Share

Chapter 4

Author: jlav4riel
last update Last Updated: 2022-10-26 21:51:27

“Ano bang iniisip mo nang pagbuksan mo ng pinto ang isang estranghero?” May bahid ng dismaya sa boses ng lalaki. Hindi man lang niya ako pinagbigyan upang magpaliwanag at agad-agad ang pagbato niya ng mga katanongan. “Liz, I know you hate me, but...how can you be this low?”

Napatayo ako sa kinauupuan at saglit na tinago ang hindi ko pa man na-umpisahang sulatan na journal. Hindi ko mawari kung tama ba ang pagkakaintindi ko ngunit halos hindi ko na maunawaan ang kirot na bumangon sa loob ko.

Hindi pa siya nakuntento at nagpatuloy, “You entertain a man when we were just married. Paano pa bukas, sa susunod na bukas at sa mga susunod pa?” 

Napaawang na lamang ang bibig ko. “Akala ko namali lang ako ng dinig,” mahinang sabi ko. Pinakatitigan ko siya ng maigi, “Paano mo pala nalaman ang bagay na 'yan?” Nabasag man ang tinig ay dinaan ko 'yon sa tawa. “Don't tell me that you have some sort of eye in this house?” Nilibot ko pa ang tingin sa paligid.

Nangunot lamang ang noo niya. “Don't change the topic!”

“I don't change the topic,” paliwanag ko sa mahinahong tinig. “It's just that the topic is not worth my time. Not even in the rules I set for myself, either in this town to waste time with my husband.”

Bakas ang gulat sa mata niya sa huling salitang sinabi ko. Hindi ko na lamang pinansin at tinalikuran siya nang may dismaya rin sa mukha. Alam ko namang mali ang ginawa ko ngunit kung may Kasambahay lang sana siya ay gagawin ko ba ang bagay na 'yon? 

Ngunit hindi mawala sa isip ko ang pagbago ng ekspresyon niya sa huling sinabi ko. Gusto ko lang sanang ipaglaban ang karapatan ko at idaan sa mahinahong paliwanagan ang lahat. Ngunit hindi ko malaman, hindi ko alam kung saan ba siya nagagalit. 

Dahil ba talaga sa paglabas ko at pinagbuksan ang isang estranghero? 

Tinuloy ko na lamang ang gagawin ko sana bago pa ito dumating nang may nagdidilim na mukha. Buti na lang at hindi libro ang kinuha ko at naisip na lamang na alalahanin ang maging daloy ng mga pangarap ko. Kahit pa nang una naming pagkikita ay dahil sa libro, never pa niyang nalalaman na binabasa ko 'yon. Ang rason ko no'n ay upang itapon lamang ang nasabing libro. 

Hindi ko alam kung uto-uto nga lang ba siya ngunit hindi rin naman ito mausisa. Kaya nabigla ako sa tuloy-tuloy na pagsasalita nito kanina. Hindi ko alam ngunit nahanap ko ang sariling napangiti. 'Yun nga lang ay nanaig ang dismaya sa dibdib. 

Kinuha ko na lamang ang journal. Ito ang karamay ko sa mundong naging isang malaking sugal. Sa kaalaman ko ay ang mundo ay hindi tulad ng kaalamang mayroon ang bayan. Maaring tumungo sa iba't-ibang uri ng bayan ang bawat isa, mapa-babae man o lalaki. Tinatawag 'yong kalayaan na sa bayang ito ay isang alamat lamang. 

Naalala ko pang sa pagtagal ng pasikretong pagkikita namin ni Dan ay paglalim ng kaalaman ko sa mga bagay-bagay. Hindi naman pala dapat katakotan ang mga lalaki. Hindi naman lahat ay dapat iwasan. Nang una kong sinabi sa kaniya ang pangarap ko ay wala akong ibang nabatid sa mukha niya kundi paghanga.

Bago 'yon ay naitaong ko sa kaniya, “Sa tingin mo-” Nagdalawang isip pa ako ngunit lumakas rin ang loob nang may ngiti sa labi niyang naghihintay sa aking katanongan. “-bakit pinagbabawal ang mga libro?”

Nangunot man ang noo niya ngunit sinagot niya ang katanongan ko ng walang panghuhusga. “Marahil may nilalaman itong hindi naayon sa gustong mangyari ng mga nakaupo sa Pamahalaan?”

Sa pagkakataong 'yon ay wala akong alam sa Pamahalaang sinasabi niya. Imbes na patungkol sa libro ay ginusto kong ipaliwanag niya ang isang salitang hindi ko lubos maunawaan.

Bago 'yon ay parang may lungkot na nababakas sa kaniyang mukha. Hindi ko nga lang mawari nang muli siyang ngumiti. “Kung maihahambing sa tahanan, ang pamahalaan ay siyang haligi ng tahanan. Hindi lamang taga-gabay kundi taga-gawa rin ng mga bagay na maaring kapakinabang para sa lahat.”

“Ibig mong sabihin ay ang ama ng bayan ang nagpabawal sa mga libro?” Tanong ko at kahit hindi ko man gustong maramdaman, gusto kong suwayin ang amang sinasabi ng mga salita niya. “Ngunit anong kabutihan ang naidudulot nito, Dan?”

Hindi siya umimik at bagkus ay namalayan ko na lamang na muli niya akong pinipilit magsalita. “Bakit mo pala naitatanong ang bagay patungkol sa mga libro?” 

Napaiwas ako ng tingin ngunit hindi ko kayang maglihim sa kaniya. Alam kong kung may makakaintindi man sa akin ay siya lamang 'yon. “Gusto kong magsulat at ikalat ang librong gawa sa bawat bayan.” Napikit ko pa ang mga mata nang unti-unting nanlalaki ang mga mata niya.

Akala ko pagtatawan niya ako o kaya husgahan dahil hindi 'yon pagiging mabuting babae. At sa mata ng lahat, isa 'yong kasalanan. At ang makasalanan ay nararapat mabilanggo. Ngunit kahit natatakot sa maaring mangyari o kalalabasan ay buo ang pasya ko. 

“Kaya aalis ako, Dan,” sabi kong naging totoo lamang sa sarili. Nang muli ko siyang tingnan ay kakaibang paghanga ang nakikita ko sa mga mata niya. Nakaawang ang namumulang labi at kumikislap ang mga mata nang masinagan ng papalubog na araw. “Anuman ang mangyayari, kung ang kapalit ay mabilanggo habambuhay, makamit ko lamang ang minimithi ay sapat na sa akin.”

Nang pagkakataong 'yon ay hinihintay ko lamang nasasabayan niya ako sa mga pangarap ko. Kahit wala siyang sinabi ay sapat na sa akin na wala siyang ginagawa na makakasama sa akin. Dahil ro'n ay tumibay ang tiwala ko sa kaniya. Sa isip ko nga, kung may isang tao man akong gustong kasama kung sakaling tatakbo ako, siya 'yon. 

At ang pangako niya ang bumuo sa mga taon na magkasama kami. Pangakong pinanghahawakan ko kahit sa pagkakataong itong nabibilanggo ako hindi dahil sa Pamahalaan o paglabag sa nakasanayan, kundi dahil sa kaniyang desisyong manatili sa bayan.

...

A good woman has not to chose her own path. 

Ngunit sa mga gabing nagdaan hindi ko makuhang sumunod sa nakasanayan. Parang nabura sa isip ko ang mga leksyon ng Ina. 

Lalo na ang nangunguna sa lahat, ang pahayag nito bago magsimula ang pangaral nito: “Sa oras na marating ng babae ang maipagkasundo sa isang butihing ginoo, ang magparami ang siyang kasunod niyon. Iyon ang natatanging responsibilidad at ang dahilan ng ating pagkatao.”

Ngunit sa tuwing mararamdaman ko pa lamang ang pag-uga ng kama ay napikit ko na nang mariin ang mga mata. Nasisinghot ko pa ang halimuyak niyang bagong ligo at lalaking-lalaki ngunit hindi ko magawang gawin ang dapat ay ginagawa ko. Para na naman akong inatake ng hardened sickness na hindi naman talaga totoo.

Minsan ay nararamdaman ko ang paglapit niya. “Good night,” bulong niyang nagpatambol sa dibdib ko. Matapos ang sinabi niya ay wala nang paggalaw na nararamdaman sa kama. 

Nang dumilat ako ay likod na lamang niya ang nakikita ko. Nakikita ko 'yon gamit ang liwanag ng buwan na pumapasok sa bukas na bintana. Bakat na bakat ang muscles niya dahil sa nipis niyon. At hindi ko alam ngunit natulala na lamang ako.

Para siyang character sa nabasa kong libro. At hindi ko alam kung wala ba talaga siyang interes sa akin ngunit pinagpasalamat ko na lamang 'yon. Ngunit sa pagdaan ng mga gabing walang nangyari, hindi ko mapigilang isipin kung tama pa ba ang pagkakataintid ko. Kahit pa ang pagiging mabuting babae ay nakaligtaan ko na, ang pagiging asawa at ang mga ekspektasyon ng pamilya ay nagpapabilis ng puso ko.

Hanggang sa muli ay bumalik sa akin ang pagnanais na makalabas sa bayan, maging malaya sa gapos ng hindi makatarungan. At maipagpatuloy ang pinapangarap.

Nang umalis ang lalaki at sa kung saan na naman nagpupunta ay bumalik ako sa aming silid. Sinilip ko ang ilalim ng kama at nagkalat roon ang mga libro at mga journal. Lumawak ang labi ko at bumibilis ang kabog ng dibdib.

Sa mga sandaling wala ang lalaki ay ginagawa ko ang mga bagay na magpapasaya sa akin. Ang pagsusulat. Paminsan-minsang sumasagi sa isip ko ang maaaring mangyari pag may nakaalam sa ginagawa ko ngunit dahil sa pag-iisa at pakiramdam na walang pakpak upang lumipad ng malaya, pinagpatuloy ko pa rin ang pagsusulat sa journal.

Pinagpatuloy ko lamang ang nasimulan; isang kuwentong sumasalim sa isang kalayaan. Kalayaan sa mga bagay na pinagkait ng bayang kinalakhan.

h

Related chapters

  • Revive the Escape   Chapter 5

    Hindi ko mawari kung bakit sa nagdaang araw ay panay ang alis niya. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba akong mangamba o magsaya Ngunit dahil roon, nagagawa ko ang mga bagay na dati ay hindi ko magagawa sa tahanan. Bantay sarado kami ng Ina, kaya kung may gusto man akong gawin; nagagawa ko sa likuran ng aming tahanan. Kahit ang mga kapatid ay nahanap ang kagustohan sa sarili nilang paraan.Ngunit tulad ng turo, walang sinuman ang may karapatang tahakin ang daang kanilang ninanais. Lahat ay may nakalaang daang dinidisinyo bago pa man sila isilang sa mundo.“Ngunit mali ang daang ito,” sabi ko at panay ang iling. Katatapos ko lamang basahin ang niluluma nang libro. Sa unang tingin ay akalain mong isang pangaral at karaniwang libro lamang. Ngunit dahil rito'y minulat ang aking kaisipan.Ang pangaral rito'y may malalim na kapahulogan. Maaring walang liwanag sa pupuntahan at pinili mong landas, ngunit ang pagkatoto ay maghahatid sa'yo sa tamang landas...at kakaibang tapang.Matapos sulat

    Last Updated : 2022-11-04
  • Revive the Escape   Chapter 6

    Mapagmasid niyang nilakbay ang masukal na daan, matalim ang mga matang hindi ko maiwasang hindi titigan. Giniya niya akong sumunod at wala akong pag-alinlangan. Nagulat pa ako nang mapagmasdan ang laman ng malaking basket na pasan-pasan niya. Doon nagtagal ang tingin ko ngunit agad niya 'yong tinabunan.“Ngayon ka lang nakakita ng ganito?” aniya nang mapansin ang gulat sa mga mata ko. Napangisi siya, ngunit hindi ko maiwasan ang talim sa kaniyang tingin. “Hay, Senyorita ka nga kasi,” komento pa niya at may kung anong kakaiba na hindi ko maunawaan.Sinamaan ko na lamang siya ng tingin. Kung ano-anong sinasabi niyang nagpakabog sa dibdib ko. “Ano naman? May masama ba ro'n?” Nagkibit balikat siya at hindi umimik, at hindi ko na alam ang isipin.Napangisi na lamang ako. Nabasa ko ang mga kagaya niyang bukambibig ang mga bagay na hindi nila maabot-aboy, iniisip na lahat nang may kaya ay walang kaalam-alam sa buhay, tulad ko? Nagulat man ako ngunit dahil 'yon hindi ko inakala... Kahit na a

    Last Updated : 2022-11-04
  • Revive the Escape   Chapter 7

    Ngunit hindi panaginip ang lahat. Nagulat man ay hindi ko pinahalata ang pagpasok ni Dan sa silid.“Liz,” tawag niya, hindi makatingin sa direksiyon ko. Napataas ang kilay ko. “Bakit parang balisa ka diyan?” tanong ko dahil isa 'yong imposible. Napalunok siya nang humarap. “Ayos ka ba?”Natulala ako, hindi maunawaan ang biglang pagkabog ng dibdib. Napaikot na lamang ang mata ko. “Oo naman! Bakit hindi?”Napakamot siya sa batok, bumibigat ang paghinga. “Bakit...ka nasa gubat-”“Ah!” bigla akong napasigaw, sapo ang kanang braso. Nagulat nanam ako sa biglang pagdalo niya at nakakabiglang reaksiyon.“L-liz? W-what's wrong?” hindi siya magkamay kung saan ilalagay ang kamay at nanginginig na lamang na napailing. “S-saan masakit? Liz...” Napapikit ako nang mariin. Iniisip na mukhang mali ako. Panaginip lamang ang sandaling 'to!“Liz?” patuloy niya at napangiti na lamang ako, hindi pinaniwalaan ang nakikitang takot sa mga mata niya. Dahil ba sa akin? “Kaygandang panaginip,” bulong ko at t

    Last Updated : 2022-11-05
  • Revive the Escape   Chapter 8

    Hindi ako makatulog at namimigat ang dibdib. Wala na ang mga sugatan sa labas ngunit hindi ako mapanatag. Hindi ko maiwasang isipin ang pinagmulan ng lahat.Paano kung simula pa lamang ito? Ngunit ito ang nangyari, maraming inosente ang dumadaing ng sakit. Kaya paano sa susunod? Anong mangyayari?Maingat akong lumabas. Napakadalim nang pasilyo at patay-sindi pa. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang ginagawa ni Dan sa yaman niya at ganito ang hospital na ito. O mali ako't hindi naman sa kaniya ito?O isang kastilyo nga ba ito sa simula pa lang?Narating ko ang exit nang walang nahagip na mga nurse man o pasyente. Sarado ang mga silid at mukhang namamahinga na ang lahat. Nakapagtataka nga lang kung bakit walang naka-estasyon na mga nurse kung maaring may emergency?O mali na naman ako sa iniisip kung 'to?Nasagot lamang ang katanongan ko nang mapagtantong nasa isang palapag pa lamang ako. Halos malula ako nang bumungad sa akin ang hagdan pababa at pataas. Matayog pa ang taas, at natanto k

    Last Updated : 2022-11-06
  • Revive the Escape   Chapter 9

    Tumawa lamang ang lalaki habang hindi ko na mahanap ang naipong lakas upang tumakas. Hindi ko maunawaan at natulala sa pamilyar na pigurang pababa sa hagdan. Lalo na ang lumabas sa kaniyang bibig na mga salita.Nabingi lang ba ako? Ngunit hindi. He had a wife! Definitely not me! Kung ako...paanong hindi ako nakilala ng lalaking nakaputi nang tinahak niya ang hagdan?“Hindi ako tanga, Henry!” sigaw nitong nag-echo at bumibingi sa akin. Ang tawa nito ay parang hinahamak ang kawalan ko nang kaalaman. Hindi siya tanga at alam niyang sino ang tinutukoy niya. At hindi ako 'yon! “You're wife? Don't expect a living one,” madamdami nitong pagpatuloy, bumagsik ang tono ng boses. “Better not expect she's in the right hand-” bumalik ang tawa nito, natigil sa isang pagpatid sa mismong panga nito.“You're talking too much,” malamig pa rin ang boses at may kaunting poot. Rinig ang malakas napagtama ng lalaki sa pader. Tumilapon ito ngunit nagawa paring mag-echo ng pagtawa nito. Lupaypay itong napa

    Last Updated : 2022-11-07
  • Revive the Escape   Chapter 10

    Inisip ko na lamang hindi ligtas ang manatili. Iba ang karanasan niya sa paglayo, maaring iba rin ang kahinatnan ko. It depends on circumstances. Wala naman akong rason upang manatili, hindi ba?Ngunit nandito ako...unti-unting sinalubong ang pagpatak nang ulan sa maugat na puno. Gusto kong magwala ngunit hindi alam kung sapat ba ang rason ko. Ano nga bang dahilan at nagdadalawang isip pa ako?Dapat noon pa'y tumakbo na ako. Tumakas!Ininda ko ang lamig ng tubig ulan at sinuong ang highway. Pagbaba ay hapong-hapo ako. Nilibot ang mahamog na paligid at inisip kung paano ba ako uuwi ngayon? May uuwian pa nga ba ako?Tinutusok ang puso ko sa isiping wala na nga. Dati ay wala naman akong pakialam. Kaya ano bang bago ngayon?Nalaman ko lang naman ang katotohanan kay Dan. Natawa ako. Ano naman kung nalaman ko? Hindi ba 'yon ang dahilan ko sa pagtungo sa kastilyo?He loves someone! A wife he call it, when I'm here the legal one. Sa papel nga lang. Ngunit bakit ko nga ba kinukumpara? Ano sa

    Last Updated : 2022-11-08
  • Revive the Escape   Chapter 11

    There's a people...in the dark?Pinagkibit-balikat ko na lamang ang lahat. Para bang wala 'yong pinagkaiba sa mga nobelang nabasa ko. A plotline? Is he just gives me idea for a story, then?“I'll drive you home,” siya nang napansin ang pagtila ng ulab. “Good idea,” paghinga ko nang malalim at hindi na pumalag sa suhestiyon niya. Lumiwanag lamang ang mukha niya. Hindi ko na pinansin nang biglang mapansin ang hindi ko inaasahan sa ilalim ng kaniyang table.“Libro...” “Tayo na?” pagtayo niya na tumabon sa liwanag na sumisilay sa libro. Napansin ko ang paglunok niya at hindi na ako nag-usisa nang mapagtanto ang isang bagay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya na labis kong kinagulat. Nagulat na nga ako na hindi ko man lang ito kanina napansin, isa pa itong mga galawan niyang nagpabalik sa mga imahinasyon kong saglit atang napiga dahil sa mga nangyari. “Thanks,” sabi ko nang tuluyang makapasok. Bitbit ko ang basahan at nagsimula nang isipin kung ano ang sasabihin kung saka

    Last Updated : 2022-11-09
  • Revive the Escape   Chapter 12

    Just as usual I'm on my journal. Rinig na rinig sa katahimikan ng silid ang pagsulat ko roon.Darkness. What accompany the darkness?Naalala ko ang lalaki, ang kaniyang matalinhagang binanggit sa kubo. Kahit sinabi kong mas makatotohanan pa ang kwento kaysa roon, binabagabag pa rin ako.Napalukso ako nang biglang may busina sa labas. Dali-dali kong tinago ang journal at namamawis na tinungo ang pinto. Bumungad sa pagbukas ko ang pamilyar na sasakyan. At hindi 'yon kay Dan!Hinintay kong bumaba ang kung sino. Abot-abot ang talahip ng dibdib ko. Nag-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Naririnig ko ang boses ni Dan sa likod ng aking isipan. Nanlalamig akong tinatanaw ang pgbaba nang lalaking may malawak na ngiti sa mga labi.“Hi,” aniya.“A-anong ginagawa mo rito?” halos hindi ko mahanap ang boses sa sumasabay na kabog ng dibdib.“Hindi pala ako welcome?” biro niyang tinatago ang sakit sa mukha.Hindi ko na lamang pinansin. Sana nagbiro na lamang siya. Nag-guilty ako sa hindi ko ka

    Last Updated : 2022-11-12

Latest chapter

  • Revive the Escape   Chapter 27

    Nakasunod nga siya, ngunit hindi ang gubat ang aking tinatahak. Hindi lang dahil mapanganib 'yon, para man sa akin o para sa kaniya, kundi lalayo lamang ako sa gusto kong mangyari.Ilang sandali ay bumungad ang naabong bahagi ng bayan; mula sa mga bahay hanggang sa mga punong nakapaligid sa maliit na kapaligiran. “This doesn't compare to that of the Justice Village?” hindi ko mapigilang mapaisip. “Every tragedy suppose to given its rightful justice, but this is too much!”“Real,” anang Kenan at nahahapo pa sa mahabang nilakbay. “Is this our destination?”“Yeah,” wala sa sariling tugon ko. “This is incomparable to the tragedy in the past, so I can't help to ponder how is that tragedy really is worse?”“For what extent you want to know, Real?” nababakas ang kakaibang tinig sa Kenan, naninimbang.Nagkibit-balikat na lamang ako. “I can risk the journey that is rough and is full of torns. Whatever this is can help me somehow to gain insight about the world. Don't you think I can understan

  • Revive the Escape   Chapter 26

    Narito ako para sa direksyon, ngunit sa hindi inaasahan ay napaisip ako sa nangyari sa kagubatan.“Last time I stumbe upon your world, Mario, in that stormy night,” sabi kong pilit nilalayo ang isip sa lumang libro. “I thought I can stop myself to think the deep of it, but why theere such a tragedy keep happening in this part of town?”Napaisip ang mario, nagtaka naman ang Kenan. Kahit sa sarili ay hindi ko mapaniwalaan ang sariling usisain ang bagay na akin rin namang iiwan. Marahil dahil isa 'tong posibilidad, at ang pagtakas ay may kalakip na trahedyang dapat kong paghandaan.“Are you sure that is your question?” Halatang duda ang Mario ngunit nagawang ngumiti bago hinanda ang sarili sa pagtugon. “It's unexpectedly simple and I haven't thought of it that much; that's why.”Natawa pa siya at kahit papaano ay nakahinga ako ng malalim. Ngunit ang Kenan ay tahimik at napaayos na lamang ng apo nang mapatingin sa akin. Tumaas lamang ang kilay ko sa kaniya, para bang ang katanongang ito a

  • Revive the Escape   Chapter 25

    Tahimik na ang Kenan nang dumating kami sa post-office. Pawisan man ay lalo lamang dumagdag sa magandang hubog ng Kaniyang mukha. “Um, is something in my face, Real?” Inosenteng tanong niya. Nagkibit-balikat lamang ako at napangising tumalikod, lalo lamang siyang nagtaka. Naalala ko tuloy ang tauhan sa kuwentong aking binasa dahil roon. Hindi dahil sa mukha niya, kundi dahil sa lito-lito na niyang emerald na mata.“So it's true,” sa isip ko habang nagtatalo ang isip sa pagtalikod. “The emerald eyes looks like a gem in person, and who knows if it's not mined by the family and just put into their eyes?” My mind rather run wild, and I can only shrugged the gibberish in it!“If it isn't the lord's wife!” maligayang tinig mula sa likuran, kasabay nang halos manginig na pagkapit ng Kenan sa aking braso.Sinamaan ko ng tingin ang gumulat rito. “Can you please, Mario?”“Oh,” he sounds rather regretful, but he smiled widely. “If it isn't the young wanted priest of town!”“Young, um, priest?

  • Revive the Escape   Chapter 24

    Ang totoo ay hinihintay ko ang isang himala. Himalang magpigil sa mga kalalakihang 'to. Hindi ko man alam kung anong himala 'yon, malakas ang pakiramdam kong may darating!“I was once in this situation,” halos bulong ko at nakagat na lamang ang labi. “If this situation is one of it, then perhaps those who rescued me before will come! I wonder who they are?” Hindi ko mapigilang isipin ang pagkakataong 'yon. I may fell unconscious, but I'm no fool. They are definitey no ordinary!“That woman especially is strange,” napahinga na lamang ako, pinipigilan ang panggigil nag maalala. “I ever thought she's a hunter or something, and awed by it! Who have thought she's far from that, and not only hunt the wild?!”Maya-maya lang ay halos mapalukso ako sa biglang senyas mula sa baba.“It's Kenan,” sabi nito nang mapansin ang pagkatigil ko. “I know you are there...”“The hell with you, Kenan,” nang makababa ay halos pandilat ko sa kaniya. “I told you to stay there! How can you less obedient?”“Lad

  • Revive the Escape   Chapter 23

    “Who are they?” tanong ko, sinilip siya sa siwang ng ugat ng puno.“Lady,” nanginginig ang boses niya at nakapikit lamang ang mga mata. “Come, and hide here with me. It's safest here...”“I don't think so,” pagkibit-balikat ko sa kaniya. “Don't you know that snakes or any wild or poisonous animals are inhabits the cavest-like roots?”“It's rather safest than being caught by them,” seryoso ang boses niyang nagpagulat sa akin.“Seriously?” Napahinga na lamang ako. Simula nang naputol na ang linya ay nanginginig na siya at panay na ang sambit ng mga salita. Nakasiklop ang dalawang kamay na para bang nananalangin?“Hindi ka na ba talaga lalabas diyan?” Hindi ko na napigilan. Nalukot lamang ang kaniyang noo, hindi naunawaan ang salitang lumabas sa aking bibig. Naikot ko naman ang mga mata. “If it isn't a foreigner!”“Oh, God,” sambit niya at hindi na ninanais pang maabala. “Save me until then. I must fulfill the purpose and my mission. Guide me, oh, God,” halos hindi na maunawaan ang kan

  • Revive the Escape   Chapter 22

    Kumalam ang kaniyang tiyan at namamawis na nang tuluyan. “Uh, can you-” “What?” “Biscuit,” nag-iwas siya ng tingin sabay pamula ng kaniyang pisngi.Namilog na lamang ang mga mata ko at lalo pang napaatras. “Biscuit?” Nalukot ang noo ko at napabulong na lamang habang hindi pa siya nakatingin, “Is it a code or something? Perhaps he will going to attack any moment!”Nalibot ko ang paligid ngunit tanging masukal na gubat lamang ang bumungad sa aking paningin. Ngunit hindi ko binaba ang mga posibilidad. Tulad ng nakaraan, hindi ko alam ang mga nangyayari at bigla na lamang silang naglabasan!“Where are they?” Baling ko sa kaniya nang may nakataas na kilay.“Whatever do you mean, lady?” Nalukot na ang kaniyang guwapong mukha, habang ang isang kamay ay nasa kaniyang kalamnan.Napakurap tuloy ako habang hindi niya alam kung saan babaling. Tulad ko man ay may kung ano siyang iniiwasan. Ngunit malaki ang posibilidad na hinahanap niya ang kaniyang mga kasamahan at nang matapos na ang aking ka

  • Revive the Escape   Chapter 21

    Nang wala si Dan ay naghanda na ako. Nasa banyo pa ang Vivien nang dahan-dahan kong tinawid ang malawak na likuran. May malalaking kahoy sa gilid ng nagtaasang bakod at kahit hindi ako magmadali ay walang makapansin, tinatago ang kagubatan at binandara ang kastilyo sa itaas ng kabundokan. Tinago ko ang mukha sa nalulumang kasuotang pangkasambahay. Hindi pa rin maalis sa akin ang nangyari ng nakaraan. Sa bahaging 'to, may nananahang ang galit ay nakatuon sa mararangyang kababaehan.Ang alalahanin ang mga sandaling 'yon ay nagpagulo sa akin sa ilang sandali. “Mistress,” bulong ko at nangungunot na ang noo. “I wonder if the mistress is there that time... Someone surely mistake me for a mistress...”Sa bawat pag-ihip ng hangin ay sumasabay ang kakaibang tunog na parang sa ahas. Bigla-bigla akong dinagsa ng pangyayaring 'yon. Ilang ulit ko pang inikot ang tingin at nanginginig na ang buong katawan.“Sa likod ng kabundokan ay ang post-office ni Mario,” nanginginig ang bibig na bulong ko. H

  • Revive the Escape   Chapter 20

    Halatang nagtaka siya ngunit hindi ko na pinansin. Ang nanlalamig niyang mata ay unti-unting nagpakalma sa akin. Gusto kong magalit at mainis ngunit ang kalituhan niya ay kakaiba ang hatid sa akin.Akto akong tatalikod sa kaniya nang matigil sa higpit nang biglang pagkapit niya sa braso ko. “We need to clarify something here, Liz,” seryoso ang boses niya at natulala na lamang ako imbes na mapadaing.Gusto ko na lamang maiyak. “Clarify what, Dan?” tanong ko, pinipilit ang ngiti sa kabila nang pagkabog ng dibdib.Hindi na ba siya makapaghintay na ako na ang kusang sumuko? Marahil kilala niya ako nang lubosan, at alam niyang kahit magkamali siya'y wala siyang makukuhang ni kirot sa aking mga mata!“I actually expected you to act like nothing happene. But perhaps I don't know you really well, Dan?” pagod ang boses na saad ko.Nagdalawang isip pa siya o sadyang hindi sigurado sa sasabihin. Ngunit bakas sa mga mata ang kakaibang emosyong ayokong pangalanan. Paano niya nakakayang magkaroon

  • Revive the Escape   Chapter 19

    Makitid ang daan at hindi abot tanaw ang pupuntahan. Ang pagtakas ko'y nauugnayan sa gano'ng kaisipan. Ngunit sa gabing 'to, luminaw ang noon ay malabo. “I have a question, Mario,” sabi kong hindi na makatingin sa kaniya. “I hope you don't mind?”“I don't!” agap niya at natawa na lamang kaming dalawa. “So where's the question?”“It's not actually a question but a direction, Mario,” napaiwas na lamang ako ng tingin.Saglita siyang natigilan. “Don't tell me you don't know the way to my post-office?”“What?” Napakurap-kurap ako, bigla ay naalala ang kaninang biro niya. “Seryoso ka bang pupunta ako?”“If you don't mind?” Kumislap ang kaniyang mga mata, ang kislap nito ay nangungusap sa hindi ko malamang dahilan.“I don't mind,” agap ko, pansin ang kaba sa kabila ng ngiti niya. Halos mapatalon siya, habang natulala na lamang ako sa kaniya. Magsusuli lang naman ng hiniram 'di ba?“Then I entertain your question the next time. I think you need time to polish that question first,” sabi niya

DMCA.com Protection Status