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Maaga siyang pumapasok sa trabaho kaya malamang ay tulog na iyon ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at naglakad patungo sa kusina. Ni-on ko ang ilaw at binuksan ang fridge. Bukod sa may natirang ulam kanina ay may veg
Bella's POV Nandito kami ngayon sa opisina ni Atty. Montemayor dahil makalipas ang ilang araw ay nagfile ang kampo ni Adrian ng Petition for Bail dahil non-bailable ang kasong rxpe case na ni-file ni Eloiza laban kay Adrian. May scheduled date na ang hearing. Next week na ito kaya pinatawag kami ni Atty. Montemayor para pag-usapan ang kaso namin ni Eloiza. Kami lang nila Tito ang narito ngayon dahil may hearing pa si Damian. Pinahatid niya lang ako rito sa driver niya, sila naman ni Tito ay pinasundo niya sa bahay para ihatid dito. "Atty., pwede bang hindi na muna um-attend si Eloiza sa hearing?" Pagtatanong ni Tito Nathan. "Pwede po, Mr. Reyes. Okay lang po na hindi muna sa ngayon, ang importante po ay makapunta siya sa court hearings mismo," sagot nito kay Tito, binaling nito ang tingin niya kay Eloiza, "Ms. Reyes, kamusta ka na?""Okay lang naman po ako. Palagi pong pinapalakas nila Mama at Papa ang loob ko." Sagot nito kay Atty. Montemayor at bahagyang ngumiti.Nakangiti m
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak