NAPALINGON SI Winter nang may kumalabit sa kanyang tabi. "Lady Seoli..." Kumunot ang noo niya sa kanyang kaibigan na wala sa kanya ang tingin.
"Bakit?" tanong niya rito habang dahan-dahan na inaabot sa kanyang fan ang librong pinirmahan niya. “Thank you,” sweet pa siyang ngumiti rito bago umalis sa harapan niya. Tumingin siya sa kaibigan. “Ano ba iyon?”
"Look..." Tumuro pa ito sa harapan nila.
Hindi pa rin siya nito nililingon kaya naman sinundan niya ang tingin nito.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at na istatwa siya sa kanyang kinauupuan habang nakatitig ngayon sa lalaking naglalakad sa mall. Si Floyd iyon kasama ang kanang-kamay nitong si Hugo. May mga kasama rin ang mga ito na mga bodyguards na lahat ay nakasuot na kulay itim na suit and tie. May kasama rin na babae si Floyd, si Agatha. Adopted sister ni Winter si Agatha na siyang inampon ng kaniyang mga magulang noong nasa highschool sila. Matanda lang ito sa kaniya ng isang taon at anak ng dating katulong nila sa bahay.
Napalunok si Winter at napaiwas ng tingin sa gawi ng kaniyang fiancé. Bumangon ang kaba niya. Alam namna niya na malabong makilala siya ng mga ito dahil nakasuot siya ng mascara na itim na may halong ginto ang kulay.
May nag-abot sa kaniya ng libro niya at nakayuko niya iyong tinanggap. Sinabi ng reader ang pangalan nito ngunit hindi niya masyado naintindihan. Tumingin siya sa gawi nito. “Ano ulit ang pangalan mo?”
“Qwinxy po,” nakangiti nitong tugon sa kaniya.
“Ah okay…” Sinimulan niyang magtipa ng personal message dito saka niya pinirmahan ang aklat. “Thank you.”
Nakiusap ito sa kaniya na kung pwede ay mag-picture sila na agad naman niyang pinayagan. Dalawang shots din ang nakuhanan na larawan nila nito bago lumipad ang tingin ni Winter sa gawi kung saan nakita niya sina Floyd. Namataan niya na nakatayo ang mga ito sa tapat ng isang shop na hindi niya maaninag kung anong shop iyon.
Lumingon si Winter sa gawi ng kaibigan niya na si Emery. Siniko niya ito nang mahina.
“Bakit?” Hindi man lang siya nito nilingon dahil abala sa pagsulat sa aklat na pinipirmahan,
“Hindi ba ako makikilala ni Floyd? Or kahit nina Hugo?”
Kumunot ang noo ni Emery saka siya sinulyapan. “Paano ka makikilala e tagong-tago ang itsura mo. Saka hello, wala naman siyang ideya sa mga book signing na kagaya nito. Malamang na business lang ang pinunta niyan dito,” wika ng kaibigan niya na tinapik-tapik pa ang kaniyang braso na parang sinasabi nito na huwag siya masyado mag-alala.
Hindi niya malaman kung papanatag ba siya at maniniwala sa sinasabi nito. Kabang-kaba kasi ang kaniyang dibdib na parang may daga. Ilang beses niyang kinalma ang sarili at pilit nan i-relax ang sarili. Masyado na naman siyang nag-ooverthink.
“MASYADONG maraming tao ngayon, Floyd. Dapat pala ay sa ibang araw na lang tayo nagpunta dito,” ani Agatha habang nakasuot ito ng formal office attire. Nakatali ang buhok nito nang mataas. May make-up din sa mukha dahilan upang mas maging mataray ang aura. Pinalibot nito ang tingin sa kabuuan ng mall.
Sinulyapan lang ito ni Floyd na tila ba hindi interesado sa sinasabi. Humarap ito sa kanang-kamay nitong si Hugo. “Anong oras ba darating si Mr. Quentin?”
Tumingin si Hugo sa hawak nitong tablet upang tingnan ang schedule ni Floyd. “Ang sabi kasi ay 1 o’clock ang dating niya rito. Napaaga tayo ng ilang minuto. Gusto mo bang pumunta na lang muna tayo sa coffee shop?”
Sumulyap si Floyd sa suot niyang relo. Maaga pa nga at mangangawit sila kung maghihintay sila ng mga kasama niya. Huminga siya nang malalim saka tumango kay Hugo. “Let’s go.” Nagpatiuna siya sa paglalakad ngunit napunta ang kaniyang tingin sa gawi ng mga tao na nakapila. Wala naman siyang intension na makiusyoso dahil wala naman siyang pakialam sa mga ganoong bagay.
Ngunit kusang tumigil ang mga paa ni Floyd nang mapunta ang kaniyang tingin sa isang poster. Maraming mga mukha ang nasa poster na nasa harapan niya ngunit may isang babae ang nakapukaw ng atensyon niya. Kahit na nakasuot ng kulay itim at gintong kulay na mascara at tagong-tago ang mukha ng babae, ang mga mata nito ay nakitaan niya ng emosyon. Pinaningkitan niya ng tingin iyon habang ang mga kamay ay nakapasok sa magkabilaang bulsa ng suot na pantalon.
Hindi niya malaman kung bakit ngunit tila ba may kakaibang karisma ang mga matang iyon. Kahit nasa poster lang ang babae, ang mga mata nito ay tila ba siya hinihipnotismo.
“Lady Seoli…” Binasa niya ang pangalan na nasa ilalim ng mukha nito.
“Mr. Floyd?” tawag sa kaniya ni Hugo.
Lumingon siya rito. “Hmm?”
“May problema ba?” tanong nito sa kaniya.
Bago sumagot ay muli siyang tumingin sa poster. Ilang sandali pa ay binalik niya ang tingin kay Hugo. “Nothing. Let’s go.” Muli siyang naglakad ngunit nang may bumangga sa kaniyang babae, napahinto siya.
“I’m sorry po,” ani babaeng sa tingin niya ay teenager. Bahagya pa itong yumuko upang humingi ng dispensa sa kaniya.
Hindi siya kumibo at tiningnan lang ito. Si Hugo ang nakipag-usap sa babae habang si Agatha naman ay maarteng inirapan ang babae. “Ayos ka lang ba, Floyd?” tanong nito sa kaniya.
Hindi siya kumibo dahil may nakakuha ng kaniyang atensyon. Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang mahabang mesa kung saan may mga nakaupo sa likod niyon. Mga abala ito sa pakikipag-usap sa mga tao na nasa kabilang side ng mesa habang may mga hawak na ballpen at libro. Noon niya napansin na nandoon din ang babaeng nasa poster. Iyong may suot na itim at gintong mascara na nakikipag-picture sa katabi nitong lalaki.
Kumunot ang noo ni Floyd. Hindi niya malaman kung bakit ngunit bigla siyang nakaramdam ng inis. Natigilan ang babae nang mapunta sa kaniya ang tingin at magsalubong ang mga mata nilang dalawa. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Floyd nang mag-iwas ng tingin ang babae.
“Floyd, let’s go? Nangangawit na ako,” maarteng wika ni Agatha na halatang naiinip.
Humugot siya nang malalim na hininga bago nagsimulang maglakad patungon sa coffee shop na pakay nila.
PAGOD NA naupo si Winter sa mahabang sofa nang makarating sila sa bahay ng kaibigang si Emery. Inalis niya ang kanyang maskarang suot at maingat na nilapag iyon sa center table. Sobrang nanlalata siya sa mga nangyari kanina nang makita niya si Floyd na nakatingin sa kaniya. Huminga siya nang malalim bago tinaas ang dalawang kamay at maingat na inalis ang mahabang wig na suot sa ulo. Sinuklay niya iyon gamit ang mga daliri bago pinatong din sa tabi ng maskara niya.Malaking kaginhawaan ang kanyang naramdaman nang lumantad ang kanyang maiksing buhok na medyo curly. Napalingon siya sa kanyang kaibigan nang maupo ito sa tabi niya. Alam niya na kahit ito, shock din sa nangyari.Lumingon ito sa kanya ng dahan-dahan at hindi makapaniwala ang rumehistro sa mukha. "Totoo ba na si Floyd `yung nakita natin kanina sa mall?" tanong nito.Tumango siya ng dahan-dahan dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala. Napalunok pa siya bago ipinikit ng mariin ang mga mata. "Oo. Kasama pa nga sina Hugo at Ag
MAINGAT ANG bawat hakbang ni Winter habang papasok siya sa loob ng kanilang magarang mansyon. Alas nuwebe na ng gabi at ngayon pa lamang siya nakauwi dahil nakatulog siya kanina sa bahay ni Emery. Mabuti na lang din at nagising siya kung hindi ay baka bukas na talaga siya nakauwi dito. Sinadya niya na magkaroon ng sariling duplicate key upang kahit na gabihin siya ng uwi ay hindi siya mahalata ng kanyang mga magulang.Dahan-dahan niyang sinara ang malaking pinto at nang lumangitngit iyon ay napangiwi siya at tumigil sandali sa ginagawa. Tumingin sya sa buong paligid ng malaking sala upang tingnan kung mayroon bang tao. Bahagya din siyang nakayuko upang hindi kaagad siya makita ng sinuman. Nang matagumpay niyang mailapat ang pinto ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa hagdan ngunit hindi pa man siya nakakapag sa ikatlong baitang ay narinig na niya ang boses ng kanyang Yaya Anna."Bakit ngayon ka lang umuwi?" Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahang tum
NAGMAMADALING dinampot ni Winter ang kanyang maskara na kulay ginto at itim at sinuot sa kanyang mukha bago lumabas ng sasakyan. Nagmamadali siyang lumakad-takbo upang makapasok sa isang event hall. Mula sa likod ng building siya dumaan papasok upang masigurado na walang makakita sa kanya. Ang sasakyan niya ay inihilera niya sa mga sasakyan na nakaparada doon. Panay din siya tingin sa mga nadadaanan upang wala siyang makabanggaan.Nang makarating siya sa loob ng isang silid ay kaagad niyang ni-lock ang pinto at mabilis na nagpalit ng damit galing sa loob ng kanyang backpack. Madaling-madali siya sa kanyang ginagawa dahil anumang oras ay magsisimula na ang event at late na nga siya. Sandali niya rin sinuklay ang kanyang mahaba at itim na buhok upang hindi iyon nakasabog dahil siya ay nagpalit ng damit. Nang masigurado ni Winter na ayos na ang kanyang itsura ay huminga siya nang malalim at ang bag na kanyang dala ay nilagay niya muna pansamantala sa ilalim ng drawer.Humugot siya ng mal