Si Xavier Morgan ay isang lampang pulis na wala ng ibang ginawa kun'di ang maging palpak maski sa maliliit na gawain. Siya ay nasa pamamahala ni Aurelia Raine Aragon na mahusay sa lahat ng bagay dahilan upang maitalaga sa kaniya ang binata nang sa gayon ay maturuan niya ito. Ngunit paano na lang kung may nakakubli palang galit sa kabila ng maamong mukha ni Xavier?
View MoreHINDI NA kinailangan pa ni Aurelia na ipakita ang ID card nito sa guard nang sila'y makarating na sa tagong bar. Kilala na kasi ito sa lugar na iyon ngunit hindi maitatago ang kuryosidad sa mukha ng guard dahil ang kasama ng dalaga ay hindi ang mga dati nitong kainuman, idagdag pa na bagong mukha lamang si Xavier sa paningin nito. Paano nga ba naman sasama ang mga dating kainuman ni Aurelia kung wala na silang buhay ngayon dahil sa ginawa ng grupo ng kaniyang kapatid. Sa huli ay pinagpatuloy na lamang ng bantay ang trabaho nito nang may magsidatingan nang mga iba pa.Bumungad sa kanilang pandinig ang naglalakasang tugtog ng musika. Inilibot ni Xavier ang kaniyang paningin sa paligid nito. May mga eksaheradong nagsasayawan, may mga mangilan-ilan namang umiiyak dahil siguro sa pagiging sawi nila, may mga lumalaklak din sa kani-kanilang mga alak, at ang mas ikinagulat pa niya ay iyong mga gumagawa ng kababalaghan na walang kahit na anong bahid ng kahihiyan na nararamdaman kahit hubo't hu
"ANO?! Dalawa lang ang natira sa halos batalyong pulis na kasamahan mo, Major Aragon?!" pagalit na katanungan ni General Fernandez sa dalagang si Aurelia na kasalukuyang tinatanggap ang mga sermon niya mula pa kanina. Natapango ito bilang pagtugon. "Opo, General. Lahat po ay patay na nang sinuri namin muli ang lugar," dagdag salaysay niya pa upang maireport ang lahat ng nangyari."Kahapon pa naganap ang pagsugod ninyo roon, hindi ba? Bakit ngayong kinaumagahan lang din kayo nagtungo rito kung gano'n?" kuwestiyon pa nito.Malalim na lamang na napabuntong-hininga si Aurelia. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya napagalitan, lahat noon ay perpekto, ngayon lamang ito nagkapalpak sa trabaho. "Nadakip po kami ng mga kalaban, General. Nakatakas lang po kami noong tulog pa ang mga sindikatong iyon. Sabay po kaming tumakas ng mga kasama ko. Pagkatapos po niyon ay nagpunta kami sa lugar upang tingnan kung may nakaligtas pong mga pulis pero sa kasamaang palad ay binawian na po silang lahat ng
KINAUMAGAHAN ay nagising si Aurelia nang may naramdaman siyang pagtapik ng kung sino man sa kaniyang pisngi. Hindi na muna ito nagmulat ng kaniyang mga mata. Natatatakot siya na baka totoo ang mga huling naalala nito bago siya mawalan ng malay.Sa mga oras na iyon ay hinihiling niyang bangungot lang ang nangyari't mahimbing lamang siyang natutulog sa kaniyang kuwarto pagkagising niya. Ngunit nang maglakas-loob siyang magmulat ay hindi pamilyar na lugar ang siyang bumungad sa kaniyang paningin dahilan upang ang kapiranggot na natitirang pag-asa sa loob niya ay biglang naglaho."Aurelia, makinig ka sa 'kin." Naagaw ang kaniyang atensiyon nang marinig ang boses na iyon na ayaw niya muna sanang marinig pansamantala. Kahit hindi niya man gustuhin ay hinarap niya ang kaniyang nakatatandang kapatid na kasalukuyan siyang pinagmamasdan nito na tila ba siya ay natatakot sa ano mang magiging reaksyon ng dalaga.Nagkatinginan silang dalawa. Gustong magsalita ni Aurelia, marami siyang nais na itan
"SIGURADO po ba talaga kayong isasama namin 'yang si Xavier sa new mission, General?" Muling napatango ang boss nila nang magtanong ulit sa kaniya si Aurelia. Agad na makikita sa mukha nito ang labis na pagtutol. "General, alam niyo naman siguro kung gaano kalampa 'yon? Maski maliliit na bagay ay palagi siyang palpak!" Hindi niya mapigilang mapahilot sa kaniyang sentido habang inaalala lahat ng mga walang ambag na ginawa ni Xavier, ang bagong pulis na nadestino sa kanilang distrito.Sa kamalas-malasan pa ay kay Aurelia siya naitalaga upang ito ay maturuan. Kada nakikita niya ang binatang iyon ay kumukulo ang kaniyang dugo dahil pagod na siya sa kakaturo tapos parang wala man lang natutunan ni katiting ito."Kaya nga isasama ninyo siya sa pakikipaglabanan nang matuto pa. Hindi naman siya makikigyera, magmamasid lamang siya sa mga galawan ninyo at malay natin kung balang araw ay gumaling na 'yan," paliwanag ni General Fernandez sa dalaga.Napilitang napatango siya dahil kung iisipin ay
"DADDY! I made it! 'Yong ipinagkatiwala sa akin ni Major Cessar na malaking project, napagtagumpayan namin ng mga naka-aasigned sa akin! Pinuri lahat nila ako nang ilang ulit!" Pagkatapos ng nakapapagod na araw ni Aurelia sa trabaho ay agad siyang nagtungo sa kanilang mansiyon upang maligayang ibalita iyon sa kaniyang pamilya. Nauna lamang niyang inanunsiyo sa ama nito na nadatnan niyang abala sa kung ano man ang ginagawa nito sa laptop niya.Tinanggal nito ang reading eyeglasses niya na suot sa mata bago ngitian nang malawak ang kaniyang anak. "Good job, Aurelia. You really did it! Keep it up, anak," puri nito sa dalaga na mas lalong napatalon-talon sa tuwa. Iyon kasi ang unang pinamunuhan niya na malaking misyon kumpara noon na madadali lang ang ipinapagawa sa kaniya.Nagmadali rin siyang nagpunta sa ina nito pati na rin sa kapatid niyang lalaki na abala sa pag-eensayo ng baril sa tagong practice room nila. Kagaya ng reaksyon ng kaniyang ama ay gano'n din ang natanggap niya sa ina a
NAKAPUWESTO na ang lahat sa kani-kanilang mga area kung saan sila itinalaga. Magkatabi ang dalagang si Louise at ng kasintahan nitong si Blake. Pareho silang nakadapa sa damuhan na seryosong inaayos ang kanilang mga hawak-hawak na baril.Nang magkatagpo ang kanilang mga mata ay pareho na lamang silang napangiti. Halata sa kanilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Hinawakan ng binata ang kamay ng kaniyang nobya at marahang hinaplos iyon."Magkasama nating tatapusin ang laban na 'to at pareho tayong uuwi nang may ngiting tagumpay sa mga labi natin. Kailangan mong tumupad sa pangakong iyon, mahal," wika nito sa kasintahan.Tumango ito sa kaniya. Hinaplos niya rin siya pabalik bago tumugon. "Nangangako ako sa 'yo, Blake. Ilang araw na lang ay magaganap na ang kasal natin. Ngayon pa ba tayo matatakot? Marami na rin tayong labang pinagsamahan kaya magtiwala ka sa kakayahan ng grupo. Mananalo tayo rito kahit na ano pa man ang mangyari." Kung makapagsalita ang dalaga ay parang na
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments