Share

CHAPTER 3

PAGOD NA naupo si Winter sa mahabang sofa nang makarating sila sa bahay ng kaibigang si Emery. Inalis niya ang kanyang maskarang suot at maingat na nilapag iyon sa center table. Sobrang nanlalata siya sa mga nangyari kanina nang makita niya si Floyd na nakatingin sa kaniya. Huminga siya nang malalim bago tinaas ang dalawang kamay at maingat na inalis ang mahabang wig na suot sa ulo. Sinuklay niya iyon gamit ang mga daliri bago pinatong din sa tabi ng maskara niya.

Malaking kaginhawaan ang kanyang naramdaman nang lumantad ang kanyang maiksing buhok na medyo curly. Napalingon siya sa kanyang kaibigan nang maupo ito sa tabi niya. Alam niya na kahit ito, shock din sa nangyari.

Lumingon ito sa kanya ng dahan-dahan at hindi makapaniwala ang rumehistro sa mukha. "Totoo ba na si Floyd `yung nakita natin kanina sa mall?" tanong nito.

Tumango siya ng dahan-dahan dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala. Napalunok pa siya bago ipinikit ng mariin ang mga mata. "Oo. Kasama pa nga sina Hugo at Agatha. So sure ako na siya nga iyon. Ang tanong, ano ang ginagawa nila doon?”

"Baka naman may i-mimeet sila? Baka may ka-meeting?”

"Oo nga pero bakit nakatingin siya sa akin kanina?! Sa tingin mo ba nakilala niya ako?" Nakahawak pa siya sa sariling dibdib dahil pinapakalma niya ang sarili.

"Hindi naman siguro. Well `yung mga kasamahan nating writers, since wala silang alam sa totoong identity mo at hindi nila kilala si Floyd,  hindi sila nagulat kagaya nang pagkagulat nating dalawa."

Naihilamos ni Winter ang dalawang mga palad sa kanyang mukha. "Shocks! Buti na lang hindi ka niya kilala as my friend! Can you imagine kung nakita ka niya doon tapos kilala ka niya bilang kaibigan ko as Winter? That would be the end of me!" Bumuga siya nang marahas na hininga habang nakatingin kung saan ngunit maya-maya lang ay bigla siyang tumingin sa kaibigan at hinawakan ito sa braso. “Kinakabahan ako.” Marahas siyang bumuntonghininga. “Do you think he recognized me as Winter?"

Sandaling napaisip si Emery. Umiling ito maya-maya. "Sa tingin ko nga hindi naman. Kasi ang layo-layo ni Lady Seoli sa itsura ni Winter."

Kinagat niya ang dulo ng kuko sa kanya hinlalaking daliri at napatango maya-maya. "Tama. Imposibleng makilala niya ako dahil malayung-malayo ang style ko as Lady Seoli at Winter." Tumingin siya sa kaibigan. "Wala akong dapat na ipag-alala, hindi ba?"

Tumingin sa kanya nang masinsinan ang kaibigan. Iyong mata sa mata. "Ewan ko sa iyo!" Hinampas niya ang braso nito dahilan upang mapa-aray. "Aray ko! Bakit ba nananakit ka?"

"Sumang-ayon ka naman sa akin para naman kahit paano hindi ako mag-alala." Sinamaan niya ito ng tingin.

"Hindi ko nga alam. Kung ako ang tatanungin mo, hindi talaga kita makikilala na ikaw si Winter dahil napakalayo nga ng itsura mo bilang Lady Seoli. Ikaw as Winter, parang hindi ka makabasag pinggan, okay? Prim and proper with right etiquette at perfect daughter ng mga Alfonso. Palaging maganda ang mga suot na damit, short and curly hair. Samantalang as Lady Seoli naman, look at yourself? Ang layo sa fashion style mo bilang Winter. Black shirt, faded jeans, long and straight hair, at higit sa lahat... palagi mo suot `to." Kinuha pa nito ang maskara niyang kulay itim at ginto pati na ang wig.

Huminga siya nang malalim at sinandal ang likod sa sofa. "Natatakot kasi ako."

Nilapag muna ni Emery ang wig sa center table at tumingin sa kanya. "Ano ba kasing kinakatakot mo? Na baka mahuli ka nila tapos hindi ka nila matatanggap kasi disappointed sila dahil erotic writer ka?"

Tumango si Winter.

Hinawakan ni Emery ang kanyang kamay. Humugot ito ng malalim na hininga. "Winter, sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa ilihim ang bagay na ito sa parents mo at kahit kay Floyd. Wala namang masama sa pagiging erotic writer natin."

"Alam ko naman na wala pero ayoko kasi masira `yung image ko sa kanila na hindi ako perfect daughter. Alam ko na mataas ang expectations nila sa akin dahil ako `yung nag-iisang tagapagmana ng mga Alfonso at dahil kabilang kami sa alta sociedad, kailangan perfect ako sa paningin nila. Isa pa, alam mo naman na ang gusto lang nila ay mag-focus lang ako sa pag-aaral sa business ng family naming. Paniguradong patitigilin nila ako sa pagsusulat kapag nalaman nilang ito ang ginagawa ko.”

"Hanggang kailan mo naman itatago ang pagiging writer mo?"

Hindi siya kaagad nakakibo dahil hindi pa talaga niya alam ang sagot. Sa ngayon ay mas nangingibabaw ang takot na baka magalit sa kanya ang mga magulang pati na si Floyd. “Hindi ko pa alam. Basta ngayon, magsusulat ako at hangga't kaya kong itago sa kanila, gagawin ko."

"Paano si Floyd?"

"Anong paano siya?"

Umayos ng pagkakaupo si Emery. "Hindi kaya ma-curious si Floyd dahil sa itsura mo kanina?”

Isa pa iyon sa kanyang inaalala. Napailing na lang si Winter. "Base sa pagkakakilala sa kaniya, wala namna siyang pakialam sa mga taong hindi mahalaga sa kaniya. Kaya baka naman hindi niya pagtuunan ng pansin si Lady Seoli. Hindi naman na siguro magtatagpo ang mga landas namin."

"Hindi mo sigurado `yan."

Inirapan niya ito. "Could you please show me your support at least at this point?"

Natawa ito sa kanya at nagtaas pa ng dalawang mga kamay na para bang sumusuko. "Fine. Siguro nga hindi na kayo magkikita ulit. Mag-iingat ka na lang. Huwag ka malilito sa mga pinagagawa mo, okay?"

Tumango na lang siya dito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status