Revive the Escape

Revive the Escape

last updateHuling Na-update : 2023-01-13
By:   jlav4riel  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 Mga Ratings. 2 Rebyu
27Mga Kabanata
1.0Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

He rather die than letting her escape; torn and regrets. She rather escape than him dying before her very eyes.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

Paano ko nga ba mauunawaan ang mga sandali? Pakiramdam ko kay bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap, natali ako sa isang kasunduang habang buhay kong iisiping isa lamang bangungot ng reyalidad.Sa sobrang bilis, namalayan ko na lamang ang pamamaalam nila sa akin. “Mag-ingat ka,” sabi ni ina na para bang nasa malayo ako pupunta. “Pakatandaan mo ang mga tinuro ko-” Tumikhim siya at lalong lumapit sa aking tainga. “-sa lalong madaling panahon, nararapat magbunga ang pagmamahalan niyong dalawa.”Pagmamahalan? Nangunot ang noo ko sa kaniyang tinuran, nagtataka man ngunit walang lakas upang isaboses ang mga katanongan. Nakuha ang pansin ko ni ama na pasimpleng nilapitan ang lalaking bumihag sa buhay ko. “Sa makalawa-” Kinuha ng kapatid ang atensiyon ko bago ko pa man maunigan ang sinabi ni ama. Doon ko lang namalayang saglit na pumanhik ang ina sa loob. “Nagpaalam siya, hindi mo ba narinig?” may pagtatakang paliwanag ng kapatid.“N-narinig,” baling ko sa kaniya.Hindi man siya tuluyang...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
MaryBlood
one of the best ever -
2023-01-14 12:22:06
1
user avatar
Xiaochun22
so freakin' good
2023-01-09 09:14:25
3
27 Kabanata
Chapter 1
Paano ko nga ba mauunawaan ang mga sandali? Pakiramdam ko kay bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap, natali ako sa isang kasunduang habang buhay kong iisiping isa lamang bangungot ng reyalidad.Sa sobrang bilis, namalayan ko na lamang ang pamamaalam nila sa akin. “Mag-ingat ka,” sabi ni ina na para bang nasa malayo ako pupunta. “Pakatandaan mo ang mga tinuro ko-” Tumikhim siya at lalong lumapit sa aking tainga. “-sa lalong madaling panahon, nararapat magbunga ang pagmamahalan niyong dalawa.”Pagmamahalan? Nangunot ang noo ko sa kaniyang tinuran, nagtataka man ngunit walang lakas upang isaboses ang mga katanongan. Nakuha ang pansin ko ni ama na pasimpleng nilapitan ang lalaking bumihag sa buhay ko. “Sa makalawa-” Kinuha ng kapatid ang atensiyon ko bago ko pa man maunigan ang sinabi ni ama. Doon ko lang namalayang saglit na pumanhik ang ina sa loob. “Nagpaalam siya, hindi mo ba narinig?” may pagtatakang paliwanag ng kapatid.“N-narinig,” baling ko sa kaniya.Hindi man siya tuluyang
last updateHuling Na-update : 2022-10-26
Magbasa pa
Chapter 2
I expect less, kaya hindi na rin ako nadismaya pagkapasok ko sa bahay niya. Pinaalala ko na lamang sa sariling isa lamang akong bilanggo niya. Wala akong karapatan upang mag-inarte. “I have to be a good woman,” bulong ko at pilit na pinalitaw ang ngiti sa labi.“Anong ginagawa mo?” Napansin niya akong nakapikit habang nag-breathe in and out. Hindi na rin naman siya naghintay ng kasagutan at nagpatuloy sa pag-akyat ng naglalakihang Maleta.Ilang sandali akong nakatanga sa kaniya, napalunok nang makatitigan siya ng maigi. Kakaiba lang sa paningin ang makita siyang pawisan ngunit hindi man lang nabawasan ang lakas ng dating. Bago pa man kung saan-saan na mapadpad ang isip ko ay dali-dali akong sumunod sa kaniya. Nang nasa itaas na ay doon ko lang napagtantong iisa lang ang silid na bakante. Ang ibang silid ay may kung anong nakatagong misteryong hindi pinagbubuksan ng lalaki. “Ano bang bahay 'to?” Bulong ko at napansin ang mga duming dumidikit sa may pintuan. “Anong ginagawa mo?” Muli
last updateHuling Na-update : 2022-10-26
Magbasa pa
Chapter 3
Kung dati ay halos sambahin ko ang pagiging mabuting babae, sa pagkakataong 'to ay makakaya ko pa kaya? Kung ang ibignitong sabihin ay ang ipilit ang sarili ko sa bagay na hindi ko makakayang gawin. Habang nasa hapagkainan ay wala akong kibo. Hanggang sa binasag niya ang katahimikan, “Ayos ka na ba?”Kunwari ay nagtaka ako ngunit nagtambol na ang dibdib ko. “Anong ibig mong sabihin?” Balik tanong ko sa kaniya ngunit nalihis ang tingin nang masusi niya lamang akong tinitigan.“Hindi ko alam na g-um-rabe ang hardened sickness mo,” sabi niya at halatang may pag-alala.Hindi ko tuloy maunawaan kung anong iisipin. Muli kong naalala ang nangyari kanina. Kakaiba ang hatid ng yakap niya sa akin. At lalong hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong magpanggap na gano'n nga ang nangyari tulad ng iniisip niya. Kaya paano ako maging mabuting babae? Ang madikit nga lang ang katawan sa kaniya ay hindi ko na maintindihan ang sarili. Panay ang tingin niya sa akin ngunit wala siyang sinabi. Naghih
last updateHuling Na-update : 2022-10-26
Magbasa pa
Chapter 4
“Ano bang iniisip mo nang pagbuksan mo ng pinto ang isang estranghero?” May bahid ng dismaya sa boses ng lalaki. Hindi man lang niya ako pinagbigyan upang magpaliwanag at agad-agad ang pagbato niya ng mga katanongan. “Liz, I know you hate me, but...how can you be this low?” Napatayo ako sa kinauupuan at saglit na tinago ang hindi ko pa man na-umpisahang sulatan na journal. Hindi ko mawari kung tama ba ang pagkakaintindi ko ngunit halos hindi ko na maunawaan ang kirot na bumangon sa loob ko. Hindi pa siya nakuntento at nagpatuloy, “You entertain a man when we were just married. Paano pa bukas, sa susunod na bukas at sa mga susunod pa?” Napaawang na lamang ang bibig ko. “Akala ko namali lang ako ng dinig,” mahinang sabi ko. Pinakatitigan ko siya ng maigi, “Paano mo pala nalaman ang bagay na 'yan?” Nabasag man ang tinig ay dinaan ko 'yon sa tawa. “Don't tell me that you have some sort of eye in this house?” Nilibot ko pa ang tingin sa paligid. Nangunot lamang ang noo niya. “Don't cha
last updateHuling Na-update : 2022-10-26
Magbasa pa
Chapter 5
Hindi ko mawari kung bakit sa nagdaang araw ay panay ang alis niya. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba akong mangamba o magsaya Ngunit dahil roon, nagagawa ko ang mga bagay na dati ay hindi ko magagawa sa tahanan. Bantay sarado kami ng Ina, kaya kung may gusto man akong gawin; nagagawa ko sa likuran ng aming tahanan. Kahit ang mga kapatid ay nahanap ang kagustohan sa sarili nilang paraan.Ngunit tulad ng turo, walang sinuman ang may karapatang tahakin ang daang kanilang ninanais. Lahat ay may nakalaang daang dinidisinyo bago pa man sila isilang sa mundo.“Ngunit mali ang daang ito,” sabi ko at panay ang iling. Katatapos ko lamang basahin ang niluluma nang libro. Sa unang tingin ay akalain mong isang pangaral at karaniwang libro lamang. Ngunit dahil rito'y minulat ang aking kaisipan.Ang pangaral rito'y may malalim na kapahulogan. Maaring walang liwanag sa pupuntahan at pinili mong landas, ngunit ang pagkatoto ay maghahatid sa'yo sa tamang landas...at kakaibang tapang.Matapos sulat
last updateHuling Na-update : 2022-11-04
Magbasa pa
Chapter 6
Mapagmasid niyang nilakbay ang masukal na daan, matalim ang mga matang hindi ko maiwasang hindi titigan. Giniya niya akong sumunod at wala akong pag-alinlangan. Nagulat pa ako nang mapagmasdan ang laman ng malaking basket na pasan-pasan niya. Doon nagtagal ang tingin ko ngunit agad niya 'yong tinabunan.“Ngayon ka lang nakakita ng ganito?” aniya nang mapansin ang gulat sa mga mata ko. Napangisi siya, ngunit hindi ko maiwasan ang talim sa kaniyang tingin. “Hay, Senyorita ka nga kasi,” komento pa niya at may kung anong kakaiba na hindi ko maunawaan.Sinamaan ko na lamang siya ng tingin. Kung ano-anong sinasabi niyang nagpakabog sa dibdib ko. “Ano naman? May masama ba ro'n?” Nagkibit balikat siya at hindi umimik, at hindi ko na alam ang isipin.Napangisi na lamang ako. Nabasa ko ang mga kagaya niyang bukambibig ang mga bagay na hindi nila maabot-aboy, iniisip na lahat nang may kaya ay walang kaalam-alam sa buhay, tulad ko? Nagulat man ako ngunit dahil 'yon hindi ko inakala... Kahit na a
last updateHuling Na-update : 2022-11-04
Magbasa pa
Chapter 7
Ngunit hindi panaginip ang lahat. Nagulat man ay hindi ko pinahalata ang pagpasok ni Dan sa silid.“Liz,” tawag niya, hindi makatingin sa direksiyon ko. Napataas ang kilay ko. “Bakit parang balisa ka diyan?” tanong ko dahil isa 'yong imposible. Napalunok siya nang humarap. “Ayos ka ba?”Natulala ako, hindi maunawaan ang biglang pagkabog ng dibdib. Napaikot na lamang ang mata ko. “Oo naman! Bakit hindi?”Napakamot siya sa batok, bumibigat ang paghinga. “Bakit...ka nasa gubat-”“Ah!” bigla akong napasigaw, sapo ang kanang braso. Nagulat nanam ako sa biglang pagdalo niya at nakakabiglang reaksiyon.“L-liz? W-what's wrong?” hindi siya magkamay kung saan ilalagay ang kamay at nanginginig na lamang na napailing. “S-saan masakit? Liz...” Napapikit ako nang mariin. Iniisip na mukhang mali ako. Panaginip lamang ang sandaling 'to!“Liz?” patuloy niya at napangiti na lamang ako, hindi pinaniwalaan ang nakikitang takot sa mga mata niya. Dahil ba sa akin? “Kaygandang panaginip,” bulong ko at t
last updateHuling Na-update : 2022-11-05
Magbasa pa
Chapter 8
Hindi ako makatulog at namimigat ang dibdib. Wala na ang mga sugatan sa labas ngunit hindi ako mapanatag. Hindi ko maiwasang isipin ang pinagmulan ng lahat.Paano kung simula pa lamang ito? Ngunit ito ang nangyari, maraming inosente ang dumadaing ng sakit. Kaya paano sa susunod? Anong mangyayari?Maingat akong lumabas. Napakadalim nang pasilyo at patay-sindi pa. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang ginagawa ni Dan sa yaman niya at ganito ang hospital na ito. O mali ako't hindi naman sa kaniya ito?O isang kastilyo nga ba ito sa simula pa lang?Narating ko ang exit nang walang nahagip na mga nurse man o pasyente. Sarado ang mga silid at mukhang namamahinga na ang lahat. Nakapagtataka nga lang kung bakit walang naka-estasyon na mga nurse kung maaring may emergency?O mali na naman ako sa iniisip kung 'to?Nasagot lamang ang katanongan ko nang mapagtantong nasa isang palapag pa lamang ako. Halos malula ako nang bumungad sa akin ang hagdan pababa at pataas. Matayog pa ang taas, at natanto k
last updateHuling Na-update : 2022-11-06
Magbasa pa
Chapter 9
Tumawa lamang ang lalaki habang hindi ko na mahanap ang naipong lakas upang tumakas. Hindi ko maunawaan at natulala sa pamilyar na pigurang pababa sa hagdan. Lalo na ang lumabas sa kaniyang bibig na mga salita.Nabingi lang ba ako? Ngunit hindi. He had a wife! Definitely not me! Kung ako...paanong hindi ako nakilala ng lalaking nakaputi nang tinahak niya ang hagdan?“Hindi ako tanga, Henry!” sigaw nitong nag-echo at bumibingi sa akin. Ang tawa nito ay parang hinahamak ang kawalan ko nang kaalaman. Hindi siya tanga at alam niyang sino ang tinutukoy niya. At hindi ako 'yon! “You're wife? Don't expect a living one,” madamdami nitong pagpatuloy, bumagsik ang tono ng boses. “Better not expect she's in the right hand-” bumalik ang tawa nito, natigil sa isang pagpatid sa mismong panga nito.“You're talking too much,” malamig pa rin ang boses at may kaunting poot. Rinig ang malakas napagtama ng lalaki sa pader. Tumilapon ito ngunit nagawa paring mag-echo ng pagtawa nito. Lupaypay itong napa
last updateHuling Na-update : 2022-11-07
Magbasa pa
Chapter 10
Inisip ko na lamang hindi ligtas ang manatili. Iba ang karanasan niya sa paglayo, maaring iba rin ang kahinatnan ko. It depends on circumstances. Wala naman akong rason upang manatili, hindi ba?Ngunit nandito ako...unti-unting sinalubong ang pagpatak nang ulan sa maugat na puno. Gusto kong magwala ngunit hindi alam kung sapat ba ang rason ko. Ano nga bang dahilan at nagdadalawang isip pa ako?Dapat noon pa'y tumakbo na ako. Tumakas!Ininda ko ang lamig ng tubig ulan at sinuong ang highway. Pagbaba ay hapong-hapo ako. Nilibot ang mahamog na paligid at inisip kung paano ba ako uuwi ngayon? May uuwian pa nga ba ako?Tinutusok ang puso ko sa isiping wala na nga. Dati ay wala naman akong pakialam. Kaya ano bang bago ngayon?Nalaman ko lang naman ang katotohanan kay Dan. Natawa ako. Ano naman kung nalaman ko? Hindi ba 'yon ang dahilan ko sa pagtungo sa kastilyo?He loves someone! A wife he call it, when I'm here the legal one. Sa papel nga lang. Ngunit bakit ko nga ba kinukumpara? Ano sa
last updateHuling Na-update : 2022-11-08
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status