NAGMAMADALING dinampot ni Winter ang kanyang maskara na kulay ginto at itim at sinuot sa kanyang mukha bago lumabas ng sasakyan. Nagmamadali siyang lumakad-takbo upang makapasok sa isang event hall. Mula sa likod ng building siya dumaan papasok upang masigurado na walang makakita sa kanya. Ang sasakyan niya ay inihilera niya sa mga sasakyan na nakaparada doon. Panay din siya tingin sa mga nadadaanan upang wala siyang makabanggaan.
Nang makarating siya sa loob ng isang silid ay kaagad niyang ni-lock ang pinto at mabilis na nagpalit ng damit galing sa loob ng kanyang backpack. Madaling-madali siya sa kanyang ginagawa dahil anumang oras ay magsisimula na ang event at late na nga siya. Sandali niya rin sinuklay ang kanyang mahaba at itim na buhok upang hindi iyon nakasabog dahil siya ay nagpalit ng damit. Nang masigurado ni Winter na ayos na ang kanyang itsura ay huminga siya nang malalim at ang bag na kanyang dala ay nilagay niya muna pansamantala sa ilalim ng drawer.
Humugot siya ng malalim na hininga upang kahit paano ay gumaan ang kanyang nararamdaman dahil kanina pa siya kinakabahan. Hindi naman ito ang unang beses na gagawin niya iyon ngunit kabadong-kabado pa rin siya.
Nang maglakad siya patungo sa pintuan ay sakto namang bumukas iyon at pumasok ang kanyang matalik na kaibigan na si Emery. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ito.
"Bakit ba ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay doon ng mga kasamahan nating writers," sabi nito at tiningnan ang kanyang kabuuan. "`Yung kwintas mo, suot mo pa! Alisin mo `yan." Kahit natataranta ay ito na mismo ang pumuwesto sa kanyang likuran upang alisin ang pagkakasabit ng kwintas sa leeg niya. "Oh, bilisan mo at itago mo na." Inabot nito sa kanya iyon at dali-dali naman niyang inilagay sa bulsa ng suot na pantalon.
"Thanks!" `Yun lang at sinabi niya bago binuksan kaagad ang pintuan upang lumabas ng silid na iyon at naglakad sila sa mahabang pasilyo.
"Bakit kasi ngayon ka lang? Na traffic ka na naman ba?" tanong nito habang nagmamadali sila sa bawat paghakbang. Mahina lang ang kanilang pag-uusap dahil sa takot na baka may makarinig sa kanila.
Umiling si Winter. "Hindi ako kaagad nakaalis dahil sa bahay nag-lunch si Floyd kasama sila mommy. Alam mo naman na hindi ako p'wede umalis nang basta-basta kapag nandoon pa si Floyd." Nilingon niya sandali ang kaibigan.
"Alas-tres ang oras ng event ng fan sign at book signing natin pero almost 4 o'clock na," wika ni Emery.
Ramdam niya ang inis ng kanyang kaibigan ngunit wala naman siyang magagawa. "I'm really sorry. Ang mahalaga ay nandito na ako," sabi niya rito na sakto naman na nasa entablado na sila at dumiretso siya sa silya kung saan nakalagay ang kanyang mga aklat sa tapat na mesa.
Kagaya ng inaasahan ay maraming mga readers at fans niya ang dumating upang suportahan ang kanyang bagong libro. Ito na ang kanyang pangalawang libro na isinulat gamit ang pangalang 'Lady Seoli'. Isang mysterious erotic writer na nagtatago sa kulay ginto at itim na maskara. Pinasadya niya ang ganoong uri ng maskara upang walang makakilala sa kanya. Tanging mga mata lamang ang makikita kapag suot niya ang bagay na iyon.
Siya si Winter Alfonso. Mula sa mayamang pamilya ng mga Alfonso na kilala sa pagpapatakbo ng negosyo ng mga tela at mga prutas kagaya ng pinya at mais. Kilala ang pamilya nito dahil matagumpay ang kanyang mga magulang sa pag import at export ng mga tela mula sa Inglatera.
Matatawag na perpektong anak si Winter dahil sa ugali nitong pagiging prim and proper with right etiquette. Dahil mula siya sa kilalang pamilya at nag-iisa lamang siyang tagapagmana, sinigurado ng kanyang mga magulang na walang magiging kapintasan si Winter. Dahil din doon ay nakukuha niya ang lahat ng mga gusto niyang makuha.
Ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya, dalawang taon na ang nakararaan nang simulan ni Winter ang magsulat ng mga nobela na mayroong temang erotika. Ngunit hindi niya pinapaalam sa mga ito iyon dahil nahihiya sya at natatakot na baka masira ang tingin sa kanya bilang isang perpektong anak.
Sa bawat nobelang kanyang nasusulat ay may isang tao siyang palaging ini-imagine na kasama niya. Iniisip niya na siya ang bidang babae at ang lalaking mahal niya ang bidang lalaki sa bawat kwento na nalilikha niya. Kakaibang kasiyahan ang nagbibigay ng pagsusulat sa kanya kaya naman pinagpatuloy niya ang ganoong gawain kahit pa naglilihim siya sa kanyang sariling pamilya.
"Fan po ninyo ko mula po noong nagsisimula pa lang po kayo," wika ng isang babae na kulot ang buhok at inabutan siya ng kopya ng libro niya.
Ngumiti siya rito. "Talaga? Maraming salamat. What's your name?"
"Cindy po."
Pagkarinig niya sa pangalan nito ay kaagad niyang sinulatan ang libro na kaniyang personal message dito kung saan nagpapasalamat siya dahil sinusuportahan siya nito mula pa noon. Sa bandang baba ay naglagay siya ng kanyang pirma bilang si Lady Seoli. Malapad ang ngiti niya ng iabot dito iyon. "Thank you so much ulit sa support."
Bakas sa mukha ng kanyang fan ang sobrang tuwa nang mahawakan ang libro na napirmahan. Tumingin ito sa kanya at nagsalita. "Sana po, Miss Lady Seoli, dumating po `yung panahon na makikita na po namin `yung mukha ninyo. Sobrang gustong-gusto na po kasi namin kayong makilala."
Hindi kumibo si Winter at nanatiling nakatingin lamang sa mga mata ng kanyang fan. Alam niyang hinding-hindi niya iyon makakayang gawin sa ngayon dahil hindi pa siya handa. Natatakot kasi siya na baka ma-disappoint niya ang mga magulang at pati na ang lalaking kanyang mahal kung sakaling sabihin niya ang tungkol sa kanyang pagiging mysterious erotic writer. Para kasi sa kanya ay hindi matatanggap ng kanyang mga magulang kapag nalaman ng mga ito na nagsusulat siya ng mga ganoong kwento.
Iyon ang genre na para sa kaniya. Kahit na wala siyang karanasan sa ganoong bagay ay marami na ang nakapagsabi na talented siya pagdating sa pagsusulat ng erotica. Sa ngayon ay hindi na muna niya talaga maisisiwalat sa lahat kung ano talaga ang totoong identity ni Lady Seoli.
NAPALINGON SI Winter nang may kumalabit sa kanyang tabi. "Lady Seoli..." Kumunot ang noo niya sa kanyang kaibigan na wala sa kanya ang tingin."Bakit?" tanong niya rito habang dahan-dahan na inaabot sa kanyang fan ang librong pinirmahan niya. “Thank you,” sweet pa siyang ngumiti rito bago umalis sa harapan niya. Tumingin siya sa kaibigan. “Ano ba iyon?”"Look..." Tumuro pa ito sa harapan nila.Hindi pa rin siya nito nililingon kaya naman sinundan niya ang tingin nito.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at na istatwa siya sa kanyang kinauupuan habang nakatitig ngayon sa lalaking naglalakad sa mall. Si Floyd iyon kasama ang kanang-kamay nitong si Hugo. May mga kasama rin ang mga ito na mga bodyguards na lahat ay nakasuot na kulay itim na suit and tie. May kasama rin na babae si Floyd, si Agatha. Adopted sister ni Winter si Agatha na siyang inampon ng kaniyang mga magulang noong nasa highschool sila. Matanda lang ito sa kaniya ng isang taon at anak ng dating katulong nila sa bahay
PAGOD NA naupo si Winter sa mahabang sofa nang makarating sila sa bahay ng kaibigang si Emery. Inalis niya ang kanyang maskarang suot at maingat na nilapag iyon sa center table. Sobrang nanlalata siya sa mga nangyari kanina nang makita niya si Floyd na nakatingin sa kaniya. Huminga siya nang malalim bago tinaas ang dalawang kamay at maingat na inalis ang mahabang wig na suot sa ulo. Sinuklay niya iyon gamit ang mga daliri bago pinatong din sa tabi ng maskara niya.Malaking kaginhawaan ang kanyang naramdaman nang lumantad ang kanyang maiksing buhok na medyo curly. Napalingon siya sa kanyang kaibigan nang maupo ito sa tabi niya. Alam niya na kahit ito, shock din sa nangyari.Lumingon ito sa kanya ng dahan-dahan at hindi makapaniwala ang rumehistro sa mukha. "Totoo ba na si Floyd `yung nakita natin kanina sa mall?" tanong nito.Tumango siya ng dahan-dahan dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala. Napalunok pa siya bago ipinikit ng mariin ang mga mata. "Oo. Kasama pa nga sina Hugo at Ag
MAINGAT ANG bawat hakbang ni Winter habang papasok siya sa loob ng kanilang magarang mansyon. Alas nuwebe na ng gabi at ngayon pa lamang siya nakauwi dahil nakatulog siya kanina sa bahay ni Emery. Mabuti na lang din at nagising siya kung hindi ay baka bukas na talaga siya nakauwi dito. Sinadya niya na magkaroon ng sariling duplicate key upang kahit na gabihin siya ng uwi ay hindi siya mahalata ng kanyang mga magulang.Dahan-dahan niyang sinara ang malaking pinto at nang lumangitngit iyon ay napangiwi siya at tumigil sandali sa ginagawa. Tumingin sya sa buong paligid ng malaking sala upang tingnan kung mayroon bang tao. Bahagya din siyang nakayuko upang hindi kaagad siya makita ng sinuman. Nang matagumpay niyang mailapat ang pinto ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa hagdan ngunit hindi pa man siya nakakapag sa ikatlong baitang ay narinig na niya ang boses ng kanyang Yaya Anna."Bakit ngayon ka lang umuwi?" Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahang tum

NAGMAMADALING dinampot ni Winter ang kanyang maskara na kulay ginto at itim at sinuot sa kanyang mukha bago lumabas ng sasakyan. Nagmamadali siyang lumakad-takbo upang makapasok sa isang event hall. Mula sa likod ng building siya dumaan papasok upang masigurado na walang makakita sa kanya. Ang sasakyan niya ay inihilera niya sa mga sasakyan na nakaparada doon. Panay din siya tingin sa mga nadadaanan upang wala siyang makabanggaan.Nang makarating siya sa loob ng isang silid ay kaagad niyang ni-lock ang pinto at mabilis na nagpalit ng damit galing sa loob ng kanyang backpack. Madaling-madali siya sa kanyang ginagawa dahil anumang oras ay magsisimula na ang event at late na nga siya. Sandali niya rin sinuklay ang kanyang mahaba at itim na buhok upang hindi iyon nakasabog dahil siya ay nagpalit ng damit. Nang masigurado ni Winter na ayos na ang kanyang itsura ay huminga siya nang malalim at ang bag na kanyang dala ay nilagay niya muna pansamantala sa ilalim ng drawer.Humugot siya ng mal