"Good morning po, Ate Tessa." bati ni Jarred ng madatnan si Tessa sa kusina at abala sa pagluluto. Lumingon sa kaniya ang kasama at binigyan ng isang ngiti.
"Good morning din." bati nito sa kaniya at muling itinuon ang pansin sa niluluto.
Umupo siya sa mesa at nagtimpla ng kape. Nang mga sandaling iyon patapos na sa pagluluto si Tessa at inihanda na iyon sa mesa. Ipinaghain si Jarred ng almusal tsaka umupo sa upuan na nasa tapat niya.
"Kelan niyo balak magpakasal?" tanong ni Tessa sa kaniya.
Mula sa kinakain, nag-angat ng tingin si Jarred at tiningnan ito. Hindi niya naiwasan na makaramdam ng lungkot ng maalala ang usapan nila ni Jasmine kagabi. Huminga siya ng malalim.
"Gusto po ni Jasmine na sa huwes ka mi magpakasal." aniya at ikwento dito ang dahilan kung bakit yun ang gusto ni Jasmine.
Hindi maiwasang mapailing ni Tessa sa mga narinig. Hindi inaakala na ganun ang ugali ni Beatriz. Ginagap ang kamay ni Jarred, tinuring na kasi niya itong parang anak. Nasasaktan ito, pero naiintindihan niya si Jasmine lalo bat buntis ito.
"Intindihin mo nalang si Jasmine." anito. Tumango-tango si Jarred at ngumiti.
"Opo, naiintindihan ko po siya lalo at buntis po siya. Pasensiya na po ate, nagiging mahina ako." aniya. Ngumiti si Tessa sa kaniya at ikinumpas ang kamay.
"Naku! Wala iyon, ano ka ba!" at binuntutan ng mahinang tawa. "Natural lang na panghinaan ka, hindi ka perpekto Jarreds, may bmga kahinaan ka rin." aniya at tumayo na.
"Maiwan muna kita, may gagawin sa ako sa itaas." aniya at iniwan si Jarred na may ngiti sa mga labi dahil kahit papaano gumaan anmg pakiramdan niya dahil nailabas bniya asng dinaramdam niya.
Patapos na sa pagbibihis si Jarred ng tumunog ang cellphone niya. Napakunot-noo at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng tokador. Napangiti siya ng makitang si Wilson Monero iyon, tiyak na may update na ito sa kung sino ang may gawa niyon. Sinagot niya ang tawag at inilagay sa taenga ang cellphone."Yes, Mr. Monero, any update?" tanong niya rito na ikinatawa ng nasa kabila.
"Excited Mr. Racqueza?" sutil nitong sagot. Natawa siya.
"Oo naman para wala ng maging hadlang samin ng future wife ko." pagbibiro niya.
"Wow! Congrats." bati nito.
"Thankyou, pero sa huwes muna kami magpapakasal. Request ni DJasmine eh. Syempre, invited ka pero dapat ihanda mo na ang regalo mo." biro niya rito na ikinatawa ng malakas ni Mr. Monero. Kahit papaano nagiging malapit na sila sa isa't-isa.
"Sige, walang problema. About sa update, for sure kilala mo siya. Isa siya sa mga empleyado mo na nakasabwat ng sinoman ang nagplano nito. At tsaka yung babaeng nasa dvideo ang may kagagawan nun. Gusto mo bang patahimikin ko siya?" tanong nito.
"No, ako na ang bahala sa kaniya or maybe, ang fiancee ko na ang bahaala sa kaniya." kontra niya dito. Gusto niyang si Jasmine ang gumawa ng hakbang para doon.
"Okay." anito na tinatapos na ang usapan.
"I will send later the payment, Mr. Monero. Thanks for the help, have a good day." aniya at pinatay na ang tawag.
Tiningnan niya si Jasmine kung tulog pa ito o gising na. Ngumiti siya rito ng makitang nakaupo ito sa kama. Ngumiti ito sa kaniya pabalik.
"Good morning, heart." anito. Pinasadahan niya ito ng tingin at hindi maiwasang mag-init ng makita sa loob ng negligee ang makinis nitong katawan.
"Ayan na naman ang mga tingin na yan eh, parang mangangain eh!" ani Jasmine na may pilkyang ngiti sa mga mata habang nakatitig sa kaniya.
Tumaas ang sulok ng labi niya at pilkyo rin itong tinitigan. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo tsaka umupo sa tabi nito tsaka inilapat ang kamay sa hita nito at itinaas iyon hanggang sa ibaba ng pag-aari nito. Inilapit niya ang bibig sa taenga nito at bumulong.
"Atleast, sayo lang ako ganito." aniya at inilabas ang pangahas na d*la tsaka inilakbay iyon sa gilid ng taenga nito. Napakapit si Jasmine sa kaniyang braso at bumaon doon ang kuko nito.
"Jarred.." paanas nito. Itinigil na niya ang ginagawa, baka matukso siya at malate pa sa pagpasok.
"I have to go, baby. Natutukso akong angk*nin ka pero baka malate ako. Meron pa naman mamayang gabi." aniya at muling hinalikan ito sa noo. Tinampal nito ang braso niya at binigyan siya ng matalim na tingin.
"Ang halay mo talaga!" anito na ikinatawa lang niya. Kinindatan niya ito.
"Mahalay pagdating sayo." aniya kaya ang nangyari nakakuha siya ng kurot rito mula sa tagiliran. Tumayo na siya habang hawak ang tagiliran na kinurot nito.
"Makaalis na nga, baka mapano pa ako sayo." aniya habang nakanguso. Tumawa ito ng malakas at ikinumpas ang mga kamay na para bang ipinagtatabuyan siya.
"Umalis ka na! Shooo!" biro nito na natatawa. Muli hinalikan niya ito sa noo at pinakatitigan. He caressed her cheeks.
"I love you." aniya habang titig na titig sa mga mata nito.
"I love you too." sagot nito."
Nang marating ang gusali at makapasok sa loob. Binati siya ng mga empleyado niya na tinugon naman niya ng tango at ngiti. Pagkarating niya sa opisina ay agad siyang naupo sa swivel chair niya at inilabas ang cellphone na nasa bulsa. May natanggap siyang mensahe galing kay Mr. Monero.Binuksan niya ang mensahe nito at hindi makapaniwalang napatitig sa pangalan na isinend nito. Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib dahil sa pinipigilang galit na kaniyang nararamdaman. Naikuyom niya ang kamao.
"Bakit mo nagawa sakin ito? Pinagkatiwalaan kita." aniya sa sarili at tsaka dinampot ang telepono sa tabi niya tsaka idinial ang telepono ng Sekretarya niyang si Ms. Ferran. Agad naman nitong sinagot iyon.
"Yes Sir, may kailangan po ba sila?" tanong nito. Humigpit ang hawak niya sa telepono.
"Cancel my appointment at 1 pm and please tell Cathy Saura na pumunta siya rito sa office at may pag-uusapan kami." aniya sa matigas na tinig.
Bahagyang natigilan si Ms. Ferran dahil sa tono ng boses niya, ngayon lang niya narinig ang ganong tono ng boses nito. Pero pinilit niya pa rin sumagot ng maayos sa kaniya.
"Okay, Sir. Copy." anito.
"Thanks, Ms. Ferran." aniya at ibinaba na ang telepono.
Sa kabilang banda, abala si Cathy sa ginagawang report para sa Departamento nila nang tumunog ang telepono niya. Sinagot niya iyon.
"Hello, Ms. Saura. Gusto ka daw pong kausapin ni Mr. Racqueza ng 1pm, may mahalaga po kayong pag-uusapan." anito.
Hindi maiwasang pangatugan ng tuhod si Cathy pagka-rinig ang pangalan ng boss nila. Hindi kaya alam na nito ang ginawa nila ni Beatriz. Hindi niya tuloy maiwasang magalit kay Beatriz, dahil pagkatapos siya nitong pakinabangan ay nawala nalang ito na parang bula. Ngayon,m mag-isa niyang haharaspin ang problema niya.
Pero masaya siya dahil mukhang walang nangyaring hiwalayan kina Sir Racqueza at Ma'am Saderra. Kung sakali mang tatanggalin siya, nakahanda siyang tanggapin iyon. Kilala niya kung paano magalit ang boss nila. Sinubukan niya ang sarili na maging buo ang kaniyang mga salita.
"Okay, pupunta ako." aniya. Pinatay na ni Ms. Ferran ang tawag.
Alas-onse ng umaga ay nagpasyang umuwi si Jarred para manghalian sa mansiyon. Pagkatapos niyang kausapin kanina si Jasmine na halatang wala sa mood dahil sinusungitan siya nito. Nagpabili ito ng cokefloat at hamburger dahil naglalaway daw. Napailing-iling nalang si Jarred habang sinasariwa iyon sa kaniyang ala-ala habang nasa isang fastfood chain at inoorder niya ang pinapabili nito. Hindi niya rin pinapansin ang mga tinging ipiupukol ng mga babaeng service crew sa kaniya. Yung isang crew naman na katabi ng crew na pinag-orderan niya, dahil sa kakatitig sa kaniya hindi niya napansin na may costumer pala sa harapan, ayun! Nabungangaan ng costumer. Kawawang crew.Nang maibigay ng crew ang order niya ay lumabas na siya ng restaurant at nagtungo sa sasakyan. Inilapag niya ang dala sa passenger's seat. Mamaniobrahin na sana niya ang sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Alam niya na ito ang tumatawag dahil may sariling ring tone si Jasmine para kung iba ang tumatawag pwede niy
"Si Cathy Saura." aniya. Hindi alam ni Jarred kung ano ang mararamdaman. May dahilan ba kaya ginawa iyon sa kaniya ni Cathy. She's an efficient employee, wala siyang masabi sa galing nito bilang HR Head Dept. Napasinghap si Jasmine dahil sa sinabi niya na nakatakip ang bibig."Bakit niya iyon nagawa?" manghang tanong ni Jasmine. Tinitigan niya ito na may malamlam na mga mata at napailing-iling."Hindi ko alam. Magaling si Cathy at talaga namang walang nagrereklamo na mga empleyado sa kaniya. Nagtataka lang ako kung bakit siya nakipagsabwatan kay Beatriz." aniya na may pagkakunot ng noo. Kababakasan ng lungkot ang mukha ni Jasmine."Baka may dahilan kaya niya iyon nagawa. Magset ka ng meeting sa kaniya at kausapin mo siya para malaman mo ang side niya. Baka nagawa niya iyon dahil kailangan." Napatingin siya sa maamong mukha ni Jasmine, bakit ba napakamaunawain nito? Bakit ba napakabait nito? Kaya nga sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo niya itong minamahal. Na para bang nakakakata
"Maraming salamat po, Manong Samyo." ani Genesaret sa matandang nagtitinda ng mga bulaklak sa isang flower shop sa bayan."Walang anuman, iha. Balik ka ulit ah?" anito. Ngumiti siya sa matanda at tumango."Oo naman po!" aniya at ikinaway ang kamay rito."Mauna na po ako." aniya habang naglalakad patungo sa glass door ng flower shop habang ikinakaway parin ang kamay rito."Mag-iingat ka!" anito na tinugon niya ng tango.Nang makalabas siya, tinungo niya ang bisekleta niya na nasa tabi lang ng shop. Inilagay niya sa basket ang mga pinamili at umangkas sa bisekleta. Malapit na siya sa daan ng biglang may sumulpot na sasakyan sa kanan niya. Hindi niya napansin iyon, dahil sa labis na pagkagulat nawalan siya ng balanse na naging dahilan para matumba siya. Na nagdulot sa kaniya ng sugat sa kamay at paa. Naiiyak na siya dahil sa sakit. Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya napasulyap siya doon. Nakahanda na siyang bulyawan ang lalaki pero natigilan siya ng makita ang kabuuan ng lalaki
Nang makarating si Jarred sa mansiyon at makababasa kaniyang sasakyan. Nagtungo siya sa pintuan at agad siyang pumasok sa kabahayan tsaka hinanap ng kaniyang mata si Jasmine. Nakita niya ito sa kusina na abala sa pagtulong kay Ate Tessa. Nang humarap sa kaniya si Jasmine, nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti ito at nilapitan siya. Ipinalibot ang mga kamay nito sa kaniyang leeg. Si Ate Tessa naman na nakamasid sa kanila ay masuyong nakangiti, masaya ito dahil sa nakikitang sweetness ng dalawa."Kamusta yung babae?" anito habang natamang nakatingin sa kaniya. Hinaplos ni Jarred ang mukha ng katipan."Hindi ka nagseselos?" tanong niya na ikinapagtaka niya. Kumunot ang noo ni Jasmine."Bakit naman ako magseselos? Alam ko naman na ako lang ang mahal mo. Walang dahilan para pagselosan pa ang babae." anito na masuyong nakatitig sa kaniya. Pinisil niya ang ilong nito."Gusto ko iyan. Hm, ayos naman na siya, mukhang galos lang naman ang tinamo niya." sagot niya. Tumango-tango ito."Kamusta
"Sigurado ba kayo na sa huwes kayo magpapakasal?" tanong ni Celeste kina Jarred at Jasmine na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa sa salas. Tiningnan siya ni Jarred. Tumango siya."Opo, sigurado na po kami, Tita Celeste dahil hindi po namin alam kung anong pwedeng mangyari lalo at hindi namin alam kung nasaan si Beatriz, gusto ko rin po na sana na kapag ikakasal ulit kami, magigng ring bearer po ang magiging anak. Pasensiya na po kung yun po ang desisyon ko." hinging paumanhin niya. "At ginusto ko rin po ang desisyon ni Jasmine." segunda ni Jarred. Napatingin siya sa kasintahan at nginitian. Tumango lamang si Jarred na may ngiti sa mga labi."OKay, kung yan ang desisyon niyo. Wala na kaming magagawa pero ang gusto sana namin ay sa simbahan kayo ikasal pdero okay na rin iyon ang mahalaga maikasal na kayo." ani Tita Celeste. Hindi nakapunta ang kaniyang mga magulang dahil may biglaang meeting na kailangan nilang daluhan at nangako na babawi sila."Salamat po." aniya at bahagyang yumu
Tumagilid ng higa si Jasmine paharap kay Jarred. Ngumiti si Jarred ng magtama ang kanilang mga mata na tinugon naman niya ng isang masuyong ngiti. Hinawi nito ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tumatakbong sa kaniyang mukha at iniipit iyon sa kaniyang tainga. Nang matapos nitong gawin iyon, hinaplos nito ang kaniyang pisngi."Gusto mo ba sumama bukas? Pupunta ako kina Tita Raquel para imbitahan siya sa kasal natin." ani Jarred habang hinahaplos pa rin ang kaniyang pisngi at mataman nakatitig sa kaniya. Titig na punong-puno ng pagmamahal. Tumango si Jasmine at siya naman ang humawak sa pisngi nito."Oo, pupunta ako para ma-meet ko rin ang mga kamag-anak mo sa ina. Gusto ko silang makilala." aniya.Umusog siya para magdikit ang kanilang katawan. Ramdam niya sa ilalim ng kumot ang hubad na katawan ni Jarred at ang nag-uumigt*ng nitong sandata na animo'y handa sa anumang digmaan. Ipinalibot niya ang kamay sa katawan nito."Tiyak na matutuwa sila sa iyo, na ang isang Jarred Racqueza ay n
Sabay na lumabas si Jasmine at Jarred ng kusina tsaka nagtungo sa salas. Nagpaalam muna silang dalawa na magbibihis muna. At nang makapagbihis, sabay silang nagtungo sa salas at naupo sa sofa na kaharap ng kinauupuan ng mag-ama. Ngumiti si Jasmine sa dalawa at tumayo tsaka nilapitan ang bisita at inilahad ang kamay."Jasmine Saderra po, future wife po ni Jarred." pagpapakilala niya sa sarili. Tiningnan niya si Genesaret na tumayo at ngumiti pero ramdam niyang pilit lamang iyon. Napakunot-noo siya. Ano ang ibig sabihin nun? Agad na tinanggap ni Mr. Viesta ang kaniyang kamay."Mr. Allan Viesta, iha," nilingon nito ang anak. "at siya naman si Genesaret Viesta ang aking unica hija." pagpapakilala nito sa anak. Nang bitawan ni Mr. Viesta ang kaniyang kamay, tumayo si Genesaret at nakipagkamay sa kaniya."Nice to meet you. Sobrang bait ng asawa mo, inalagaan niya ako noong nadisgrasya ako." anito. Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Sasagot na sana siya ng sumingit sa usapan nila si Jar
Ngayon ang araw na pupunta sina Jarred at Jasmine sa tita nito na si Raquel. Abala sa sarili si Jasmine, tinitingnan ang sarili sa salamin. Inaanggulo ang sarili kung bagay ba ang dress na suot niya. Nang makontento, ngumiti siya at itinuon ang pansin sa paglalagay ng kalorete sa mukha. Si Jarred naman ay nangingiti na nakatingin sa kasintahan. Hindi niya mapigilang humanga sa taglay nitong kagandahan na siyang laging hinahanap-hanap niya sa tuwing nasa trabaho siya. Ang kagandahan na kailanman ay hindi niya pagsasawaang titigan."I'm done!" ani Jasmine at humarap kay Jarred."Bagay ba?" tanong niya sa kasintahan. Tumango ito bilang pagsang-ayon. Tumayo ito at nilapitan siya tsaka hinapit sa bewang. Pinakatitigan siya nito."Basta ikaw ang nagsusuot, bagay na bagay baby." puri nito sa kaniya na ikinangiti niya. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito na hindi pambobola lamang ang sinasabi nito. Inilapat niya ang labi sa pisngi nito."Thank you for giving me self-confidence."
Makalipas ang labim-apat na taon. May dalawang lalaki at isang babae na anak ang mag-asawang Racqueza. Ang panganay na si Jayron na dalawampung taong gulang, pangalawa si Jayraine na labing-apat at ang bunso ay Jarren na labindalawang taong gulang. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng nag-iisang babae at ang kagwapuhan ng dalawang lalaki. Sa murang edad ay responsable na ang mga ito. Si Jayron ay sinasanay ng kaniyang magulang dahil pagtuntong nito sa dalawampu't-dalawang taong gulang ay ito na ang mamamahala ng Racqueza Steel Corporation. Sa ngayon, sinasanay na siya ng ni Jarred. Soon, si Jarren at Jayraine ang mamamahala ng Saderra's Steel Corporation."Kuya, sa tingin mo ba magugustuhan nina mom at dad ang plano natin?" tanong ni Jayraine sa kaniyang kuya Jayron. Ngumisi si Jayron."Oo naman, magugustuhan iyon nina mom at dad. Alam mo naman na simpleng effort lang ay masaya na sila," anito. Nagplaplano ang magkakapatid ng sorpresa para sa kanilang magulang na ngayon ay nasa CK R
Pagdating ni Jarred sa mansiyon at maipark ang sports car sa garahe, lumabas na siya ng sasakyan kasabay ng paglabas din ni Jayron. Papunta pa lang siya sa pintuan ng lumabas si Jasmine at sinalubong siya."Baby!" anito at niyakap siya. Niyakap din niya pabalik ang asawa. Napunta ang paningin ni Jasmine sa anak."Hello baby," anito."Good afternoon, mommy. Sabi ni dad may surprise ka daw po sa kaniya? Ano po iyon?" kuryos nitong tanong. Tumingin sa kaniya ang asawa at ngumiti."Yes, i have a suprise. Kaya pipiringan ko ang daddy mo, okay? Kapag nakita mo ang surprise ni moomy sa loob huwag kang maingay ah," anito na at inilagay ang hintuturo sa labi nito. Tumango-tango naman si Jayron. "Yes, mommy! Promise, quiet lang ako!" masigla nitong sagot. Napangiti na naiiling na lang siya. Hinarap siya ni Jasmine at naglabas ng panyo saka nagtungo sa kaniyang likuran at piniringan."Baby, na-eexcite tuloy ako sa surpresang ito? Gender reveal ba ito?" tanong niya. Naramdaman niya na natigilan s
Makalipas ang anim na buwan, may kalakihan na ang tiyan ni Jasmine. Nahirapan man siya sa pagbubuntis pero kinakaya niya. Naging maselan din ang paglilihi niya pero dahil sa pag-alalay sa kaniya ng asawang si Jarred, hindi niya naramdaman ang hirap. Ginawa nila ang lahat para maging malusog ang bata. Umiwas rin siya sa mga bagay na makakapagdulot sa kaniya ng stress at pagod. Umabsent muna siya sa trabaho ngayong araw. Nagprisinta ang kaniyang ama na ito na muna ang bahala sa mga trabaho niya ng araw na iyon. Sabagay, nandoon naman si Claria para gabayan ang kaniyang ama. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ang repleksiyon sa salamin. Napangiti siya habang tinitingnan ang may kaumbukan niyang tiyan. Tatlong buwan na lang ilalabas na niya ang kanilang anak ni Jarred. Hindi pa nila alam ang kasarian ng kanilang anak. Pupunta pa lang ngayon si Jasmine sa OB-Gyne para magpa-ultrasound. Sasamahan siya ng kaniyang ina. Hinihiling na sana ay babae ang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Habang hinihintay ni Jasmine ang asawa na mga sandaling iyon ay patungo na sa Breadshop para bilhin ang ube cake na pinaglalawayan niya. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Pupunta siya sa Cruz Drug Store di-kayuan sa gusali para bumili ng pregnancy test."Mrs. Racqueza saan po kayo pupunta?" tanong sa kaniya ni Claria ng matapat siya sa mesa nito. Mula sa ginagawa ay nag-angat ito ng tingin. Lumingon siya rito at nginitian ang dalaga."Pupunta ako ngayon sa Cruz Drug Store para bumili ng pregnancy test. Gusto kong malaman kung buntis nga ba talaga ako lalo at nagcra-crave ako ng ube cake. Nagpabili nga ako kay Jarred eh," pagbibigay-alam niya. Kahit papaano naging malapit na sina Jasmine at Claria kaya nasasabi na rin niya rito ang ibang mga bagay patungkol sa kaniya. Natutop ni Claria ang labi kasabay ng panlalaki ng mga mata dahil sa gulat."Baka na po kayo?!" mangha nitong tanong."Hindi pa naman ako sigurado. Baka nagcra-crave lang ako pero..." Huminto siya sa pagsasalita ng maisi
Isang buwan ang nakalipas matapos ang kasal nina Jasmine at Jarred. Bumalik na rin siya sa trabaho sa Saderra Coffee Factory. May mga trabaho man siyang nadatnan dahil sa isang buwan na pagkawala, hindi naman niya kailangan gawin iyon kaagad. Kasama naman niya si Claria na tapusin ang mga iyon. Nang araw na iyon ay maaga siyang pumasok sa opisina. Inihatid siya ng asawang si Jarred. Nagsuhesiyon siya na kumuha na lang sila ng private driver para hindi ito mahirapan lalo at may kalayuan ang Racqueza Steel Corporation pero tumanggi ito. Ang sabi nito, mas mabuti na ito pa rin ang maghatid sa kaniya dahil ayaw nitong ihabilin siya sa iba. Bilang asawa, obligasyon nito ang kaligtasan niya at ayaw nitong ipasuyo sa iba ang bagay na kaya pa naman nitong gawin. Napangiti siya nang maalala ang pag-uusap nila tungkol doon. Kitang-kita sa mga mata ni Jarred ang labis na pagmamahal at pagtangi sa kaniya. Na sa tagal nilang pagsasama ay kailanman hindi iyon nagbago bagkus mas lalo pa iyong lumal
Ito na ang araw na pinakahihintay ni Jasmine. Ang muling pag-iisang dibdib nila ni Jarred. Narito siya ngayon sa kaniyang kwarto at inaayusan ni Celine. Habang nakatingin siya sa repleksiyon niya sa salamin, hindi niya maiwasan ang mapangiti. Ibang-iba ang babae na nakikita niya sa kaniyang harapan. Babaeng punong-puno ng pag-asa ang mababakas sa kaniyang mukha. Napakaganda rin niya ng mga sandaling iyon. Gandang para lang kay Jarred. Pumalakpak si Celine nang matapos siya nitong ayusan."Ayan! Perfect!" bulalas ni Celine habang nakangiti na nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin. Nagtama ang mga mata nila. Makikita sa mga mata ni Celine ang kasiyahan para sa kaniya. "Napakaganda mo, Jasmine. Walang tulak kabigin ang iyong kagandahan. Tiyak na mas lalong maiinlove sa iyo si Jarred," anang kaniyang kaibigan. Ngumiti siya. Maski din naman siya ay lalong naiinlove sa asawa. "Thank you, Celine. Maraming salamat dahil ikaw ang kaibigan ko," aniya at nilingon ang kaibigan. Ngumiti ito.
Napabaling ang tingin ni Jasmine sa pintuan mula sa binabasang report galing sa isang branch nang marinig niya ang pagsigaw ni Jayron. Napangiti siya ng makitang nakatayo ang kaniyang anak at ang kaniyang butihing asawa sa pintuan na may ngiti sa mga labi. Bakas ang kasiyahan sa mukha."Mommy!" masiglang sigaw nito. Tumayo siya sa mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumabas sa mesa."Baby Jayron!" aniya at sinalubong ang anak nang patakbo itong lumapit sa kaniya. Yumuko siya para mayakap at anak at binuhat ito. "I miss you, baby," aniya at hinalikan ang pisngi nito. Hawig na hawig talaga ito ni Jarred. Wala man lang itong nakuha sa kaniya. Ayos lang. Malay mo sa susunod na magbuntis siya kamukha niya na."I miss you too, mom," tugon nito at mas niyakap siya ng mahigpit. Kumalas siya sa pagkakayakap rito at muling hinalikan sa pisngi."Kamusta ang pag-aaral. Nakikinig ka ba kay teacher?" tanong niya. Ngumiti ito."Okay naman po. Madami po akong natutunan at nakinig po akong mabuti ka
Si Jarred na ang naghatid kay Jayron sa eskwelahan. Hindi na sumama si Jasmine dahil may mga aasikasuhin pa ito sa opisina. Preparatory na siya ngayon. Nang marating ang eskwelahan, inihatid na niya sa silid-aralan ang anak. Ipinakisuyo niya ang anak sa guro nito na si Mrs. Lee."Kayo na po ang bahala kay Jayron, Ma'am Lee," aniya. Tumango na may kasamang ngiti ang guro."Oo naman po, Mr. Racqueza," sagot nito."Susunduin ka ni Daddy mamaya, huh?" aniya."Okay po," sagot nito. Inakay na ni Mrs. Lee si Jayron patungo sa silya nito.Nginitian niya ang guro at umalis na ng silid-aralan. Nang marating niya ang kanyang mamahaling kotse, pumasok siya at pinasibad iyon patungo sa Jewelry Shop ni Celeste. Nang marating iyon, ipinark niya ang sasakyan sa parking area ng shop saka lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng jewelry shop. Nang makapasok siya, ngiti ang ibinungad sa kaniya ng saleslady."Good day, Sir Racqueza," bati nito. Tipid niya itong nginitian."Good day rin. Nandiyan ba si M
Pagdating nila Jasmine at Jarred sa mansiyon. Nagkatinginan silang dalawa ng makitang may itim na sports car sa labas ng gate. Lumabas si Jarred ng lamborghini at nilapitan ang gwardiya."Kanino pong sports car, iyon?" tanong nito habang ang mga mata ay nasa sasakyan."Bianca Cardova po kasama po niya ang anak niya. Pinapasok na po ni Tessa," pagbibigay-alam nito. Marahil alam ni Tessa na walang gagawing masama si Bianca kaya pinapasok na ito sa bahay. Hindi rin maganda kung sa labas sila mananatili. Lumabas si Jasmine at nilapitan ang asawa."Sino daw iyon, baby?" tanong niya. Liningon siya ni Jarred."Si Bianca at Beatriz, baby. Nandito sila sa bahay," anito. Tumango-tango siya. Marahil ay may sadya ang mga ito kung bakit sila narito."Mabuti pa pumasok na tayo sa loob ng bahay para makausap na rin natin sila," aniya na tinugon naman ng tango ni Jarred. Bilang gentleman, pinauna siya ng asawa maglakad at hindi napigilan ni Jasmine mapangiti sa ginawa ng asawa. Nang makapasok sila sa