Robot that Winter Alfonso can consider her life because she is the sole heir of his parents. The Alfonso family is in the textile industry, which imports and exports their products to the country. They also have a large plot of land that is planted with pineapples and corn in Bukidnon and his daddy manages it. Floyd Emerson, also the sole heir of the Emersons, was the one who agreed to marry Winter. Floyd is a distant person, business minded and serious person, but since they both know that they will also marry each other, something is happening between the two of them. Winter has loved him ever since. Knowing that this was the man for her, she loved the young man and gave herself to him as well. Even to say that one side of love is happening, that’s okay with Winter. Even though she feels and sees that only her body is important to Floyd, Winter has no problem because she loves the young man. Several times she attempts to show Floyd that she loves him, but it has no reaction to him. She was hurt, but it was okay with Winter. She believes that one day he will love her, too. Did Floyd really not love her, and she didn’t matter to him? Is it true that only her body is important to Floyd and that only their parents’ orders are the reason for them to get married?
View MoreMAINGAT ANG bawat hakbang ni Winter habang papasok siya sa loob ng kanilang magarang mansyon. Alas nuwebe na ng gabi at ngayon pa lamang siya nakauwi dahil nakatulog siya kanina sa bahay ni Emery. Mabuti na lang din at nagising siya kung hindi ay baka bukas na talaga siya nakauwi dito. Sinadya niya na magkaroon ng sariling duplicate key upang kahit na gabihin siya ng uwi ay hindi siya mahalata ng kanyang mga magulang.Dahan-dahan niyang sinara ang malaking pinto at nang lumangitngit iyon ay napangiwi siya at tumigil sandali sa ginagawa. Tumingin sya sa buong paligid ng malaking sala upang tingnan kung mayroon bang tao. Bahagya din siyang nakayuko upang hindi kaagad siya makita ng sinuman. Nang matagumpay niyang mailapat ang pinto ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa hagdan ngunit hindi pa man siya nakakapag sa ikatlong baitang ay narinig na niya ang boses ng kanyang Yaya Anna."Bakit ngayon ka lang umuwi?" Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahang tum
PAGOD NA naupo si Winter sa mahabang sofa nang makarating sila sa bahay ng kaibigang si Emery. Inalis niya ang kanyang maskarang suot at maingat na nilapag iyon sa center table. Sobrang nanlalata siya sa mga nangyari kanina nang makita niya si Floyd na nakatingin sa kaniya. Huminga siya nang malalim bago tinaas ang dalawang kamay at maingat na inalis ang mahabang wig na suot sa ulo. Sinuklay niya iyon gamit ang mga daliri bago pinatong din sa tabi ng maskara niya.Malaking kaginhawaan ang kanyang naramdaman nang lumantad ang kanyang maiksing buhok na medyo curly. Napalingon siya sa kanyang kaibigan nang maupo ito sa tabi niya. Alam niya na kahit ito, shock din sa nangyari.Lumingon ito sa kanya ng dahan-dahan at hindi makapaniwala ang rumehistro sa mukha. "Totoo ba na si Floyd `yung nakita natin kanina sa mall?" tanong nito.Tumango siya ng dahan-dahan dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala. Napalunok pa siya bago ipinikit ng mariin ang mga mata. "Oo. Kasama pa nga sina Hugo at Ag
NAPALINGON SI Winter nang may kumalabit sa kanyang tabi. "Lady Seoli..." Kumunot ang noo niya sa kanyang kaibigan na wala sa kanya ang tingin."Bakit?" tanong niya rito habang dahan-dahan na inaabot sa kanyang fan ang librong pinirmahan niya. “Thank you,” sweet pa siyang ngumiti rito bago umalis sa harapan niya. Tumingin siya sa kaibigan. “Ano ba iyon?”"Look..." Tumuro pa ito sa harapan nila.Hindi pa rin siya nito nililingon kaya naman sinundan niya ang tingin nito.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at na istatwa siya sa kanyang kinauupuan habang nakatitig ngayon sa lalaking naglalakad sa mall. Si Floyd iyon kasama ang kanang-kamay nitong si Hugo. May mga kasama rin ang mga ito na mga bodyguards na lahat ay nakasuot na kulay itim na suit and tie. May kasama rin na babae si Floyd, si Agatha. Adopted sister ni Winter si Agatha na siyang inampon ng kaniyang mga magulang noong nasa highschool sila. Matanda lang ito sa kaniya ng isang taon at anak ng dating katulong nila sa bahay
NAGMAMADALING dinampot ni Winter ang kanyang maskara na kulay ginto at itim at sinuot sa kanyang mukha bago lumabas ng sasakyan. Nagmamadali siyang lumakad-takbo upang makapasok sa isang event hall. Mula sa likod ng building siya dumaan papasok upang masigurado na walang makakita sa kanya. Ang sasakyan niya ay inihilera niya sa mga sasakyan na nakaparada doon. Panay din siya tingin sa mga nadadaanan upang wala siyang makabanggaan.Nang makarating siya sa loob ng isang silid ay kaagad niyang ni-lock ang pinto at mabilis na nagpalit ng damit galing sa loob ng kanyang backpack. Madaling-madali siya sa kanyang ginagawa dahil anumang oras ay magsisimula na ang event at late na nga siya. Sandali niya rin sinuklay ang kanyang mahaba at itim na buhok upang hindi iyon nakasabog dahil siya ay nagpalit ng damit. Nang masigurado ni Winter na ayos na ang kanyang itsura ay huminga siya nang malalim at ang bag na kanyang dala ay nilagay niya muna pansamantala sa ilalim ng drawer.Humugot siya ng mal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments