MAINGAT ANG bawat hakbang ni Winter habang papasok siya sa loob ng kanilang magarang mansyon. Alas nuwebe na ng gabi at ngayon pa lamang siya nakauwi dahil nakatulog siya kanina sa bahay ni Emery. Mabuti na lang din at nagising siya kung hindi ay baka bukas na talaga siya nakauwi dito. Sinadya niya na magkaroon ng sariling duplicate key upang kahit na gabihin siya ng uwi ay hindi siya mahalata ng kanyang mga magulang.
Dahan-dahan niyang sinara ang malaking pinto at nang lumangitngit iyon ay napangiwi siya at tumigil sandali sa ginagawa. Tumingin sya sa buong paligid ng malaking sala upang tingnan kung mayroon bang tao. Bahagya din siyang nakayuko upang hindi kaagad siya makita ng sinuman. Nang matagumpay niyang mailapat ang pinto ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa hagdan ngunit hindi pa man siya nakakapag sa ikatlong baitang ay narinig na niya ang boses ng kanyang Yaya Anna.
"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahang tumayo ng tuwid at tumingin dito.
"Yaya, `wag ka maingay. Tulog na ba sila mommy?" mahina niyang tanong at tumanaw sa hagdanan. Nilagay pa niya ang hintuturong daliri sa tapat ng kanyang mga bibig.
"Kanina pa tulog ang Mommy at daddy mo." Pinagkrus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib at buong taray na tiningnan siya. "Bakit ngayon ka lang umuwi? Hindi ka nagpaalam sa akin na gagabihin ka."
Ilang sandali siyang nakipagtitigan dito. "Maya-maya pa ay lumapit siya upang yakapin ito nang mahigpit. "Yaya, `wag ka na magalit. Galing ako kina Emery. Kilala mo naman siya, `di ba?"
Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Winter, isang beses ko pa lang nakikita iyang si Emery at wala pa akong tiwala sa kanya. Ano bang ginagawa mo sa bahay nun?"
Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan. "Mabait namang kaibigan sa Emery. `Wag kang mag-alala. Nandito naman na ako, `di ba? Saka, yaya. Masakit kasi likod ko saka `yung kamay ko. Aakyat na ako sa kwarto ko. Good night!"
May sasabihin pa sana ang kanyang Yaya Anna ngunit hindi na niya ito pinansin at nagdiretso na siya papunta sa kanyang kwarto sa pangalawang palapag. Totoong masakit ang kanyang likod at ang braso at kamay dahil sa ginawang booksigning kanina. Naisip niya na bukas ay magpapapunta siya ng masahista upang magpamasahe ng katawan. Pagkapalit niya ng damit pantulog ay kaagad siyang nahiga sa ibabaw ng kama at hindi niya namalayan na tuluyang hilahin siya ng antok.
KINABUKASAN, sinabihan ni Winter si Yaya Anna na patawagan ang masahista. Araw ngayon ng Sabado at sakto na espesyal ang araw na ito para sa kanya. Tuwing araw kasi na iyon ay date nila ni Floyd. Excited siya na makita ang kaniyang fiance kahit pa sobrang kabado siya dahil baka makilala siya nito at maisip na iisa lang sila ni Lady Seoli.
Simula pa lamang ng siya ay isilang ay inireto na siya ng kanyang mga lolo at lola sa apo ng kaibigan din ng mga ito na siyang si Floyd. Verbal agreement lang naman ang naging usapan ngunit para sa mga ito ay seryoso ang usaping pagpapakasal upang ang mga negosyo ay mapagsama at mas lalong mapalakas. Kaya naman habang nagkakaisip siya ay ganoon din ang tumatak sa kanyang isipan. Wala siyang ibang kapatid kaya naman natuon ang kanyang atensyon kay Floyd. Ito lang palagi ang kanyang kasa-kasama sa tuwing maglalaro. Sampung taon ang agwat nito sa kanya kaya naman hindi wala ang mga magulang niya dito.
Habang lumalaki at nakatatak sa kanyang isipan ang bagay na ikakasal sila nito pagdating ng tamang panahon ay hindi maiwasan na mahulog talaga ang loob ni Winter sa binata. Noong una ay wala lang sa kanya ang bagay ng pagiging engaged nilang dalawa ngunit habang nagdadalaga siya ay mas lalong nagiging buo sa kanyang isipan na para lamang talaga siya dito.
Mahal niya si Floyd sa kabila ng pagiging seryoso nitong tao. Hindi rin ito sweet at hindi rin palakibo. Kakausapin lamang siya nito kapag may itatanong sa kanyang mahalagang bagay at kung siya naman ang magtatanong dito, kadalasan ay tango at iling lang ang sinasagot nito. Dahil lumaki siya na ganoon si Floyd sa kanya ay nasanay na siya. Maiintindihan din niya kung bakit araw na Sabado lamang siya nito binibigyan ng sapat na oras na dahil alam niya na busy ito sa mga negosyo na hinahawakan nito.
'Magkasama pa kami nung lunch time, ah?'
Iyan ang naisip niya dahil hindi talaga siya makapaniwala na magkikita sila nito sa mall kanina. Hindi niya kasi alam ang mga lakad ni Floyd dahil hindi naman sila nagkakausap nito patungkol doon. May sarili din siyang schedule sa company nila ng family niya. Kapag ganoong tungkol kay Floyd ay hindi siya namamakialam. Kahit sa secretary nitong si Hugo, hindi siya nagtatanong.
Hindi niya na muna inisip ang bagay na iyon dahil pakiramdam niya ay sasakit ang kaniyang ulo. Sa ngayon ay ipapahinga na muna niya ang kaniyang isipan. Panigurado kasi na mag-ooverthink lang siya. Huminga siya nang malalim saka tumayo at lumapit sa kaniyang working table at binuksan ang laptop niya. Kaagad niyang ni-check ang kaniyang email kung saan may hinihintay siyang mahalagang email.
Bumangsak ang kaniyang mga balikat nang wala pa rin siyang matanggap na email mula sa Dreamecard Publishing house—Ang isa sa pinakasikat na publishing house sa loob at labas ng bansa. Iyon talaga ang pangarap niyang publishing ngunit masyadong mataas ang standard ng nasabing publishing dahil nahihirapan siyang makapasok. Kahit kasi may mga fans, readers at supporters siya ay hindi pa rin sapat iyon upang makapag-print ng sarili niyang libro doon.
Ginagawa naman niya ang lahat ngunit pakiramdam niya ay kulang pa rin ang kakayahan niya dahil hindi siya natatanggap. Nakailang pasa na siya ng manuscript ngunit wala pa rin.
Kaagad niyang tinawagan ang numero ng kaibigan na si Emery upang ipaalam dito na ganoon pa rin ang resulta.
“Okay lang iyan. Baka hindi pa talaga ito ang tamang oras para makapasok ka sa Dreamcard Publishing House. Basta huwag ka lang susuko para naman makamit m rin siya someday.”
Mabuti na lang din at mayroon siyang matalik na kaibigan na nagsasabi sa kaniya ng mga ganoong salita. Nawawalan kasi siya ng pag-asa na makapasok pa roon. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang magtayo ng sarili niyang publishing house ngunit alam naman niya na hindi iyon ganoon kadali. Maraming mga bagay ang dapat niyang isaalang-alang at isa na roon ang kaniyang pamilya at si Floyd.
Umayos ng pagkakaupo si Winter. “Hindi naman ako susuko at wala naman akong balak. Nagkataon lang na marami akong iniisip ngayon kaya na-dodown ako,” malungkot niyang wika sa kaibigan na nakikinig lang sa kabilang linya.
“Kung iniisip mo pa rin ang nangyari kanina sa mall, huwag mo na muna iyon isipin. Relax. Mukhang hindi ka naman no’n nakilala. Edi sana ay nandyan na siya ngayon at kokomprontahin ka, di ba?”
Iyon na lang nga ang iniisip niya. Panigurado na kakausapin siya nito kung sakali na nakilala siya ni Floyd kanina. “Tama ka, Emery,” aniya na nagkaroon ng pag-asa kahit na kaunti. May sasabihin pa sana si Emery ngunit biglang kumatok si Yaya Anna. “Teka, Emery, dumating na yata iyong masahista na pinapunta ko rito.”
“Sige. Tawagan mo na lang ako mamaya.”
“Sige. Bye!” Nang maibaba ang tawag ay sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok ang yaya niya. “Nandyan na ba ang masahista, yaya?” Sinuklay pa niya ang sariling buhok habang nakatingin sa salamin.
"Winter, nasa baba si Sir Floyd at gusto ka raw makausap," wika ng kanyang Yaya Anna na bagong dating.
Napalingon si Winter dito. Kumabog nang malakas ang kanyang puso at bigla siyang kinabahan. Masyado pang maaga para pumunta si Floyd dito sa mansyon. Ang usapan nila, ang date nila ay alas-kwatro pa ng hapon. Kataka-taka na nandito ka agad ito na ganap na alas nueve pa lamang ng umaga. Napalunok siya.
"D-did you ask him why?" Hindi niya na yata talaga maitatago ang kabang nararamdaman niya ngayon. Kailangan na yata niyang magdasal sa lahat ng santo na alam niya.
Umiling si Yaya Anna. "Wala siyang sinabi pero dumiretso na siya sa library. Ngayon lang yata siya nagpunta nang ganito kaaga." Kahit ang yaya niya ay napansin din ng bagay na iyon habang siya naman ay parang sasabog na ang puso sa sobrang kaba na nararamdaman.
'May kinalaman kaya sa pag-uusapan namin `yung nangyaring pagkakita niya sa akin sa booksigning?'
KAAGAD NA nagbihis si Winter upang maging presentable siya sa harap ni Floyd. Maxi floral dress ang kanyang isip ang suot at flat sandals naman sa kanyang paa. Naglagay lang ng maliit na clip sa kanyang maiksing buhok. Nilagyan din niya ng light make-up sa kanyang mukha upang hindi siya bago mukhang kabado. Ilang sandali pa niyang tinitigan ang sarili sa harapan ng salamin upang tingnan kung okay ba ang kanyang itsura.
Sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang mga kamay at hindi niya alam kung paano haharapin si Floyd. Hindi niya alam kung ano ang mga isasagot nya dito kung sakaling magtanong ito tungkol sa nangyaring book signing event noong nagdaang araw. Lihim siyang nagdasal nang taimtim upang ipanalangin na sana ay walang kaugnayan ang sasabihin nito sa nangyaring pagtatagpo ng mga mata nila. Kahit na ganoon lang ang nangyari, sa paraan kasi ng pagtingin nito sa kaniya, tila ba nabasa nito sa mga mata niya kung sino talaga siya.
Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga bago nagdesisyon na lumabas ng silid at bumaba sa library. Nang makatayo siya sa tapat ng pintuan ay tatlong katok ang kanyang ginawa upang pihitin ang seradura. Nanginginig ang kanyang mga tuhod ngunit pinilit niya na makalakad ng maayos upang hindi siya mahalata nito.
Naabutan ni Winter si Floyd na nakaupo sa executive chair na nandoon habang umiinom ng kape. Maingat niyang sinara ang pintuan at pagharap niya dito ay nasa kanya na ang tingin. Napalunok si Winter ng magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Parang gusto niya lumabas at dumiretso sa banyo. Sobrang kinakabahan talaga siya. Ramdam na ramdam din niya ang panginginig at panlalamig ng kaniyang mga kamay.
Kagaya ng normal na paraan ng tingin nito sa kaniya, parang tagusan pa rin iyon kaya naman napayuko siya. Humakbang siya dahilan upang lumapit sa harapan nito. Sinubukuan niyang bigyan ito ng matamis na ngiti sa mga labi. "Hi," bati niya rito gamit ang mahinang tinig. “Sorry kung ngayon lang ako.” Hingi niya ng paumanhin sa kaniyang fiancé na seryosong-seryoso na nakatingin sa kaniya.
Naisip niya na ganoon naman talaga si Floyd at walang bago. Ngunit kahit na ganoon ay nanalangin pa rin siya na sana ay maging maayos ang pag-uusap nilang dalawa.
"Have a seat," malamig na wika nito kaya mas lalo siyang kinabahan. Napalunok siya. Pinipilit niya ng ikalma ang sarili at huwag ipahalata rito kung gaano siya kakabado.
Nag-iwas siya ng tingin dito at sinunod ang sinabi. Naupo si Winter sa isang silya sa harapan. "Ang aga mo naman. Hindi ba't mamaya pa `yung lakad natin?" tanong niya at pilit na ngumiti.
Tumingin ito sa suot na relo bago binalik ang tingin sa kanya. "Wala namang masama kung pupuntahan kita nang maaga, `di ba?" tanong nito. Ang boses nito ay para bang mas nakakatakot sa pandinig niya ngayon.
"O-of course. P'wede naman. Wala naman akong sinabing gano'n. Kumain ka na ba? Gusto mong bang magpahanda ako ng pagkain?” Lumingon siya sa buong library. “Bakit hindi ko yata nakita si Hugo sa labas? Mag-isa ka lang ba na nagpunta rito?" tanong niya upang kahit paano ay maiba ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa.
“Hindi mo naman dating hinahanap si Hugo. Bakit tila interesado ka yatang makita siya?”
“Ha? Hindi ah?” Kumunot ang noo niya. “Nakakapanibago lang kasi na hindi mo siya kasama.” Sinundan pa niya ng tawa ang sinabing iyon.
Nag-iwas ito ng tingin at umayos ng upo. Pinatong nito ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa at pinagsalikop ang mga palad. "May gusto lang sana akong itanong sa iyo," seryosong wika nito dahilan upang mas lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ang tingin ni Floyd ay diretso sa kanyang mga mata na para bang inaaral kung ano ang emosyong nararamdaman niya ngayon.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "S-sure? Anything. Ano ba `yun?" pilit nyang pinasigla ang boses kahit na ang totoo ay parang maiiyak na siya sa sobrang kaba na nararamdaman. Pinagsalikop niya ang kanyang mga palad at mahigpit na hinawakan ang isa't-isa na parang doon humuhugot ng lakas.
Tinitigan pa siya nito nang ilang sandali sa mga mata bago nagsalita. "Pag-alis ko kahapon, Umalis ka rin, `di ba? Where did you go?"
NAGMAMADALING dinampot ni Winter ang kanyang maskara na kulay ginto at itim at sinuot sa kanyang mukha bago lumabas ng sasakyan. Nagmamadali siyang lumakad-takbo upang makapasok sa isang event hall. Mula sa likod ng building siya dumaan papasok upang masigurado na walang makakita sa kanya. Ang sasakyan niya ay inihilera niya sa mga sasakyan na nakaparada doon. Panay din siya tingin sa mga nadadaanan upang wala siyang makabanggaan.Nang makarating siya sa loob ng isang silid ay kaagad niyang ni-lock ang pinto at mabilis na nagpalit ng damit galing sa loob ng kanyang backpack. Madaling-madali siya sa kanyang ginagawa dahil anumang oras ay magsisimula na ang event at late na nga siya. Sandali niya rin sinuklay ang kanyang mahaba at itim na buhok upang hindi iyon nakasabog dahil siya ay nagpalit ng damit. Nang masigurado ni Winter na ayos na ang kanyang itsura ay huminga siya nang malalim at ang bag na kanyang dala ay nilagay niya muna pansamantala sa ilalim ng drawer.Humugot siya ng mal
NAPALINGON SI Winter nang may kumalabit sa kanyang tabi. "Lady Seoli..." Kumunot ang noo niya sa kanyang kaibigan na wala sa kanya ang tingin."Bakit?" tanong niya rito habang dahan-dahan na inaabot sa kanyang fan ang librong pinirmahan niya. “Thank you,” sweet pa siyang ngumiti rito bago umalis sa harapan niya. Tumingin siya sa kaibigan. “Ano ba iyon?”"Look..." Tumuro pa ito sa harapan nila.Hindi pa rin siya nito nililingon kaya naman sinundan niya ang tingin nito.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at na istatwa siya sa kanyang kinauupuan habang nakatitig ngayon sa lalaking naglalakad sa mall. Si Floyd iyon kasama ang kanang-kamay nitong si Hugo. May mga kasama rin ang mga ito na mga bodyguards na lahat ay nakasuot na kulay itim na suit and tie. May kasama rin na babae si Floyd, si Agatha. Adopted sister ni Winter si Agatha na siyang inampon ng kaniyang mga magulang noong nasa highschool sila. Matanda lang ito sa kaniya ng isang taon at anak ng dating katulong nila sa bahay
PAGOD NA naupo si Winter sa mahabang sofa nang makarating sila sa bahay ng kaibigang si Emery. Inalis niya ang kanyang maskarang suot at maingat na nilapag iyon sa center table. Sobrang nanlalata siya sa mga nangyari kanina nang makita niya si Floyd na nakatingin sa kaniya. Huminga siya nang malalim bago tinaas ang dalawang kamay at maingat na inalis ang mahabang wig na suot sa ulo. Sinuklay niya iyon gamit ang mga daliri bago pinatong din sa tabi ng maskara niya.Malaking kaginhawaan ang kanyang naramdaman nang lumantad ang kanyang maiksing buhok na medyo curly. Napalingon siya sa kanyang kaibigan nang maupo ito sa tabi niya. Alam niya na kahit ito, shock din sa nangyari.Lumingon ito sa kanya ng dahan-dahan at hindi makapaniwala ang rumehistro sa mukha. "Totoo ba na si Floyd `yung nakita natin kanina sa mall?" tanong nito.Tumango siya ng dahan-dahan dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala. Napalunok pa siya bago ipinikit ng mariin ang mga mata. "Oo. Kasama pa nga sina Hugo at Ag