This is Sequel of Debt Repayment. Kaya, basahin niyo muna ng Debt Repayment bago po ito. Salamat. Akala Nina Jarred Racqueza at Jasmine Saderra ay magiging matiwasay na ang kanilang relasyon ng umalis ng bansa si Beatriz para magpagamot. Ngunit hindi pala, dahil may mga taong ayaw silang patahimikin. May taong biglang dumating at magiging hadlang sa kanilang samahan nilang mag-asawa. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan? Mauuwi ba sa wala ang lahat ng mga napagtagumpayan nilang pagsubok sa kanilang relasyon o ipaglalaban nilanh dalawa ang pagmamahalan nila hanggang dulo lalo at nagbunga ang pagmamahalan nila.
view moreMakalipas ang labim-apat na taon. May dalawang lalaki at isang babae na anak ang mag-asawang Racqueza. Ang panganay na si Jayron na dalawampung taong gulang, pangalawa si Jayraine na labing-apat at ang bunso ay Jarren na labindalawang taong gulang. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng nag-iisang babae at ang kagwapuhan ng dalawang lalaki. Sa murang edad ay responsable na ang mga ito. Si Jayron ay sinasanay ng kaniyang magulang dahil pagtuntong nito sa dalawampu't-dalawang taong gulang ay ito na ang mamamahala ng Racqueza Steel Corporation. Sa ngayon, sinasanay na siya ng ni Jarred. Soon, si Jarren at Jayraine ang mamamahala ng Saderra's Steel Corporation."Kuya, sa tingin mo ba magugustuhan nina mom at dad ang plano natin?" tanong ni Jayraine sa kaniyang kuya Jayron. Ngumisi si Jayron."Oo naman, magugustuhan iyon nina mom at dad. Alam mo naman na simpleng effort lang ay masaya na sila," anito. Nagplaplano ang magkakapatid ng sorpresa para sa kanilang magulang na ngayon ay nasa CK R
Pagdating ni Jarred sa mansiyon at maipark ang sports car sa garahe, lumabas na siya ng sasakyan kasabay ng paglabas din ni Jayron. Papunta pa lang siya sa pintuan ng lumabas si Jasmine at sinalubong siya."Baby!" anito at niyakap siya. Niyakap din niya pabalik ang asawa. Napunta ang paningin ni Jasmine sa anak."Hello baby," anito."Good afternoon, mommy. Sabi ni dad may surprise ka daw po sa kaniya? Ano po iyon?" kuryos nitong tanong. Tumingin sa kaniya ang asawa at ngumiti."Yes, i have a suprise. Kaya pipiringan ko ang daddy mo, okay? Kapag nakita mo ang surprise ni moomy sa loob huwag kang maingay ah," anito na at inilagay ang hintuturo sa labi nito. Tumango-tango naman si Jayron. "Yes, mommy! Promise, quiet lang ako!" masigla nitong sagot. Napangiti na naiiling na lang siya. Hinarap siya ni Jasmine at naglabas ng panyo saka nagtungo sa kaniyang likuran at piniringan."Baby, na-eexcite tuloy ako sa surpresang ito? Gender reveal ba ito?" tanong niya. Naramdaman niya na natigilan s
Makalipas ang anim na buwan, may kalakihan na ang tiyan ni Jasmine. Nahirapan man siya sa pagbubuntis pero kinakaya niya. Naging maselan din ang paglilihi niya pero dahil sa pag-alalay sa kaniya ng asawang si Jarred, hindi niya naramdaman ang hirap. Ginawa nila ang lahat para maging malusog ang bata. Umiwas rin siya sa mga bagay na makakapagdulot sa kaniya ng stress at pagod. Umabsent muna siya sa trabaho ngayong araw. Nagprisinta ang kaniyang ama na ito na muna ang bahala sa mga trabaho niya ng araw na iyon. Sabagay, nandoon naman si Claria para gabayan ang kaniyang ama. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ang repleksiyon sa salamin. Napangiti siya habang tinitingnan ang may kaumbukan niyang tiyan. Tatlong buwan na lang ilalabas na niya ang kanilang anak ni Jarred. Hindi pa nila alam ang kasarian ng kanilang anak. Pupunta pa lang ngayon si Jasmine sa OB-Gyne para magpa-ultrasound. Sasamahan siya ng kaniyang ina. Hinihiling na sana ay babae ang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Habang hinihintay ni Jasmine ang asawa na mga sandaling iyon ay patungo na sa Breadshop para bilhin ang ube cake na pinaglalawayan niya. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Pupunta siya sa Cruz Drug Store di-kayuan sa gusali para bumili ng pregnancy test."Mrs. Racqueza saan po kayo pupunta?" tanong sa kaniya ni Claria ng matapat siya sa mesa nito. Mula sa ginagawa ay nag-angat ito ng tingin. Lumingon siya rito at nginitian ang dalaga."Pupunta ako ngayon sa Cruz Drug Store para bumili ng pregnancy test. Gusto kong malaman kung buntis nga ba talaga ako lalo at nagcra-crave ako ng ube cake. Nagpabili nga ako kay Jarred eh," pagbibigay-alam niya. Kahit papaano naging malapit na sina Jasmine at Claria kaya nasasabi na rin niya rito ang ibang mga bagay patungkol sa kaniya. Natutop ni Claria ang labi kasabay ng panlalaki ng mga mata dahil sa gulat."Baka na po kayo?!" mangha nitong tanong."Hindi pa naman ako sigurado. Baka nagcra-crave lang ako pero..." Huminto siya sa pagsasalita ng maisi
Isang buwan ang nakalipas matapos ang kasal nina Jasmine at Jarred. Bumalik na rin siya sa trabaho sa Saderra Coffee Factory. May mga trabaho man siyang nadatnan dahil sa isang buwan na pagkawala, hindi naman niya kailangan gawin iyon kaagad. Kasama naman niya si Claria na tapusin ang mga iyon. Nang araw na iyon ay maaga siyang pumasok sa opisina. Inihatid siya ng asawang si Jarred. Nagsuhesiyon siya na kumuha na lang sila ng private driver para hindi ito mahirapan lalo at may kalayuan ang Racqueza Steel Corporation pero tumanggi ito. Ang sabi nito, mas mabuti na ito pa rin ang maghatid sa kaniya dahil ayaw nitong ihabilin siya sa iba. Bilang asawa, obligasyon nito ang kaligtasan niya at ayaw nitong ipasuyo sa iba ang bagay na kaya pa naman nitong gawin. Napangiti siya nang maalala ang pag-uusap nila tungkol doon. Kitang-kita sa mga mata ni Jarred ang labis na pagmamahal at pagtangi sa kaniya. Na sa tagal nilang pagsasama ay kailanman hindi iyon nagbago bagkus mas lalo pa iyong lumal
Ito na ang araw na pinakahihintay ni Jasmine. Ang muling pag-iisang dibdib nila ni Jarred. Narito siya ngayon sa kaniyang kwarto at inaayusan ni Celine. Habang nakatingin siya sa repleksiyon niya sa salamin, hindi niya maiwasan ang mapangiti. Ibang-iba ang babae na nakikita niya sa kaniyang harapan. Babaeng punong-puno ng pag-asa ang mababakas sa kaniyang mukha. Napakaganda rin niya ng mga sandaling iyon. Gandang para lang kay Jarred. Pumalakpak si Celine nang matapos siya nitong ayusan."Ayan! Perfect!" bulalas ni Celine habang nakangiti na nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin. Nagtama ang mga mata nila. Makikita sa mga mata ni Celine ang kasiyahan para sa kaniya. "Napakaganda mo, Jasmine. Walang tulak kabigin ang iyong kagandahan. Tiyak na mas lalong maiinlove sa iyo si Jarred," anang kaniyang kaibigan. Ngumiti siya. Maski din naman siya ay lalong naiinlove sa asawa. "Thank you, Celine. Maraming salamat dahil ikaw ang kaibigan ko," aniya at nilingon ang kaibigan. Ngumiti ito.
Napabaling ang tingin ni Jasmine sa pintuan mula sa binabasang report galing sa isang branch nang marinig niya ang pagsigaw ni Jayron. Napangiti siya ng makitang nakatayo ang kaniyang anak at ang kaniyang butihing asawa sa pintuan na may ngiti sa mga labi. Bakas ang kasiyahan sa mukha."Mommy!" masiglang sigaw nito. Tumayo siya sa mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumabas sa mesa."Baby Jayron!" aniya at sinalubong ang anak nang patakbo itong lumapit sa kaniya. Yumuko siya para mayakap at anak at binuhat ito. "I miss you, baby," aniya at hinalikan ang pisngi nito. Hawig na hawig talaga ito ni Jarred. Wala man lang itong nakuha sa kaniya. Ayos lang. Malay mo sa susunod na magbuntis siya kamukha niya na."I miss you too, mom," tugon nito at mas niyakap siya ng mahigpit. Kumalas siya sa pagkakayakap rito at muling hinalikan sa pisngi."Kamusta ang pag-aaral. Nakikinig ka ba kay teacher?" tanong niya. Ngumiti ito."Okay naman po. Madami po akong natutunan at nakinig po akong mabuti ka
Si Jarred na ang naghatid kay Jayron sa eskwelahan. Hindi na sumama si Jasmine dahil may mga aasikasuhin pa ito sa opisina. Preparatory na siya ngayon. Nang marating ang eskwelahan, inihatid na niya sa silid-aralan ang anak. Ipinakisuyo niya ang anak sa guro nito na si Mrs. Lee."Kayo na po ang bahala kay Jayron, Ma'am Lee," aniya. Tumango na may kasamang ngiti ang guro."Oo naman po, Mr. Racqueza," sagot nito."Susunduin ka ni Daddy mamaya, huh?" aniya."Okay po," sagot nito. Inakay na ni Mrs. Lee si Jayron patungo sa silya nito.Nginitian niya ang guro at umalis na ng silid-aralan. Nang marating niya ang kanyang mamahaling kotse, pumasok siya at pinasibad iyon patungo sa Jewelry Shop ni Celeste. Nang marating iyon, ipinark niya ang sasakyan sa parking area ng shop saka lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng jewelry shop. Nang makapasok siya, ngiti ang ibinungad sa kaniya ng saleslady."Good day, Sir Racqueza," bati nito. Tipid niya itong nginitian."Good day rin. Nandiyan ba si M
Pagdating nila Jasmine at Jarred sa mansiyon. Nagkatinginan silang dalawa ng makitang may itim na sports car sa labas ng gate. Lumabas si Jarred ng lamborghini at nilapitan ang gwardiya."Kanino pong sports car, iyon?" tanong nito habang ang mga mata ay nasa sasakyan."Bianca Cardova po kasama po niya ang anak niya. Pinapasok na po ni Tessa," pagbibigay-alam nito. Marahil alam ni Tessa na walang gagawing masama si Bianca kaya pinapasok na ito sa bahay. Hindi rin maganda kung sa labas sila mananatili. Lumabas si Jasmine at nilapitan ang asawa."Sino daw iyon, baby?" tanong niya. Liningon siya ni Jarred."Si Bianca at Beatriz, baby. Nandito sila sa bahay," anito. Tumango-tango siya. Marahil ay may sadya ang mga ito kung bakit sila narito."Mabuti pa pumasok na tayo sa loob ng bahay para makausap na rin natin sila," aniya na tinugon naman ng tango ni Jarred. Bilang gentleman, pinauna siya ng asawa maglakad at hindi napigilan ni Jasmine mapangiti sa ginawa ng asawa. Nang makapasok sila sa
"Good morning po, Ate Tessa." bati ni Jarred ng madatnan si Tessa sa kusina at abala sa pagluluto. Lumingon sa kaniya ang kasama at binigyan ng isang ngiti."Good morning din." bati nito sa kaniya at muling itinuon ang pansin sa niluluto. Umupo siya sa mesa at nagtimpla ng kape. Nang mga sandaling iyon patapos na sa pagluluto si Tessa at inihanda na iyon sa mesa. Ipinaghain si Jarred ng almusal tsaka umupo sa upuan na nasa tapat niya."Kelan niyo balak magpakasal?" tanong ni Tessa sa kaniya. Mula sa kinakain, nag-angat ng tingin si Jarred at tiningnan ito. Hindi niya naiwasan na makaramdam ng lungkot ng maalala ang usapan nila ni Jasmine kagabi. Huminga siya ng malalim."Gusto po ni Jasmine na sa huwes ka mi magpakasal." aniya at ikwento dito ang dahilan kung bakit yun ang gusto ni Jasmine. Hindi maiwasang mapailing ni Tessa sa mga narinig. Hindi inaakala na ganun ang ugali ni Beatriz. Ginagap ang kamay ni Jarred, tinuring na kasi niya itong parang anak. Nasasaktan ito, pero naiint...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments